You are on page 1of 7

REPUBLIKA NG PILIPINAS

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS VISAYAS


ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
LUNGSOD NG CADIZ

Detalyadong Banghay-Aralin
sa FILIPINO 8

Noah Mae D. Gelardez


OV II-3 BFE
Detalyadong Banghay-Aralin sa FILIPINO 8
I. Layunin

MELC: Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil, sapagkat,
kaya, bunga nito, iba pa).

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;

A. Nakikilala ang sanhi at bunga sa talatang binasa.


B. Napapahalagahan ang paggamit ng mga hudyat ng sanhi at bunga sa bawat pangyayari.
C. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga sa mga pangyayari.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
B. Sanggunian: FILIPINO 8: Unang Markahan – Modyul 8_Unang Edisyon, 2020
C. Kagamitang Pampagtuturo: Pisara, Laptop, Larawan, Manila Paper
D. Pagpapahalaga: Nabibigyang halaga ang paggamit ng mga hudyat ng sanhi at bunga
upang madaling matukoy at makilala ang pinagmulan at kinalabasan ng mga pangyayari.
III. Pamamaraan

MGA GAWAIN NG GURO MGA GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Mag-aaral:
__________, pangunahan mo ang Opo Bb. (Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng
ating panimulang panalangin sa araw Espirito Santo, Amen…)
na ito.
Mag-aaral:
c. Pagbati Magandang umaga po Bb. Gelardez.
Magandang Umaga, mga bata!

d. Pagtala ng Liban
e.
Mag-aaral:
(Tatawagin ng Guro, ang class
Opo Bb. Gelardez, kompleto po kaming lahat.
monitor.)

______, kompleto ba ang lahat? 


f. Pagpapaalala sa mga safety
protocols
Ipapaalala ko lang sa inyo ang mga
safety protocols, huwag tatanggalin ang
facemask at panatilihin ang 1 metrong
distansya.
B. Balik Aral
Sa ating nakaraang aralin ating napag-
alaman na ang pagsulat ng talata ay
nabubuo ng magkakaugnay at maayos Mag-aaral:
na mga pangungusap. Ang tatlong bahagi ng talata ay Panimula,
Gitna, at Wakas.
Ano- ano ang tatlong bahagi sa
pagsulat ng isang talata?

“Tama, napakagaling naman! Ngayon,


ipapaliwanag ko sa inyo ang talata at
ang mga bahagi nito.
Ang talata ay tumutukoy sa lipon ng mga
pangungusap. Ito ay nakaayos o naka - ugnay
sa isang paksa. Ito ang paraan ng mambabasa
na ilahad ang isang bahagi ng pagkukuro,
palagay, at paksang - diwa. Ito ay may
istruktura. Ito ay may iba't - ibang uri.
Ang bawat talata ay may tatlong bahagi:
Unang bahagi ay panimula ito ay
matatagpuan sa unahang bahagi ng
komposisyon. Dito isinasaad ang paksa na
nais talakayin ng manunulat at kung ano ang
kanyang inilalahad, inilalarawan,
ipinaliliwanag, o isinasalaysay.
Ang ikalawang bahagi ay gitna ito ay
matatagpuan sa katapusan ng panimula at
bago magbigay ng wakas. Ang tungkulin nito
ay paunlarin ang pangunahing paksa. Binubuo
ito ng mga sumusuportang ideya na siyang
paraan upang ganap na matalakay ang nais
ipaliwanag ng manunulat.
Ang ikatlo at panghuling bahagi ng
talata ay ang wakas ito ay matatagpuan sa
dulong bahagi ng akda. Dito isinasaad ang Mag-aaral:
mahahalagang kaisipan na nabanggit sa Opo, Bb. Gelardez.
gitnang talata. Ito ay maaaring isulat sa
paraang patanong, pabuod, paghamon, o
bilang isang konklusyon.
May natutunan ba ang lahat?”

C. Pagganyak (“SALAWIKAPICS”)

Magpapakita ang guro ng mga magkatambal


na mga larawan na kung saan ito ay mga
salawikain na huhulaan ng mga mag-aaral sa
loob ng tatlumpung segundo lamang. Ang
mag-aaral na makahuhula ng tamang sagot ay
mabibigyan ng sampung puntos. Mag-aaral:
Matipid o masinop.

