You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Bulacan
District of Doña Remedios Trinidad
ALEJANDRO E. FLORES SR. ELEMENTARY SCHOOL
Sitio Puting Buhangin Camachile, DRT., Bulacan

___________________________________________________________________________________________________________

BANGHAY - ARALIN SA AGHAM III

I. LAYUNIN

1. Natutukoy ang iba’t-ibang pinagmumulan ng liwanag/init na naaayon sa mga larawan o tunay na


bagay.
2. Nabibigay ang ngalan ng mga natural / artificial na liwanag.
3. Nauuri ang mga pinagmumulan ng Liwanag/init likas man o artipisyal.

II. PAKSANG ARALIN

Natural at Artipisyal na Liwanag

Sanggunian: Science, Kagamitan ng Mag-aaral pahina 129-130


Kagamitan: Larawan, laptop, Flashcards, TV
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa tunay at di-tunay na liwanag

III.PAMAMARAA

1. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtatala ng liban sa klase
5. Pampasiglang bilang

“Kislap Kislap Munting Bituin”

I. Kislap kislap munting bituin


Paano kita abutin?
Sa langit nagniningning
Di ko kayang sungkitin
Kislap kislap munting bituin
Paano kita abutin?

II. Kislap kislap munting tala


Sa gabi makikita
Para kang alitaptap
Sa dilim kumikislap
Kislap kislap munting tala
Sa gabi makikita

III. Hirang ka munting ilaw


Sa umaga di matanaw
Bulilit ka kung tignan
Kuya mo ba ang buwan?
Hirang ka munting ilaw
Tatay mo ba ang araw?
(Repeat I, 2x)
6. Drill:
Babasahin ng mga bata ang mga salita na nakasulat sa plaskard.

araw bituin flashlight


apoy buwan kandila

7. Balik-Aral:
Isulat ang tamang salitang naglalarawan sa posisyon ng bagay, hayop, o tao sa bawat
larawan. Pumili ng salita sa loob ng kahon.

Ibabaw likod kanan lamesa cabinet


Ilalalim unahan harap kaliwa batang lalaki

1. Ang aklat ay nasa ___ng____.

2. Ang bola ay nasa ___ng ___ .

3. Ang pinto ay nasa ___ng ___ .

4. Ang pusa ay nasa___ng___.

5. Ang mga lobo ay hawak ng batang babae sa kaniyang ____kamay.


8. Pagganyak

a. Pagpapakita ng larawan
b. Pagbasa ng maikling kwento;

Ang Campfire
Isang “summer vacation”, si Rico ay nagpasyang sumama sa kamping.
Maaga pa ay naglaba na siya ng mga damit na dadalhin sa “campsite” at
pinatuyo ang mga ito sa init ng araw. Siya ay nagdala ng “flashlight”, posporo,
ganon din ang kanyang mga pagkain at damit.
Habang nasa kamping ay maraming mga gawain at palaro ang
masayang ginagawa ng mga campers.
Bandang 6:30 ng hapon ang lider ay nagsalita, “ Mga bata, lumabas
tayo para sa campfire”.
“ Pero sir, papadilim na sa labas”, ang sabi ng mga campers.
“ Huwag kayong matakot mga kasamang iskwats. Ako ay mayroon
ditong “flashlight”. Ito’y magiging liwanag natin patungo sa pook ng campifire
“, ang sabi ni Rico.
Ang mga iswats ay bumuo ng pila at nagtungo sila sa lugar ng
“campfire.”
“ Sir, mayroon akong posporo dito. Magagamit natin ito sa
pagpaparikit ng apoy”, sabi ni Rico.
“Salamat sa iyo Rico!. Ikaw talaga ay masasabing iskwat”, ang sabi ng
lider.
Maya- maya ay nagsimula na ang “campfire” at ang mga “campers” ay
masayang lumibot habang umaawit sa ilalim ng maliwanag at bilog na buwan
at kumukutitap na mga bituin.

2. Paglalahad

Maglalahad ng ilang katanungan ang guro ukol sa binasang kwento.

