You are on page 1of 11

PANGALAN:_________________________________

BAITANG/SEKSYON:____________________________
3
SCIENCE
Kwarter III – Linggo 4
Init at Liwanag

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Science - Baitang 3
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 4: Init at Liwanag
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Rixon E. Medeci


Pangnilalamang Patnugot: Ali Jr. G. Pinzon DComm
Editor: Ali Jr. G. Pinzon DComm
Tagawasto: Ali Jr. G. Pinzon DComm
Mga Tagasuri: Felisima G. Murcia PhD, Rolando A. Taha EdD, Ali Jr. G. Pinzon DComm,
Jasmin P. Jasmin PhD, Meliza O. Regalo, Rixon E. Medeci, at Christine Anne C. Rey

Tagaguhit: Rexeanne Faith San Jose- Medeci


Tagalapat: Rixon E. Medeci
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Rolando A. Taha EdD, EPS-Science
Felisima G. Murcia PhD, District Supervisor
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Liezl O. Arosio, Carissa M. Calalin,


at Carmencita Daculap,

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Init at Liwanag
MELC: Describe the different uses of light, sound, heat, and electricity in everyday life

Mga Layunin:
1. Nauuri ang liwanag-natural (tunay) o artificial (di-tunay)
2. Nakikilala ang mga bagay na nagbibigay ng liwanag o init
3. Nailalarawan ang mga gamit ng liwanag o init

Subukin Natin

Panuto: Basahin ang mga katanungan at isulat sa patlang ang


titik ng tamang sagot.

______1. Nakatira sa Sitio Talaudyong, Barangay Bacungan itong si


Ysabel. Dahil hindi pa naabot ng elektrisidad ang kanilang
lugar, kung kaya’t madalas itong gumawa ng kaniyang mga
takdang aralin sa gabi dahil ito lamang ang oras para
sagutan ang mga ito. Sa iyong palagay, anong ilaw ang
ginagamit nitong si Ysabel sa pag-aaral sa gabi sa loob ng
kanilang bahay na nakapagbibigay ng liwanag at init?
A. araw C. lampara
B. buwan D. bituin
______2. Kung ang gas stove ay ginagamit sa pagluluto, ano naman
ang gamit ng LCD projector?
A. ginagamit upang makabenta
B. ginagamit upang maibsan ang kalungkutan
C. ginagamit upang malaman ang magnanakaw
D. ginagamit upang maipakita ng mas malaki ang mga
imahe mula sa laptop o cellphone
______3. Alin sa sumusunod ang natural o tunay na pinagkukunan ng
liwanag?
A. araw C. flashlight
B. kandila D. flourescent lamp
______4. Ang sumusunod ay mga artificial light o di-tunay na liwanag
MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. bituin C. flourescent lamp
B. kandila D. LASER

1
______5. Tuwing gabi sa Lungsod ng Puerto Princesa ay makikita ang
mga makukulay na ilaw sa daan na kinagigiliwan natin. Ano
kaya sa palagay mo ang gamit ng mga ilaw na ito?
A. upang lumiwanag at makita ang daan
B. upang maragdagan ang gastos ng gobyerno
C. upang makita ang mga magnanakaw sa gabi
D. upang magkaroon ng kulay ang lungsod

Ating Alamin at Tuklasin


Tingnan at pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba.

Ano-ano ito? Ano


kaya ang naitutulong
nito sa ating pang-
araw-araw na
pamumuhay?

Ang liwanag ay mahalaga sa ating pang-araw-araw na buhay.


Nakatutulong ito upang makita natin ang mga bagay sa ating paligid.
Ang liwanag ay maaaring natural o tunay o di kaya artipisyal o
di-tunay.
Ang mga bagay na galing sa kalikasan at gawa ng Diyos ay tinatawag
na natural light o tunay na liwanag tulad ng araw. Ang araw ay
pangunahing pinagmumulan at pinagkukunan ng ilaw at init ng mga
bagay na may buhay sa ating mundo.
May mga bagay din na akala natin ay nakapagbibigay ito ng liwanag
ngunit ang mga ito ay nanghihiram lamang ng liwanag na galing sa
araw. Halimbawa nito ay ang buwan.

