You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Ikaapat na Markahan

I. Layunin

a. Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari;


b. Natatalakay ang kaibahan ng sanhi at bunga;
c. Natutukoy ang sanhi at bunga sa bawat pangyayari.

II.Paksang Aralin

Paksa : Pagsasabi ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari


Sanggunian : F4PB-IVg-i-6.1
Kagamitan : Bedyu klip, tsart at mga larawan
Pagpapahalaga : Pag-aalaga ng kalikasan
Paghihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na
basura
Istratehiya : Explicit na pagtuturo
Pagsasanib : Agham

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

“______pangunahan mo ang panimulang Opo ma’am (sa ngalan ama,


panalangin sa araw na ito.” anak at espiritu santo,
Amen...)

2. Balik Aral\Pagsasanay

Panuto: Ibigay ang kasalungat ng salitang


may salungguhit sa bawat bilang. Piliin
ang sagot mula sa mga salitang nasa loob
ng kahon sa ibaba.

malayo masaya kaunti

luma pangit

1.Malapit ang palengke sa aming bahay. Malayo po ma’am


2.Bago ang suot na damit ni Alice. Luma po ma’am
3.Maganda ang tanawin sa bundok. Pangit po ma’am
4.Umuwi si Rex na malungkot. Masaya po ma’am
5.Marami ang natuwa sa batang bibo. Kaunti po ma’am

B. Paghahabi ng Layunin ng Aralin

1. Pagganyak

Mayroon akong ipapakitang larawan, ano


ang ginagawa ng bata sa larawan?
Pumutol ng kahoy ma’am

Tama ba ang ginawa ng bata? At bakit? Mali po ma’am kasi sinisira


nya ang kalikasan.

Tama, ano ang nakikita ninyo sa larawan?

Pabrika po ma’am

May maganda bang idinulot ang Pabrika?


at bakit? Wala po ma’am kasi
nagtatapon sila ng dumi
sa ilog.

Oo tama. Ito nman, tama ba ang


ginawa ng bata? At bakit?

Mali po kasi nagtatapon siya


ng basura kahit saan.”

Dapat ba nating tularan ang nasa larawan? Hindi po ma’am kasi


nagdudulot sila ng
pinsala sa ating kapaligiran
at
kalikasan.

Tama, kapag ipinagpatuloy natin ang


pagsira ng kalikasan at kapaligiran,
magdudulot ito ng kalamidad. Ano –ano
ang mga kalamidad na alam ninyo mga
bata? Lindol, baha, bagyo ma’am

Tama ang sagot ninyo mga bata.

Nakaranas na ba kayo ng bagyo mga


bata? Ano-ano ang mga naramdaman
ninyo noong nagkaroon ng bagyo/baha/
lindol mga bata? Natakot po ma’am baka kasi
matangay/masira ang bahay
namin.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa mga


Bagong aralin.

Mayroon akong ipapakita sa inyo na isang


bedyu klip.

Pero bago ko ipakita, ano - ano ang


dapat ninyong gagawin habang nanonood? Maging tahimik ma’am

Manood at makinig nang


mabuti

Tama mga bata.

(Panonoorin ng mga bata ang bedyu klip.)

Batay sa inyong napanood, ano-ano ang


mga naganap sa bedyu klip? Malakas po ang hangin at
ulan ma’am.

Ano pa ang nangyari? Nasira po ang kanilang bahay.

Maraming puno ang natumba.

Marami ang nasawi.

Lumikas ang mga tao sa


kanilang bahay.

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng Bagong kasanayan #1

Bakit marami ang lumikas mga bata? Dahil sa bagyo ma’am

Ang dahilan ay bagyo. Ano kaya ang


tawag sa dahilan ng isang pangyayari
mga bata? Ito ay Sanhi. Ano nga uli
ang sanhi mga bata? Ang sanhi po ay dahilan ng
isang pangyayari.

Ano naman ang epekto ng bagyo mga


bata? Paglikas ng mga tao ma’am

Ito ang epektong dulot ng pangyayaring


bagyo. Ano kaya ang tawag dito? Ang
tawag dito ay Bunga. Ano ulit ang bunga? Ang bunga ay epekto dulot ng
panyayari ma’am

Tama mga bata. Meron pa akong mga


halimbawa ng Sanhi at Bunga.
(Magpapakita ng mga larawan)

Sanhi Bunga

1.

Si Ana ay nag-aaral nang mabuti. Nakakuha siya ng mataas


na marka.

2.

Si Lito ay malakas kumain. Sumakit ang kanyang tiyan.

3.

‘Tinulungan ng bata ang matanda Nagpasalamat ang matanda


sa pagtawid ng kalsada. sa pagtulong ng bata.
4.

Maingay ang mga mag-aaral Nagalit ang guro.


sa klase.

5.

Nagdarasal ang mga bata. Pinagpapala sila ng


Panginoon.

Naintindihan ba ninyo mga bata? Opo ma’am.