1. Ano ang nakatulong kay Rico sa pagpapatuyo ng kanyang damit?


2. Ano ang iba pang bagay ang nakapagpapaliwanag sa gabi nila habang nasa camping?
3. Ano ang nakatulong sa kanila sa pagpapaliwanag ng kanilang daan patungo sa lugar ng
campfire?
4. Ano ang kanilang ginamit sa pagpaparikit ng apoy?

3. Pagtalakay

Kukuha ang mga mag-aaral ng mga larawan / tunay na bagay sa bulsa / bag ni Rico at kikilalanin nila
ang mga ito. Magbibigay ang guro ng ilang katanungan at pagkatapos ay ilalagay nila ang larawan sa tamang
hanay.

1. Ano ang ibinibigay ng araw sa atin?


Ang araw ay nagbibigay liwanag sa atin at nagbibigay init sa daigdig.
Ang araw ba ay maituturing natin na likha ng Panginoon o likha ng tao?
Ang araw ay likha ng Panginoon.

2. Ano ang ibang mga bagay na makikita natin sa himpapawid kung gabi?
Ang makikita natin tuwing gabi sa himpapawid ay buwan at bituin.
Ano ang naibibigay ng mga ito sa atin?
Nagbibigay ang mga ito sa atin ng kaaya-ayang liwanag sa dilim.
Ito ba ay likha ng tao o likha ng panginoon?
Ang buwan at mga bituin ay likha ng panginoon.

3. Kailan natin madalas ginagamit ang flashlight?


Ang flashlight ay ginagamit kapag madilim ang kapaligiran.
Malaki ba ang naitutulong ng flashlight?
Malaki ang tulong na naibibigay ng flashlight dahil sa taglay nitong liwanag.
Ang flashlight ba ay likha ng panginoon o likha ng tao?
Ang flashlight ay likha ng tao.

4. Saan natin ginagamit ang posporo?


Ginagamit natin ang posporo upang makalikha ng apoy.
Ang posporo ba ay likha ng tao o lilkha ng diyos?
Ang posporo ay likha ng tao.

5. Saan madalas ginagamit ang bombilya?


Ang bombilya ay madalas na ginaagamit sa loob ng tahanan.
Ito ba ay may malaking naitulong sa atin?
Ang bombilya ay malaki ang naitutulong sa atin dahil sa liwanag na ibinibigay nito sa bawat tahanan
tuwing gabi.

Lagyan ng tsek (√) ang larawan kung ito ay natural ( tunay) at ekis (x) naman kung ito ay artificial
(di-tunay).

1. _____ 2. ______ 3._______

4._____ 5.______

.
C. Paglalahat
 Paano natin matutukoy ang natural na liwanag? Paano naman ang artificial na liwanag.
-Matutukoy natin ang natural na liwanag kung ito ay likha ng diyos.
-Matutukoy natin ang artificial na liwanag kung ito ay likha ng tao.

 Paano natin mapapangalagaan ang artipisyal liwanag?


-Mapapangalagaan natin ang artificial na liwanag sa pamamagitan ng wastong pag-gamit nito.

D. Paglalapat

Ang klase ay mahahati sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay makakatanggap ng kahon


Ang unang pangkat ay magsasagawa ng prime suspect. At ang pangalawang pangkat naman ay
magsasagawa find the missing piece.
IV. PAGTATAYA

Isulat ang (N) kung ito ay natural na liwanag at isulat naman ang (A) kung ito ay artificial na
liwanag. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

______1. ilaw
______2. araw
______3. buwan
______4. flashlight
______5. apoy

V. Takdang-Aralin:

Gumuhit ng tatlong (3) halimbawa ng natural na liwanag at tatlong (3) halimba ng artificial na liwanag.

Inihanda ni:

Bb. RODA P. DORDE

Student Teacher

Binigyang Pansin ni:

MARLEEN DT. BAUTISTA

Cooperating Teacher

Sinang-ayunan ni:

RONA C. CASTRO

Teacher in Charge

You might also like