You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA SCIENCE III

Nailalarawan ang iba't ibang uri ng panahon at ang mga


I. Layunin elementong nakakaapekto sa pagbabago ng panahon sa
bawat oras o araw.
A. Paksa
Uri ng Panahon
B. Konsepto
Ang panahon ay pansamantalang lagay ng
atmospera sa isang lugar na maaaring magbago bawat
oras.
Pinapakita nito ang kalagayan ng isang lugar na
maaraw, maulap, maulan, mahangin o bumabagyo.

C. Pagpoproseso ng Kasanayan
II. Nilalaman At Kagamitan
Pagmamasid, Paghihinuha, Pagsasagawa
D. Pagpapahalaga
Mahalaga ang kaalaman sa mga uri ng panahon
para maiakma ang pang araw-araw na gawain sa
pamayanan.
E. Sanggunian
Science for Daily Use 3 page 247
F. Kagamitan
Mga larawan ng uri ng panahon, activity card

1. Balik Aral
Iugnay ang mga anyong lupa mula sa Hanay A
patungo sa angkop na kahulugan na nakatala sa Hanay
III. Instruksyunal Na B. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
Pamamaraan
2. Paghahabi sa layunin ng aralin
A. Panimulang Gawain
Ngayong araw na ito ay aalamin natin ang iba’t
ibang uri ng panahon at kung paano nasusukat ang
temperature.

B. Pag-uugnay ng mga Aawit ang buong klase ng isang awiting may kaugnayan
halimbawa sa bagong aralin sa Uri ng Panahon.

C. Pagtalakay ng bagong Pagpapakita ng larawan at pagtalakay ng iba’t-ibang uri


konsepto at paglalahad ng ng panahon.
bagong aralin
Maaraw - Ito ang uri ng panahon na nagpapakita ng mataas
na sikat ng araw. Ang panahon na ito ay may kainitan. Ito ang
magandang panahon upang magpatuyo ng nilabhang damit.

Maulap - Ito ay lagay ng panahon na kung saan makikita


natin ang kumpol ng mga ulap sa kalangitan. Ito ang
magandang panahon para sa paglalaro o pamamasyal sa
parke.
Maulan - Ito naman ay panahon na makulimlim ang langit.
Nararanasan natin ang pagbagsak o pagpatak ng tubig mula
sa ulap. Ito rin ang tamang panahon ng pagtatanim ng mga
magsasaka.

Mahangin - Ito ay lagay ng panahon na nararamdaman natin


na malakas ang ihip ng hangin. Maganda ang panahong ito
para magpalipad ng saranggola.

Bumabagyo - Ito ang uri ng panahon na nagpapakita ng


malakas na ihip ng hangin, malalaki at malalakas na patak ng
ulan. Kapag sobra ang dalang ulan, nagdudulot ito ng
pagguho ng lupa at pagbaha naman sa mababang lugar.

Pagpapaliwanag sa mga bata kung paano nasusukat


ang panahon.

Temperature - Ang temperature ay sukat ng kainitan o


kalamigan ng isang bagay.
Sinusukat ang temperatura sa pamamagitan ng degri
ng Celsius (C) at degri ng Farenheit (F). Tumataas ito
kapag mainit ang panahon at bumababa naman kapag
malamig ang panahon.

Hangin - Ang hangin ay isa ring dahilan kung bakit


nagbabago ang panahon.

D. Paglinang sa kabihasnan Pagsasagot ng mga Gawain.

Tukuyin ang uri ng panahon na ipinakikita sa larawan.

Pag-aralan ang talaan. Sagutin ang mga katanungan sa


ibaba.

F. Paglalahat ng Aralin Magtatanong ang guro sa mga bata.

Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng panahon?


Paano masusukat ang temperature?
Bakit mahalagang malaman natin ang lagay ng
panahon?

IV. Pagtataya
Buoin ang concept map.

Pag-aralan ang talaan. Sagutin ang mga katanungan sa


ibaba.

Nais maglaba ni nanay. Anong araw ang tamang


panahon para makapaglaba ng kanilang damit?

Araw ng Martes, gusting maglaro ng magkapatid na


Arman at Alden. Anong laro ang maaari nilang laruin?

Nakatakdang pumunta si Sarah sa Maynila sa araw ng


Miyerkules. Ano ang maaari niyang dalhin?
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 98% sa 32 mag-aaral
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba Wala
pang gawaing remediation

Inihanda ni :

MORENA M. MANGUIAT
Guro III

Iwinasto nina:

MALOU M. DE RAMOS
Master Teacher II

CECILIA V. ROCAFORT
Principal II

You might also like