You are on page 1of 62

ANG BUNGA NG KAPINSALAAN NG KAPALIGIRAN

Session Guide Blg. 1

I. MGA LAYUNIN
1. Nabibigyang kahulugan ang ecosystem at pagkasira ng kapaligiran
2. Natutukoy at nailalarawan ang ilang uri ng pagkasira ng kapaligiran na
nakaaapekto sa ibat ibang mga ecosystem
3. Napapahalagahan ang ibat ibang halimbawa ng ecosystem
4. Nakakagawa ng mga paraan upang maiwasan ang patuloy na pagksira ng
kapligiran
II. PAKSA
A. Aralin : Ano ang Pagkasira ng Kapaligiran, pahina 4-11.
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay :
Kasanayang magpasya, paglutas sa suliranin, at
pansariling kamalayan
B . Kagamitan : Larawan ng malago at kalbong kagubatan, papel, pandikit,lapis,
krayola o colored pen

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagganyak : Ubusan ng lahi (isang laro)
 Bumuo ng dalawang pangkat
 Hahawakan ng bawat miyembro ang beywang ng nasa harapan nila.
 Huhulihin ng nasa unahan ang huling miyembro ng kabilang pangkat.
 Ang may pinakamaraming miyembro na natira ang panalo.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakanta ang awiting “Masdan Mo ang Kapaligiran” ng Asin
Masdan Mo ang Kapaligiran
Wala ka bang napapansin sa ating kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.
Refrain I
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating nararating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati’y kulay asul ngayo’y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit huwag na nating paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man, sariwang hangin
Sa langit natin matitikman
Refrain II
Mayron lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap nalang tayo magkantahan
Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin?
May mga ilog pa kayang lalanguyan?
Refrain III
Bakit di natin pag-isipan
Ang nagyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan

Darating ang panahon mga ibong gala


Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo’y namamatay dahil sa ‘ting kalokohan
Refrain 4
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit nong ika’y wala pa
Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa
Pagkat pag Kanyang binawi, tayo’y mawawala na
Repeat Refrain 2

2. Pagtatalakayan
a. Ipabasa ang Alamin Natin sa pahina 6-7 at 8-9.
b. Pabunutin ang mga mag-aaral ng mga katanungan mula sa
Pandoras Box.
c. Pasagutan ang mga katanungan, kung hindi masagot ng
nakabunot maaari itong sagutin ng iba.
d. Debate
Ang guro ang tatayong mediator ng debate. Ang paksa ng
pagdedebatihan ay “Sino ang dapat sisihin sa nangyari sa
Samar, ang gobyerno ba o mga negosyante”?

 Bumuo ng dalawang pangkat na may tig-aapat na


miyembro.
 Papiliin ang bawat pangkat ng panig na kanilang
ipagtatanggol.
 Magtoss coin para malaman ang mauuna.
 Bawat pangkat ay bigyan ng 5 minuto para ilahad ang
kanilang ideya.
 Tatagal ang debate sa loob ng 1 oras.

Mga batayan para malaman ang nagwagi:


1. Kahusayan sa pagpapahayag ng ideya.
2. Pagsunod sa oras na inilaan.
3. Kahusayan ng pagtataggol ng panig
e. Talakayin ang pagkasira ng kapaligiran at ang puntos ng
bawat panig. Ipabasa ang sinasabi ukol sa ecosystem.
Habang binabasa ay bilugan ang keywords o importanteng
salita gaya halimbawa ng komunidad, kemikal at pisikal

komunida kemikal pisikal


d
 Bigyan-diin na ang ecosystem ay isang komunidad ng mga
organismo na may kaugnayan sa bawat isa at sa mga
kemikal at pisikal na salik, tulad ng liwanag ng: araw, tubig,
lupa at mga sustansiya sa lupa. Ang mga halimbawa nito ay
freshwater ecosystem, marine ecosystem, forest ecosystem
at urban ecosystem.
 Sabihin na maaaring malaki ang ecosystem kagaya ng
kagubatan at maaaring maliit kagaya ng halamanan.
 Ibigay ang mga halimbawa ng natural na pagkasira ng
kapaligiran: bagyo, pagguho ng mga bundok o burol, lindol,
baha at pagsabog ng bulkan.
 Ibigay ang mga halimbawa ng mga gawain ng tao na
nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran: pagkakalbo ng mga
gubat, muro-ami, paggamit ng dinamita at mga lambat na
maliliit ang butas sa pangingisda, pagtatapon ng basurang
industriyal at domestik sa mga bahagi ng tubig, hindi
pagsasaayos ng mga sirang tubo o gripo, sobrang
pagbomba ng tubig sa ilalim ng lupa, urbanisasyon,
pagbubuga ng makakapal na usok ng mga sasakyan.
f. Ipagawa ang Subukan Natin Ito sa pahina 9-10.Suriin ang
mga magiging sagot sa gawain. Gabayan ang mga mag-
aaral upang magkaroon ng mapanuring kaisipan.
3. Paglalahat
Itanong sa pamamagitan ng circle response ang sagot sa mga
tanong na ito:
 Ano ang mga salik na bumubuo sa ecosystem?
 Anu-ano ang mga gawaing nakasisira ng kapaligiran?

Ang kabuuan ng kanilang sagot ay ipasulat at ipalagay sa isang


kahon.
Ang mga salik na bumubuo sa ecosystem ay liwanag ng araw
, tubig, lupa at sustansiya sa lupa.
Ang mga halimbawa ng mga gawaing nakasisira ng
kapaligiran ay ang mga sumusunod pagkakalbo ng mga gubat,
muro-ami, paggamit ng dinamita at mga lambat na maliliit ang butas
sa pangingisda, pagtatapon ng basurang industriyal at domestic sa
mga bahagi ng tubig, hindi pagsasaayos ng mga sirang tubo o
gripo, sobrang pagbomba ng tubig sa ilalim ng lupa urbanisasyon,
pagbubuga ng makakapal na usok ng mga sasakyan.
4. Paglalapat
Nakita mo ang iyong kaibigan na nagtatapon ng basura sa ilog,
ano ang iyong gagawin?
Ipalarawan ang maaaring gawin upang makatulong sa pagsugpo sa
pagkawasak ng kapaligiran.
5. Pagpapahalaga
Magsimula ng reflection activity at habang nagninilay ay ipabigay
ang sagot dito:
Bilang miyembro ng isang komunidad, sinasang-ayunan mo ba ang
patuloy na paggawa ng mga gawaing nakasisira ng kapaligiran.
Ano ang inyong magagawa upang makatulong sa pagsugpo ng mg
gawaing makasisira sa kapaligiran?

IV. PAGTATAYA
a. Bawat pangkat ay gagawa ng artipisyal na ecosystem, gamit ang papel,
pandikit, lapis at krayola o colored pen.
b. Bigyan ng marka ang gawa ng mga mag-aaral batay sa sumusunod na
pamantayan.
Kalinisan at kaayusan ng gawa --------- 5
Tamang oras na pagpasa --------- 3
Kooperasyon ng grupo --------- 2
Total 10

Mula 7-10 --- Mahusay


Mula 3-6 --- Dagdagan pa ang husay sa paggawa
Mula 0-2 --- Pag-igihan sa susunod
V. KARAGDAGANG GAWAIN
 Magpagawa ng pantomina tungkol sa pagkasira ng kapaligiran.
 Magpasaliksik tungkol sa mga epekto ng pagkasira sa kapaligiran.
Ibahagi ang nakitang kaalaman ukol dito.

ANG BUNGA NG KAPINSALAAN SA KAPALIGIRAN


Aralin 2

I. LAYUNIN
a. Nakikilala ang mga uri ng pagkasira ng kapaligiran na nakaaapekto sa ibat
ibang ecosystem
b. Naipaliliwanag ang mga bunga ng malawakang pagkawasak ng kapaligiran sa
bawat ecosystem

II. PAKSA
a. Aralin : Ang Ating Kapabayaan
b. Kagamitan : Modyul- Ang Bunga ng Kapinsalaan sa Kapaligiran,
Larawan ng maruming ilog, bahang lugar, manila
Paper, pentel pen at scotch tape
III. PAMARAAN
a. Panimulang Gawain
 Balik-aral
1. Ano ang ecosystem?
2. Ano ang pagkasira ng kapaligiran?
3. Anu-ano ang mga gawain na nakasisira sa kapaligiran?
 Pagganyak
Ipahanap ang mga nakatagong salita sa kahon na nakasulat sa ibaba.
Bilugan ang mga ito.

ECOSYSTEM MARINE LANDSLIDE


FOREST URBAN REEFS

E A O I B C D L A E
R C A E O U A E I O
V F O R E S T R D I
M P I S T R A E O T
N U T O Y U R Y F R
O L A N D S L I D E
U T L I V A T F I E
R L M A R I N E L F
L F R M T V A I M S
b. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng maruming ilog, kalbong gubat at bahang lugar.

2. Pagtatalakayan
a. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.
b. Bawat pangkat ay bibigyan ng topic na pag-aaralan
c. Ang unang pangkat ay pag-aaralan ang freshwater at forest
ecosystem sa pahina 14-20.
d. Ang ikalawang pangkat ay pag-aaralan ang marine o coral
ecosystem at urban ecosystem na nasa pahina 21-25.
e. Ang bawat pangkat ay sasagutin ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Anu-ano ang mga gawain na nakasisira sa
ecosystem?
2. Anu-ano ang mga epekto sa mga tao at iba pang
organismo sa mga gawaing ito?
f. Isusulat sa manila paper ang kanilang kasagutan
g. Iuulat ng isang miyembro sa bawat pangkat ang kanilang
mga kasugutan.
h. Tatalakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng flow chart.

3. Paglalahat
1. Sinu-sino ang mga naapektuhan ng mga gawaing nakasisira sa
kapaligiran.
2. Anu-anong mga epekto ng pagkasira ng kapaligiran?

4. Pagpapahalaga
Dahil sa lulamalalang kondisyon ng kapaligiran, ano ang magagawa mo
para mabawasan ang problemang pangkapaligiran?

5. Paglalapat
Habang ikaw ay papuntang paaralan, nakita mo na umaapaw ang
tubig sa may canal. Nadiskobre mo na nasira ang tubo ng tubig kaya
patuloy na tumataas ang tubig canal. Ano ang gagawin mo?

IV. PAGTATAYA

Ipasagot ang Alamin Natin ang Iyong Natutunan sa pahina 26-27. Ihambing ang
ang kanilang mga sagot sa batayan ng Pagwawasto sa pahina 46-48.
V. KARAGDAGANG GAWAIN
1. Magsaliksik tungkol sa pangunahing hakbang na ginagawa ng pamahalaan at
pribadong sector upang maisalba at mapanatiling buhay ang ating kapaligiran.
2. Magsaliksik kung anong problemang pangkapaligiran sa inyong lugar.

ANG BUNGA NG KAPINSALAAN SA KAPALIGIRAN


Aralin 3

I. LAYUNIN
 Nakikilala ang mga posibleng solusyon sa pagkasira ng kapaligiran.
 Nakapagbibigay ng mungkahi ng mga posibleng kaparaanan na maaaring
magbigay lunas o kumontrol sa mga suliraning pangkapaligiran
II. PAKSA
 Aralin : Ang Pagkilos
 Kagamitan : Modyul- Ang Bunga ng Pagkasira ng Kapaligiran
bote ng softdrinks o alak, diyaryo, walang lamang
lata, pintura, pandikit, lapis at pentel pen
III. PAMARAAN
 Panimulang Gawain
 Balik-aral
1. Ano ang deforestation?
2. Ano ang epekto ng deforestation sa tao?
3. ano ang saltwater intrusion?
4. Ano ang epekto ng saltwater intrusion sa tao at halaman?
 Pagganyak

 Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng nagtutulungang pamayanan
2. Pagtatalakayan
a. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.
b. Gamit ang round robin with talking chips, ang bawat miyembro
ay mag-iisip ng pagkilos o paraan upang maiwasan ang
pagkasira ng kalikasan at sinu-sino ang mga dapat makibahagi
sa mga kilos na ito.
c. Ang bawat miyembro na magbabahagi ay kailangang maglagay
ng chips (maaaring lapis o bolpen) sa gitna.
d. Hindi pa maaaring umulit ang tapos na hanggat hindi
nakakababa lahat ang chips ng pangkat.
e. Iuulat ng mga miyembro ng bawat pangkat ang mga kilos o
paraan na kanilang napagkasunduan.
f. Ipabasa ang Pag-aralan at Isipin Natin sa pahina .
g. Talakayin ang mga paraan na naisip ang nabasa ng mga mag-
aaral.
h. Ipagawa ang Sagutin Natin sa pahina

3. Paglalahat
Anu-ano ang mga pagkilos upang mapangalagaan ang ating
kapiligiran?

4. Pagpapahalaga
Ano ang maibabahagi mo upang mapangalagaan at maprotekthan
an gating kapaligiran?

5. Paglalapat
Buong klase ay pupunta sa isang barangay upang magsagawa ng
Barangay Linis Operation.

IV. PAGTATAYA
Ipasagot ang Alamin NAtin ang Iyong Natutunan sa pahina 38. Ihambing ang
kanilang mga sagot sa Batayan ng Pagwawasto sa pahina 50-51

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Magpagawa ng isang bagay na puwedeng pandekorasyon o pagkakitaan gamit
ang mga bote ng softdrinks o alak, diyaryo, walang lamang lata, pintura, pandikit,
lapis at pentel pen

Bibigyan ng marka ang gawa ng mga mag-aaral batay sa sumusunod na


pamantayan:

Kalinisan at kaayusan ng gawa --------- 5


Kalidad ng ginawa 3
Tamang oras na pagpasa --------- 2
Total 10

Mula 7-10 --- Mahusay


Mula 3-6 --- Dagdagan pa ang husay sa paggawa
Mula 0-2 --- Pag-igihan sa susunod
ANG ECOSYSTEM
Session Guide Blg. 1

I. MGA LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang kaibahan ng populasyon sa komunidad at ecosystem
2. Nakikilala ang bumubuo ng ecosystem
3. Naipaliliwanag ang kaibahan ng biotic components sa abiotic components ng
ecosystem

II. PAKSA
A. Aralin 1: Ang Ecosystem at mga Bumubuo Nito, p. 4-16
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Kasanayang
Makipagkapwa
B. Kagamitan: Module: Ang Ecosystem tape, radio cassette, larawan, tsart, pisara

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
 Iparinig ang awiting “Masdan ang Kapaligiran”.
 Pag-usapan ang tema ng awit.
Itanong:
May katotohanan ba ang tema sa nangyayari sa ating kapaligiran sa kasalukuyan?
Bakit?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Magpakita ng larawan ng kapaligiran sa mga mag-aaral.
 Ipatukoy at ipasulat sa pisara ang lahat ng nakikita nila sa paligid, may
buhay man o wala.
 Ipalagay sa isang hanay ang may buhay at sa isa pang hanay ang walang
buhay. Ipagamit ang tsart sa ibaba.
 Ipabasa ang mga salitang naisulat bawat hanay.
 Palagyan ng label bawat hanay.
 Biotic para sa may buhay
 Abiotic para sa walang buhay

 Palagyan ng mas malaking label ang dalawang hanay at ito ay ecosystem.


