You are on page 1of 7

Science III

I. Layunin
Nailalarawan kung paano nakakaapekto ang panahon sa tao
Napapahalagahan ang mabuting epekto ng panahon sa tao
Nakikilahok sa pangkatang gawain ng buong sigla

II. Paksa
Epekto ng panahon sa tao.

A. Konseptong Agham
Ang panahon ay bahagi nang ating buhay. Ito ay nakakaapekto sa araw-araw
nating pamumuhay.

B. Sanggunian: CG SES IV-g-h 4 p.21, TG pp. 187-189 and LM 172-173


C. Prosesong Agham: pagmasid, paglarawan, pagtukoy
D. Kagamitan: larawan, tsart, activity card
E. Pagpapahalaga

Pagiging handa
III. Pamamaraan
A. Paunang Gawain
1. Awit ( Ang Panahon)
2. Ulat Panahon
 Mag-uulat ang isa sa mga bata tungkol sa panahon
3. Inspeksyong Pangkalusugan.
 Inspeksyunin ang itinalagang parte ng katawan at iulat
sa klase.
4. Balik-aral
Basahin ang mga pahayag ang ilarawan kung ito ay malamig na lugar o mainit na
lugar.
a. Manatili sa ilalim ng punong mangga.
b. Maglaro sa kalsada
c. Matulog sa loob ng silid na walang bintana
d. Magbasa ng libro sa beranda ng bahay
e. Pumila sa ilalim ng sikat ng araw
B. Panlinang na Gawain.
1. Pagganyak.
Magpaawit sa mga bata habang ipinapasa ang bola sa bawat isa. Sa
oras matapos ang awitin, ang batang may hawak ng bola ang siyang
magbabahagi ng kanyang mga ginawa tuwing bakasyon at mainit ang panahon.
2. Paglalahad
Ipakita ang iba’t ibang kondisyon ng panahon sa klase. Itanong sa mga
bata kung ano ang kanilang ginagawa sa ganitong uri ng panahon.

Maulan maaraw mahangin bumabagyo


 Ipakita ang epekto nito sa mga tao.

1. Kapag ang panahon ay napakainit, Ang mag tao ay madaling mapagod at di


nila magawang magtrabaho ng maayos.

2.Kapag ang panahon ay bumabagyo, suspendido ang klase. Ang mga bata ay nasa
loob lamang ng kanilang bahay.
3. Ang malakas na pag-ulan ay nagdadala ng pagbaha. Maraming tao ang hindi
nakakapasok sa kanilang trabaho kapag bumabaha sa kanilang lugar.

4. Ang Piloto ay hindi maaaring paliparin ang kanyang eroplano kapag


bumabagyo.

5. Ang paglalakbay sa karagatan ay sadyang mapanganib kapag bumabagyo.


Ipinagpapaliban nito ang paglalakbay.

6. Ang mga mangingisda ay hindi maaaring mangisda sa panahon ng bagyo.


3.Pagtalakay

 Ano ang epekto ng maiinit na panahon sa gawain ng mga tao?


 Ano ang epekto ng maulan na panahon sa mga tao?
 Ano ang epekto ng mahagin na panahon sa mga tao?
 Ano ang epekto ng bumabagyong panahon sa mga tao?

4. Pangkatang Gawain

Pangkatin ang klase sa apat na grupo


a. pamantayan sa pangkatang gawain
b.bawat grupo any may activity card at may nakalaang gawain
Pangkat I- Piliin ang pahayag na nagpapakita ng gawain ng mga tao kung
maulan.

Pag-inom ng mainit na inumin Pagpapalipad ng saranggola

Paliligo sa dagat o swimming pool Pananatili sa loob ng bahay

Pagsuot ng makakapal na damit


Pagpapatuyo ng damit

Pagtulog ng mahimbing Paglipat sa matatas na lugar at


hindi binabaha
Pangkat II- Ilarawan ang gawain ng mga tao sa panahon ng tag-init.

Pangkat III- Pagpapakita ng sitwasyon tungkol sa epekto ng panahon sa tao.

Pangkat IV-. Ilagay sa tamang hanay ang mga larawan na nagpapakita ng epekto
sa tao ng ibat-bang uri ng panahon.

Mainit Maulan Mahangin Bumabagyo


5. Pag-uulat ng bawat pangkat

6. Paglalahat

Paano nakakaapekto ang panahon sa tao?

 Ang panahon ay nakakaapekto sa mga gawain at pag-uugali ng tao.

7. Paglalapat

Ipakita ang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tama at

kung mali.

1. Ang panahon ay nakakaapekto sa gawain ng mga tao.

2. Ang piloto ay makakapagpalipad ng eroplano kung bumabagyo.

3.Ipinagpapaliban ng mga tao ang kanilang paglalakbay kung bumabagyo.

4. Kung ang panahon ay napakainit, ang mga tao ay nagpupunta sa malalamig na

lugar.

5. Mas gusto ng mga tao na matulog kung mainit ang panahon.

IV. Pagtataya

Piliin ang titik ng tamang sagot.Isulat ang sagot sa patlang.

_____ 1. Ano ang ginagawa ng mga bata kapag ang panahon ay bumabagyo?

a. Nagpapalipad ng saranggola c. Lumalangoy

b. Nagpapatuyo ng damit d. Nananatili sa bahay

_______2. Paano mo mailalarawan ang nararamdaman ng mga tao kapag

napakainit ng panahon?

a. Madaling mapagod c. nasasabik at natutuwa


b. Malungkot d. nagagalit

________ 3. Kung maulan ang panahon, ang mga tao ay hindi nakakapasok sa

kanilang trabaho dahil ______________.

a. Ang kanilang lugar ay lubog sa baha

b. Ang kanilang lugar ay malayo

c. Ang kanilang lugar ay malawak

d. Ang kanilang lugar ay malapit

__________ 4. Alin sa mga gawain na ito ang magandang gawin kung mainit ang

panahon?

a. Magpalipad ng saranggola

b. Maligo sa dagat o swimming pool

c. Kumain ng mainit na sopas

d. Uminom ng maligamgam natubig

___________5. Bakit hindi dapat pumalaot ang mga mangingisda kung bumabagyo?

a. Dahil malaki ang mga alon at lubhang mapanganib ito.

b. Dahil sila ay kailangang magpahinga

c. Dahil nakakatakot maglayag at baka tumaob ang mga bangka.

d. a at c

V. Takdang- Aralin

Gumupit ng larawan na nagpapakita ng epekto ng panahon sa mga hayop at

halaman.

Inihanda ni :

Maria Socoro B. Ramilo

You might also like