You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 2

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naiisasagawa ang mga wastong gawain/pagkilos sa tahanan sa panahon ng kalamidad
b. Natutukoy ang maaaring gawin sa panahon ng kalamidad
c. Naisasabuhay ang mga wastong gawain o kilos sa tahanan sa panahon ng kalamidad

II. Paksang Aralin


Paksa: Wastong Gawain o Kilos sa Tahanan sa Panahon ng Kalamidad
Sanggunian: MELC’s, YouTube: DepEd TV-Official
youtube.com/watch?v=UfJYDMUx9ZA
https://bulacandeped.com/wp-content/uploads/2018/07/ISANG-ARAW-SA-
SITIO-PARIAHAN.pdf
Kagamitan: Mga larawan, Task Card, Kwento, Puzzle, Fishbowl
Pagpapahalaga: Maintindihan at maisabuhay ang kahalagan ng wastong gawain at pagkilos sa
tahanan sa panahon ng kalamidad.
Subject Integration: Filipino (Nagagamit ang personal na karanasan sa paghinuha ng
mangyayari sa nabasa o napakinggang teksto o kwento)

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

- Magandang umaga mga bata! - Magandang umaga din po Ma’am!


- (Magdadasal ang mga bata.)
- Tumayo ang lahat upang mag dasal
- Bago tayo mag simula ay pilutin muna - (magpupulot ang mga bata ng kalat
ang mga kalat sa inyong paligid at at aayusin ang mga upuan.)
ayusin ang mga upuan.
- Meron bang lumiban sa klase ngayon? - Wala po Ma’aam.
- Mabuti!

 Balik-Aral
- Ano nga ulit ang pinag-aralan natin - Ang pinag-aralan po natin kahapon
kahapon? ay tungkol sa uri ng panahon sa
ating kumunidad.

- Tama! Maaari niyo bang sabihin ang - Ito po ay ang tag-init at tagulan.
mga ito?
- Magaling!
B. Panlinang na Gawain

1. Paghahawan ng balakid
Kalamidad- mga pangyayaring
nagdudulot ng malaking pinsala sa
kapaligiran, ari-arian, kalusugan at
mga tao sa lipunan.
Emergency kit- isang lalagyan o bag
na naglalaman ng mga bagay na
maaaring kailanganin sa panahon ng
kalamidad
Nasalanta- mga taong naapektohan ng
kalamidad
Kalakhang bahagi- malaking bahagi

2. Pagganyak
Ipakita ang mga puzzle sa mga bata at
hayaan silang buuin ito.
- Mga bata mayroon ako ditong mga
puzzle na kailangan niyong buuin.

- Anong ipinapakita sa mga larawang


nabuo ninyo?

- Sino sa inyo ang nakaranas na din o


nakakita ng ganitong pangyayari?
- Gagawin mo din ba ang mga nasa
larawan na ito?

 Pagganyak na tanong
Sino ang nakaranas ng kalamidad sa
kwento?
(Bubuin ng mga bata ang puzzle.)
3. Paglalahad
- Sunog po.
- Meron akong inihandang kwento para - Bagyo po Ma’am.
sainyo. Ngunit bago ko basahin ang - Naghahanda po ng emergency kit.
kwento, ano nga ulit ang dapat gawin - Lumilikas po ang mga tao.
kapag may nagsasalita sa unahan?
- Magaling!

Basahin ang kwento. - Opo.

Isang araw sa Sitio Pariahan…


ni Jerbie Villafuerte

Araw ng Lunes, habang


naghahanda sa pagpasok sa paaralan
ang batang si Ambo, narinig niya sa
radyo ang isang balita.
- Makinig po sa nagsasalita at huwag
“Isang sama ng panahon ang mag-iingay.
inaasahang tatami sa kalakhang
bahagi ng Luzon sa Miyerkules.
Pinaaalalahanan ang lahat na
maghanda,” ang saad sa radyo.
“Nay, Tay, napag-aralan po naming sa
aming paaralan na dapat po ay may
nakahanda po tayong emergency kit
kung mayroong bagyo. Mayroon nap o
ba tayo niyon?” ang tanong ni Ambo sa
kanyang mga magulang.
“Hindi na natin kailangan niyon anak,”
ang tugon ni Aling Ida na
kasalukuyang nagluluto ng kanilang
almusal.
“Tama, anak. Marami ng bagyo ang
dumaan sa sitio natin. Heto at narito
pa rin tayo. Dumaan at dadaan lamang
iyan, lilipas din!” dagdag ni Ka
Temyong na kanyang ama na
naghahanda naman sa pagbisita sa
kanilang kural.
“O halina’t kumain na tayo. Mahuhuli
ka na sa iyong klase Ambo,” anyaya ng
ina.