Biotic (may buhay) Abiotic (walang buhay)

2. Pagtatalakayan
 Bumuo ng dalawang (2) pangkat.
 Ang bawat pangkat ay gagawa ng poster na nagpapakita ng isang
ecosystem.
 Ang unang grupo ay itutuon ang pansin sa biotic o may buhay na
komposisyon ng ecosystem.
 Ang ikalawang grupo naman ay magtutuon ng pansin sa
“abiotic o walang buhay na komposisyon ng ecosystem.
 Pagbigayin ng ulat ang bawat grupo gamit ang poster na nagawa.
 Talakayin ang pagkakaiba ng populasyon sa komunidad at ecosystem.

3. Paglalahat
 Magbigay ng panuto upang makabuo ng isang mural ng ecosystem,
gamit ang colored chalk at pisara.
 Ipaulat sa mga mag-aaral ang mga naiguhit nila sa mural ng isang
ecosystem.
Itanong:
Paano nagkakaiba ang populasyon sa komunidad at ng ecosystem?

4. Paglalapat

Ibigay ang mga biotic at abiotic component na nasa larawan.

5. Pagpapahalaga
Sitwasyon:
Alam natin na tayo ay may ugnayan sa lahat ng bagay dito sa mundo , may
buhay man o wala. Mahalaga ang kapaligiran dahil dito tayo nakatira bilang
bahagi ng populasyon at isang komunidad.
Ano ang dapat nating gawin upang huwag masira ang ugnayan ng bawat
organismo?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.
_________ 1. Ang tawag sa ginagampanang tungkulin ng mga species.

_________ 2. Ang mga organismong magkakapareho ng species na


sama- samang namumuhay at nakapagpaparami sa
isang particular na lugar at panahon.
_________ 3. Grupo ng iba’t ibang populasyon na sama-samang
nakatira sa iisang lugar at dumedepende sa bawat isa
para sa kanilang pagkain.
_________ 4. Grupo ng mga organismong dumarami at may
kapabilidad na magparami.

_________ 5. Lugar kung saan tumutubo at nabubuhay ang species.

_________ 6. Lahat ng bagay na may buhay.

_________ 7. Lahat ng bagay na walang buhay.

_________ 8. Proseso ng paggawa ng pagkain

_________ 9. Interaksyon ng isang komunidad at ng mga bagay na


walang buhay
_________ 10 Tinatawag din itong autotrophs

Mga inaasahang sagot


1. Niche
2. Populasyon
3. Komunidad
4. Species
5. Habitat
6. Biotic
7. Abiotic
8. Photosynthesis
9. Ecosystem
10. Producers

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Gumawa ng isang talaan ng lahat ng mga bagay na may buhay at walang buhay na
makikita sa inyong kapaligiran.

ANG ECOSYSTEM
Session Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang kaibahan ng likas at gawang tao na ecosystem
2. Naisalalarawan ang ilang likas na ecosystem sa Pilipinas
3. Natutukoy ang ekolohikal na importansiya ng bawat ecosystem
4. Nakapagpapasiya nang wasto upang malutas ang suliranin na nangyayari sa
ecosystem.

II. PAKSA
A. Aralin 2: Likas at Gawang-Tao na Ecosystem, p. 17-30
Pangunahing Kasanayan sa Pamumuhay: Kasanayang Magpasya,
Paglutas sa Suliranin

B. Kagamitan:
Module : Ang Ecosystem
Larawan ng Isang pamayanan
Larawan ng isang gubat
Jigsaw puzzle ng dalawang uri ng ecosystem

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
Itanong:
Anu-ano ang mga natatandaan ninyong trahedya na dulot ng kalikasan sa tao?
Halimbawa:
 Leyte landslide na tumabon sa isang barangay at pumatay ng ilang libong tao,
hayop at mga pananim.
 Flashflood sa Ormoc na pumatay rin ng mga daan-daang tao, hayop at mga
pananim.
 Lindol noong Hulyo 16, 1991 na sumira sa maraming istraktura at pumatay ng
maraming tao.
 Tsunami sa Thailand at ibang karatig - bansa na pumatay din ng libu-libong
tao, hayop, halaman at sumira ng mga istraktura.
 Pagputok ng bulkang Pinatubo na nagpalabas ng tone-toneladang lahar na
tumabon sa ilang lugar sa Pampanga at sumira sa kapaligiran at pumatay rin
ng daan-daang tao at mga hayop.

Pag-usapan kung ano ang maaaring naging dahilan ng mga kalamidad na ito.
Itanong:
 Ano ang mga sanhi ng mga naganap na kalamidad?
 Sino ang dapat sisihin sa mga naganap na kalamidad?
 Ano ang naging epekto ng kalamidad sa ecosystem?
 May magagawa bang paraan upang maiwasan ang mga ganitong kalamidad?
Paano?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Ipakita ang dalawang larawan
- larawan ng isang gubat
- larawan ng isang pamayanan (urban)
 Ipahambing ang dalawang larawan ayon sa nakita.
 Itanong :
Anu-ano ang nakikita ninyo sa bawat larawan?
 Itanong kung sino ang may gawa ng gubat at kung sino ang
may gawa ng pamayanan
 Sabihin na ang gubat ay Likas na Ecosystem at ang
pamayanan ay Gawang-Tao na Ecosystem

2. Pagtatalakayan
 Hatiin ang klase sa limang pangkat.
 Magbigay ng jigsaw puzzle sa bawat pangkat na kanilang bubuuin.

Pangkat 1 – Jigzaw puzzle ng tropical rain forest


Pangkat 2 – Jigzaw puzzle ng coastal ecosystem
Pangkat 3 – Jigsaw puzzle ng Fresh water ecosystem
Pangkat 4 – Jigsaw puzzle ng palayang ecosystem
Pangkat 5 – Jigsaw puzzle ng urban ecosystem

 Kapag nabuo na ang jigsaw puzzle, hilinging ipaliwanag ito gamit ang
impormasyong makikita sa modyul pahina 21-26
 Pag-usapan ang katangian ng bawat ecosystem
 Pag-usapan din ang pagkakaiba ng bawat ecosystem
 Ipaliwanag ang biyodibersidad sa ecosystem
3. Paglalahat
Gamit ang Venn Diagram, ipakita ang kaibahan at pagkakatulad ng likas at
gawang-tao na ecosystem

Kaibahan ng
Likas na Kaibahan ng
Pagkakatulad Gawang-tao
Ecosystem

4. Paglalapat
 Magsagawa ng isang quiz contest sa klase.
 Bumuo ng dalawang magkatunggaling pangkat.
 Ang guro ang siyang tatayong quiz master.
 Magtatanong ang guro at ang pangkat na nakaaalam ng sagot sa tanong
ay magtataas ng puting panyo.

Mga tanong:
a) Ano ang gawaing sumisira sa coral reef?
b) Ito ang nagbibigay liwanag tungkol sa iba’t ibang bagay na
nabubuhay sa ecosystem. Ito rin ang flora at fauna sa ecosystem.
Ito rin ang sumusukat sa tatag ng isang ecosystem. Ano ito?
c) Ano ang mga uri ng kagubatan na makikita sa Pilipinas?
d) Ano ang tawag sa pagputol o pagsunog ng mga puno sa bundok?
e) Ano ang uri ng ecosystem na gawa ng tao?
f) Ano ang uri ng puno kung saan hugis payong ang estruktura ng
kanyang ugat at nagsisilbing tirahan ng aquatikong organismo?

5. Pagpapahalaga
Sitwasyon: Alam mong nakasisira ng coral reef ang paggamit ng dinamita.
Nalaman mo na ang iyong ama ay gumagamit nito sa
pangingisda.
Ano ang gagawin mo?

IV. PAGTATAYA
A. Isalarawan ang pagbabago sa ecosystem na ito.
C D

B. Sagutin ang “ Alamin Natin ang Iyong Natutuhan” sa modyul p. 27

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Gumawa ng dayorama na nagpapakita ng isang uri ng ecosystem.

ANG MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN


Session Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN
 Naipahahayag ang mga salawikain sa pamamagitan ng pagbabasa,
pagsasalita, at pakikinig
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salawikaing karaniwang ginagamit sa
pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, pagsasalita at pagsulat
 Nakagagamit ng mga salawikain sa pamamagitan ng mabisang
pakikipagtalastasan
 Natutukoy ang mga salawikaing ginagamit sa radio at sa panonood sa
telebisyon.

II. PAKSA
A. Aralin 2 : Mga Salawikaing Gabay sa Buhay pp. 22-42
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Mabisang
Pakikipagtalastasan
B. Kagamitan: Radyo Tape/ Manila paper at pentel pen

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
 Kumustahin ang mag-aaral at ipabasa ang mga nakalap na sawikain.
 Pag-usapan at talakayin ang kahulugan ng bawat sawikain at kailan
nararapat gamitin ang mga ito.
 Ipabasa ang laman ng tape at isulat ang 10 salawikain na nakapaloob sa
kuwento.
2. Pagganyak
Sabihin:
Sa silid-aralan, malimit natin nakikita ang mga nakapaskil na mga salawikain.
Natatandaan ba ninyo ang mga ito? Ipasabi at hikayating pabigayin ng
kahulugan.

Itanong:
 Mayroon na ba kayong narinig na salawikain katulad ng Nasa Diyos ang
awa, nasa tao ang gawa, Ano ang ibig sabihin nito?
 Ganyakin ipahayag ang kahulugan ayon sa kanilang pagkakaintindi.
 Sabihin na ang kasagutan ay masasagot sa susunod na mga gawain.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Pangkatin ang mag-aaral sa tatlo .
 Papiliin ang bawat pangkat ng tig-iisang gawain na sa Modyul.
 Patnubayan ang pangkat na paghandaan ang kanilang gagawin.
 Pabunutin ang mga pangkat sa pagpili ng gagawin.
Pangkat I: Pagsasadula (kung walang tape, kung mayroon pakinggan
ang tape, pahina 22 – 26, “ Isang Gabi sa tindahan ni
Aling Maria”
Pangkat II: Paggawa ng Simulation pahina 31-32 (Komiks strip)
Pangkat III. Pagbubuod pahina 35: “Basahin Natin Ito”
 Ipaliwanag ang gagawin ng bawat pangkat at ang gagawin ng mga
tagapanood.
 Hikayating tandaan o isulat ang mga napakinggang salawikain. Kung
walang tape isulat sa Manila paper. Patnubayan sa paghahanda.
Kapag nakahanda na , isa-isang ipagawa ang gawain ng bawat
pangkat.
 Ibigay ang Mga Gabay Na Tanong sa bawat pangkat
 Isulat ang mga puna sa pagsasadula at sa ginawang simulation
 Ipasagot ang mga tanong na ito.

Pangkat I: Pasagutan ang mga kahulugan ng mga salawikain


pahina 27-30. Subukan Natin Ito at Sagutin Ito.
Pangkat II: Ano ang salawikain? Paano ito naiiba sa sawikain?
Kailan ginagamit ang salawikain?
Pangkat III: Ipabasa ang Basahin Natin Ito sa pahina 35.
Pag-usapan ang nilalaman dito

2. Pagtatalakayan
 Hikayating pabigayin ng mga puna sa ipinakitang pagsasadula at
simulation
 Ipatalakay sa mag-aaral ayon sa mga tanong na nakasulat
 Ipatalakay upang mahinuha ang kahulugan ng bawat salawikain
 Ipaulat ang buod ng paksa
 Pasagutan ang nasa pahina 26 “Sagutin Natin Ito”
3. Paglalahat
Hikayating gumawa at makabuo ng napag-aralang salawikain.
Pagsama-samahin ang paglalahat na ginawa ng mag-aaral at gawing
pangkalahatang natutunan. Gamiting gabay ang Ibuod Natin sa p. 39
Halimbawa:
Puno ng aral ang salawikain na maaaring gabay tungo sa tamang
direksiyon ng buhay. Kapupulutan ito ng aral at kaalaman tungkol sa
matatandang kaugalian, paniniwala, gawa at asal.
Ang salawikain ay magsisilbing tagapangalaga ng mayamang tradisyon ng
mga Pilipino.
Ang mga salitang ginagamit dito ay matatalinhaga at makahulugan.
Karaniwan inihahalintulad ang tao sa isang bagay upang mailarawan ang
aral na nais iparating.
4. Paglalapat
Ipabasa ang mga sitwasyong ito. Ipaliwanag ang ibig sabihin nito.
1. Ang taong nagigipit sa patalim kumakapit
2. Di lahat na kumikinang ay ginto
3. Sa kapipili natapat sa bungi
4. Anak na di paluin, ina ang paluluhain
5. May pakpak ang balita, may tenga ang lupa
6. Walang yumayaman sa lupa na di muna dukha
7. Bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag magalit

Ipabasa ang Tandaan Natin sa pahina 37 at Alamin natin ang Natutuhan


sa pp. 37-39 at Ibuod Natin sa pp.39-42. Isaisip ang mga nakatala dito.

5. Pagpapahalaga
Pagbigayin ng 5 salawikain na sa palagay ng mag-aaral ay
makatutulong sa araw araw na pamumuhay o gawain. Hikayating
ipaliwanag kung bakit ito ay mahalaga.
Magpalitan ng kuru-kuro kung bakit mahalaga ang mga salawikain sa
araw-araw na gawain.

