You are on page 1of 12

Ikatlong Markahan-Modyul 3

Ikatlong Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung
paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ano ang target ko?

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang naisasagawa mo ang mga


sumusunod na layunin:

A. Nakikilala ang pinanggagalingan ng liwanag.


B. Nauuri ang liwanag-natural o artipisyal.
C. Naiisa-isa ang wastong paraan ng paggamit ng liwanag.

Ano ako magaling?

Panuto: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang pangunahing pinanggagalingan ng liwanag?


A. araw B. bituin C. bombilya D. buwan

2. Alin ang artipisyal na liwanag na kayang kontrolin ng tao?


A. bituin B. buwan C. kandila D. kidlat

3. Ano ang gamit ng liwanag sa larawang ito?


A. Nagpapaganda ito sa kapaligiran
B. Nagkokontrol ito sa daloy ng trapiko
C. Nagsisilbing gabay ito sa mga sasakyang pangdagat.
D. Ginagamit ito sa paggawa ng pagkain sa halaman

4. Paano natin maiingatan ang sarili sa paggamit ng liwanag?


A. direktang pagtingin sa araw
B. pagbabasa sa madilim na lugar
C. paglabas ng tanghaling tapat na walang payong
D. gumamit ng sunglass kapag matindi ang sikat ng araw

5. Bakit mahalaga ang liwanag?


A. para maalis ang init sa kapaligiran
1
B. para marinig ang mga bagay sa paligid
C. para makita ang kagandahan sa paligid
D. para makontrol ng tao ang mga hayop at halaman

Aralin
3
Pinagmulan at Gamit ng Liwanag

Ang araw ang pangunahing pinagmumulan ng liwanag. May natural at


artipisyal na liwanag na ginagamit ng tao sa araw-araw. Mahalaga ang mga ito.
Kailangang gamitin din ito ng tama para makaiwas sa sakit o aksidente.

Ano ang balik – tanaw ko?

Nag-ayos at naglinis ng bahay si Nanay. Para lalong gumanda ang bahay,


kumuha siya ng halaman mula sa labas at inilagay sa kanang bahagi ng sofa.
Naglagay din siya ng halaman sa kaliwang bahagi nito. Pagkatapos ng isang
linggo, napansin mo na ang mga ito ay nalalanta.
Tanong:
1. Saan kumuha ng halaman si nanay?
2. Saang bahagi niya inilagay ang mga ito?
3. Ano kaya ang posibleng dahilan ng pagkalanta ng halaman?

Ano ang gagawin ko?

Gawain 1 Pagbabasa ng kuwento

Si Sunshine ang Batang Girl Scout

2
Si Sunshine ay aktibong Girl Scout sa kanilang
paaralan. Tinulungan siya ng kanyang nanay na ihanda ang
mga gamit na kakailanganin niya. Ilan sa mga inihanda niya ay
mga de-latang pagkain, flashlight, kandila at posporo para sa
kanilang bonfire. Ayon sa kanyang ate, talagang nasiyahan
siya sa kamping niya noon. Gumawa sila ng bonfire habang
nasa ilalim ng buwan at ang kalangitan ay puno ng mga bituin.
Pagdating ng umaga, bago pa tumirik ang araw ay gising na
raw sila para maghanda sa mga isasagawang palaro at
aktibidad. Nasabik ng husto si Sunshine na dumating na ang
araw ng kamping.
Tanong:
1. Anu-ano ang mga nabanggit sa kwento na pinagmumulan ng
liwanag?
_______________________________________
2. Alin sa mga ito ang natural na liwanag?
_______________________________________
3. Alin sa mga ito ang artipisyal na liwanag?
_______________________________________
4. Mahalaga ba lahat ng mga ito? Bakit?
________________________________________

Ano ang kahulugan?

Ang liwanag ay mahalaga. Nakatutulong ito para makita natin ang mga
bagay sa ating paligid. Ito ay may iba’t ibang pinagmumulan. Ang mga ito ay
maaaring natural o artipisyal na liwanag.
Natural na liwanag. Ito ay tunay na liwanag na nilikha ng Diyos. Tulad ng
araw na pangunahing pinanggagalingan ng liwanag, ang buwan at mga bituin,
at kidlat.
Halimbawa:

Artipisyal na liwanag. Ito ay hindi tunay na liwanag. Ito ay nilikha ng tao


at kayang kontrolin ayon sa pangangailangan at gamit nito.

3
Halimbawa:

May mga buhay din na nagliliwanag sa gabi. Ito ay dahil sa enerhiya na


nangyayari sa kanilang mga katawan. Tulad ng alitaptap ,dikya at iba pa.

Ang liwanag ay mahalaga sa may buhay o walang buhay na organismo sa


buong mundo. Tulad na lang sa paghahanap ng mga hayop ng makakain upang
mabuhay, sa paggawa ng mga halaman ng pagkain o photosynthesis. Mahalaga
din ang liwanag na nagbibigay ng init para sa pagtaas ng temperatura ng tubig
na kailangan sa proseso ng water cycle.

