You are on page 1of 8

ALDERSGATE COLLEGE

Solano, Nueva Vizcaya, Philippines 3709


E-mail: aldersgate@hotmail.com
Website: www.aldersgate-college.com
Telefax No.: (078) 326-5085

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4


I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin sa loob ng 60 minuto inaasahan ang mga mag aaral ay 75% na
pagkatuto:
a. Nakakagawa ng mga mungkahi upang mabawasan ang masamang epekto dulot ng
kalamidad,
b. Natutukoy ang mga lugar sa Pilipnas na sensitibo sa panganib gamit ang hazard
map at;
c. Nakagagawa ng maagap at wastong pagtugon sa mga panganib.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Maagap at Wastong Pagtugon sa mga Panginib
Kagamitan: Larawan, Aklat, PowerPoint
Sangunian: Aklat at Gabay ng mga Guro sa Araling Panlipunan 4 pahina 99-107

Gawain Ng Guro Gawain ng Mag aaral


I. BAGO ANG TALAKAYAN

A. Unang Gawin
a. Panalangin
Mga bata tayo ay magsitayo upang - Ako po guro.
manalangin.

Sino ang nais manguna sa ating - Manasseh: Panginoon , salamat po


panalangin? sa araw na ito at kami ay narito
gabayan mo po kami at bigyan ng
lakas, ito po ang aming dalanagin
sa pangalan ni Hesus. Amen.
Sige Manasseh, ikaw ay pumunta na sa
harapan upang pangunahan ang ating
panalangin.

Amen.
b. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Kamusta - Magandang umaga rin po guro.
ang inyong araw? Mabuti naman po.

Mabuti kung ganon.

c. Pagtatala ng lumiban
Maaari ko bang tawagin ang sekretarya - Sekretarya: Guro, si Niegel po ang
sa klaseng ito na tignan kung may lumiban sa klase.
lumiban ba o wala sa ating klase
ngayong araw.

Maraming salamat!

d. Pag- babalik aral


Ngayon mga bata ano ang inyong - Mga mag -aaral: Ang Pilipinas sa
nakaraang paksa na itinuro ni Bb. Pacific Ring of Fire po guro.
Roxanne.

Okay, ano naman ang natutunan ninyo - Mga mag -aaral: Ang mga lugar po
mula sa inyong napag aralan? na nakapalibot sa Pacific Ocean.

Okay, magaling salamat sa inyong


pagsagot.

B. Paglalahad ng Alintuntunin
Ngayon mga bata bago tayo magsimula sa
ating aralin ay may mga alintuntunin tayo
na dapat sundin. Anu-ano ng aba ang mga
ito?

O, Nathan? - Makinig po sa guro.

Tama! Ano pa?

O, Micah Ella? - Magtaas ng kamay kung gustong


sumagot.
Magaling!

Huwag maingay habang naguturo ang


guro.

At ang pang huli ay umupo ng tuwid.

Naintindihan ba mga bata? - Lahat: Opo guro.


Mabuti kung ganon.

C. Pagganyak
Ngayon mga bata mayroon akong
ginawang palaisipan ng salita o word
puzzle. Hanapin ninyo ang mga
mahahalagang kailangan na
magagamit sa oras ng sakuna at ito ay
kulayan ng kulay dilaw. SAGOT:

H J M P R G A M O T H J M P R G A M O T
L O B A A K T K O H L O B A A K T K O H
M U Y G D I U T D G M U Y G D I U T D G
S O L K Y D J U M J S O L K Y D J U M J
N T W A O A M B L Y N T W A O A M B L Y
P Q K I P S M I E T P Q K I P S M I E T
F G T N J J B G H O F G T N J J B G H O
C I D A M I T M L K C I D A M I T M L K

Ano ang mga nakita ninyong salita na - Mga mag -aaral:


maaaring magamit sa sakuna? 1. Pagkain
2. Tubig
3. Damit
4. Radyo
5. Gamot

Mahusay mga bata!

Ang lahat ng iyan ay ating magagamit


sa oras ng sakuna.

D. Paglalahad ng Aralin
Ngayon mga bata mayroon naba
kayong ideya sa ating tatalakayin?

O, Dail? - Tungkol po sa mga sakuna guro.

Tama , may kinalaman iyon sa ating


tatalakayin.

Ang ating tatalakayin ay patungkol sa


Maagap at Wastong Pagtugon sa mga
Panginib.
Handa na ba kayo sa ating talakayan? - Mga mag -aaral: Opo guro.

II. Ikalawang Gawain

E. Talakayan

Ngayon mga bata ang ating tatalakayin


ay patungkol sa Maagap at Wastong
Pagtugon sa mga Panginib.

Anu- ano ang mga panganib na


nararanasan natin sa ating bansa?

O, Johanna? - Lindol po guro.

Tama ang iyong sagot!

Ano pa? O, Andrei? - Bagyo po guro.

Mahusay!

Ngayon ay talakayin natin ang


panganib tungkol sa lindol.

Ano ba ang mga panganib na ating


mararanasan mula sa lindol.

O, Carl? - Maaari pong masira ang ating mga


tahanan.
Magaling!

Ano pa?

O, Yasmine? - Maaari din po gumuho ang mga


lupa.

Tama, iyan ang maaari nating


maranasan kapag may lindol.

Ngayon naman ano ba ang mga - Mga mag -aaral: Dapat po palging
maagap at wastong pagtugon natin sa handa.
mga sakuna?