IV. PAGTATAYA
Narito ang mga sumusunod na sitwasyon. Ipasabi kung anong salawikain ang
maaaring gamitin dito:
1. Hirap ka sa pag-aararo sa bukid ngunit, wala kang naani dahil iba ang
nakinabang.

2. Higit na mapanganib ang hanap-buhay sa karagatan ngunit mapilit si Mang


Pedro at patuloy siyang nagtratrabaho dahil gusto na niyang gumaan ang buhay
sa bandang huli.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
1. Gumawa ng salawikain na magiging gabay sa lahat na mga mag- aaral sa
kanilang pangaraw-araw na gawain.

Halimbawa:
o Pag-iimpok
o Pagmamahal sa Wika
o Pagbabawal magtapon ng basura
o Pagtulong sa kapwa
o Pag-iwas sa gulo

2. Ibahagi sa kamag-aral ang salawikaing nagawa.

ANG WASTONG PAGSUSULAT SA MGA PORMA


Session Guide Blg. 1

I. MGA LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng malinis, wasto at kumpletong pagsulat ng mga
porma
2. Nakasusulat ng isang bio-data
3. Nasusuri ang mga mali sa pagsulat ng porma
4. Nagagamit ang kakayahang makipagtalastasan, magpasiya, maging malikhain at
kasanayan sa paghahanapbuhay

II. PAKSA
A. Aralin 1: Ang Pagsulat sa mga Porma; pahina 3-15
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Kasanayang
makipagtalastasan,magpasya,maging malikhain,at kasanayan sa
paghahanapbuhay

B.Kagamitan: Porma ng bio-data, istrips ng kartolina, modyul, drill board at chalk

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
 Tanungin kung sino na ang may karanasan sa
pagtatrabaho. Ipalahad at hayaang magbahagi ang mga mag-aaral kung
paano sila nag-aplay ng trabaho.
 Pasagutan ang Subukan Natin Ito sa pahina 3 ng
modyul at ipabahagi ang kanilang karanasan sa pagsagot ng porma.
 Ipabasa ang mga pormang ginamit niya sa pag-
aaplay.

2. Pagganyak
 Papikitin ang lahat at hayaang mangarap ng ilang minuto. Sabihin sa
mahinahong tinig:
a. Ano ang pinapangarap mong trabaho sa
iyong buhay?
b. Sino ang gusto mong alayan ng iyong
pinaghirapan?
 Muling ipamulat ang mga mata.
 Ipabahagi o ipalahad ang kanilang nararamdaman habang ginagawa
ito.
 Ipasulat sa istrips ng cartolina ang kanilang pangarap at ipadikit sa
pisara
 Itanong:
-Ano ang dapat nating ihanda bago makapasok sa trabaho?

3. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Bigyan ng aktwal na bio-data ang lahat o kung wala naman
maaari nang ipagamit ang nasa modyul sa pahina 5.
 Itanong:
- Ano ang porma?
- Anu-ano ang hinihingi ng porma?
- Mahalaga ba ito na matutunan? Bakit?
(Ipatabi muna ang bio-data)

 Buksan ang modyul sa pahina 7.


 Hilingin na magbigay ng obserbasyon ang mga mag-aaral sa isinulat
ni Gani sa bio-data.
 Itanong:
- Kung ikaw ang pag-aaplayan ni Gani, tatanggapin
mo ba siya ?Bakit? Bakit hindi?
- Ano ang dapat nating tandaan sa pagsulat ng bio-
data? Ipasulat sa pisara.
Ang bio-data ay kailangang sulatan nang
kumpleto,wasto at malinis.

2. Pagtatalakayan
 Sabihin:
- Ang bio-data ay may limang bahagi.
 Pabuksan ang modyul sa pahina 9-13 at itanong:
- Anu-ano ang mga bahaging ito?
 Ipasulat sa pisara ang mga bahagi ng bio-data.
A. Impormasyon tungkol sa sarili
B. Impormasyon tungkol sa pinag-aralan
C. Rekord ng pinasukang trabaho
D. Mga taong pagtatanungan tungkol sa pagkatao
E. Iba pang impormasyon
 Ipatalakay ito sa pamamagitan ng peer tutoring gamit ang modyul sa
pahina 9-13.Hayaang magpaliwanagan at magturuan ang
magkapareha.
 Pagkatapos ng pag-aaral ay magkaroon ng isang laro sa pamamagitan
ng tagisan ng galing o quiz bee.Ang magkapareha na maraming
nasagutan nang tama ang tatanghaling panalo.Bigyan ang mga ito ng
drill board o papel na susulatan.

Halimbawa ng mga tanong:


- Ano ang isinusulat kung sakaling wala kang ilalagay na
impormasyon? (N/A)
- Ano ang tagalog ng civil status?(Katayuang Sibil)
- Ibigay ang nasyonalidad.( Filipino)
- Ano ang tagalog ng religion? ( relihiyon )
- Saang bahagi matatagpuan ang numero ng sertipiko
ng tirahan? ( Sa Iba pang Impormasyon )
 Suriin ang mga sagot.
 Itanong sa lahat:
-Anu-ano ang mga patnubay sa wastong pagsulat sa
mga porma ?
 Ipabasa ang impormasyon sa modyul sa pahina 14. Ipaulit kung
kinakailangan.
 Humingi nang kaunting paliwanag sa ipinabasang impormasyon.

3. Paglalahat
 Pasagutan ang Magbalik-aral sa pahina 14.
 Ipakuha ang journal at ipasulat ang mga natutuhan sa aralin.
 Ipatapos ang mga katagang ito:
* Ang porma ay mahalaga dahil
_______________________________

* Kailangan kong matutuhan ang porma dahil


_________________________________

* Nauunawaan ko na, na ang porma ay dapat


______________________________

 Ipabasa at ipakopya ang Tandaan Natin sa pahina 15.

4. Paglalapat
 Ipamigay ang xerox o aktuwal na bio-data.
 Bago pasagutan,muling ipabasa ang patnubay sa pagsulat ng
porma
 Hayaang magsagot ang lahat sa porma.
Iugnay ang sinagutang porma sa isinasaad sa modyul Alamin Natin
sa pahina 9-14.

5. Pagpapahalaga
 Ipabasa ang sitwasyon na ito:

Ikaw ay mag-aaplay ng trabaho sa isang kompanya at pinaghahanda


ka ng bio-data.Sa iyong palagay sapat na ba ang iyong kaalaman
upang magawa ito?Magbigay ng paliwanag

Kapag hindi mo sinunod ang patnubay sa pagsulat ng porma, ano


ang maaaring mangyari sa iyong pag-aaplay?Ipaliwanag.

 Sabihin ang kahalagahan ng kaalaman ukol sa porma.

IV. PAGTATAYA
 ( Isulat sa Manila Paper )
A. Panuto: Basahin ang mga pangungusap at ilagay sa
katapat nito ang wastong salita na tinutukoy
nito.Isulat ito sa salitang Ingles.
1. Impormasyong tumutukoy kung lalaki o babae. _____
2. Impormasyong maaaring ipahayag sa libra o kilo. ____
3. Tumutukoy sa kung saang bansa ka nagmula._______
4. Tumutukoy sa iyong kakayahan.__________________
5. Impormasyong nagpapakita ng iyong lagda na
nagpapatunay na ikaw ay nagsasabi ng totoo sa iyong
aplikasyon.____________
 Mga wastong sagot:
1. Sex 4. Skills
2. Weight 5. Signature of Applicant
3. Nationality

B. Isulat kung Tama o Mali ang mga pangungusap.


____1. Si Pedro ay mag-aaplay kasabay ng kanyang
kaibigan.Sila ay maaaring magtularan ng
ilalagay na impormasyon. (Mali)
____2. Wala silang dalang panulat kundi lapis kaya
bumili sila ng ballpen. (Tama)
____3. Wala silang pambura ng ballpen kaya initiman
na lamang nila ang maling baybay ng salitang
naisulat. (Mali)
____4. Walang numero ng telepono o cellphone ang
dalawa kaya nilagyan ni Pedro ng N/A. (Tama)
____5. Maaari na nilang maibigay ang bio-data kahit
walang sulat sa numero ng sedula. (Mali)
C. Tapusin ang mga sumusunod na pangungusap.
a) Nalaman ko na
__________________
b) Natutunan ko na
_________________
V. KARAGDAGANG GAWAIN
 Bigyang muli ng bio-data ang bawat mag-aaral.
 Pasagutan ito sa bahay. Ipagawa ito nang tama at malinis
upang mailagay sa portfolio.
 Magpadala ng porma ng sedula o lisensiya. Maaari rin na
lumang sampol ng balota.
 Pag-usapan ang kahalagahan nito sa paghahanap ng trabaho.
ANG WASTONG PAGGAMIT NG ELEKTRISIDAD
Session Guide Blg. 1
I. MGA LAYUNIN
1. Naipaliliwanag kung ano ang elektrisidad
2. Nailalarawan ang mga kahalagahan ng elektrisidad
3. Natutukoy ang tantiyang enerhiya o watt ng iba’t ibang kasangkapan
4. Nakakalkula ang enerhiyang elektrikal na nagagamit ng iba’t ibang
kasangkapang ito
5. Naipaliliwanag ang pansariling kamalayan, paglutas ng suliranin at
mapanuring pag-iisip
II. PAKSA
A. Aralin 1 : Ang Paggamit ng Elektrisidad, p. 4-18
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Pansariling
kamalayan, paglutas ng suliranin, mapanuring pag-iisip
B. Kagamitan: Larawan ng Generator, magnet
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
 Sagutan ang puzzle. Hanapin sa puzzle ang mga kagamitang
ginagamitan ng kuryente. Kulungin ng guhit ang makikitang gamit.
E L E C T R I T A B A K M
A R E N D O V E N S T E E
P L A N T S A L A E S B C
I P S D G E N E R A T O R
B C D E Y T S B A B C D E
C D E F G O H I L A W H J
K L M N O Q R S T O V E W
A B C D E F G Y H J K L M
S E E A I R C O N O P Q R
A B C D B L E N D E R E F
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Gumamit ng simulation/scenario activity
Sitwasyon:
“ Kayo ay nakatira sa isang lugar na walang elektrisidad, ano kaya ang
magiging buhay mo?
 Ipatalakay ang ibinigay na sitwasyon
 Ang bawat pangkat ay hilinging magpakita ng kanilang nabuong
ideya ayon sa sitwasyon.

2. Pagtatalakayan
 Basahin ang aralin sa p. 4-8. Ipaliwanag sa pagpapakitang – turo
kung paano nagagawa ang elektrisidad.
 Sa ganitong paraan maiisa-isa sa mga mag-aaral ang tamang
daloy ng elektrisidad.
 Ang mga mag-aaral ay magkakaroon din ng pagkakataon
makahawak o magsagawa ng matututunan sa ipapaliwanag sa
kanila. (Hands on)
 Ipakita ang ilustrasyon na nasa p. 7. Ipaliwanag kung paano
nagmumula at dumadaloy ang kuryente.
3. Paglalahat
Itanong:
a) Paano umaandar ang mga kasangkapan na ginagamitan ng
elektrisidad? Ipaliwanag. (Ang mga sasagot na mag-aaral ay tatayo
sa harapan upang magpaliwanag)
b) Ibigay ang iba’t ibang gamit ng enerhiya ng elektrisidad. Magbigay
ng mga halimbawa. (Bawat mag-aaral ay magbibigay ng gamit sa
bahay na ginagamitan ng enerhiya)
4. Paglalapat
 Hilingin sa mga mag-aaral na magmasid sa paligid nila kung
mayroong mga ilaw na hindi gumagana. Sa pagtutulungan ng mag-
aaral ay mag-imbita ng isang resource person na tutulong sa kanila
na magawa ang hindi gumaganang ilaw.
 Kailangang pagplanuhan ang gawaing ito at ihanda ang mga
kagamitan.
 Suriin ang nangyari sa kanilang balak/planong ito.
5. Pagpapahalaga
 Sa pamamagitan ng circle response, bawat mag-aaral ay
magbibigay ng opinyon tungkol sa epekto at kabutihan ng
paggamit ng kuryente o elektrisidad sa ating pang araw-araw na
pamumuhay. Ipahambing ang sagot sa Tandaan Natin p. 16
IV. PAGTATAYA
Pasagutan ang pagsasanay sa pahina 17-18. Pahanapin ang mga mag-aaral
ng kapalitan ng papel sa pagwawasto.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
1. Maghanda ng pag-uulat kung paano ang wastong paggamit ng bagay na
ginagamitan ng elektrisidad.
2. Ibahagi ang kaalamang ito sa mga kamag-aral.
3. Pagdalhin ang mga mag-aaral ng resibo sa kuryente upang magamit sa
susunod na aralin.
ANG WASTONG PAGSUSULAT SA MGA PORMA
Session Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN
1. Nasusulatan nang wasto ang iba’t ibang porma
2. Nakasusunod sa mga nakasaad na mga panuto sa iba’t ibang porma
3. Naibibigay ang kahalagahan at pagkakaiba-iba ng porma
4. Nagagamit ang pangunahing kasanayan sa paglutas ng suliranin at kasanayang sa
paghahanapbuhay

II. PAKSA
A. Aralin2: Ang Pagsulat sa mga Porma, pp.16-25
Pangunahing kasanayan: paglutas sa suliranin, pagpasya at
kasanayan sa paghahanapbuhay.
B. Kagamitan: Mga halimbawa ng bio-data, sedula balota, lisensya, at iba pang
porma, modyul, chart, xerox ng registration form

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
 Ipalabas ang mga bio-data na pinasagutan
 Itanong:
Ilan ang bahagi ng impormasyon ang napapaloob sa bio-data?
Anu-ano ang mga ito?
 Ipabanggit ang ilang sa mga impormasyon.
 Ipawasto ang mga nakitang mali.