2
Ang liwanag naman na nagmumula sa mga bagay na gawa ng tao
ay tinatawag na artificial light o artipisyal na liwanag. Ang mga
halimbawa nito ay ang flashlight, bombilya, at iba pa. Ito ay
nagtataglay din ng init.
Ang nasusunog na mga kahoy at electrical appliances tulad ng oven
at plantsa ay ilan sa mga halimbawa na pinagkukunan naman ng init.
Ngayon naman, pag-aralan natin ang iba’t ibang gamit ng liwanag at
init gamit ang tsart sa ibaba.
Gamit ng Liwanag/Light Gamit ng Init/Heat
• Ang liwanag ng araw ay nakatutulong • Nakapagpapatuyo
upang makita ang mga bagay sa paligid. ang init ng araw ng
• Nakatutulong ang sikat ng araw na mga bagay dito sa
makagawa ng pagkain ang mga mundo.
halaman. • Nakaluluto ng
• Natutulungang kontrolin ang trapiko sa pagkain ang gas
daan gamit ang traffic light. stove.
• Ginagabayan ang mga sasakyang • Nakapag-iimbak o
pandagat sa gabi ng lighthouse at nakakapagcharge ng
nagsisilbing paalala upang makaiwas sa mga solar panel ang
sakuna. init ng araw.
• Ang laser light ay ginagamit bilang • Nakapagbibigay ng
pointer sa mga presentasyon. bitamina sa katawan
• Ang makukulay na mga ilaw kagaya ng ang init ng araw.
christmas light ay ginagamit na palamuti • Ang plantsa ay
o nagpapaganda ng isang lugar. ginagamit para
• Ang LCD projectors ay ginagamit para maiayos ang mga
magbigay ng mga larawan sa screen. kusot na damit.
• Ginagamit ang fireworks sa tuwing may
mahahalagang okasyon katulad ng new
year na nagbibigay ng iba’t ibang
liwanag at saya sa mga tao.

Pero alam mo ba na ang sobrang liwanag ay nakasisira sa ating mga


mata kaya kinakailangang magsuot ng sunglasses upang
maprotektahan ang ating mga mata at ang sobrang init naman nito
ay puwedeng makasunog ng ating balat. Kaya ibayong pag-iingat at
pagsuot ng payong, sombrero, at pagpahid ng sun screen protection
upang maiwasan ang iba’t ibang sakit sa balat.

(Pinagkunan: Arthur DC. Sacatropes et al., Science 3: Kagamitan ng Mag-aaral, Pasig City:
Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat, 2015, 129-138.)

3
Tayo’y Magsanay
GAWAIN 1
Lagyan ng tsek ( ) ang mga natural light at ekis ( X )
Panuto:
naman kung artificial light.

_____1. araw _____3. fireworks _____5. traffic light


_____2. bombelya _____4. flashlight

GAWAIN 2
Pumili ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa
Panuto: patlang ang pangalan ng mga bagay na nagbibigay
ng liwanag o init.

bombilya/bulb electric oven gas stove


light house plantsa

1. _________________ 2. _________________ 3. _________________

4. _________________ 5. _________________

Mayroon ka pa bang alam na mga bagay na nakapagbibigay


ng liwanag at init? Ano-ano ito?

4
Ating Pagyamanin
GAWAIN 1
Kilalanin ang mga bagay na nagbibigay ng liwanag o
Panuto: init na tinutukoy sa pangungusap. Piliin ang tamang
sagot sa ibaba at isulat ito sa patlang.

araw christmas light lampara(kingki)


fireworks gas stove

___________________1. “Madalas mo akong makita tuwing papalapit o


sasapit ang pasko at bagong taon na
nagliliwanag sa gabi dahil nakapagbibigay
ako ng makukulay na mga ilaw at napangingiti
ko ang mga taong tumitingin sa akin.”

___________________2. “Sa ngayon ay ginagamit pa ako ng mga


Palaweño tuwing gabi na nagsisilbing ilaw sa
kanilang mga tahanan lalong-lalo na sa mga
lugar na hindi pa naaabutan ng kuryente.
Ginagamitan ako ng gaas.”

___________________3. “Ako ay madalas mong gamitin sa


pagluluto gamit ang apoy.”

___________________4. “Kapag inilagay mo ang mga basa mong


damit ay talagang matutuyo kita dahil sa init
kong taglay at nakatutulong ako na bigyan
ng enerhiya ang mga solar panel .”

___________________5. “Ginagamit ako sa tuwing may mahahalagang


okasyon katulad ng new year na nagbibigay ng
iba’t ibang liwanag at saya sa mga tao.

