You are on page 1of 4

PINAGSUMILAN ELEMENTARY SCHOOL

Asignatura: Agham 3 - IKATLONG MARKAHAN - Ikalawang Linggo

Nilaang Oras ng Pagkatuto: 50 minuto

Ginamit na Wika: Mother Tongue (Tagalog) (1-2 araw)

I. Layunin:
1. Matukoy ang iba’t ibang pinagmumulan ng liwanag/ init na naaayon sa mga larawan o
tunay na bagay
2. Matukoy ang mga halimbawa ng likas o artipisyal na pinagmumulan ng liwanag/ init
3. Mauri ang mga pinagmumulan ng liwanag/ init likas man o artipisyal

II. Paksang Aralin


A. Mga Kasanayan
1. Pagtukoy ng iba’t ibang pinagkukunan ng liwanag/ init na naayon sa mga
larawan o aktwal na halimbawa ng bagay
2. Pagtukoy ng mga halimbawa ng likas o artipisyal na pinagmumulan ng
liwanag/ init
3. Pagbubukud- bukod ng mga pinagmulan ng liwanag/ init

B. Mga proseso
Pagkilala, Pagtukoy, Pagmamasid, Pagbubukud-bukod

C. Pagbubuo ng Konsepto
1. Ang araw, buwan, mga bituin, elektrisidad, “ flashlight”, kandila, lampara,
lighter, posporo, baterya o apoy ay mga pinagmumulan ng liwanag o init.
2. Ang mga bagay na ito ay nakapagbibigay ng liwanag, init o parehong liwanag
at init.
3. Ang araw ang pangunahing pinagmumulan ng liwanag at init. Ang liwanag at
init ay maaari ring malikha sa pamamagitan ng “friction, elektrisidad o
pagsusunog.
4. May dalawang uri na pinagmumulan ng liwanag/ init-
ang likas at artipisyal na pinagmumulan.

D. Mga sanggunian
Growing with Science and Health 3
Cyber Science 3 pp. 215- 221
K to 12 Curriculum Guide 3 p.13

E. Mga Kagamitan
Tunay na bagay/Larawan ng mga bagay na pinagmumulan ng liwanag at init

F. Pagpapahalaga
Maasahan

III. Pamamaraan

A. Balik – aral
Kumuha ng larawan ng bagay, sabihin kung pinaandar ng kuryente, bateriya O
parehong kuryente at bateriya.
Halimbawa : washing machine, plantsa, at iba pa
B. Pagganyak
Pagbuo ng photo puzzle gaya ng larawan ng araw, siga, sulo at iba pa, pagkatapos
buuin ang larawan sabihin ang pangalan nito.

C. Paglalahad
1. Ipinakikita ng guro ang sagot ng mga bata.

Araw flashlight
buwan posporo
mga bituin siga

Pagtatalakay
1. Ano ang ibinibigay ng araw sa atin?
2. Ano ang kahalagahan ng liwanag at init na ibinibigay ng araw?
3. Ano ang ibang mga bagay ang makikita natin sa himpapawid kung gabi? Ano
ang naibibigay ng mga ito sa atin?

2. Video Presentation sa pinagmumulan ng liwanag

D. Pangkatang Gawain
1. Pamantayan/Rubric sa pangkatang gawain
2. Pangkatin ang klase sa tatlong pangkat.

Pangkat 1 –
I. Layunin: Matukoy ang mga halimbawa ng likas o artipisyal na pinagmumulan ng
liwanag/ init.
II. Kagamitan : sikat ng araw, basang papel, bagay sa paligid
III. Pamamaraan
1. Ang bawat isa ay magbasa ng papel at ibilad sa araw ng 5minuto.
2. Habang nakabilad ang papel magtala ang bawat isa ng mga bagay nanakikita sa
paligid.
IV. Obserbasyon
1. Ano ang pinagmulan ng init upang matuyo ang papel?
2. Bakit makapagtala ka ng mga bagay sa iyong paligid?
3. Ano- ano ang ibinibigay ng araw?
V. Paglalahat
Punan ang patlang.
Ang _ _ _ _ ay pangunahing pinagmumulan likas na _ _ _ _ at liwanag.

Tandaan : Gumamit ng payong o sombrero bilang proteksyon sa init ng araw.


Hwag tumingin ng direkta sa sikat ng araw.