2. Pagganyak
(Role Play)
 Pumili ng tatlong mag-aaral upang magpakita ng isang sitwasyon na
tulad nito:
May tatlong aplikante na mag-aaplay sa isang malaking tindahan.
Dala-dala nila ang kanilang application form o bio-data. Tatanungin ng
manedyer ang tatlong aplikante base sa form na ipinasa nila. Isa sa kanila
ang di-matatanggap dahil may maling impormasyon na itinala. Ang dalawa sa
kanila ay uuwing masaya dahil sila’y pinalad na matanggap.
 Bigyan ng pagkakataon na sila’y makapag-usap.
 Pagkatapos ng pagsasadula,itanong:
- Ano ang kahigitan ng taong marunong sumagot o magpuno ng mga
impormasyon na kailangan sa bio-data?
- Bakit kailangang matutuhan ang pagsagot sa mga hinihinging
impormasyon sa bio-data?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Pabuksan ang modyul sa pahina 16,
ipabasa ang diyalogo upang malaman ang iba pang porma
 Itanong:
-Marami bang natutuhan si Pepito sa kanyang naranasan?
-Kung ikaw si Pepito,kaya mo rin kaya ang ginawa niya?
-Anu-ano ang iba’t ibang porma na ipinakita sa diyalogo?

2. Pagtatalakayan
 Pangkatin sa tatlo ang mag-aaral at ibigay ang paksa na tatalakayin
ng bawat pangkat
 Ibigay sa bawat pangkat ang mga sumusunod:
Pangkat I - sedula,pahina 18-19
Pangkat 2 - lisensya,pahina 21-22
Pangkat 3 - balota,pahina 24

 Magtalaga ng lider sa bawat pangkat para sa pagtatalakayan at pag-


uulat.
 Ipagawa ang pag-uusap sa loob ng 15 minuto.
 Gabayan ng IM ang 3 pangkat sa kanilang talakayan.
 Magpa-ulat sa tatlong pangkat gamit ang mga gabay na tanong na
sumusunod:
- Kailan at saan ginagamit ang sedula?Lisensya?At balota?
- Anong impormasyon ang napapaloob sa mga ito?
- Paano ito nakatutulong sa inyo?
 Magpakita ng mga totoong porma ng sedula,lisensya,balota, at iba
pa..Idikit ito sa isang manila paper.Pasulatan ang chart ng mga
impormasyong napapaloob sa bawat porma.
 Sundan ang halimbawa sa ibaba:
Sedula Lisensya Balota
ICR number Dating tirahan Voter’s thumbmark


Itanong:
- Paano sila nagkakaiba-iba?
- Ano ang pagkakapareho nila?
3. Paglalahat
 Sagutin:
- Anu-anong mga impormasyon ang kinakailangan ng bawat
porma:sedula,lisensya at balota?Dapat bang maging tapat sa
pagsagot sa mga tanong dito?
- Ang mga sumusunod bang porma ay mahalaga sa pag-aaplay
sa trabaho? Sa pagboto?
 Hayaang magbigay sila ng kanya-kanyang saloobin at sagot.

4. Paglalapat
 Ipabasa ang mga sumusunod na terminolohiya. Piliin sa mga ito ang
naaangkop na itala sa bawat kolum.

Mga kondisyon Kodigo ng pagtatakda Senators


Uri ng aplikasyon Residence tax due Councilors
Additional residence tax Voter’s thumbmark ICR number
Sedula Lisensya Balota
5. Pagpapahalaga
 Gumawa ng isang web na magpapakita ng kahalagahan ng iba’t
ibang porma.
 Hikayating sumulat ang mag-aaral sa sa web upang ito’y mabuo.
 Pagkatapos ipagawa,ipabasa.

Kahalagahan
ng mga porma

sedula balota lisensya

IV. PAGTATAYA
Pasagutan ang pahina 25. Suriin ang mga ibinigay na sagot sa Batayan ng
Pagwawasto.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
 Magpadala ng lumang Income Tax Return, kung mayroon ang magulang o
ilang kakilala.

 Pag-aralan ang mga datos na nilalaman nito.

ANG WASTONG PAGSUSULAT SA MGA PORMA


Session Guide Blg. 3

I. MGA LAYUNIN
1. Nailalarawan ang hitsura ng pormang pangbuwis sa kita
2. Nakasusulat nang wasto sa pormang pangbuwis sa kita
3. Nagagamit ang pangunahing kasanayan sa paglutas ng suliranin at
pakikipagtalastasan.

II. PAKSA
A. Ang Pagsulat sa Pormang Pangbuwis sa Kita, pahina 16-29
Pangunahing Kasanayan sa Pamumuhay: Paglutas sa suliranin,magpasya,at
kasanayan sa paghahanapbuhay
B. Kagamitan: Iba’t ibang porma, porma ng I.T.R , activity card, at
modyul

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
 Ipakita muli ang iba’t ibang porma.
 Ipatukoy ang mga pangalan nito.
(bio-data,sedula,lisensya at balota)
 Itanong:
- Kailan ginagamit ang mga pormang ito?
- Bakit ito nagkakaiba-iba?
- Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng porma?

2. Pagganyak
(Debate)
 Pangkatin ang klase sa dalawa.
 Hayaang magkaroon ng palitan ng kuro-kuro ang
dalawang pangkat tungkol sa pagbabayad ng buwis. Ang isang
pangkat ay sang-ayon samantalang ang isang angkat ay hindi sang-
ayon.
 Ipaskil ang kanilang pag-uusapan.

Dapat bang magbayad ng buwis ang lahat, kahit mababa


o maliit lang ang kinikita?
 Gawin ang debate sa loob ng 10 minuto at
bigyan ng hatol ayon sa katwirang ibinigay.
 Magbigay ng alituntunin sa pagdedebate.
Halimbawa: Hindi maaari ang sumigaw.
 Hilingin sa mga nakikinig na isulat ang mga mahahalagang punto na
narinig nila sa talakayan. Ang may pinakamaraming punto ay siyang
panalo.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Itanong:
- Sino sa inyo ang nakapagdala ng mga porma
ng Income Tax Return?
 Ipalabas ito at ipasuri.
 Pabuksan ang modyul sa pahina 27-29.
 Itanong:
- Magkatulad ba ang dala ninyong porma sa forma na
nasa modyul?
 Ipasuri at hikayatin sila na magbigay ng obserbasyon at itanong:

- Ano ang I.T.R?


 Ipasulat ito sa pisara.

Ang Income Tax Return ay katunayan ng iyong pagbabayad


ng taunang buwis sa iyong kita.
 Pabuksan muli ang modyul sa pahina 27-29. Ipasuri ang I.T.R ni
Nena at itanong:
- Ano ang maling isinulat ni Nena sa kanyang
I.T.R.?

- Sa inyong palagay tatanggapin kaya ng BIR


Officer ang I.T.R ni Nena? Bakit?
 Hayaang magbigay sila ng katuwiran sa kanilang mga ibinigay
na sagot.

2. Pagtatalakayan (Symposium)
 Mag-imbita ng isang resource speaker na taga BIR.
 Kung wala namang maiimbitahan gawin ang peer
tutoring. Pakunin ang bawat mag-aaral ng kapareha at bigyan
ng activity card na nakasulat ang mga tanong na dapat mapag-
usapan, tulad ng nasa kahon.
Activity Card
Mga Tanong:
1. Ilan ang bahagi ng I.T.R.
2. Sino ang inilalagay sa dependent children
3. Paano kinukwenta ang mga sumusunod:
-Gross taxable compensation income
-Gross taxable income
4. Dapat ka bang magbayad ng Aggregate tax
due kahit walang asawa.
5. Bakit mahalagang magbayad tayo sa tamang
oras?
 Sumangguni sa modyul sa pahina 30-35.
 Batay sa narinig mula sa resource speaker o sa
pinag-usapan ng inyong kamag-aaral,magpa-ulat at pasagutan
ang mga tanong na nasa activity card bilang pagtatalakayan.

3. Paglalahat
 Sabihin at itanong:
- Sa kabuuan ng pag-aaral ng pormang I.T.R., ano ang
limang bahagi nito na dapat nating tandaan?
- Ano ang mga kahulugan nito?
- Hayaang magbigay ng paliwanag ang mga mag-aaral.
- Ipabasa ang Tandaan Natin sa modyul sa pahina 39.
- Ipasaulo ang mga nilalaman nito at ipakopya
sa kuwaderno

4. Paglalapat
 Bigyan ng Xerox o totoong porma ng Income Tax Return ang
bawat isa at pasagutan. Ibigay ang sitwasyon upang magamit sa
pagkukwenta.
Ikaw ay isang utility worker at ang suweldo mo ay P7,500.00.
nagtitinda ka ng balot at penoy sa gabi at kumikita ka ng P
500.00 sa isang buwan. Walang asawa kaya’t wala pang utang
sa anumang ahensya.
 Suriin at pag-usapan ang mga ginawa nila sa Income Tax
Return. Ipawasto ang mali at bigyang halaga ang mga
talakayang ginawa.

5. Pagpapahalaga
(Circle Response)
 Ibigay ang paksa na pag-uusapan. Isulat ito sa kartolina.
- Anong katangian ang dapat taglayin kapag
- magsusulat sa porma ng I.T.R,?
- May maidudulot bang mabuti sa ating bansa ang
pagbabayad ng buwis? Ano? Ipaliwanag.

IV. PAGTATAYA
 Pasagutan ang porma sa pahina 40.
 Ipatala ang mga porma na natutunan simula sa unang aralin. Sulatan ng ilang
paliwanag ang mga ito:
- Bio-data
- Sedula
- Balota
- Income Tax Return
- Registration form
 Ipabuo ang mga pangungusap na ito.
Natutuhan ko na _________
Mahalaga ang mga kaalamang ito sapagkat _________

V. KARAGDAGANG GAWAIN
 Ipakuwenta ang mga sumusunod:
1. Ikaw ay isang empleyado na sumasahod ng dalawang beses sa isang buwan.
Tuwing ika-15 ng buwan ay tumatanggap ka ng P3,500.00 at tuwing ika-30 ng
buwan tumatanggap ka ng P3,000.00. Ano ang iyong taxable compensation
income?

2. Si Lita ay isang napakasipag na empleyado. Mula 8:00 ng umaga hanggang


5:00 ng hapon siya ay nagtratrabaho sa isang beauty parlor at kumikita ng
P5,000.00 isang buwan. Tuwing gabi namamasukan siya bilang tindera sa
isang restaurant at kumikita siya rito ng P2,000.00. Kung kukuwentahin natin
ang gross taxable compensation at gross taxable income, ano ang resulta
nito?
 Pag-usapan ang nilabasan ng kuwenta nila. Ipaliwanag kung tama o hindi ang
kanilang kuwenta.

MGA KARAPATANG SIBIL AT POLITIKAL


Session Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang mga responsibilidad na kaakibat ng bawat karapatan
2. Nailalarawan ang wastong pamamaraan ng paggamit ng karapatang sibil at
politikal
3. Naibabahagi ang mga karanasan batay sa responsibilidad na nakabuti sa kanila
II. PAKSA
A.Aralin 2 – Maging Responsable at Gamitin nang Wasto ang Iyong mga Karapatan, pp.
14-28
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay
Pansariling Kamalayan, Kakayahang Makiisang Damdamin
Kasanayang Magpasiya o Magdesisyon
B. Kagamitan: Modyul, flash cards, kartolina, brown paper
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik –Aral
 Alamin kung maliwanag ang konsepto ng karapatang politikal at sibil
 Hatiin ang mag-aaral sa dalawang grupo
Pangkat KP – Karapatang Politikal
Pangkat KS – Karapatang Sibil
 Magbigay ng pangungusap tungkol sa paksa. Patayuin ang pangkat
ayon sa angkop na sagot sa bawat pangungusap
1. Ang mga iskwater ay pinaalis sa riles ngunit binigyan sila ng lilipatang
lugar.
2. Ang kapitbahay mo ay ibinilanggo nang pulis ng walang dahilan,
kumuha siya ng abugado ng pamahalaan bilang tagapagtanggol.
3. Bawat tao pagsapit sa edad na 18 taong gulang ay maaari nang
bumoto.
4. Nakisali si Mario sa isang mapayapang pagtitipon upang maipahayag
ang kanyang saloobin tungkol sa pamahalaan.
2. Pagganyak
Kapag lubusan nang naunawaan ang karapatang sibil at politikal ay
magpabuo ng isang bilog at gawin ang “circle response.” Bawat mag-aaral ay
pagbigayin ng sagot sa mga sumusunod na tanong.
 Ano ang ibig sabihin ng responsibilidad?
 Paano mo ito magagamit?
 Meron ka bang maibabahagi batay sa iyong karanasan?
Suriin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga ibinigay na kasagutan.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
 Ipabasa sa mag-aaral ang mga karapatang politikal at sibil sa modyul pahina
16-17. Ipakita ang listahan
 Ipabasa at ipasulat sa mga mag-aaral ang karapatang sibil at politikal na
nauukol sa titulo.

Karapatang Sibil Karapatang Politikal


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
 Suriin ang kanilang mga sagot sa gawaing ito.

2. Pagtatalakayan
 Hayaan ang bawat isang miyembro ng grupo na ipaliwanag ang
responsibilidad kaugnay ng karapatan.
 Ipalahad ang kanilang karanasan batay sa responsibilidad na ibinigay.
Maaaring tingnan ang pahina 20-21.
 Ipasunod ang hinihingi ng tsart. Ipabasa ang halimbawa sa Subukan Natin Ito
pahina 18. Ipabuo ang tsart sa pagbibigay ng mga halimbawa ng mga
karapatang sibil at politikal ayon sa kanilang karanasan.

3. Paglalahat
 Magbigay ng isang “lecturette” ukol sa karapatan at ang kaugnay na
responsibilidad. Maaaring gamitin ang napag-aralan sa modyul pahina 16-23.
 Ipaunawa sa mag-aaral na ang bawat karapatan ay may kaugnay na
responsibilidad. Ito ay kailangan para sa kaayusan at kapakanan ng lahat.
 Bigyang-diin na ang paggalang ng bawat isa sa karapatang sibil at karapatang
politikal at wastong paggamit nito ay kailangan ng isang mapayapang
pamayanan.
 Ipasabi ang mga karapatan at mga responsibilidad na nasasaad sa modyul,
hikayatin silang magbigay ng halimbawa ng responsibilidad at paggamit ng
karapatan.
 Ipagamit ang tsart sa pahina 17 ng modyul.