E. Pagtatalakay ng baong konsepto at


paglalahad ng Bagong kasanayan #2

Ngayon nman mga bata magpapakita


ako ng mga larawan at isulat ninyo sa pisara
kung ano ang sanhi at bunga ng pangyayari.
(Magpapakita ng mga larawan)

1.
Batay sa nakita ninyong larawan, ano
ang sanhi at bunga sa unang larawan?
Sino ang gustong susulat dito sa
pisara? Ako po ma’am. Ang sanhi po
ay init ng araw ma’am at ang
bunga ay natuyo ang mga na
nilabahan.

Magaling. Tama ang iyong sagot.

2.

Dito sa ikalawang larawan, ano naman


ang sanhi at bunga? Sino ang susunod
na susulat? Ako po ma’am. Ang sanhi po
ay naglaro ang bata ng
pusporo at ang bunga ay
nasunog ang kanilang bahay
ma’am.
Tama ang iyong sagot.

3.

At sa huling larawan, ano ang sanhi


at bunga? Sino ang susulat dito sa
pisara? Ako po ma’am. Ang sanhi po
ma’am ay kumain ang bata ng
candy at ang bunga nman ay
sumakit ang kanyang ngipin.

F. Paglinang sa Kabihasaan

Kayo ay naka-grupo ng tatlo, bawat


isang grupo ay bibigyan ko ng gawain.
Bago natin simulan, ito ang
pamantayan sa pagbibigay ng iskor.
RUBRIKS
Pag-aayos ng Sanhi at
Drama Kanta
Bunga
10 Puntos 10 Puntos 10 Puntos
Nagtutulungan ang Nagtutulungan ang Nagtutulungan ang
bawat kasapi ng grupo. bawat kasapi ng grupo. bawat kasapi ng grupo.

Tumpak ang pag-ganap


Tama lahat ng sagot. Tama ang tono.
ng bawat tauhan.
Malakas ang tinig ng Malakas ang tinig ng Malakas ang tinig sa
tagapag-ulat. mga tauhan. pag-awit.

Unang Grupo

Ilagay ang larawan sa tamang kolumn.


Sanhi Bunga
1.

2.

3.

4.

5.

Pangalawang Grupo

Piliin ang tamang liriko sa kahon. Pagkatapos ay kantahin sa tono ng “Manok


na Pula”.

Mga bata huwag magtapon ng _________


Upang maiwasan ang pagbaha at ______________
Laging tandaan, ang mga kahoy huwag ___________
Ang kalikasan kapag nagalit tayo’y ______________
Kaya mahalin kapaligiran ay _______________
Upang makamtan ang kasaganahan
Maging maligaya tayong lahat
Kaya batas ay dapat nating sundin lahat
Isaisip kapakanan ng mga kabataan

basura putulin aanurin

kalamidad alagaan

Pangatlong Grupo

Isadula:
May nakita kang mga kaklase mo na nagtatapon
ng basura kahit saan. Ano ang gagawin mo?
Paano ka makakatulong para mapanatiling
malinis ang kapaligiran?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw araw na Buhay

Ano-ano ang mga dapat nating gawin


upang mapangalagaan ang ating
kalikasan? Dapat po ay itapon ang
basura sa tamang
lalagyan ma’am

Ihiwalay ang nabubulok at


di-nabubulok na basura
ma’am

Tama mga bata. Kailangan nating


pangalagaan ang ating kapaligiran
upang ito ay masisilayan pa ng mga
susunod na henerasyong katulad
ninyo.
H. Paglalahat

Naintindihan na ba ninyo mga bata


kung ano ang Sanhi at Bunga? Opo ma’am

Ano ang Sanhi? Ang Sanhi ay dahilan ng


pangyayari. ma’am

Tama, ano naman ang Bunga? Ang Bunga ay epekto dulot


ng pangyayari ma’am.
Tama mga bata.

I. Pagtataya

I-konek ang Sanhi at Bunga.

1.Mabilis mag-bike si Alex. *Nakabili ng bahay.

2. Hindi siya nag-aral. *Bumaha sa palengke.

3.Malakas ang ulan. * Dinala siya sa ospital.

4. Nag-ipon si Sarah. *Naaksidente siya sa daan.

5.Mataas ang kanyang lagnat. *Bumagsak siya sa


pagsusulit.

J. Takdang Aralin

Sagutin ang tanong sa isang pangungusap.

1. Bakit mahal ka ng iyong magulang?


2. Bakit kailangan mong mag-aral?
3. Bakit kailangang diligan ang mga halaman?
4. Bakit tayo sumusunod sa utos ng ating mga magulang?
5. Bakit naging madumi ang ating karagatan?

IV. Mga Tala


V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakukuha ng 80% sa pagtataya___________

B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para


sa remediation_________________

C. Nakatutulong ba ang remediation ________

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation __________

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nkatutulong ng lubos? __________

Inihanda ni:

GLORIA A. SARMIENTO
Master Teacher 1

You might also like