Pangkat 2 –

I. Layunin : Matukoy ang mga halimbaawa ng likas o artipisyal na pinagmumulan ng


liwanag/ init.
II. Kagamitan : malaking kahon, larawan flashlight, kandila at posporo
III. Pamamaraan
1. Gamitin ang flashlight upang makita ang mga larawan na nakadikit sa loob ng kahon
2. Itala ang mga larawan na ito.
3. Sindihan ang kandila gamit ang posporo upang gamitin upang makita ang mga bagay sa
kahon
4. Itala ang mga bagay na ito.

IV. Obserbasyon
1. Ano- ano ang ibinibigay ng flashlight upang makita ang mga larawan sa loob ng kahon?
2. Saan kumuha ngliwanag ang flashlight?
3. Bakit mabilis mong pinatay ang lighter o posporo?
4. Maliban sa liwanag ano pa ang ibinigay ng kandila at lighter?

V. Paglalahat
Punan ang patlang.
Ang _ _ _ _ _ _ _ _ _ _, _ _ _ _ _ _ _, _ _ _ _ _ _ _ ay halimbawa ng artipisyal na mga
bagay na pinagmumulan ng init at liwanag.

Tandaan : Patayin agad ang posporo, kandila at lighter pagkagamit upang maiwasan ang sunog

Pangkat 3 –

I. Layunin : Matukoy ang mga halimbawa ng likas o artipisyal na pinagmumulan ng


liwanag/ init.
II. Kagamitan : dalawang bato, larawan
III. Pamamaraan
1. Gamit ang dalawang bato ikuskos ito sa isat isa.
2. Tingnan ang mga larawan pangkatin ang mga bagay na likas /artipisyal ang
liwanag at init.
III. Obserbasyon
1. Ano ang ibinibigay ng pagkuskos ng dalawang bagay?
2. talaan ng bagay na likas /artipisyal ang liwanag at init.

V. Paglalahat
Punan ang patlang.
1. Ang _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ o friction ay maaaring pagmulan ng init at liwanag.
2. May _ _ _ _ _ at _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ na pinagmumulan ng liwanag/ init.

E. Pag- uulat ng bawat pangkat at pagwawasto ng bawat rubrics.


F. Pagpapahalaga
Sagutin ang sitwasyon
Nagsindi si nanay ng Christmas light, nakita mong nakatulog na siya, ano ang dapat
mong gawin sa Christmas light na kanyang sinindihan. Bakit?

G. Pagbuo ng konsepto
Ipabigkas ang tulang

Liwanag at Init
Init at liwanag si Haring araw ang pinagmulan
Na aking kaagapay sa aking paglalakbay
Katuwang mo pa ni araw sina bituin at buwan
Nasayo kumukuha ng lakas ng init at kinang.

Sina sulo , kandila, kuryente, layter, posporo


At kasamang iba pa, artipisyal man ang init at liwanag nila
Malaking tulong sa kadilimang bumabalot sa bawat isa
Kayat laging bitbit sa aking bulsa.

Likas man o artipisyal ang pinagmumulan ng liwanag at init


ika’y kailangan nitong daigdig.
H. Pagsasanay
a. Pangkatin ang likas at artipisyal na pinagmumulan ng liwanag at init (larawan)
b. Hanapin ang iba’t ibang pinagmumulan ng linawag at init sa maze.
(Activity sheet)

IV. Iguhit ang araw kung likas na pinagmumulan ng liwanag at init at


buwan kung artipisyal.
1. buwan
2. Posporo
3. fluorescent
4. Bituin
5. kandila

V. Pagtataya - Iguhit ang araw kung likas na pinagmumulan ng liwanag at init at


buwan kung artipisyal.
1. Christmas light
2. araw
3. Elektridad
4. Sulo
5. Layter

VI. Takdang – Gawain “Science notebook.”


Punan ang patlang ng wastong salita upang mabuo ang konsepto.
1. Ang _________ ay pangunahing pinagmumulan ng init at liwanag.
2. Ang __________________ ay nagbibigay ng liwanag kung gabi.
3-4.Kung ang isang bagay ay nasusunog, nagbibigay ito ng __________________
at__________________
5. Ang __________________ at artipisyal ay pinagmumulan ng liwanag at init.

Inihanda ni:

ROSA T. CABIGAN
Grade III - Teacher

Note :
Please check and improve…Thank you

You might also like