4. Paglalapat
a. Ipabasa ang Magbalik-Aral tayo sa pahina 17 at ipa-role play. Bigyang pansin
ang mga pagganap ng mga kasama sa pangkat.
b. Pagbigayin sila ng sitwasyon na sasagutin ng dalawang pangkat.
Bigyan ng 5 minuto ang bawat pangkat na makasagot. Pag-usapan ang
kasagutan sa kanilang ginawang sitwasyon.
Halimbawa :
Pangkat Sibil
May mga iskwater na pinapaalis sa mga kinatitirikang lupa. Kailangan ito ng
pamahalaan para sa gagawing riles. Ano ang kanilang karapatan?
Responsibilidad? Ano ang hangganan?
Pangkat Politikal
Halalan ng opisyales ng barangay sa inyong lugar. Ikaw ay isang botante.
May kaibigan ang iyong ama na nagsasabi kung sino ang dapat mong iboto.
Ano ang dapat mong gawin?

5. Pagpapahalaga
a. Magsagawa ng isang “reflection time.”
b. Pagnilayin ang mga mag-aaral at ipagawa ang mga sumusunod:
 Bigyang pansin ang mga halimbawa na ibibigay ng mag-aaral at
tanungin sila kung ano ang kabutihang nagawa sa kanila ng
karapatang nabanggit.
Halimbawa:

Pagtitinda ng pagkain - Karapatang mabuhay, maging malaya


at mayroon ng siguridad

Responsibilidad
- Magtrabaho para sa sarili at pamilya
para hindi umaasa sa ibinibigay ng
gobyerno.
- Dapat tumayo sa sariling paa.
- Kailangang kumuha ng lisensiya para
maging ligal ang pagtitinda

Matapos ang mga ibinigay na halimbawa ay bumuo ng isang konsepto


na magbibigay ng kabuuang halaga ng karapatan at responsibilidad.

IV. PAGTATAYA
 Ipabasa ang Ano ang Natutunan Natin pahina 24-25. Pasagutan ito sa kanila.
Ipahambing ang sagot nila sa Batayan ng Pagwawasto pp. 29
 Pasulatin ang bawat isa sa kalahating papel ng kani-kanilang responsibilidad bilang
isang miyembro ng pamayanan at ano ang mga karapatang kanilang tinatamasa
 Ipabasa at ipasagot ang nilalaman ng Alamin Natin sa pahina 22 ng modyul
 Sabihin na ito ay ilagay sa kani-kanilang portfolio folder.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
 Pagawin ang mga mag-aaral ng listahan ng ahensiya ng gobyerno na tumutulong
sa pagtataguyod ng mga karapatang sibil at politikal.
 Basahin ang laman ng modyul pahina 19 sa pagsagot sa gawaing ito.

MAHUSAY NA PAMIMILI
Session Guide Blg. 2
I. MGA LAYUNIN
1. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng suplay ng isang produkto sa
pangangailangan sa nasabing produkto
2. Nakapagpapasya nang wasto upang malutas ang suliranin

II. PAKSA
A. Aralin 2: Kailan Mura ang mga Bilihin, p. 22-31
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Kasanayang Magpasiya at
Paglutas sa Suliranin
B. Kagamitan: Activity cards, modyul

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
 Magbigay ng komento sa diyalogo
Oo nga, pero
Napakamahal ng bagsakan naman
karne ngayon, kasi ang presyo ng
naman nataon na mangga siguro dahil
pistang bayan bukas panahon ng mangga
kaya marami ang ngayon.
bumibili

Itanong:
 Bakit mahal ang karne?
 Bakit bagsak ang presyo ng mangga?
 Naranasan na ba ninyo na mamili ng mahal o murang bilihin?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Itanong:
 Sinu-sino ang namamalengke sa inyo?
 Kailan ninyo napapansin kung mura o mahal ang bilihin?

2. Pagtatalakayan
 Bumuo ng 5 pangkat at ibigay ang 5 balita o pangyayari
na nakasulat sa activity cards. Hayaan silang magbigay ng kuru-kuro
sa nabasang balita.

Pangkat 1
Maraming sinalanta ang bagyong Des. Halos lumubog ang buong
Central Luzon. Abut – abot sa 5 bilyong piso ang tinatayang sinira nito lalo
na sa mga palayan ng Nueva Ecija at gulayan sa Pampanga. Ito ay laging
nangyayari kapag tag-ulan. Pangkat 2
TANONG:Natabunan ng landslide ang Kennon Road sa Baguio kaya
Ano ang magiging
inaasahang epekto nito
mahihirapan sa ekonomiya
sa biyahe ang mgang bus
bansa?
at trak na regular na
bumibiyahe papunta at palabas ng Baguio. Ang mga gulay sa Baguio na
dapat ay madala sa Maynila at karatig-pook ay nagkakanda bulukan na
dahil sa hindi nila ito maipadala sa kapatagan.
TANONG:
Ano ang magiging epekto nito sa presyo ng gulay sa Maynila?
Pangkat 3
Nagdagsa ang kaing-kaing na mangga sa pamilihan dahil sa panahon na
naman ng mangga. Ito ay laging inaasahan kapag buwan ng Abril at Mayo
kung saan kapanahunan ito ng pag-aani ng mangga at iba pang prutas.
TANONG:
Ano ang magiging epekto ng pagdagsa ng mangga sa presyo nito?

Pangkat 4
Binabalaan ang mga tao sa pagkain ng manok dahil sa pagkalat ng Bird’s
Flu virus. Ayon sa Dep’t. of Health, ito ay nakamamatay.
TANONG:
Ano ang magiging epekto ng balitang ito sa presyo ng manok?

Pangkat 5
Marami ang naimbak na yaring damit ang House of Juanita at ang mga ito
ay unti-unti nang nawawala sa uso.
TANONG:
Ano ang dapat gawin ng House of Juanita upang huwag silang tuluyang
malugi.

 Ipasulat o ipaulat sa mga lider ang kasagutan ng bawat grupo.


 Bigyan ng kalinawan ang mga aspetong hindi masyadong naintindihan.
3. Paglalahat
Itanong:
- Kailan mura ang bilihin?
- Kailan mahal ang bilihin?

4. Paglalapat
Ipaliwanag ang batas ng suplay at pangangailangan. Isulat ito sa papel.
Sundin ang outline na ito:
 Bakit ?
 Ano ?
 Kailan ?
 Paano ?
5. Pagpapahalaga
Sitwasyon:
Napabalitang tataas ang presyo ng bigas sa pamilihan. Si Virgie ay isang
negosyante ng bigas at nag-imbak siya ng maraming bigas upang
maipagbili niya ito sa mas mataas na halaga.
Tama ba ang ginawa niya o mali, bakit?
 Bigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na magbigay ng kuru-kuro.
Ipasuri ito at ilagay ang konklusyon sa isang kahon.

IV. PAGTATAYA
Sagutin ang mga tanong:
1. Tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa giyera sa
Iraq. Ano ang magiging resulta nito sa presyo ng langis sa bansa?

2. Sampung bata ang napabalitang nalason sa pagkain ng kamoteng kahoy. Ano


ang magiging resulta nito sa presyo ng kamoteng kahoy?

3. Nagdagsaan ang mga kamatis sa palengke. Ano ang magiging resulta nito?

4. May 3-day sale sa lahat ng outlet ng Ding’s Mall at nagbibigay sila ng


hanggang 50% discount sa lahat ng bilihin. Sa palagay mo, bakit ito ginawa ng
Ding’s Mall?

V. KARAGDAGANG GAWAIN
 Pumunta kayo sa palengke at tingnan ang presyo ng mga bilihin. Itanong
kung ito ba ay tumaas o bumaba at kung ano ang mga kadahilanan.

MAHUSAY NA PAMIMILI
Session Guide Blg. 3

I. MGA LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang mga batas na nagtatanggol sa mga mamimili at ang mga
karapatan ng mga konsyumer
2. Nagkakaroon ng pansariling kamalayan tungkol sa karapatan bilang mamimili

II. PAKSA
A. Aralin 3 : Anu-ano ang Iyong mga Karapatan Bilang Mamimili? p. 32-45
Pangunahing Kasanayan sa Pamumuhay: Pansariling Kamalayan
B. Kagamitan: Chalk at pisara
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
Itanong:
 Anu-ano ang mga karapatang pantao na alam ninyo?
 May alam ba kayong batas na sumusuporta sa mga karapatang ito?

Halimbawa:
- Karapatan ng tao na itakda ang oras ng trabaho at ang kalabisan nito ay
overtime na at doble ang bayad.
- Ito ay nakapaloob sa Batas sa 8- oras na pagtatrabaho.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipabasa ang mga sitwasyon na nakasulat sa pisara:
- Bumili si Aling Tuding ng plantsa, subalit pag-uwi niya ayaw nitong mag-
init. Ibinalik niya ito sa tindahan subalit ayaw itong palitan dahil sa
kanilang polisiya na “No Return No Exchange”.
- Kaarawan ni Edna at napagpasiyahan na regaluhan niya ang sarili ng
bagong bestida. Pumunta siya sa Mall at bumili ng isang mamahaling
bestida para sa kanya. Pag-uwi niya nakita niya na may mantsa ito sa
may laylayan. Puede ba niyang ipapalit ito kahit na wala na ang resibo
niya?
- Hingan ng reaksyon ang mga mag-aaral sa dalawang sitwasyong binasa.
2. Pagtatalakayan
- Pag-usapan ang mga reaksyon na ibinigay ng mga mag-aaral
- Ipabasa ang pahina 35-36 ng modyul
- Pag-usapan ang RA # 7394 na tungkol sa Karapatan ng Mamimili
- Ihambing ang mga reaksyon nila sa mga panukala ng RA # 7394
3. Paglalahat
Itanong:
- Ano ang RA # 7394?
- Anu- ano ang mga hangarin ng RA # 7394?
- May pinipili ba ang batas kung sino ang maaaring proteksiyunan
nito?

4. Paglalapat
Sagutin ang mga tanong:
a. Bakit kailangang itago ang resibo at warranty certificate ng binili
mong produkto?
b. Sa anong ahensiya ka dapat dumulog kapag ikaw ay may reklamo sa
binili mong produkto?

5. Pagpapahalaga
Sitwasyon:
Bumili ka ng isang pares ng sapatos, subalit pag-uwi mo ito pala ay
napalitan. Alam mo ang karapatan mo bilang mamimili, ano ang gagawin
mo? Ano ang maaari mong gawin kung tumanggi ang binilhan mo na
palitan ang sapatos?

IV. PAGTATAYA
 Pasagutan ang “Subukan Natin Ito” sa modyul p. 34 at ang
“Pag-isipan Natin Ito” sa p. 37 ng modyul.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
 Magpagawa ng islogan tungkol sa karapatan ng mamimili upang magkaroon
ng kamalayan ang ibang tao sa karapatang ito.
 Paghandain ng “ role play ” ang mga mag-aaral upang lalong mabigyan ng
halaga ang napag-aralan.

EPEKTIBONG KOMUNIKASYON
Session Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pakikinig sa pasalitang komunikasyon
2. Nailalarawan ang silbi o halaga ng bitiw ng boses sa pang -araw -araw na
pakikipag-usap
3. Naipaliliwanag ang ibinubunga ng iba’t ibang bitiw ng boses sa pang-araw
araw na pakikipag-usap
4. Nagagamit ang pangunahing kasanayan sa pakikinig, pakikipagtalsatasan,
pakikipagkapwa at paglutas sa suliranin

II. PAKSA
A. Aralin 2: Pakikinig at Pagsusuri, p. 12-20
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Kasanayan sa
pakikinig, pakikipagkapwa, at paglutas sa suliranin
B. Kagamitan: Audio player,tape,malaking tela,modyul

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
 Ipalahad ang awit na ipinasulat at itanong :
-Ano ang mensahe ng awit ?
-Bakit naging makabuluhan ito sa iyo?
 Magpa-awit ng isa sa mga mag-aaral at ipalarawan sa mga nakikinig
ang narinig na awit. Hayaang makapagbigay ng paglalarawan ang lahat .
 Itanong:
-Ano ang mensahe ng kanyang awit?
-Ano ang paghalaw?
-Mahalaga ba ito?

2. Pagganyak
 Gumamit ng audio tape player at iparinig ang isang awit ni Gary
Valenciano.(Maaaring gumamit ng ibang tape). Iparinig ang tape habang
sila ay nakapikit. Matapos mapakinggan, itanong:
- Ano ang mensahe na ibig ipahiwatig ng awit?
- Habang kayo’y nakikinig,ano ang inyong naging
damdamin? Isulat ito sa pisara sa pamamagitan ng pagdugtong
ng mga pariralang nakasulat:
Ang naging damdamin ko ay ___________________
dahil _______________________________.
 Bigyan ng pagkakataon na ang lahat ay makapagsalita.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Iparinig ang audio tape na “ Ang Higit Pa Sa Sulat”.Kung walang tape
maaaring ipagawa ito sa mga mag-aaral.
 Maghanda ng isang malaking tela na gagamitin bilang tabing ng mga
mag-aaral na gaganap. Ipaliwanag na ang lahat ay kunwaring nakikinig
sa radyo. Magtalaga ng mga tauhan na gaganap. Bigyan ng pagkakataon
na sila’y makapag-usap upang maging maayos. Gagamitin ng mga
gaganap ang modyul samantalang ang mga makikinig ay
pansamantalang itatabi ito.Isasagawa ang dula sa likod ng tabing.
 Pagkatapos ng palabas,itanong sa mga nakinig:
- Nasiyahan ba kayo sa ating mga napakinggan?
- Maayos ba nila itong nagampanan?
 Bigyan ng pagkilala ang mga gumanap.