Mga ilan pang gamit ng liwanag

Nagkokontrol Nagsisilbing gabay sa


sa daloy ng mga sasakyang
trapiko. pangdagat.

ilaw trapiko parola


Ginagamit sa
pagpresenta ng report.
lazer
Mahalaga ang liwanag ngunit, dapat tama ang paggamit nito upang
maiwasan ang anumang pagkakasakit o aksidente.

4
Ano pa ang gagawin ko?

Gawain 2 Panuto: Hanapin ang ibat-ibang pinagmulan ng liwanag sa kahon ng


mga letra at isulat ang mga ito sa Concept Map.

L E B S T H C Y O T
I L B N E B O T H O
G R U U N P N G A Y
Pinagmulan
H I W T A L M O R B
ng liwanag
T K A N D I L A A I
E T N A H U K G W T
R A T S O T I L I U
P O S P O R O S U I
O L D I R S U L O N
G A S E R A L E T I

Ano ang natamo ko?

Ang liwanag ay mahalaga para makita natin ang mga bagay sa ating
paligid. Ang araw ang pangunahing pinanggagalingan ng liwanag. Ang liwanag
ay may dalawang pinagmulan. Ang mga ito ay maaring natural o artipisyal. Ang
natural na liwanag ay tunay na liwanag na nilikha ng Diyos. Ang artipisyal na
liwanag ay nilikha ng tao at kayang kontrolin ayon panganagilangan at gamit
nito. Mahalaga ang liwanag ngunit dapat maging maingat upang maiwasan ang
pagkakasakit o aksidente.

Ano pa ang kaya kong gawin?

Panuto: Kulayan ng berde ang paligid ng larawan kung ito ay natural na


liwanag. Kulayan naman ng pula kung artipisyal na liwanag.
5
1.

2.

3.

4.

5.

Panuto: PagtambalIn ang pinagmumulan ng liwanag sa Hanay A ayon sa gamit


nito sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

____1. A. Nakakatulong sa pagpapatuyo ng


sinampay.

6
____2. B. Ginagamit sa pagbabasa at pag-aaral
sa gabi.

____3. C. Nagsisilbing liwanag para sa mga


naglalakbay sa dagat tuwing gabi.

____4. D. Ginagamit na ilaw pang emergency at


kapag naglalakad sa madilim na lugar.

____5. E. Nagsisilbing liwanag at ilaw sa mga


daan tuwing gabi.

Kumusta na ang target ko?

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang pangunahing pinanggagalingan ng liwanag sa mundo?
A. araw B. bituin C. bombilya D. buwan

2. Alin sa mga sumusunod ang pinagmumulan ng natural na liwanag?


A. bituin B. flashlight C. gasera D. kandila

3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng artipisyal na liwanag?


A. alitaptap B. araw C. buwan D. lighter

4. Bakit mahalaga ang liwanag na mula sa mga bagay sa ating paligid?


A. upang uminit ang paligid
B. upang lumaki tayong matangkad

7
C. upang makita natin ang ating paligid
D. upang makontrol ang lahat ng bagay sa mundo

5. Paano natin pahahalagahan ang liwanag na bigay ng Diyos?


A. Maging mapanira sa kalikasan
B. Magalit sa mga taong nakapaligid sa iyo.
C. Gawin ang mga bagay na kapaki-pakinabang para sa
ikagaganda ng paligid.
D. Gawin ang mga bagay na ikasisiya kahit may masamang epekto
sa kapwa at kapaligiran.

Ano pa ang kaya kong gawin?

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang larawan na nagpapakita ng wastong paraan ng


paggamit ng liwanag at lagyan ng ekis(x) kung hindi.

Diretsong pagtingin sa araw. Paggamit ng sunglasses.

Pagbabasa ng may sapat Paggamit ng payong.


na liwanag.

Pananatili nang matagal sa ilalim ng sikat ng araw.

8
B. Panoorin ang Light Energy Sources: Lesson for Kids - Video & Lesson
Transcript | Study.com link na para sa karagdagang kaalaman.

SANGGUNIAN
Science 3- K to 12 Teacher’s Guide
Science 3 – K to 12 Learning Materials
Light Energy Sources: Lesson for Kids - Video & Lesson Transcript | Study.com

9
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE
Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS
Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: MONINA C. BATADLAN

Content Evaluators: REGIENA F. MARQUEZ


JEAN RITA S. GARBO
Language Evaluator: ERNA V. BARIT
GRACE V. CARPO
Reviewers: MARIVIC T. ALMO
JEAN RITA S. GARBO
Illustrator: MARIA PILAR M. IRUPANG
Lay-out Artist: MARIA PILAR M. IRUPANG
Content Validator: JEAN RITA S. GARBO
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-charge: DR. MARIVIC T. ALMO, EPS – SCIENCE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like