You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Caraga Administrative Region
Division Surigao del Sur

Panlabas na Salik na Nakaimpluwensya


sa Paghubog ng Pagpapahalaga

A Strategic Intervention Material in EsP 7


Novielyn L. Crabajales
TABLE OF CONTENTS
1.Objectives
2.Guide Card
3.Overview of the Activities
4.Activity Card
1. Pagtukoy sa Positibo at Negatibong
Impluwensya
2. Pagpaplano sa Pagpapaunlad at Pagbabago
sa Sarili
3. Pamamaraan ng Pagtugon sa bawat
Sitwasyon
5.Assessment Card
6.Enrichment Card
7.Reference Card
Objectives
General Objectives
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
naipamalas ang pag-unawa sa konsepto ng panlabas na salik na
nakaiimpluwensiya sa paghubog ng pagpapahalaga.

Sub-Tasks
1. Naisa-isa ang mga panlabas na salik na nakaimpluwensiya sa
paghubog ng pagpapahalaga.
2. Nasusuri ang isang kilos o gawi batay sa impluwensiya ng isang
panlabas na salik.
3. Napatutunayan na ang pag-unawa sa mga panlabas na salik na
nakaiimpluwensiya sa paghubog ng mga pagpapahalaga ay
nakatutulong upang maging mapanuri at mapanindigan ang
tamang pasya at kilos sa gitan ng mga natutunggaling
impluwensiya.
4. Naisasabuhay ang pagiging mapanuri at pagiging
mapanindigan sa mga pasya at kilos sa gitna ng mga
nagtutunggaliang impluwensiya ng mga panlabas na salik na
nakaiimpluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga.
GUIDE CARD
Least Mastered Skills

Ang pagiging mapanuri at mapanindigan sa mga pasya at kilos sa gitna ng mga panlabas na salik
na nakaiimpluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga.

Sub-Tasks

1. Pagtukoy sa mga positibo at negatibong impluwensiya ng mga panlabas na salik sa paghubog


ng pagpapahalaga.
2. Pagplano ng gawain sa pagpapaunlad at pagbabago sa sarili sa pagharap sa negatibong
impluwensiya.
3. Pagtala ng paraan ng pagtugon sa bawat sitwasyon na may kalakip na pagninilaynilay.
MGA PANLABAS NA SALIK NA NAKAIMPLUWENSIYA SA PAGHUBOG
NG PAGPAPAHALAGA
Ang tao ay likas na panlipunang nilikha. Bahagi ng kanyang buhay ang
pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Nagiging ganap siyang tao sa tulong ng mga
tao sa kanyang buhay at paligid. Ang lahat ay may kani-kaniyang bahaging
ginagampanan sa paghubog ng kanyang pagkatao at mga pagpapahalaga.
Kung may mga panloob na salik sa paghubog ng mga pagpapahalaga mayroon
ding mga panlabas na salik. Maaaring magdulot ng magandang impluwensiya sa iyo
ang mga ito; ngunit maaari ring magdulot nang hindi magandang impluwensiya
kung hindi mababantayan o mapipigilan. Ang ilan sa mga salik na ito ay ang: (1)
pamilya at paraan ng pag-aaruga sa anak, (2) guro at tagapagturo ng relihiyon, (3) mga kapwa
kabataan, (4) pamana ng kultura (cultural heritage) at impluwensiya ng kapaligiran o lipunan, (4)
Katayuang panlipunan-pangkabuhayan (Socio-Economic Background), at (5) Media.
ACTIVITY CARD

Gawain 1. PAGTUKOY SA POSITIBO AT NEGATIBONG


IMPLUWENSIYA
Nilalayon ng gawaing ito na tayahin ang antas ng kaalaman ng

mga mag-aaral sa pagtukoy sa mga positibo at negatibong

impluwensiya ng mga panlabas na salik sa paghubog ng

pagpapahalaga.

Gawain 2. PAGPAPLANO SA PAGPAPAUNLAD AT PAGBABAGO SA


SARILI
Layunin ng gawain ang pagtataya sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagplano ng mga

gawain sa pagpapaunlad at pagbabago sa sarili sa pagharap sa negatibong impluwensiya.

Gawain 3. PAMAMARAAN NG PAGTUGON SA BAWAT SITWASYON

Layunin ng gawain ang pagtataya sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtala ng mga

paraan ng pagtugon sa bawat sitwasyon na may kalakip na pagninilay-nilay.


Pagtukoy sa Positibo at Negatibong
Impluwensya

Panuto: Mula sa kinilala mong mga panlabas na salik na nakaimpluwensiya sa Gawa


iyong pagpapahalaga, isa-isahin mo ang mga impluweniyang nakuha mo mula sa in
kanila. Magbigay ng hindi bababa sa tatlo sa bawat salik na nakaimpluwensiya sa 1
iyo. Ilagay din kung positibo o negatibo ang epekto ng impluwensiyang ito sa iyo.
Banggitin ang patunay kung bakit nasabi mong positibo o negatibo ang
impluwensiya sa iyo.
Ang sumusunod ay halimbawa na pwede mong sundan.