Magaling, tama ang inyong sagot na sa


lahat ng panganib ay dapat palagi
tayong handa .
Narito ang mga ilang patnubay o gabay
sa paghahanda sa anumang di
inaasahang sakuna.

1. Magkaroon ng maayos na plano.

2. Makilahok nang maayos sa mga


emergency drills at ang mga kaukulang
paghahanda na isinasagawa sa iyong
paaralan.

3. Ibahagi sa iyong pamilya ang iyong


mga natutunan sa mga kaukulang
paghahanda.

4. Alamin kung saan ang pinakamalapit


na evacuation center sakaling
kailangang lumikas.

5. Mag imbak ng malinis na tubig


inumin, mga pagakaing di kailanagng
lutuin, first aid kit, flashlight, radyong
de-baterya at mga bagong baterya.

6. Alamin kung paano ang pagbibigay


ng pangunang lunas o first aid.

Ito ang mga dapat tandan natin sa oras


ng lindol.

Ngayon naman ano ang mga alam


ninyo na dapat tandan kapag may
Lindol na nagyayari?

O, Rye Allen? - Ang Duck, Cover, Hold po guro.

Tama ang iyong mga sagot.

Dapat natin tandan ang mga iyan upang


palagi tayong handa sa oras ng lindol.
Ngayon naman ay aamin natin ang mga
dapat gawin pagkatapos ng lindol.

Sino sa inyo ang nakakalaam? - Mga mag-aaral: Wala po.


Kung mayroon tayong paghahanda
bago lumindol at may mga dapat gawin
habang lumilindol, ay mayroon din
tayong dapat gawin pagkatapos ng
lindol.

1. Makinig sa radyo o sa mga kawani


ng barangay kung ano na ang balita
tungkol sa nangyaring lindol.

2. Suriin o tignan ang kuryente sa mga


tahanan kung may nasira bang kable
dahil maari itong sumabog at kayo ay
makuryente.

3. Maging handa sakaling magkaroon


ng aftershock o muling paglindol.

Naintindihan ninyo ba ang ating pinag - Mga mag -aaral: Opo.


aralan sa araw na ito?

Kung gayon ay tingnan nga natin kung


talagang may natutunan kayo sa ating
aralin.

F. Pagsasanay
Ipaliwanag ang sumusunod na sitwasyon.
SAGOT:
1. Bilang isang mag aaral anu-ano ang mga 1. Maghanda ng pagkaing delata, first aid
paghahanda na dapat gawin kung sakaling kit, damit, at gamot.
magkaroon ng babala o balita tungkol sa
sakuna?

2. Mahalaga ba ang maagap at wastong 2. Oo upang tayo ay maka iwas sa


pagtugon mo sa mga panganib? Bakit o panganib.
bakit hindi?

G. Paglalahat
Anon a nga uli ang ating aralin sa araw
na ito?

O, Aaliyah? - Tungkol po sa paghahanda sa mga


panganib.
Magaling!

Ngayon sino sa inyo ang


makapagbibigay ng mga paghahanda o
dapat gawin bago dumating ang
panganib o sakuna?

O, Hendrick? - Mag dala ng mga delatang pagkain


po.
Tama! Ano pa?

O, Sydney? - Mag dala ng first aid kit po.

Magaling!

Ang inyong mga sagot ay tama.


Kinakailangan natin ang mga bagay na
iyon upang mayroon tayong magamit
kung sakaling tayo ay makaranas ng
lindol, bagyo at iba pang sakuna.

H. Pagtataya

Panuto: Ihanay sa tamang pangkat ang


mga maagap at wastong pagtugon
bago, habang at pagkatapos ng
panganib na dulot ng Lindol. Isulat ang
bilang ng sagot. SAGOT:

Bago Habang Pagkatapos Bago Habang Pagkatapos


Ang Lumilindol Ng Lindol Ang Lumilindol Ng Lindol
Lindol Lindol

2, 5, 7, 1, 3, 8, 4, 6, 9 2, 5, 7, 1, 3, 8, 4, 6, 9
10 10

1. Gawin and Duck, Cover at Hold.


2. Ihanda ang first aid kit o pangunahing
panlunas.
3. . Manatili sa lugar na walang puno, gusali at
streetlights.
4. Makinig sa radyo ng balita tungkol sa
nangyaring lindol.
5. Maghanda ng flashlight, baterya, kandila at
posporo.
6. Suriin kung may nasirang kable ng kuryente.
7. Makisali sa drill o paghahanda kung may
lindol.
8. Umiwas sa mga puno o matataas na gusali.
9. Maghanda sa aftershock o muling paglindol.
10. Mag handa ng damit, tubig, pagkain at mga
mahahalagang dokumento.

III. PAGKATAPOS NG TALAKAYAN

I. Takdang Aralin
Panuto: Gumupit ng mga larawan na
nagpapakita ng sakuna. Idikit ito sa
bond paper. Ipasa sa susunod nating
pagkikita.

Naintindihan ba mga bata? - Mga mag-aaral: Opo guro.

Maari bang tayong lahat ay tumayo at


yumuko upang manalangin.

Panginoon, maraming Salamat po sa


araw na ito, nawa po ay may natutunan
ang mga batang ito sa aming aralin sa
araw na ito. Gabayan niyo po sila sa
araw-araw. Yun lamang sa pangalan ni
Hesus.

Amen. - Mga mag-aaral: Amen.

Paalam mga bata! - Paalam guro at mga kaklase!

Inihanda ni: Iwinasto ni:

MARIANE D. NATIVIDAD MRS. WINNIE QUEEN T. AQUINO


Pre-service Teacher Cooperating Teacher

You might also like