You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL
Zamboanga City

BANGHAY ARALIN SA ARPAN

Asignatura: ARPAN Baitang: PG II Petsa:__________________

I- Layunin
Ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang mga sumusunod:
Naipapaliwanag ang pansariling tungkulin sa pangangalaga ng kapaligiran.
CG Code: (AP2PSK-IIla-1)

Integration: ESP- kaugaliang ng mamamayang Pilipino


Pagpapahalaga: Pagiging responsable

II-Paksang Aralin: Ang Pansariling Tungkulin sa Pangangalaga ng Kapaligiran


Oras: 50 minutes
Kagamitan: Pictures, Incentive Chart
Sanggunian:
 Module 3rd Quarter Module 4
 Araling Panlipunan 2 Kagamitan ng Mag-aaral (Tagalog) p. 112-126
 https://www.istockphoto.com/vector/child-throws-a-garbage-in-the-river-gm918106158- 252561008
 https://www.cagle.com/gatis-sluka/2019/04/burning-plastic
 https://dlpng.com/png/6772740

III. PAMAMARAAN
(Every day Routine: Singing action song and setting standards.)

A. Paghahanda
Handa na ba kayo mga bata sa araw na ito? Sa umagang ito sisimulan natin ang ating aralin bago
tayo magsimula tignan muna natin kung ano ba ang dapat ninyong gawin sa oras ng talakayan.

1. Pagganyak
Tignan natin ang pisara, ano ang inyong masasabi tungkol sa pares ng larawan?
Pares A Pares B

2. Paghahabi sa layunin
Ano ang inyong masasabi tungkol sa larawan?
Ano ang nais ipahiwatig nito?
Saan niyo ba gusting tumira, sa malinis o maduming kapaligiran?
Kung gusto mong tumira sa malinis na lugar ano ang iyong dapat gawin?
Sa araw na ito pag-aaralan natin ang Pansariling Tungkulin sa Pangangalaga ng Kapaligiran.

KWENTONG PANGBATA
Ipapakita ng guro ang isang video clip tungkol sa Pansariling Tungkulin sa Pangangalaga ng
Kapaligiran.
Bago tayo manood ano ba ang dapat nating gawin kapag may pinapanood tayong palabas?

Tanong sa pagkatuto:
Ano ang pamagat ng kwento?
Dapat ba nating gawin ang tulad ng ginagawa ng bata sa kwento?
Kung ikaw ang bata sa kwento ano ang iyong gagawin upang hindi mangyari ang ganun?
Dapat ba nating gawin ang kabutihan para sa ating kapaligiran? Bakit?
1. Gawin ko/I Do
Ano nga ba ang pansariling tungkulin na ito?

Ang pansariling tungkulin ay tumutukoy sa pananagutan, obligasyon at responsibilidad ng isang


tao. Mahalaga na maunawaan ng bawat isa na tayo ay may pansariling tungkulin sa pangangalaga
ng ating kapaligiran. Simulan natin sa ating sarili ang wastong pangangalaga ng ating kalikasan.
Sa pamamagitan nito, maipapakita natin sa lahat ang ating pagpapahalaga sa mga likas na yaman
na bigay ng ating Panginoong Diyos.

Malinaw ba sa inyo ang Pansariling Tungkulin sa Pangangalaga ng Kapaligiran?


Tignan natin ang mga larawan.
Ano ano kaya ang mga pansariling tungkulin o responsabilidad ng bawat isa.?

1. Huwag magsunog ng basura.


2. Huwag gumamit ng dinamita, koryente, cyanide sa pangingisda.
3. Magtanim muli ng halamang puno sa punong pinutol.
4. Magtanim ng mga gulay at prutas
5. Tamang paghiwalay ng mga basura.
6. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan.
7. Huwag magtapon ng basura sa ilog.
8. Huwag magpatayo ng bahay sa gilid ng mga ilog?

1.
2.
3.
4.
2. Gawin Natin/We Do
Raise me Up technique (GAME)
Sa araw na ito ay maglalaro tayo. Gusto niyo ba ng laro?

Ano ang gagawin?


1. Ang bawat isa ay may hawak na thumbs up and thumbs down sign.
2. Itaas lamang ang dapat na kasagutan sa mga larawang ipapapakita sa screen.
3. Thumbs up kung ito ay pansariling responsibilidad o tungkulin, thumbs down naman kapag
hindi.
4. Itatama natin ang inyong mga kasagutan.
5. Handan aba kayo mga bata?

Powerpoint presentation

3. Gawin Ninyo/You Do
Differentiated Activity
Ano ang gagawin?
1. Ang klase ay nahahati sa tatlong grupo.
2. Ang bawat grupo ay may kanya kanyang Gawain.

(NOTE: Learners are group according to their skills or ability based on their multiple intelligences.)

GROUP 1:
Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa linya kung ang ipinapahiwatag ay pansariling

tungkulin at malungkot naman kapag hindi.

_____1. Ang basura ay dapat itapon sa ilog at karagatan.


_____2. Gumamit ng fishing net sa paghuli ng mga isda.
_____3. Linisan ang bakuran upang mapanatili ang malinis na kapaligiran.
_____4. Tanggalin at pitasin ang mga halamanang bulaklak sa parke.
_____5. Ihiwalay ang mga nabubulok at di-nabubulok na basura.

GROUP 2:
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at MALI kung hindi.
______1. Pagpapalit ng pananim sa mas pagkakakitan ang pananim para maipagbili sa ibang bansa
tulad ng asparagus,prutas at iba pa sa halip na palay at tubo.

______2. Paggamit ng mga nabulok na dahon, basura, dumi ng hayop sa compost pit bilang pataba
ng lupa o organic fertilizer.

______3. Pag-iwas sa paggamit ng bangkang de motor sa pangingisda.

______4. Pagtatapon sa dumi ng mga pabrika sa mga katubigan na nagdudulot ng polusyon.

______5. Paghuli ng mga ibon at buhay-ilang sa panahon lamang ng open season.

GROUP 3:
Graphic Organizer
Panuto: Isulat ng isang pansariling tungkulin sa pangangalaga ng kapaligiran.

Pag-aalaga sa Kapaligiran

Tubig Gubat Lupa

IV-Pagtataya
Panuto: Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng larawan tungkol sa pansariling tungkulin sa
pangangalaga ng kapaligiran.
IV-Karagdagang Gawain/ Takdang Aralin
Pag-aralan ang larawan. Iguhit ang sa kahon kung ang larawan ay nagpapakita ng pansariling
tungkulin sa pangangalaga sa kapaligiranna naman kung hindi.

Pagtatanim ng punong-kahoy Pagtatapon ng basura sa ilog

Pagkakaingin Paggamit ng dinamita sa pangingisda

Pagpupulot ng basura sa kalye

Inihanda ni:

GNG. EDERLYN P. CHIONG


PG subj. Teacher/Garde 5 Adviser
Inobserbahan ni:

________________________________________________

IV-Karagdagang Gawain/ Takdang Aralin


Pag-aralan ang larawan. Iguhit ang sa
kahon kung ang larawan ay nagpapakita ng
pansariling tungkulin sa pangangalaga sa
kapaligiranna naman kung hindi.

Pagtatanim ng punong-kahoy Pagtatapon ng basura sa ilog

Pagkakaingin Paggamit ng dinamita sa


pangingisda

Pagpupulot ng basura sa kalye

You might also like