EPEKTO
IMPLUWENSIYANG
(Positibo o PATUNAY
SALIK NAKUHA
Negatibo)

Pamilya Pagsagot ng po at Positibo Nalilinang ang aking


opo sa tuwing ako ay pagiging magalang.
makikipag-usap sa Lahat inaasa ko sa iba
kahit na sinong Negatibo ang paggawa kaya wala
nakatatanda sa akin. akong alam na gawain.
Minsan nagugutom ako
pag ako lang mag-isa sa
bahay dahil hindi ako
marunong magluto.

MGA TANONG
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang masasabi mo sa impluwensiyang nakuha mo mula sa mga salik na iyong kinilala?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Mahalaga ba sa iyo ang mga impluwensiyang nakuha mo mula sa kanila? Patunayan.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
GAWAI
N2
PAGPAPLANO SA PAGPAPAUNLAD AT
PAGBABAGO SA SARILI

Panuto: Mula sa mga panlabas na salik na natutunan, maglista ng


mga negatibong impluwensiya na iyong kinakaharap, damdamin
kaugnay ng epekto nito sa sarili at mga hakbang na gagawin upang
mapaunlad at mabago ang iyong sariling pagpapahalaga at
pananaw.

NEGATIBONG DAMDAMIN KAUGNAY


HAKBANG NA GAGAWIN
IMPLUWENSIYA NG EPEKTO

Halimbawa: Natatakot at nababahala sa 1. Lalayo sa mga barkadang may


Natutong magnakaw dahil sa sarili na baka mahuli at negatibong impluwensiya.
impluwensiya ng mga makulong. Inuusig na rin ng 2. Gumawa ng talaarawan upang
barkada konsensya. matuunan ng pansin ang
importanteng mga bagay.
3. Magdasal sa Panginoon at gawin
ang nakatala sa talaarawan.

Pagninilay:

1. Ano ang natutunan mo sa gawaing ito?


_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________

2. Paano mo maisasabuhay ang mga hakbang na iyong inilista sa talahanayan.

_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
GAWA PAMAMARAAN NG PAGTUGON SA BAWAT SITWASYON
IN
3

Panuto: Gumawa ng isang Watchlist na maglalaman ng mga Positibo at Negatibong


impluwensiya na haharapin sa loob ng isang lingo. Itala kung ano ang ginawang pagtugon sa mga
impluwensiyang ito. Ang watchlist ay listahan ng mga bagay na babantayan at susubaybayan mo
sa iyong sarili lalo na ang pagtugon sa mga impluwensiyang hinaharap mo araw-araw. Gamiting
gabay ang halimbawa sa ibaba.

Panlabas na Ano ang sitwasyon/ Positibo (+)/


Araw Tugon
Salik impluwensiya? Negatibo (-)

Niyayang Hindi sumama dahil


uminom ng Niyayang uminom ng _ alam kong hindi
Lunes alak sa party alak sa party ng isang maganda sa katawan
ng isang kaibigan ang pag-inom ng alak at
kaibigan magagalit ang aking mga
magulang
Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

Nais baguhin sa naging tugon:

Natuklasan at natutuhan sa gawain:


