You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalimang baiting, Prudence

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Naiisa-isa ang mga gawaing nakasisisra sa kapaligiran

b. Nasasabi ang kahalagahan ng mapanagutang pangangalaga sa kapaligiran at

c. Natutukoy ang wastong paraan ng pangangalaga sa kapaligiran

II.Paksang-Aralin

Paksa: Bahagi ako ng Pangangalaga sa Mundo

Sanggunian: ESP ppp III-27- Batayang Aklat; Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon

pp.142-143

Kagamitan: Printed Materials, Pictures, Visual and Speaker, Pentelpen

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
I. Panalangin
ʺTumayo ang lahat, Erika, maaari mo bang
pangunahan an ating panalangin? ʺOpo Maʻamʺ
(Tatayo ang lahat ng mag-aaral at mananalangin)

2. Pagbati
ʺMagandang Umaga mga bataʺ ʺMagandang Umaga din po maamʺ

Kamusta kayo? ʺMabuti naman poʺ

3. Pagtatala ng Lumiban sa Klase


Bago tayo magsimula, Mayroon po bang lumiban
sa inyong klase?
ʺWala po maʻamʺ

ʺMabutiʺ

4. Balik-Aral
Sino sainyo ang nakakaalala kung ano ang inyong
huling tinalakay o pinagawa sa Esp noong Paraan ng pangangalaga sa kapaligiran
nakaraan?

Magaling!
B. Pagganyak

(Ididikit ng guro ang mga larawan sa pisara)

Ngayon, mga bata ano ang napapansin niyo sa


unang larawan? ʺPagputol ng mga punoʺ

Tama, Ito ay pagputol ng mga puno

Ano ang mangyayari pag naubos ang mga puno? ʺBabahaʺ


Tama, magkakaroon ng pagbaha

Sa Ikalawang larawan? ʺPagtapon ng basura sa dagatʺ

Pagtapon ng basura sa dagat o sa anyong tubig.

Ano naman ang manyayari pag patuloy tayo sa ʺMamamatay ang mga isdaʺ
pagtapon ng basura sa mga anyong tubig? ʺMasisira ang dagatʺ

Mahusay!

Sa ikatlong larawan? ʺPaggamit ng dinamita sa pangingisdaʺ

Ano kaya ang maidudulot ng paggamit ng dinamita ʺMasisira ang tirahan ng mga isdaʺ
sa pangingisda? ʺMalalason ang mga isdaʺ

Tama!

Sa ikaapat na larawan? ʺPagsunog ng mga basuraʺ


Ano ang masamang dulot nito sa paligid? ʺPagkawala ng sariwang hangin o pagkakaroon ng
polluted airʺ

Ngayon mga bata, ang mga Gawain bang ito ay


dapat nating tularan? Bakit? Hindi po, sapagkat ito ay may masamang dulot sa
ating kapaligiran at sa mga naububuhay ditto sa
mundo.

Mahusay mga bata!

C. Paglalahad ng Aralin
I. Layunin
(Ipapaskil sa pisara ang layunin) Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay
Halinat basahin ng sabay-sabay ang layunin sa inaasahang;
araw na ito. a. Naiisa-isa ang mga gawaing nakasisisra sa
kapaligiran
b. Nasasabi ang kahalagahan ng mapanagutang
pangangalaga sa kapaligiran at
c. Natutukoy ang wastong paraan ng pangangalaga
sa kapaligiran

D. Pagtatalakay

Ngayon, magbabasa tayo ng isang kwento tungkol


sa paggamit ng dinamita.

(Ipapaskil ito sa pisara)

Ang kwentong ito ay pinamagatang Kawawang mga


nilalang sa dagat.

Makinig kayo mga bata babasahin ko sainyo ang


kwento.

