You are on page 1of 11

Ikaapat na Markahan – Modyul 3

Ikatlong Linggo

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

2
Ano ang target ko?

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang naisasagawa


mo ang mga sumusunod na layunin:

A. Nailalarawan ang iba’t-ibang uri ng panahon.


B. Nakikilala ang iba’t-ibang uri ng panahon.
C. Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng panahon gamit ang
tsart.

Ano ako magaling?

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.


1. Ano ang tawag sa kondisyon ng atmospera sa isang lugar at
oras?
A. ulap C. panahon
B. klima D. atmospera

2. Anong uri ng panahon ang maraming maputing ulap sa


kalangitan?
A. mahangin C. maulap
B. maaraw D. maulan

3. Anong uri ng panahon kung saan hindi mo makita ang araw


sa kalangitan dahil ito ay natatakpan ng mga ulap.
A. maulap C. maaraw
B. maulan D. mahangin

4. Malakas ang ihip ng hangin. Anong uri ng panahon ang


inilalarawan?
A. maulap C. maaraw
B. maulan D. mahangin

1
5. Maaliwalas ang paligid at mataas ang sikat ng araw sa
komunidad nina Kardo. Anong uri ng panahon ang
nararanasan nila?
A. maaraw C. maulap
B. maulan D. mahangin

Aralin
Panahon
3

Ang panahon ay ang kondisyon ng atmospera sa isang lugar


at oras. Ito ay nagbabago. Ang iba’t ibang uri ng pahanon ay
maaraw, maulan, mahangin, maulap at mabagyo.

Ano ang balik – tanaw ko?

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagsasaad


ng mabuting epekto ng malinis na kapaligiran at ekis (x) kung
hindi.

_____ 1. Maalinsangang kapaligiran


_____ 2. Masaganang ani sa mga pataniman.
_____ 3. Malusog na mga halaman, hayop at mga tao.
_____ 4. Maraming nahuhuling malalaking isda sa dagat.
_____ 5. Paglaganap ng sakit tulad ng diarrhea at cholera.

Ano ang gagawin ko?

Gawain 1: Lumabas ng bahay. Obserbahan ang kapaligiran.


Punan ang tsart at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa
ibaba.
2
Araw at Petsa Ano ang Hangin Temperatura
makikita sa
kalangitan
Hal. Lunes maulan may hangin Malamig
maulap

Tanong:
1. Ano ang nakita mo sa kalangitan?
2. Paano mo mailalarawan ang galaw ng hangin?
3. Ano ang temperatura ang naramdaman mo?
4. Anong uri ng panahon ang iyong naobserbahan? Bakit?

Ano ang kahulugan?

Ang panahon ay ang kondisyon ng atmospera sa isang lugar


at oras.
Iba’t Ibang Uri ng Panahon
Ang maaraw na panahon ay mataas ang sikat
ng araw. Sa panahong ito, bahagya ang ihip ng
hangin at maiinit ang paligid.
Ang maulap na panahon ay
maraming ulap ang makikita sa langit. Ang ulap ay
maputing parang bulak sa kalangitan. Ito ay ang
pinagsama-samang napakaliit na patak ng tubig o
yelo. Mahalumigmig kapag maraming “water vapor”
sa hangin. Ang ulap ay maaaring magtaya ng panahon.
Malakas ang ihip ng hangin tuwing mahanging
panahon.

3
Maulang Panahon
Pumapatak ang tubig ulan na nagmumula sa
ulap. Makulimlim ang kalangitan.
Mabagyong Panahon
Malakas ang patak ng ulan na may
kasamang kulog at kidlat. Mabilis at malakas ang
ihip ng hangin.

Ano pa ang gagawin ko?

Gawain 2
Panuto: Kilalanin ang simbolo ng mga panahon. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa kahon sa ibaba.