1.
Kapag may isinuksok, may
madudukot. Mag-aaral:
Gumagawa ng mga mapangahas na hakbang
dahilan upang lalong maging magipit at
maghirap.

2.
Ang taong nagigipit, sa
patalim kumakapit.
Mag-aaral:
Nangangahulugan ito na kapag ang isang tao
ay matipid, marunong mag ipon o mag-
impok, ay may mapagkukuhanan siya sa mga
oras ng pangangailangan. 
3.
Kung may itinanim, may
aanihan.
Mag-aaral:
Ang iyong masamang ginawa ay babalik sa
iyo sa pamamagitan ng karma.

4.
Basurang itinapon mo, babalik
din sa iyo.
Mag-aaral:
Ang ibig sabihin nito ay kapag ang isang
nilalang ay lalong nasasaktan, mas umiibabaw
ang tapang na magpatuloy na lumaban at
magapi ang kanyang kalaban o kaaway.
5.
Ang bayaning nasusugatan,
nag-iibayo ang tapang.
Mag-aaral:
Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang
D. Paglalahad tungkol sa mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng
Batay sa mga larawan at salawikain na mga Pangyayari.
inyong hinulaan, ano ang tatalakayin
natin ngayong araw?

“Tama!”

E. Pagpapabasa ng mga Gabay na


Katanungan
1. Ano ang dahilan ng pagkasira ng
kalikasan ng Siargao?
2. Ano-ano ang bunga ng pagkasira
ng kalikasan ng Siargao?
3. Ano-ano ang hudyat ng sanhi at
bunga ang ginamit sa talata?

F. Pagbabasa ng Lunsaran (Huwarang Pagbabasa ng Guro)

Sanaysay tungkol sa “Kalikasan sa Lalawigan ng Surigao Del Norte at Surigao Del Sur.

KALIKASAN
Ang mga lalawigan ng Surigao del Norte at Surigao del Sur sa rehiyon ng Caraga ay biniyayaan
ng yamang mineral. Kaya naman lumubo ang kita ng mga mining companies na pinapatakbo
rito. Subalit isa ang Surigao sa tinukoy ni dating Department of Environment and Natural
Resources Sec. Gina Lopez na masyado nang nasira ang kalikasan dahil sa mga iresponsableng
pagmimina. Ilan sa nararanasan ng mga mamamayan sa nabanggit na mga lalawigan ay ang
sumusunod: Dahil sa pagputol ng mga kahoy sa kagubatan, nabawasan ang nagbibigay ng
malinis na hangin gayundin ang mga punong-kahoy na pumipigil sa pagbaha. Kapag bumubuhos
ang malakas na ulan nagiging kulay- kape ang ilog at pati na rin ang dagat. Bunga nito, wala
nang malinis na suplay ng tubig mula sa mga protected watersheds at wala na ring nakukuhang
mga malalaking isda. Ang malawak na mga bakawan na kung saan nangingitlog ang mga isda ay
nagiging putik kung kaya kumukunti na ang mga isda. Ang mga mangigisda ay kailangan pang
pumalaot kasi kakaunti na lamang ang kanilang nahuhuling mga isda. Ang mga magsasaka
naman ay nalulugi sa kanilang pagsasaka. Dahil sa matigas na ang lupa mas kakaunti na ang
kanilang ani. Kung noong una ay puwedeng walang abono ngayon ay nangangailangan na ng
abono para tumaba ang lupa. Sa ganitong mga dahilan, nangangamba ang mga residente na
darating ang araw na magugutom ang kanilang mga anak. Kung kaya labing-apat na minahan sa
rehiyon ng Caraga ang ipinasara ng DENR sapagkat sinisira ng mga ito ang kalikasan.
Ang mga tala ay batay sa DENR Caraga

G. Pagtatalakay (Pasaklaw na paraan sa pagtatalakay)


Ano ang dahilan ng pagkasira ng kalikasan ng Siargao?
Ano-ano ang bunga ng pagkasira ng kalikasan ng Siargao?
Ano-ano ang hudyat ng sanhi at bunga ang ginamit sa talata?