ʺKAWAWANG MGA NILALANG SA DAGATʺ

(Matapos basahin may itatanong ang guro tungkol


sa binasang kwento) ʺNagkahiwalay silang mag inaʺ
ʺNawala si tuling at hinanap ito ng kanyang inang si
1.Ano ang nangyari kay tulingan at sa anak niyang tulingan.
si tuling? ʺNasabugan si tuling ng dinamitaʺ

ʺMalalason ang isda at ang dagat dahil sa kemikal


na ginamit sa paggawa ng dinamita.ʺ
2. Paano sinisira ng dinamita ang dagat at mga
nilalang na namumuhay dito? ʺUnti-unting mauubos ang isda sa karagatan at
masisira din ang tirahan ng mga isda sa dagat.ʺ

ʺBababa ang ekonomiyaʺ


3. Paano nakakaapekto sa sangkatauhan ang ʺTataas ang presyo ng isda dulot ng kakulangan sa
pagkawasak ng yamang tubig? supply.

Tama! Bababa ang ekonomiya o babagal ang daloy


ng ekonomiya at tataas ang presyo ng isda. O ang
tinatawag nating Inflation rate.

Mahusay mga bata!

E.Paglalapat

Ngayon, Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.


Magbilang tayo mula isa hanggang tatlo.

Pero bago yan basahin muna natin ng sabay-sabay ʺOpoʺ


ang pamantayan sa panggawa nito.

Naiintindihan?
Mayroon lamang kayong 15 minutos upang tapusin
ang gawaing ito.

Panuto: Gumawa ng Graphic organizer. Magsulat


sa loob nito ng limang (5) tungkulin mo sa pag
aalaga sa kapaligiran

Mga desinyo sa bawat pangkat.


Unang pangkat- Bulaklak
Ikalawang pangkat- Star
Ikatlong pangkat- Clouds

F. Paglalahat

Bakit mahalaga sa tao na ingatan at pangalagaan


ang kapaligiran? ʺUpang magkaroon tayo ng masaganang
pamumuhayʺ

ʺUpang makaiwas tayo sa mga sakitʺ


ʺUpang makaiwas sa pagkakaroon ng mga sakunaʺ

Magaling! Kaya habang bata pa dapat ay


matutunan natin kung papaano pangalagaan at
ingatan ang ating kalikasan.
Nauunawaan? Opo

G. Pagtataya
(Magbibigay ng indibidwal na pagsusulit ang guro)

Kumuha ng isang buong papel

.
Panuto: Basahin ang bawat pangyayari. Isulat ang
letra ng sagot sa sagutang papel.

1. Kapag ikaw ay pumutol ng puno, ano ang


susunod mong gagawin? D

a.pabayaan na lang
b. iwanan ang mga ito
c. itapon ang mga natitira
d. magtanim ng panibago

2. Pagkatapos maglinis ng kapaligiran, saan mo


dapat itapon ang mga basura na iyong naipon? D

a. itapon sa ilog
b. itapon sa kanal
c. itapon kahit saan
d. itapon sa tamang lalagyan

3.Ano ang iyong gagawin kung nakita moa ng iyog


tatay na nanghuhuli ng mga hayop? D
a. tutulungan ko siya
b. hindi siya papansinin
c. wala akong gagawin
d. kakausapin at sasabihin na bawal ang kaniyang
ginagawa

4. Sa iyong paglalakad ay may nakita kang kalat sa


daan. Ano ang gagawin mo? B

a. iiwasan ang mga ito


b. pupulutin at itatapon sa basurahan
c. wala akong gagawin
d. paglalaruan ang mga ito

5. Ano ang inyong gagawin kung nakita mo ang


iyong kapitbahay na nagsusunog ng mga basura? A

a. kakausapin at sasabihin na masama ito


b. pababayaan na lamang siya
c. magagalit ka sa kanya
d. gagayahin siya

IV. Takdang Aralin

Sagutan ang Gawain A at B sa pahina 145-146 sa


kwaderno.

Ruffa Mae J. Espayos


BEED-4A
Pre Service teacher

Suzette Escobal
Grade-5 Adviser
Cooperating Teacher

You might also like