2. Pagtatalakayan
(Circle Response)
 Paupuin nang pabilog ang lahat.
 Talakayin ang mga tanong sa Subukin Natin ukol sa kwentong
napakinggan sa pahina 18. Hayaang magbigay ng kanya-kanyang sagot
ang mga mag-aaral.
 Matapos nito,talakayin ang damdamin ng bawat isa
 Isulat sa pisara ang mga pangungusap na makukumpleto.
a) Nagagalit ako kapag ang napakinggan ko ay
_____________________
b) Natutuwa ako kapag ang napakinggan ko ay
_______________________________
c) Nalulungkot ako kapag ang napakinggan ko ay
_______________________________

 Ipasulat ang mga sagot sa mga istrip ng kartolina at ipadikit ito sa


pisara.
 Itanong:
- Anong bitiw ng boses ang gusto mo?
- Malaki ba ang epekto sa iyo kapag pataas ang bitiw ng
boses?Kapag pababa?
 Ipabasa rin ang Alamin Natin sa pahina 19-26.

3. Paglalahat
 Ipasulat sa journal ang mga natutunan sa aralin.
 Ipabasa ito kung may nais magbahagi.
 Ipabasa rin ang Tandaan Natin sa pahina 20.

4. Paglalapat
 Pasagutan ang Alamin Natin sa pahina 19-20. Tukuyin ang bitiw ng
boses na naaangkop sa bawat sitwasyon.
Magpalahad ng isang sitwasyon sa bahay na nagpapakita ng epekto ng
bitiw ng boses.

5. Pagpapahalaga
 Ibigay ang sumusunod na mga sitwasyon at sagutin ang tanong sa
katapusan.
- Kung sa iyong pakikipag-usap sa telepono ay sigawan ka ng kausap
mo,ano ang iyong magiging pakiramdam?
- Kung sa bahay ninyo ay laging may alitan ano ang dapat mong
gawin upang ito’y masolusyunan?
 Itanong :
- Sa iyong palagay may magagawa ba ang pakikinig at pagsusuri sa
pagsasaayos ng problema sa araw-araw? Paano?
- Hayaang magbigay ang mga mag-aaral ng kabuluhan ng pakikinig at
pagsusuri sa pakikitungo sa ibang tao.

IV. PAGTATAYA
 Piliin ang bitiw ng boses na naaangkop sa mga babanggiting
sitwasyon.Ipasulat ang mga pamimilian.
a) masaya at natutuwa
b) malungkot
c) litung –lito
d) gulat
e) pautos at pasigaw
f) magalang at humihingi ng paumanhin

 Banggitin ang mga sumusunod.


1) nagkaroon ng sunog sa inyong
barangay
2) mali ang sukli mo sa isang kostumer
3) dumating ang kaibigang matagal na
nawala
4) bata na ayaw sumunod sa utos ng
magulang
5) nawala ang cellphone mo

 Pagkatapos sagutan, ipasagawa ang tunog ng boses sa mga


nasabing sitwasyon.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
1. Magpasulat ng isang talata tungkol sa isang karanasan na punong-puno ng
damdamin.
2. Talakayin ito sa susunod na sesyon.

ANG PANAYAM
Session Guide Blg. 1

I. MGA LAYUNIN
1. Nailalarawan kung ano ang ibig sabihin ng panayam
2. Natutukoy ang mga layunin ng pakikipanayam
3. Naisasagawa nang maayos ang panayam
4. Naibabahagi ang kasanayang magpasiya o magdesisyon

II. PAKSA
A. Aralin 1: Ano ang Panayam?, pahina 3-10
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Mabisang
Komunikasyon, Kasanayang Makipagkapwa, Komunikasyon,
Malikhaing Pag-iisip, Pag-aangkop sa sarili sa mga mabibigat na
dalahin, Pag-aangkop sa sarili sa mga emosyon.
B. Mga Kagamitan: meta cards, manila paper, chart ng KWL

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain: Lulubog ang Barko
Pagganyak
Paraan:
Isipin natin na tayo ay nasa malaking barko papunta sa isang isla. Maya-
maya ay may malakas na kulog mula sa langit kasabay ang malakas na ulan.
Sa lakas ng ulan, ang tubig ay unti-unti nang dumaloy sa barko at ang kapitan
ng barko ay sumigaw. “Lulubog ang Barko”. Magpangkat-pangkat kayo ng
tig-sasampu. Subalit sabi ng kapitan ng barko kailangan pa rin nating
magbawas ng tao, magpangkat kayong muli ng tig- wawalo. Hindi pa rin
pwede kaya mag grupo muli ng tig -aanim. Maayos na iyan at maaari nang
magsama-sama ang mag- kakapangkat. Iyan na ang inyong magiging
permanenteng pangkat. Tayo ay napadpad sa isla na ang mga tao ay mahirap
at kaunti lang ang kaalaman.
Pansamantalang maupo kasama ang inyong mga pangkat habang nakikinig.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Itanong:
Naranasan mo na ba ang pakikipanayam? Ano ang iyong naramdaman?
Paano ka makapagsasagawa ng isang matagumpay na pakikipanayam kung
ang mga taong iyong kakapanayamin ay kulang sa pinag-aralan.?

2. Pagtatalakayan Learning Stations 1-4

 Sabihin: Ang inyong pangkat ay may sasagutin na tanong na nakasulat sa


manila paper

1. Bakit kailangan 2. Bakit kailangan ang 3. Bakit kailangan ang 4. Bakit kailangan
ang panayam pananaliksik o panayam bago ang sarbey
bago pumasok sarbey? matanggap sa para sa isang
sa kolehiyo? ospital? produkto?
 Pagkatapos sagutin ang tanong, lumipat sa kabilang grupo matapos ang
itinakdang oras.
 Maaaring mag mungkahi sa isinulat ng ibang grupo o maaari ding ayusin ang
sagot ayon sa kanilang pagkaalam.
 Pag-usapan ang ginawa ng bawat grupo.
 Matapos ang pag-uusap ng mag-aaral, tanungin ang mag-aaral kung ano ang
natutunan sa learning station.

3. Paglalahat
Ang bawat pakikipanayam ay may katumbas na uri ng pakikipanayam.
 Hikayatin ang mga mag-aaral na maibigay ang mga sumusunod na kaisipan.
- Pamimiling Panayam - Ito ay isinasagawa para sa trabaho, pautang
ng bangko o paghiling ng visa upang makapaglakbay sa ibang bansa.
- Pangangalap ng Impormasyon - Ito ay gaya ng karaniwang
ginagamit ng mga namamahayag upang makakuha ng pangyayari o
opinyon, damdamin, gawi at kadahilanan para sa mga piling pagkilos.
- Panlutas Suliranin – Ito ay isinasagawa upang malutas ang isang
problemang kinasasangkutan ng dalawa o higit pang tao para sa
kapakanan ng mga kasapi sa isang komunidad.
- Panayam Panghihikayat – Ito ay ginagamit kung mayroon kang nais
baguhin sa pag-iisip, damdamin o kilos ng isang tao. Katulad ng
karaniwang nangyayari sa palengke.

Ang panayam ay isang pormal na pagkikita at pakikipag-usap sa isang


tao upang makakuha ng mga karagdagang impormasyon.

Ang mga pakikipanayam ay mahalaga sapagkat lumilikha ito ng


pagkakataon sa tao upang makapagtanong o makapagbigay ng
kasagutan sa mga paksang may kinalaman sa kanila. Hindi tayo dapat
matakot sa mga panayam sapagkat nakatutulong ito upang makatuklas tayo ng mga
bagong bagay tungkol sa ibang tao, mga partikular na sitwasyon, pagkakataon at/o
mga suliranin.

5. Paglalapat
Paggamit ng Meta Card
 Magbigay ng metacards na nakasulat ang pakikipanayam at itapat sa tamang
uri nito
 Ilagay ang meta card sa angkop na uri nito.

PANAYAM URI
1. Panayam sa trabaho
2. Survey sa eleksiyon
3. Sensus
4. Pangangalap ng kasapi para sa kooperatiba
5. Survey tungkol sa produkto
6. Panayam para sa part time na trabaho
7. Panayam para maging kahera ng tindahan
8. Panayam bago matanggap sa ospital
9. Estratehiya sa pangangampanya sa eleksiyon
10. Pagpupulong sa pagkasira ng kompyuter sa opisina

4. Pagpapahalaga
Kuwento:
Si Jay ay may nakatakdang panayam sa isang linggo. Marami siyang
paghahanda na ginawa para maging handa sa mangyayaring panayam.
Magdamag siyang di nakatulog dahil sa pag-iisip. Nang dumating na ang oras
ng panayam hindi siya nagising nang maaga. Dahil dito siya ay nahuli sa
takdang oras ng panayam sa kanya.

Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Jay ano ang iyong gagawin?

IV. PAGTATAYA
K – W - L Chart na may pamagat “Ang Panayam”

K W L
Ano ang alam ko? Ano ang alam ko na? Ano ang gusto kong
malaman?

V. KARAGDAGANG GAWAIN
 Maraming mga bagay ang nangyayari sa iyo araw-araw. Magsimulang sumulat sa
journal at itala ang mga posibleng mangyayari sa isang panayam. Isulat ang mga
nararapat na kasagutan na sa palagay mo ay naaayon sa iyong pagkaunawa.
 Humandang basahin ito sa susunod na sesyon.

ANG PANAYAM
Session Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN
1. Nailalarawan kung ano ang isang tagapanayam
2. Natutukoy ang tatlong malaking bahagi ng pakikipanayam
3. Naihahanda ang sariling gabay sa pakikipanayam
II. PAKSA
A. Aralin 2: Ang Tagapanayam-Ang Sining ng Pagtatanong, pahina 11- 22.
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay:
Mabisang Komunikasyon, Malikhaing Pag-iisip, Pag-aangkop sa sarili
sa mga mabibigat na dalahin, Pag-aangkop sa sarili sa mga emosyon
B. Mga Kagamitan: mga larawan, masking tape, pentel pen, meta cards, manila
paper, chart ng KWL

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Magbalik-tanaw sa natapos na aralin. Sino ang gustong bumasa ng isinulat
sa journal?
Purihin ang mag-aaral na nagbasa ng journal at bigyang linaw ang panayam
na isinagawa para sa kaalaman ng lahat na mag-aaral.
2. Pagganyak
Batay sa resulta ng KWL, sinasabi mo na gusto mong malaman ang
kahulugan ng Tagapanayam at ang mga Paraan ng Pagtatanong.
 Patayuin ang mga mag-aaral at hayaang magbigay ng isang uri ng
tanong na sasagutin naman ng isang kamag-aral. (Hayaang mag-isip
ang mag-aaral ng isang simpleng tanong)
 Sa pagsagot sa tanong dapat maging mapanuri ang bawat isa. (Kahit
sino sa mag-aaral ay maaaring magbigay ng sariling sagot)
 Pag-usapan ang bawat reaksyon ng mag-aaral sa tanong ng
tagapanayam at sagot ng kinapanayam.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Sa araling ito, ituon ang pansin sa aktuwal na proseso ng
pakikipanayam. Buksan ang modyul sa pahina 11-12 at suriin ang
isinasaad ng salitaan.
 Hayaan ang mga mag-aaral na pagusap-usapan ang kanilang mga
opinyon. (Maaaring magkaroon ng pagtatalo sa mga ilang punto ngunit
hayaang magdesisyon ang mga mag-aaral base sa kanilang
pagkaunawa).
Itanong:
a. Ano ang karaniwang ginagawa ng isang tagapanayam?
b. Ano ang karaniwang ginagawa ng isang kinakapanayam?

2. Pagtatalakayan
Pakikinig ng Iskrip na nasa Apendiks ng Modyul sa pahina 42-47.
 Habang nakikinig sa radyo ay maaaring sabayan ang pagbasa ng
iskrip sa pahina 42-47.
 Ang iskrip ay nakasentro sa dalawang bahagi: Ang Sining ng
Pagtatanong at ang Sining ng Pagsagot sa mga Katanungan.
 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusuri ng nabasa at narinig sa radyo
sa pamamagitan ng pagbubuo ng “Story Frame”.
 Papunan sa mag-aaral ang hinihingi sa bawat patlang

Story Frame
Isang araw ay may idinaos na panayam tungkol sa _____________. Ang
panayam ay sinimulan nina Fe at Lara. Binati nila si _______ at sinabi
nina Fe at Lara ang paksa ng pakikipanayam. Ang mga tinanong nina Fe
at Lara ay mga katanungan na angkop sa :

1) Anu-anong proyekto ang nakahanay para sa barangay, 2.)

___________________________________3.)________________

________________________4.)___________________________

__________________5.)_________________________________

at 6.) paglilinaw ng katanungan ng mga mamamayan sa Hilagang


Fairview. Ang panayam ay tinapos sa pamamagitan ng
___________________________________.

3. Paglalahat
 Pagkatapos na sagutin ng mag-aaral ang story
frame, sabihin ang mga sumusunod
 Ipaliwanag ang dalawang bahagi sa isang
pakikipanayam.
Tagapanayam - ang nagtatanong sa isang panayam.
Kinakapanayam – ang sumasagot sa mga katanungan.
 Ang panayam ay may tatlong malaking bahagi
- Ang panimula o pambungad – ang tagapanayam ay bumabati
sa kinakapanayam
- Ang katawan ng panayam – ang tagapanayam ay nagbibigay
ng mga katanungan
- Ang pagwawakas – nangangahulugan ng pagtatapos ng
pakikipanayam

4. Paglalapat
Sikaping sagutin ang tsart sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kolum na
sa iyong palagay ay tama ang pahayag sa talata.
Aytem Tama Mali
1. Salamat po ginang sa panahong ibinigay ninyo sa amin
2. Mayroon ka pa bang nais sabihin tungkol sa iyong sarli?
3. Sa iyong palagay, ano ang iyong kalamangan sa ibang
aplikante?
4. Ano ang iyong mga karanasan sa mga nauna mong
trabaho?
5. Mayroon ka bang kaalaman tungkol sa aming
kumpanya?

5. Pagpapahalaga
Basahin ang sitwasyon at lutasin
Kayong magkakamag-aral noong elementarya ay nagdaos ng isang
pagtitipon upang magkita-kita. Marami ang dumalo at marami din ang
pagkain. Lahat ay masaya at nagkakatuwaan. Maraming palaro at
sorpresang inihanda ang punong abala. Bawat isa ay kailangang
magsalita at magtanong. Pinagtawanan ang isa sa iyong matalik na
kaibigan dahil sa di - akma ang pagtatanong. Sa ganitong kalagayan,
paano mo tutulungan ang iyong kaibigan.