Ang pagbibigay ng sanhi at bunga ay tumutukoy sa pinakaugat o dahilan ng isang


pangyayari at magiging bunga o epekto nito. Ang ugnayan ng sanhi at bunga ay
inihuhudyat ng mga pang-ugnay na maaaring salita o lipon ng salita na tinatawag na
pangatnig.
Tinatawag na sanhi ang pinagmulan ng isang pangyayari. Ginagamit ang mga pangatnig
na pananhi upang ipahayag ang sanhi o dahilan gaya ng kasi, sapagkat, dahil, dahilan sa,
mangyari, palibhasa, at iba pa.
Hal. Ang bayani ay nasugatan kaya nag-iibayo ang tapang.
Tinatawag na bunga ang kinalabasan, resulta, o dulot ng isang naunang pangyayari.
Ginagamit ang mga pangatnig na panlinaw upang ipahayag ang bunga o resulta tulad ng
kung kaya, sa gayon, bunga nito, sa ganitong dahilan at iba pa.
Hal. Marami ang naghirap at nawalan ng hanapbuhay bunga nito dumami ang mga taong
nagugutom at naghihintay na lamang ng tulong mula sa gobyerno.
Maaari ring gamitin ang mga pangatnig na panubali sa pagpapahayag ng bunga.
Hal. Walang mahahawaan ng sakit kung lahat ay susunod sa batas na ipinatupad ng pamahalaan.

H. Pagpapalalim: Anong Sanhi, Anong Bunga!


Panuto: Pagdugtong-dugtungin ang sumusunod na parirala sa hanay A at B upang mabuo ang
diwa ng pangungusap batay sa pangyayaring nabasa at kaalaman sa itaas.
HANAY A HANAY B
1. Dahil sa matigas na ang lupa A. kasi kakaunti na lamang ang
kanilang nahuhuling mga isda.
2. Ang mga mangingisda ay kailangan B. kapag bumubuhos ang malakas na
pang pumalaot ulan.
3. Wala nang nagbibigay ng malinis na hangin C. mas kakaunti na ang kanilang ani.
4. Nagiging kulay kape ang ilog at dagat D. sapagkat sinisira ng mga ito ang
kalikasan
5. Labing-apat na minahan sa Caraga E. dahil sa pagputol ng mga kahoy
ang ipinasara ng DENR. sa kagubatan.

I. Paglalahat
 Paano makikilala ang sanhi at bunga sa isang pangyayari?
 Ano ang pagkakaiba ng sanhi at bunga?
 Magbigay ng mga pangyayari na inyong naranasan na kakikitaan ng maganda o
hindi magandang resulta.
-Hal. Sa murang edad ako ay nagsasaka na sa bukid dahil kapos sa pera ang aking mga
magulang.

J. Pagpapahalaga
Bakit mahalagang gumamit ng hudyat ng sanhi at bunga sa pagsuri at pagkilala ng sanhi
at bunga sa isang pangyayari?
Sagot (Mag-aaral): Tayong lahat ay may kalayaang magpahayag at kumilos sa kung ano
ang nais natin subalit sa bawat kilos natin ay may kaakibat na responsiblidad. Kaya
naman, maging maingat sa lahat ng magiging desisyon. Ika nga sa isang kasabihan,
“Nasa Huli ang Pagsisisi”.

IV. Takdang-aralin

Panuto: Hatiin ang short bond paper sa dalawang hati. Sa unang hati, ilalagay ang sanhi at sa
ikalawa ang bunga.
Maggupit ng mga larawan na nagsasaad ng sanhi at bunga at ihanay ito sa nararapat na
kalagayan.
Idikit ang bawat hating bond paper sa isang folder o karton na magkahanay ang sanhi at bunga.
Pamantayan sa Paggawa
Pagkamalikhain--------------------------------------------------------------25 pts.
Tamang pagkakahanay ng sanhi at bunga--------------------------------25 pts.
50 pts.

You might also like