A. Maulang panahon
B. Maaraw na panahon
C. Maulap na panahon
D. Mahanging panahon
E. Mabagyong panahon

_____1. _____ 4.

_____2. ____ 5.

_____3.

4
Gawain 3
Panuto: Pag-aralan ang tsart ng panahon sa ibaba. Bilugan ang
titik ng tamang sagot sa tanong.

Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado

1. Anong araw ang panahon ay maulan?


A. Lunes C. Huwebes
B. Martes D. Miyerkules
2. Anong araw ang panahon ay mahangin?
A. Lunes C. Huwebes
B. Martes D. Miyerkules
3. Ayon sa tsart, sa Huwebes ang panahon ay ______________.
A. maulap C. maaraw
B. maulan D. mabagyo
4. Anong simbolo ng panahon ang ipinapakita sa araw ng
Linggo?
A. maulan C. mahangin
B. maaraw D. mabagyo
5. Anong araw ang panahon ay maulap?
A. Martes at Sabado C. Sabado at Linggo
B. Martes at Huwebes D. Miyerkules at Lunes

Ano ang natamo ko?

 Ang panahon ay ang kalagayan ng atmospera sa isang


lugar at oras.
 Ang iba’t ibang uri ng panahon ay maaraw, maulan,
mahangin, maulap at mabagyo.

5
Ano ang kaya kong gawin?

Panuto: Kompletuhin ang pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon.

ulap maulan mahangin


maulap maaraw mabagyo

1. Malakas ang ihip ng hangin at gumagalaw ang mga


dahoon sa puno. Ang panahon ay _________________.
2. Malakas ang patak ng ulan na may kasamang kulog at
kidlat. Ang panahon ay ____________________.
3. Tuwing tag-ulan ang kalangitan ay nababalutan ng _______.
4. Makikita ang araw sa kalangitan at maalinsangan ang
paligid. Ito ay ______________ na panahon.
5. Ang araw ay natatakpan ng mga ulap. Ang panahon ay
_______________.

Kumusta na ang target ko?

Panuto: Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.


1. Anong panahon ang tinutukoy sa larawan?
A. maulan C. maaraw
B. maulap D. mahangin

2. Hindi makita ang araw at maraming maiitim na ulap, ang


ulan ay bumagsak. Ang panahon ay _____________.
A. maulan C. maaraw
B. maulap D. mahangin

3. Tuwing mahangin ang panahon nakikita natin _____________.

6
A. pumapatak ang ulan
B. nabuwal na mga puno
C. gumagalaw ang mga dahon
D. maraming ulap sa kalangitan

4. Kumpol-kumpol ang mga ulap sa kalangitan. Anong uri ng


panahon ito?
A. maulan C. maaraw
B. maulap D. mahangin

5. Ang kondisyon ng atmospera sa isang lugar at oras ay


tinatawag na _______________.

A. ulap C. panahon
B. klima D. atmospera

Ano pa ang kaya kong gawin?

A. Malakas ang buhos ng ulan kaya nagdeklara ang lokal na


pamahalaan na kanselahin ang pasok sa paaralan. Paano
mo gagawin makabuluhan ang araw na walang klase?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

B. Panoorin ang video gamit ang link sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=8Zvu1hjXCcI

7
SANGGUNIAN
DepEd Most Essential Learning Competencies Kuwarter 4 : Linggo: 3
Competency Code: S3ES-IVe-f-3
Dela Cruz, E.S., Diaz, E.S., Abracia, N.M., (2000). Science and health 2: For a
changing environment (Abracia, N.M., AU & Coronel, C.C., Ed.) Quezon City,
Philippines: Vibal Publishing House,Inc.
Sugpatan, C.L., Apolinario, N.A. &Madriaga E.A. (2012).Science links 3.
Manila, Philippines: Rex Bookstore, Inc. (RBSI)
https://www.google.com/search?q=iba%27t+ibang+panahon+sa+pilipinas&s
xsrf
https://www.liveworksheets.com/yx1338836gu
https://www.youtube.com/watch?v=8Zvu1hj
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE
Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS
Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: EVA B. LLANITA

Content Evaluators: REGIENA F. MARQUEZ


JEAN RITA S. GARBO
Language Evaluator: ERNA V. BARIT
GRACE V. CARPO
Reviewers: MARIVIC T. ALMO
JEAN RITA S. GARBO
Illustrator: MARIA PILAR M. IRUPANG
Lay-out Artist: MARIA PILAR M. IRUPANG
Content Validator: JEAN RITA S. GARBO
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-charge: DR. MARIVIC T. ALMO, EPS – SCIENCE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like