IV. PAGTATAYA
1. Muling pagsama-samahin ang magkakapangkat.
2. Ang pinuno ng grupo ay lalapit sa IM upang kumuha ng tala ng pangkatang gawain.
3. Bigyan lamang ng 5 minuto ang bawat pangkat upang pag-usapan at isagawa ang
mga gawaing naitakda.
Pangkat 1 – Ang Panimula o Pambungad
Pangkat 2 – Open Ended na pagtatanong. Closed na pagtatanong
Pangkat 3 – Ang Katawan ng Panayam (Susog na katanungan) Follow-up,
Paglilinaw, Kabuuan
Pangkat 4 – Pangwakas
V. KARAGDAGANG GAWAIN
 Magsulatan sa bawat isa at bigyan ng pagkilala ang mga binuong katanungan
at kasagutan sa mga napiling paksa.
 Isulat ito sa mga kamag-aral sa susunod na pagkikita.

ANG PANAYAM
Session Guide Blg. 3

I. MGA LAYUNIN
1. Naipaliliwanag nang maayos ang mga katanungan sa isang panayam
2. Natutukoy ang mga hakbang na kinakailangang gawin ng isang kinakapanayam
3. Naisasagawa ang paghahanda sa isang panayam
4. Naiisa-isa ang kahalagahan ng pagsagot sa mga katanungan
5. Naibabahagi ang kasanayang magpasiya o magdesisyon

II. PAKSA
A. Aralin 3: Ang Kinakapanayam: Ang Sining ng Pagsagot sa Mga
Katanungan pahina 23-30.
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Mabisang Komunikasyon,
Malikhaing Pag-iisip, Pag-aangkop sa sarili sa mga mabibigat na
dalahin, Pag-aangkop sa sarili sa mga emosyon.
B. Mga Kagamitan : mga larawan, mga kuwento, masking tape, meta cards, Manila
paper

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral Kuwento
Si Edgar ay isang mensahero ng sulat. Siya ay matapat sa kanyang
trabaho. Sa di-inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng strike sa kanyang
pinapasukan. Sa kasamaang palad si Edgar ay isa sa mga empleyado na
natanggal sa trabaho. Dahil dito hindi na niya kayang pag-aralin ang kanyang
mga anak sa kolehiyo. Nabalitaan niyang maraming kailangan na
manggagawa sa Dubai.
 Paano mo siya tutulungan sa mga posibleng kasagutan sa mga itatanong
sa kanya sa panayam ng tagapanayam?

2. Pagganyak
Message Relay
1. Sabihin ang mensahe sa lider ng dalawang grupo.
Si Rosa ay magaling sa pagsagot ng mga katanungan na ibinibigay
ng kanyang Instructional Manager lalung lalo na sa isinagawang panayam
tungkol sa pag-aplay ng trabaho sa ibang bansa.
Paraan:
1. Ibigay ang mensahe sa bawat lider ng grupo. Ang lider ng dalawang
grupo ay kakausapin ng IM
2. Ililipat nang pabulong ang mensahe sa susunod na mag-aaral.
3. Pagdating sa huling miyembro ng grupo, ipasulat sa pisara ang mensahe.
4. Tingnan sa nakasulat sa pisara kung sino sa 2 grupo ang nakakuha ng
tamang mensahe.

5. Bigyang puna ang hindi nakakuha ng tamang mensahe at sabihin ang


tamang proseso nito.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Pagtutuunan ng pansin ang gawain sa pahina 23-27 .
 Suriin ang isinasaad ng paghahanda sa aktuwal na pakikipanayam
 Pag-aralan kung paano ka magiging matagumpay na kinakapanayam
Hayaan ang mga mag-aaral na pag-usap-usapan ang kanilang mga
opinyon. (Maaaring magkaroon ng pagtatalo sa mga ilang punto ngunit
hayaang magdesisyon ang mga mag-aaral base sa kanilang
pagkaunawa).

2. Pagtatalakayan
Pakikinig ng Iskrip na pinamagatang Ang Sining ng Pagsagot sa mga
Katanungan.
1) Habang nakikinig sa radyo ay maaaring sabayan ang pagbasa ng
iskrip sa pahina 48 hanggang 54.
2) Ang iskrip ay nakasentro sa kung papaano magbigay ng mga
mabisang kasagutan sa pakikipanayam
3) Makikita dito ang dalawang kinakapanayam at kung paano
isinagawa ng bawat isa ang kani-kaniyang panayam.
4) Gabayan ang mag-aaral sa pag-analisa ng aplikasyon ng visa ni Peter
at Juancho sa pamamagitan ng pagamit ng Venn Diagram.

Pagkakatulad
Peter ni Juancho at Juancho
Peter

3. Paglalahat
Mga istratehiya na dapat tandaan sa pagsagot ng mga mahihirap na
katanungan
 Magbigay ng maikli at direktang kasagutan
 Maging kalugud-lugod, magalang at maayos sa pakikitungo.
 Makinig at sumagot lamang sa mga katanungan matapos itong marinig at
ganap na maunawaan.
 Hilingin sa tagapanayam na ulitin, ipaliwanag ang mga kumplikado o di
malinaw na katanungan.
 Maging tapat kung hindi mo alam ang kasagutan.

4. Paglalapat
 Maghanda ng mga meta cards ng mga tanong at sagot.
 Ipagawa: Sabihin kung alin sa mga sagot ang tama o mali. Halimbawa:
- Anong uri ng trabaho ang kailangan mo?
Tama: Maging clerk po.
Mali: Hindi ko po alam, bahala na po kayo
- Magbigay ng iyong kasanayan sa trabaho.
Tama: Marunong po akong mag computer, mag-ayos ng file at
gumawa ng ulat o report
Mali: Marami po akong kaaalaman, depende po sa inyo.

5. Pagpapahalaga
Sabihin sa mga mag-aaral na basahin ang mga talata.
Tanungin kung sila ay sang-ayon o di sang-ayon.
 Hindi dapat mahuli sa takdang oras ng panayam.
 Ihanda ang akmang isusuot sa araw ng panayam.
 Handa akong baguhin ang mga negatibo kong ugali.
 Kailangan kong alamin ang aking kakayahan sa ika-uunlad ng aking sarili.
 Kailangan kong magsanay ng mga tamang kasagutan sa mga posibleng
katanungan.

IV. PAGTATAYA: Visible Quiz


 Ang bawat pangkat ay may hawak na meta cards na may kulay. Ang
bawat kulay ay kumakatawan sa isang sagot.
 Magpapakita ng tanong at ito ay sasagutin ng mga mag-aaral
 Itataas ng pangkat ang kulay ng meta card na katugma ng kanilang sagot.
Halimbawa:
Kulay berde na meta card

Tanong: Bakit hindi naaprubahan ang aplikasyon ni Juancho? Sagot: Sapagkat


hindi angkop ang kasuotan
Lahat ng may katulad na sagot itataas ang berde na meta card

(Ang pamamaraang ito ay magbibigay ng agarang kaalaman sa IM kung


natutunan ba ng mga mag-aaral ang araling tinalakay.)

V. KARAGDAGANG GAWAIN
 Magsanay na gumawa ng katanungan at lagyan ng akmang kasagutan
ang bawat isa.
 Humandang basahin ito sa susunod na sesyon.

ANG PANAYAM
Session Guide Blg. 4

I. MGA LAYUNIN
1. Natutukoy ang mabuting kasanayan sa pakikipanayam
2. Naisasagawa ang mabuting kasanayan sa paglahok o pagsasagawa ng isang
panayam
3. Nabibigyang halaga ang mga kasanayan sa pakikipagpanayam
4. Naibabahagi ang kasanayang magpasiya o magdesisyon

II. PAKSA
A. Aralin 4: Mga Mabubuting Kasanayan sa Pakikipanayam, pahina 37.
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Mabisang
Komunikasyon, Kasanayang Makipag-kapwa, Malikhaing Pag-iisip,
Pag-aangkop sa sarili sa mga mabibigat na dalahin, Pag-aangkop sa
sarili sa mga emosyon.
B. Mga Kagamitan: mga kuwento, masking tape, meta cards, manila paper

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral (Walk About Treasure/Scavenger Hunt)
 Isulat sa papel ang mga bagay na dapat hanapin sa kanilang kapwa mag-
aaral.
 Sabihing puntahan ang mga kamag-aral at tanungin kung sila ay
nagtataglay ng nasabing bagay na nakasulat sa papel.
 Papirmahan sa kamag-aral na nagtataglay ng akmang nakasulat sa
papel.
 Ipataas ang kamay ng unang makapuno ng sagot sa papel.
 Ipabasa ang napunong sagot sa papel.
 Tanungin ang pumirma sa papel upang mapatunayan kung totoo ang
nakasulat.
Itanong: Ano ang inyong naramdaman sa ginawa nating laro ng
pagsasanay?

2. Pagganyak
Three Steps Interview (Panayam Tungkol sa Kabutihang Dulot Ng Paggamit na
Herbal Medicine)
 Mula sa kanilang pangkat ay magbuo ng dyads ang mga mag-
aaral.
 Magtatanong ang unang mag -aaral sa kanyang kapareha
tungkol sa paksa ng pakikipanayam.
 Pagsagot ng kapareha ay siya naman ang magtatanong.
 Ibahagi ng magkapareha sa kanilang mga grupo ang kanilang
mga sagot.
 Sabihin sa buong klase ang nabuong talakayan.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Scenario Building:
Paraan:
 Hatiin ang klase sa dalawang pangkat
 Magpalipad ng eroplanong papel na may sitwasyong dapat
nilang bigyan ng solusyon.
 Sasaluhin ng mga mag-aaral ang mga eroplanong papel.
 Basahin nang malakas ang sitwasyon na kanilang nakuha.
 Bigyan ng 10 minuto ang mag-aaral para makapag-isip ng
solusyon.
 Isulat sa papel at idikit sa pisara.
 Bigyan ng 10 minuto ang bawat pangkat para iulat ang kanilang
naging solusyon.

Unang pangkat – Kabutihang dulot ng may sariling sasakyan


Ikalawang pangkat – Kasamaang dulot ng bawal na gamot sa katawan
ng tao

2. Pagtatalakayan
Roundtable: Pagsagawa ng Isang Panayam
 Kumuha ng lapis at papel.
 Sagutin ang tanong na isinagawa sa gagawing panayam.
 Isusulat ng miyembro ng dalawang pangkat ang sagot.
 Ipapasa sa mga kamag-aral upang ito naman ang sumulat.
 Bibilangin ng pangkat ang kanilang sagot.
 Ilalahad sa klase ang sagot upang mapagpasyahan ng mga
mag- aaral.
Maaaring magkakaiba ang mga sagot batay sa pakikipanayam.

3. Paglalahat
Gabayan ang mag-aaral upang masabi ang sumusunod:
Mga dapat tandaan ng tagapanayam at ng kinakapanayam
 Dumating sa takdang oras ng panayam.
 Dalhin ang lahat ng kailangang dokumento para sa panayam.
 Maging maayos ang pananamit at kaanyuan.
 Maging magalang at kalugud-lugod.
 Laging magsabi ng totoo, maging matapat.
 Tandaan ang mga kasanayang natutunan sa modyul na ito.

4. Paglalapat
 Gumawa ng isang panayam sa isang komunidad.
 Gamitin ang mga kasanayang natutunan mo sa sining ng pagtatanong
tulad ng mga sumusunod:
- Dapat magsabi ng totoo.
- Maging matapat, marangal at mapagkakatiwalaan.
- Panatilihin ang eye contact o pagtingin ng diretso sa mata ng kausap.

5. Pagpapahalaga
Ipakilala ang dalawang pamilya, Lopez at Mariano.
Ang pamilya Mariano ay may malaking suliranin sa pera kaya ang
ama nila ay napilitang pumunta sa ibang bansa para matustusan ang
pag-aaral ng kanyang mga anak. Ang pamilya Lopez naman, dahil sa
magandang samahan ng bawat isa, ang ama ay di gustong pumunta ng
ibang bansa kaya medyo mahirap ang kanilang pamumuhay at ang
mga anak ay nahinto pa rin sa pag aaral.
Kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan, alin ang pipiliin mo? Bakit?

IV. PAGTATAYA Role Play

1. Ang unang pangkat ang magsasadula ng isang panayam sa


komunidad tungkol sa paano haharapin isyu ng vandalismo o pagsira sa mga
pampublikong ari-arian.
2. Ang ikalawang grupo ang magsasadula ng isang panayam
ng isang aplikante sa ibang bansa na hindi naaprubahan.
3. Bigyan ng 10 minuto ang bawat pangkat para ipakita ang
kanilang dula.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

1. Gumawa ng isang commitment o pangako sa sarili na gagamitin nila ang mabuting


natutunan sa modyul na ito.