5
GAWAIN 2
Tukuyin ang gamit ng sumusunod at isulat sa patlang
Panuto:
ang titik ng tamang sagot.

_______1. plantsa A. ginagamit sa pagluluto


B. ginagamit para makontrol ang
_______2. gas stove trapiko sa daan
C. ginagamit upang paalalahanan ang
_______3. sunlight mga sasakyang pandagat
D. ginagamit sa mga damit na kusot
_______4. traffic light upang maging tuwid at maganda sa
paningin
_______5. light house E. ginagamit ng mga halaman para
makagawa ng pagkain sa
pamamagitan ng kanilang mga
dahon

May ginagamit ka bang mga bagay na nakapagbibigay ng


liwanag at init sa inyong tahanan? Ano-ano ito?

Ang Aking Natutuhan

Isulat ang tamang salita sa loob ng kahon na


Panuto:
inihanda sa ibaba at isulat ito sa tamang patlang.

araw artificial light o di-tunay na liwanag liwanag


plantsa takuri

Ang (1) ____________________ay isang anyo ng enerhiya na tumutulong


upang makita ang paligid. Ang pinakapangunahing pinagkukunan ng
liwanag sa mundo ay ang (2)____________________. Ito ay nasa
dalawang uri: ang natural light at (3)__________________.
Ang mga gamit sa bahay na nagbibigay ng init tulad ng
(4)____________________, (5)____________________, at marami pang iba
ay malaki ang naitutulong at kapaki-pakinabang sa atin araw-araw.

6
Ating Tayahin

Basahin ang mga katanungan at isulat sa patlang ang


Panuto:
titik ng tamang sagot.

______1. Alin sa sumusunod ang natural o tunay na pinagkukunan ng


liwanag?
A. araw C. flashlight
B. kandila D. flourescent lamp

______2. Kung ang gas stove ay ginagamit sa pagluluto, ano naman


ang gamit ng LCD projector?
A. ginagamit upang makabenta
B. ginagamit upang maibsan ang kalungkutan
C. ginagamit upang malaman ang magnanakaw
D. ginagamit upang maipakita ng mas malaki ang mga
imahe mula sa laptop o cellphone

______3. Ang sumusunod ay mga artificial light o di-tunay na liwanag


MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. bituin C. flourescent lamp
B. kandila D. LASER

______4. Nakatira sa Sitio Talaudyong, Barangay Bacungan itong si


Ysabel. Dahil hindi pa naabot ng elektrisidad ang kanilang
lugar, kung kaya’t madalas itong gumawa ng kaniyang mga
takdang aralin sa gabi dahil ito lamang ang oras para
sagutan ang mga ito. Sa iyong palagay, anong ilaw ang
ginagamit nitong si Ysabel sa pag-aaral sa gabi sa loob ng
kanilang bahay na nakapagbibigay ng liwanag at init?
A. araw C. lampara
B. buwan D. Bituin

______5. Tuwing gabi sa Lungsod ng Puerto Princesa ay makikita ang


mga makukulay na ilaw sa daan na kinagigiliwan natin. Ano
kaya sa palagay mo ang gamit ng mga ilaw na ito?
A. upang lumiwanag at makita ang daan
B. upang maragdagan ang gastos ng gobyerno
C. upang makita ang mga magnanakaw sa gabi
D. upang magkaroon ng kulay ang lungsod

7
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1
SUBUKIN NATIN ATING
PAGYAMANIN ANG AKING
1. C 2. A 5. A
NATUTUHAN
2. D 4. A
GAWAIN 1
liwanag
TAYO’Y MAGSANAY 1. christmas light araw
GAWAIN 1 2. lampara artificial light
3. gas stove plantsa
1. 3. X 5. X 4. araw takure
2. X 4. X 5. fireworks
ATING TAYAHIN
GAWAIN 2 GAWAIN 2
1. electric oven 1. A
2. light house 1. D 2. D
3. gas stove 2. A 3. A
4. plantsa 3. E 4. C
5. bombilya/bulb 4. B 5. A
5. C

Sanggunian

Aklat

Sacatropes, Arthur DC., Luz E. Osmeña, Michelle H. Guadamor, Aiisa C.


Corpuz, Jennifer M. Rojo, Jennifer A. Tinaja, Job S. Jr. Zape, Leni S.
Solutan, John Fitzgerald Secondones, and Neolita S. Sarabia. Science 3:
Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat, 2015.

Sacatropes, Arthur DC., Luz E. Osmeña, Michelle H. Guadamor, Aiisa C.


Corpuz, Jennifer M. Rojo, Jennifer A. Tinaja, Job S. Jr. Zape, Leni S.
Solutan, John Fitzgerald Secondones, and Neolita S. Sarabia. Science 3:
Teacher’s Guide. Pasig City: Department of Education-Instructional
Materials Council Secretariat, 2015.
8
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at


pamamaraang nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa
iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap:

Petsa ng Pagbalik:

You might also like