Sa paaralan…

Muling pinaalalahaan ni Gng.


Baltazar ang kanyang mga mag-aaral
tungkol sa paghahanda ng emergency
kit sa tuwing may darating na bagyo.
“Bukod sa paghahanda ng emergency
kit, siguraduhing ligtas ang inyong
tahanan sa hagupit ng bagyo. Kung
sobrang taas na ng tubig at hindi na
ligtas pang manatili, limikas na sa mga
mataas na lugar,” dagdag ng guro ni
Ambo.
Pag-uwi sa tahanan ni Ambo, dali-dali
niyang sinabi sa kanyang mga
magulang ang mga paalala ng guro.
“Sige anak, pagkatapos kong magluto
ng ating hapunan ay aayusin natin
iyang sinasabi mong emergency kit,”
wika ni Aling Ida.
“Matapos ko lamang ding ayusin itong
aking lambat, tutulungan ko na kayo
sa paghahanda,” ang sabi ng kanyang
ama.
Lumipas ang magdamag nang hindi
nakapaghanda ang pamilya ni Ambo.
Kinabukasan, hindi na rin nakapasok
si Ambo sa paaralan dahil sa sama ng
panahon.
“Whoosh! Splash! Whoosh! Splash!”
Ang mga malalakas na tunog na iyon
ang yumayanig sa tahanan nila Ambo
habang patuloy pa rin ang pagbuhos
ng ulan kasabay ng paghampas ng
malakas na hangin dulot ng bagyo.
“Nay, Tay’ mukhang tatagal pa ang
ulan at Malaki na ang tubig. Tara na
pong lumikas!”
“Anak, hintay, hintay pa tao. Huhupa
rin ang bagyo.” Saad ng ama ni Ambo.
“Whoosh! Splash! Whoosh! Splash!”
Nagpatuloy ang ulan…
“Temyong! Masyadong Malaki na ang
tubig sa labas! Di na ligtas dito!
Lumikas na tayo!” may pag-aalalang
sabi ni aling Ida.
Dali-daling binuhat ng mag-asawa si
Ambo at kinuha ang kanilang
mahahalagang gamit. Isabg malakas
naalon ang sumalubong at tumanagy
sa kanila.
“Kumapit kayo sa lambat!” ang sigaw
ni Ka Temyong sa kanyang mag-ina na
kanina lamang ginawa.
“Nay, Tay!” ang natatakot na sigaw ni
Ambo.
“Kung nakalikas lang sana tayo ng
maaga hindi n asana mangyayari ito.
Huhuhu.” Ang iyak ni Aling Ida.
Lumipas pa ang ilang oras, humupa
na rin ang bagyo. Nagsidatingan na rin
ang mga bangkang magliligtas sa mga
nasalanta. Karamihan sa mga
nasalanta ay nakakapit lamang sa mga
bakod. Pansamantalang pinatuloy ang
mga nasalanta sa Paaralang
Elementarya ng Taliptip.
“Sa tindi ng hagupit ng bagyo,
siguradong wala na tayong
mababalikan sa sitio. Saan na tayo
ngayon titira?”
“Huwag kang malungkot Temyong.
Manalangin tayo sa Diyos. Hindi Niya
tayo pababayaan,” ang sabi ni Aling
Ida.
Tila dininig ang kanilang hiling.
Binigyan ng pabahay ang mga
nasalanta ng bagyo. Isa na rito ang
pamilya ni Ambo. Ligtas man sa
nalipatang lugar, pinangako ng
pamilya ni Ambo na lagi nang
maghahanda sa anumang kalamidad.

4. Pagtatalakay

- Sino ang nakaranas ng kalamidad sa


kwento?
- Anong uri ng kalamidad ang
sumalanta sa Sitio Pariahan?

- Ano-anong paalala ang mga nabanggit


sa kwento?