Mag-isip nang Pandaigdig, Kumilos nang Pambansa


Session Guide Blg. 3

I. MGA LAYUNIN
1. Nakapagbibigay ng mga paraan upang mabawasan at malunasan ang mga
suliranin at isyu tungkol sa AIDS at basura
2. Nakatutulong sa mga proyektong pampamayanan na kaugnay sa mga suliraning
pandaigdig tulad ng AIDS at basura
3. Naipakikita ang kakayahang makiisang damdamin
II. PAKSA
A. Aralin 3: Ikaw at ang mga Pangyayari sa Mundo
Kasanayan sa pakikipamuhay: Kakayahang makiisang damdamin
B. Kagamitan: modyul, illustration boards, pencil, pentelpen, crayons
III. PAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
a. Ano ang suliranin na may kaugnayan sa bansa sa buong mundo?
2. Pagganyak
a. Awitin ang “Masdan Mo ang Kapaligiran”.
b. Ano ang nilalaman ng awit? Ang suliranin ng basura ay pag-uusapan.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
a. Pag-usapan ang kalagayan ng basura sa kani-kanilang barangay.
b. Ipabasa ang pahina 30-34 ng modyul.
c. Batay sa nabasa, ipagawa ang poster sa unang pangkat tungkol sa
pagsugpo o paglunas sa suliranin sa AIDS. Ipagawa naman sa
pangalawang pangkat ang tungkol sa pagsugpo o paglunas sa suliranin
sa basura.
2. Pagtatalakayan
a. Pabigyan ng paliwanag sa bawat pangkat ang ginawang poster.
b. Itanong:
 Ano sa tingin mo ang pinakamabisang paraan upang malunasan
ang suliranin sa AIDS?
 Paano malulunasan o mababawasan ang suliranin sa basura?
3. Paglalahat
Bayaang ipaliwanag ng mga mag-aaral ang mga tanong na sumusunod?
a. Bakit kailangang kumilos ang pamahalaan tungo sa pagpuksa ng virus
na HIV?
b. Bakit dapat katakutan ang AIDS?
c. Ano ang epekto ng AIDS sa ating kalusugan?
d. Bakit mahalagang mapangasiwaan ang basura?
e. Ano ang magiging bunga ng hindi tamang pamamaraan ng
pangangasiwa ng basura?
Mahigit kumulang na sa 1500 ng Pilipino ang positibo sa HIV.
May 20 milyon na sa buong mundo ang positibo sa HIV. Marami na
ang pumanaw dahil sa kumplikasyong dala ng AIDS. Ang AIDS ay umaatake
sa immune system ng tao. Dahil dito nawawalan sila ng panlaban sa
ibang sakit.
Itanong: Ano ang natutunan mo sa araling ito?
May mga paraan para mapangasiwaan ang basura.
Kailangan lamang na matuto ang mamamayan na paghiwa- hiwalayin ang
basura—basurang nabubulok sa basurang di- nabubulok. May mga paraan
din para magamit na muli ang basura.
Tukuyin o ipasabi sa bahaging ito ng aralin ang recycling.
4. Pagpapahalaga
a. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong para masugpo ang
paglaganap ng AIDS?
b. Paano ka makatutulong para mapangasiwaang maayos ang basura?
5. Paglalapat
a. Kung sasali ka sa isang proyekto sa pagsugpo ng paglaganap ng AIDS o
kaya’y paglutas ng suliranin sa basura, ano ang dapat na maging layunin
ng proyekto?
Halimbawa ng mga layunin:
 Naipaaalam sa pamayanan ang mapait na epekto sa kalusugan na
dulot ng AIDS gaya ng mga sumusunod:
- nagpapahina ng immune system ng tao
- nakamamatay na sakit
- pandemic na sakit na nakaapekto sa humigit-kumulang 20
milyong to sa buong mundo
 Naisasagawa ang paraan sa wastong pamamahala sa basura tulad
ng:
- paghihiwalay ng nabubulok sa di-nabubulok na bagay
- paggawa ng kompos mula sa nabubulok na bagay
- i-recycle ang dapat pang pakinabangan

IV. PAGTATAYA
Sumulat ng isang sanaysay sa sumusunod na tanong: Bakit pandaigdig na
isyu ang AIDS?

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Maghanap ng lathalain tungkol sa pagsugpo sa AIDS at wastong pamamahala
ng basura.
Alamin sa inyong pamayanan ang mga iba’t ibang organisasyon na maaaring
dulugan upang masugpo ang mga suliraning dala ng AIDS at basura.
MALUSOG NA PAMUMUHAY
Session Guide Bilang 1

I. MGA LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan nang pagkakaroon ng mabuti at malusog na
pangangatawan;
2. Naipakikita ang mga paraan upang mapangalagaan ang iyong katawan;
3. Nalalaman ang mga responsibilidad upang maiwasan ang mga sakit.
II. PAKSA
a) Aralin 1: Paano Ko Mapangangalagaan Ang Aking Katawan. pp. 1-23
Pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay :
Mabisang pakikipagtalastasan, kasanayang makibagay sa kapwa,
pansariling kamalayan, paglutas sa suliranin, kasanayang magpasiya
b) Mga Kagamitan : tsart at tseklist, poster o larawan ng isang super hero,
mga parisukat na papel at pandikit o kaya ay post it
Resource person mula sa DOH o Barangay Health Center

III. PAMAMARAAN
a) Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Laro: “I pass the ball”
 Pag-aralan ang anumang modyul na natapos. Tanungin ang mga mag-
aaral kung anu-ano ang mga natutunan nila rito.
 Gamit ang isang magaan na bola o kinuyumos na papel o rolyo ng tisyu,
pagpasa-pasahan ito sa pagbabahagi ng mga natutunan.
 Magbigay ng isang kaalaman na natutunan sa nakaraang pulong, ipasa
ang bola sa isang mag-aaral. Sasaluhin iyon ng mag-aaral at siya naman
ang magbibigay ng isang kaalaman. Gawin ito hanggang ang lahat sa
klase ay mabigyan ng pagkakataon na magbahagi.
2. Pagganyak : Kilalanin si Super Lusog
 Magpaawit ng isang awiting may aksyon.
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak ka. (2x)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak ka.
(Maaaring palitan ang salitang masaya ng MALUSOG. Ang aksyon naman ay
maaring palitan ng ibang kilos gaya ng PUMADYAK, LUMUNDAG,
KUMEMBOT at iba pang kilos na may tatlong pantig.)
 Pagkatapos ng mga awitin, tanungin ang lahat kung sila ba ay malusog at
masaya. Pasalamatan sila sa kanilang masiglang kooperasyon.
 Ipakita ang larawan ng isang taong malusog. (Ang larawan ay dapat
kahalintulad ng isang super hero kagaya ni Superman o Batman.)
Ipakilala sa mga mag-aaral na ang karakter na nasa larawan ay tinatawag
na si “Super Lusog”, isang bagong super hero.
 Sa pamamagitan ng maliliit na parisukat na papel na may pandikit o post-
it, ipasulat sa mga mag-aaral kung ano sa palagay nila ang mga
katangian ng isang taong malusog kagaya ni Super Lusog. Ipadikit sa
mga mag-aaral ang mga post-its sa larawan ni Super Lusog.
 Hikayatin ang lahat na sumali sa gawain at magdikit ng mas marami pang
post-its.
 Ipabasang isa-isa sa isang volunteer ang mga sagot. Pag-umpuk
umpukin ang mga magkakatulad na sagot.
 Tanungin ang mga mag-aaral kung mayroon pa silang ibig idagdag.
Ipakilala ang aralin na nakatakda sa araw.

b) Panlinang na Gawain
1. Paglalahad: Pagsasadula
 Himukin ang mga mag-aaral na isadula ang isang ordinaryong umaga sa
isang tahanan o pamilya. Tumawag ng mga volunteers mula sa mga
mag-aaral na gaganap bilang ama, ina, mga anak, kapitbahay, tindera sa
palengke, ilang mga mamimili at iba pa.
 Ang pagsasadula ay iinog sa tatlong bahagi o tagpo:
 Mga gawain ng pamilya pagkagising sa umaga
 Pamimili ng ina at ng ate sa palengke ng mga pagkain para sa
pamilya
 Pagsasalu-salo ng pamilya sa almusal
 Bigyan ang mga mag-aaral ng sapat na oras upang iplano ang
pagsasadula Ang bawat bahagi o tagpo ay maaring isadula ng iba’t-ibang
pangkat upang mabigyan ng pagkakataon na sumali sa gawain ang mas
nakararami. Ang mga plano sa pagsasadula ay maaari ring ibigay bilang
takdang aralin bago pa man talakayin ang aralin na ito upang mas lalong
mapabuti ang paghahanda sa pagsasadula.

 Hanggat maaari ay huwag idikta ang mga sitwasyon at diyalogo ng mga


magsisiganap. Hayaan ang mga ito na hugutin sa kanilang aktwal na
buhay ang mga sitwasyon at diyalogo upang maging makatotohanan ang
pagsasadula sa klase.
 Bago umpisahan ang palabas, ipaalala sa mga mag-aaral na masusing
magmasid at makinig sa pagsasadula.

2. Pagtalakayan 1: Paggamit ng Tseklist


 Gamit ang tseklist na nasa ibaba, balikan ang mga tagpo at eksena sa
pagsasadula.
Oo Hindi
Pagkagising sa umaga
1. Naghilamos ba ng mukha at nagsipilyo ng
ngipin ang mga miyembro ng pamilya?
2. Sila ba ay nagsipagpaligo?
3. Nagwalis ba sila ng bahay at ng bakuran?
4. Pinunasan ba ang mga lamiseta at upuan?

Pagsasalo-salo sa almusal
1. Naghugas ba ng kamay ang mga miyembro
ng pamilya bago dumulog sa hapag kainan?
2. Nagsipilyo ba sila ng ngipin pagkatapos
kumain?
3. Malinis ba ang pinagkukunan ng tubig?
4. Maayos at malinis ba ang paghahanda ng
mga pagkain?

Pamimili sa palengke
1. Sariwa at masustansiya ba ang kanilang
napamili?
2. Namili ba sila ng gulay at prutas?
3. May itlog, isda at karne ba na kasama rito?
4. Kumpleto ba ang mga sustansiya na
kailangan sa pagkain ng wasto?
 Ipamahagi ang tseklist sa bawat mag-aaral. Ipaliwanag na ito ay dapat
nilang sagutin ng “Oo” at “Hindi” lamang.

 Itabi pansamantala ang tseklist at pangkatin ang mga mag-aaral.


Hayaang basahin nila ang Modyul sa pahina 7 na nagsasaad ng mga
paraan para mapanatili ang mailinis at malusog na paligid. Pag-usapan
ang mga kaalaman dito at itala ang mga ito gamit ang tsart sa ibaba:

Pagpapanatili nang malinis at malusog na paligid


Mga wastong Mga di wastong gawi
gawi
Pagtatapon ng basura
Paglilinis ng bahay
Pagpapanatili ng kalinisan
ng mga alagang hayop
Pagsisiguro ng malinis na
pinagkukunan ng tubig
Paggamit ng kemikal na
pamatay insekto
 Ipagpatuloy ang pag-aaral sa Modyul. Sa dating pangkat ng mga mag-
aaral, basahin ang mga kaalaman tungkol sa pagbabalanse ng pagkain
sa pahina 10-13.
 Batay sa mga kaalaman na natutuhan sa Modyul, maghanda ng isang
simpleng menu sa maghapon para sa isang pamilya. Gamitin ang “menu
guide” sa ibaba para sa pagtatala:

Almusal Tanghalian Hapunan

Enerhiyang pagkain
(“Go” Foods)
Pagkaing
panghubog-
katawan
(“Grow “foods)
Pagkaing taga-ayos
(“Glow” foods)

 Hikayatin ang mga mag-aaral na gumawa ng kanilang indibidwal na


Programang Pang-Enerhiya sa Araw-araw. Pabuksan ang Modyul sa
pahina 16 para sa tsart na gagamitin. Hayaan sila na sumangguni sa
mga kaalaman na nakasaad sa pahina 14-15 ng Modyul.

Pagtatalakayan 2: Pagbabahagi ng Resource Person (Optional)


 Hayaan ang “resource person” na magbahagi ng mga kaukulang
impormasyon tungkol sa:
 wastong pagkain
 tamang ehersisyo
 tamang pahinga
 paglilinis at pangangalaga ng katawan
 paglilinis ng kapaligiran
 at iba pang bagay na nakaapekto sa malusog na
pamumuhay
3. Paglalahat
 Balikan ang tseklist na naunang sinagutan. Sa ikaapat na kolum, ilista
ang mga bagay na natutunan mula sa pagsasadula ng mga kaklase at sa
mga ibinahagi ng resource person. Tutukan lamang ang mga bagay na
dapat na ginagawa upang mapanatili ang malusog na pamumuhay. Itala
ang mga sagot ayon sa paksa sa bawat kahon sa tsart: paggising sa
umaga, sa pagkain at sa pagpili ng pagkain.
4. Paglalapat: Paggawa ng Aksyon Plan
 Indibidwal na gawain: Bumuo ng isang plano ng pagkilos o
aksyon plan gamit ang tsart sa ibaba. Ilista ang mga ibig
mong gawin upang magkaroon o mapanatili ang malusog na
pamumuhay mo at ng iyong pamilya.
Sino/sinu-sino ang
Mga gawain Mga inaasahang Kailan mga kasali at
resulta isasagawa? magsisigawa?

5. Pagpapahalaga
 Pagkatapos punan ang tsart, bigyan ng panahon ang mga mag-aaral
upang ibahagi ang kanilang mga sagot sa kanilang partner o sa kabuuan
ng klase. Subuking alamin sa mga mag-aaral kung anu-ano ang mga
kahalagahang idudulot ng kanilang bagong kaalaman sa kanilang
pamumuhay at pakikipagkapwa-tao.

IV. PAGTATAYA
Gawaing pangkat:
 Himukin ang mga mag-aaral na mamili ng isa sa mga gawain sa ibaba at isagawa
sa kanilang barangay upang maibahagi ang bagong kaalaman tungkol sa malusog
na pamumuhay. Pagbigayin sila ng ulat sa kanilang mga ginawa.
 Isagawa ang aksyon plan kasama ang ilang kapitbahay sa
pakikipagtulungan ng barangay.
 Bumuo ng isang pamplet o poster na naglalaman ng mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa malusog na pamumuhay at ibahagi sa kaklase o
mga kapitbahay ang halimbawa kung paano makaiiwas sa sakit at iba pa.
 Mag-volunteer sa isang barangay meeting upang magsalita at ibahagi ang
kaalaman tungkol sa malusog na pamumuhay.
 Bumuo ng pangkat na binubuo ng ilang kapitbahay upang magsagawa ng
paglilinis o kaya ay pagtatanim sa barangay.
V. KARAGDAGANG GAWAIN
 Gumawa ng pagkilos upang lalong mapabuti at mapayaman ang napiling gawain
sa bahagi ng Pagtataya sa aralin na ito. Humingi ng tulong sa mga opisyal ng
barangay o anumang sangay ng gobyerno at mga pribadong samahan sa iyong
lugar upang maibahagi pa ang mga impormasyon o pagkilos tungkol sa
pagpapanatili ng malusog na pamumuhay sa iyong komunidad.
 Sumulat ng diary tungkol sa mga gawain mong natapos sa linggong nagdaan.
Itala ang iyong mga nagawa o natapos sa panahong ito. Itala rin ang mga suliranin
na kinaharap mo at paano mo napagtagumpayan ang mga ito.

You might also like