ASSESSMENT CARD
Gaano Ka Natuto?
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na
sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay mga kasanayang maaaring maging gabay ng isang kabataan upang
maiwasan ang negatibong impluwensyang dulot ng media maliban sa:
a. Pag-aralang pairalin ang pagtitimpi sa lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga
birtud.
b. Suriing mabuti ang kredibilidad ng tao o kompanya at ang kanilang mga ibinabahaging palabas,
produktibo o patalastas.
c. Matutong talikuran ang tuksong dulot ng mga patalastas, mga panooring nagpapakita ng imoralidad,
pagiging malabis na bulgar at minsan ay may kalaswaan.
d. Kailangang sanayin ang iyang kaisipan upang masuri ang kalidad ang ano mang impormasyon na
tatanggapin o produktong tatangkilikin at ang pagsusuri sa halaga at magiging gamit nito.
2. Mahalagang maunawaan ang mga panlabas na salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng halaga
dahil nakatutulong ito upang:
a. Maging ganap ang pagkatao ng tao.
b. Maging matalino sa pamimili ng salik na tanging pagkukuhaan ng mabubuting halaga na isasabuhay.
c. Maging mapanuri at mapanindigan ang tamang pasya at kilos sa gitna ng nagtutunggaliang impluwensiya.
d. Maging isang mabuting huwaran ng kagandahang asal ng mga bahagi ng panalabas na salik
namakaiimpluwensiya sa paghubog ng halaga.
3. Bukod sa tulungan ang mga isang bata upang mas mapalawak ang kanyang isipan at maunawaan
ang halos walang hanggan nitong kakayahan na makakalap ng karunungan, ano ang isa sa bahaging
maaaring gampanan ng guro sa paghubog ng halaga ng isang bata?
a. Pagtuturo sa mga mag-aaral ng katotohanan
b. Pagtuturo sa mga mag-aaral na magsagawa ng mga pagpapasya gamit ang kaalaman na natutuhan sa
paaralan.
c. Pagtuturo sa mga mag-aaral na maging matatag sa pagpapanatili ng moral na prinsipyo sa gitna ng mga
pagsubok at nagtutunggaliang mga halaga.
d. Lahat ng nabanggit
4. Ang labis na kahirapan ang maaaring maging hadlang upang mapanatili o mas mapataas ang
dignidad ng isang bata at maisabuhay ang mga halaga. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan ang halaga ng isang bata sa kanyang sarili.
b. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga magulang upang batayan at paunlarin
ang halaga ng kanilang mga anak.
c. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging hadlang upang maisabuhay ng isang
bata ang mga halaga.
d. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mabuting mamamayan ng lipunan at anak ng Diyos.
5. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng pamilya sa paghubog ng mga halaga ng kanilang anak
maliban sa:
a. Ituro ang mga taong pakikisamahan at pagkakatiwalaan
b. Ituro ang magpahalaga hindi lamang sa sarili kundi mas higit para sa kapwa.
c. Ituro ang mga prinsipyong moral sa pamamagitan ng kanilang pansariling kaisipan, salita at ugali.
d. Gabayan ang isang bata na kilalanin, unawain, isapuso, iangat at isabuhay ang pangkalahatang
katotohanan.
Enrichment Card

Panuto: Gamit ang isang graphic organizer isulat ang konseptong


nauunawaan mo mula sa mga gawaing ibinigay.

Pagninilay:

1. Bakit mahalagang maunawaan ang mga panlabas na salik na nakaimpluwensiya sa


paghubog ng pagpapahalaga?
2. Ano ang kasanayan na dapat taglayin ng tao upang matiyak na tama ang
pagpapahalagang tinatanggap mula sa mga panlabas na salik na nakaiimpluwensiya
sa paghubog ng mga pagpapahalaga.
3. Ano ang nararapat gawin sa mga negatibong impluwensiyang maaaring idulot ng
mga panlabas na salik na ito?
4. Ano ang nararapat gawin sa mga positibong impluwensiya hatid ng mga panlabas na
salik na ito?
REFERENCE CARD

Mga Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog ng Pagpapahalaga

1. Pamilya at paraan ng pag-aaruga sa anak (Family and Method of Rearing).


Ang pamilya ay nagsisilbing pundasyon ng lipunan at pagkatao ng isang indibidwal
sapagkat ang mga magulang ang siyang nagtayo ng istruktura ng pag-uugali at
pagpapahalaga ng kanilang mga anak.
2. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon (Teachers & Religious Leaders).
Sila ang tumutulong upang mapalawak ang isip ng mga bata at makaunawa sa
kanilang kakayahang makakalap ng karunungan upang magamit ito sa
katotohanan at kabutihan.
3. Mga Kapwa Kabataan (Peers).
Sa huling yugto ng pagiging bata at sa maagang yugto ng kabataan, isa sila sa may
malakas na impluwensiya. Ang mga batang may mahinang personalidad ang
kadalasang madaling pasunurin na gawin ang anumang bagay para lang
mapabilang sa pangkat. Sa kabilang dako, kung mataas ang iyong tiwala sa iyong
sarili, mas madali para sa iyo ang magpasya batay sa iyong moral na paninindigan.
4. Pamana ng Kultura (Cultural Heritage) at Impluwensiya ng Kapaligiran o
Lipunan.
Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang salik gaya ng mga nakagisnan sa isang
komunidad, modernisasyon, etc na maaring makaapekto sa sariling pagpapahalaga.
5. Katayuang Panlipunan Pangkabuhayan (Socio Economic
Background).
Tumutukoy sa katayuan sa buhay mayaman man o mahirap. Ito ay lubhang
nakaapekto sa pagpapahalaga sapagkat ayon kay Esteban (1990) ang labis na
kahirapan at labis na karangyaan ay ang dalawang kondisyon na maaaring maging
hadlang sa pagtuturo ng pagpapahalaga.
6. Media.
Tumutukoy sa ibat ibang paraan upang maihahatid ang impormasyon sa isang
lugar gaya ng Telebisyon, Internet, Radyo, Newspaper, etc na isa sa mga may
pinakamalakas na impluwensiya sa isang kabataan.

You might also like