- Kung ikaw si Ambo papaalalahanan


mo rin ba ng iyong mga magulang sa
mga dapat gawin tuwing may
kalamidad? Bakit?

- Kung ikaw naman ang mga magulang


ni Ambo, babaliwalain mo din ba ang
mga dapat gawin sa inyong tahanan - Ang nakaranas ng kalimad sa
kung sakaling may bagyo o kwento ay ang pamilya nina Ambo.
kalamidad? Bakit? - Bagyo po ma’am na nagdulot din ng
pagbaha sa sitio.
- Magaling! Sa oras ng kalamidad ay
mahalagang lagi tayong handa sa - Gumawa ng emergency kit, lumikas
tahanan at maging alerto sa mga kapag hindi na ligtas sa tahanan,
pangyayari. making sa balita at laging maging
handa at alerto.
5. Pagsasagawa ng Gawain - Opo. Dahil ang mahalangang
maging handa po tayo sa kahit
Indibidwal na gawain: anong sakuna para na din po sa
-Charade. kaligtasan ng ating pamilya.
(Magtatawag ng mag-aaral ang guro at
bubunot ito sa fish bowl ng isang - Hindi po. Dahil ang mga gawaing ito
wastong gawain sa panahon ng tuwing may kalamidad ay dapat na
kalamidad at iaakto ito sa unahan. tandaan at sundin upang hindi tayo
Huhulaan ng mga bata kung ano ang mapahamak.
ginagawa ng kanilang kamag-aral.)

Pangkatang Gawain:

(Maglalaro ang mga bata habang


pinapatnubayan ng guro)

 Presentasyon ng Gawain
- Magaling mga bata! Bigyan natin ng
good job clap ang gating mga sarili.

- Mula sa ating naging aralin, may


naging karanasan na din ba kayo sa
kalamidad?

- Ano ang mga ginawa ninyo noong


nakaranas kayo ng kalamidad?
(pipili ang guro kung sino ang maaring
magpakita o magkwento nito sa klase)
6. Paglalahat

- Ano ano ang mga dapat gawin o


wastong kilos sa tahanan sa panahon
ng kalamidad?

- Opo.

- Maghanda ng first aid kit at


- Bakit kailangan nating maging handa emergency kit na maaaring dalhin
sa ano mang kalamidad? Ano ang sa paglikas.
kahalagahan ng pagkakaroon mo ng - Linisin ang kapaligiran at mga kanal
kaalaman sa mga dapat gawin at o estero para maiwasan ang
wastong kilos sa panahon ng pagbaha.
kalamidad? - Manood o making ng balita upang
laging nakaantabay sa mga
pangyayari.
- Suriin kung may mga dapat ayusin
7. Paglalapat o kumpunihin sa ano mang parte ng
bahay o kable ng kuryente.
Panuto: Bigyan ng sariling wakas ang - Lumikas kung kinakailangan at
bawat sitwasyon sa ibaba ayon sa tumawag sa emergency hotlines
natutunan mong dapat gawin at kung kailangan ng tulong.
wastong kilos sa panahon ng
kalamidad. Sagutan ito sa sagutang
papel. - Kailangan nating maging handa sa
ano mang kalamidad upang
1. Papasok na si Maria sa maiwasan natin ang mga aksidente.
eskwelahan ng biglang bumuhos - Mahalaga po ito dahil magiging
ang malakas na ulan at hangin. handa tayo sa mga nangyayari sa
Nalaman niyang may paparating ating paligid.
na bagyo. Ano ang dapat gawin ni
Maria?

2. Napanood sa balita ni Sam na


nagbuga ng abo ang Bulkang
Mayon. Ano ang dapat gawin ni
Sam? (Maaaring magkakaiba ang sagot ng
mga mag-aaral.)
3. Nagsusulat ang mag bata sa silid-
aralan nang tumunog ang
emergency bell. Mabilis ngunit
maingat na luminya ang mga bata.
Ano ang sunod nilang gagawin?

IV. Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang mga maaring gawin o wastong kilos sa mga sumusunod na kalamidad.
Isulat sa patlang ang sagot.
1. 4.

2. 5.

3.

V. Takda
Panuto: Mag tala ng mga pangyayaring inyong natatandaan na ginagawa sa paaralan kapag
may kalamidad.

You might also like