You are on page 1of 13

PANGHALIP

PANAO
LAYUNIN

Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip


(panao) sa usapan at pagsasabi tungkol
sasariling karanasan.
ATING
SAGUTIN!
Paano mo pinangangalagaan
ang Inang kalikasan?
Sa Iyo, Inang
Kalikasan I

Kung aking wariin itong kalikasan,


Kandong-kandong tayo sa sinapupunan. Ipinaghehele sa
kanyang kandungan,
Ang ibinubulong “ Matulog ka Mahal.”

II

Ang awit ng ibon at mga kuliglig


Mga luntiang dahoon sa ating paligid
Ang mahinhing daloy ng tubig sa batis,
Animo’y paraisong kaloob ng langit.
III

Sa ating pagtulog hangi’y umaawit,


Iba’t ibang tono ang kanilang himig.
Ito’y pampalamig sa ating pandinig,
Upang sa paghimlay tayo’y managinip.
IV
Yaong mga puno’y may sariwang hangin,
Bulaklak ay palamuti, bunga ay pagkain.
Ang batisan nama’y tubig ng inumin,
Pati dagat na malawak,isda’y masarap din.

V
Ang dibdib ng gubat, angking kagandahan,
Sadyang sinisira ng mga suwail.
Inang kalikasan, kami’y patawarin,
Sa lahat ng kalapastanganan naming.
VI

Masaganang bundok, dagat at batisan,


Ginawa ng poon na kapaki-pakinabang.
Ang kanilang kariktan, dapat nating ingatan,
‘Pagkat sa pagkakalikha’t pagkakalagay na may dahilan.

VI
I
Kaya tao, kalikasan ay ingatan at mahalin,
Nilikha ng Diyos huwag nating sirain at abusuhin.
Ang lahat ng tao’y biyaya Niya sa atin,
Bigyang-halaga nangn tayo’y pagpalain.
TALAKAYIN NATIN!

1. Ano ang kalagayan ng kalikasang inilalarawan ng tula?

2. Saan tayo kandong-kandong sabi ng tula?


3.
Paano nagiging kapaki-pakinabang sa buhay ng tao ang bundo, dagat at batis?

4.
Dapat bang gumantiang mga tao sa biyayang kaloob ng Inang kalikasan?Bakit?
5. Kung ikaw ang Inang kalikasan, ano ang gagawin mo sa mga marunong mag-
alaga sa iyo? Sa mga naglalapastangan sa iyo?
Mabuti papo kayo Ikaw naman,
pinapansin. Ako ay matampuhin. Dito ka
nalulungkot dito. sa tabi ko.

Buti nga walang humuhuli sa atin. Ikaw


Kuya ‘wag ka nang talaga, dapat nga masaya kayo ng tatay
umiyak, at mo.
malungkot. Tama
lang siya. Kayo ay
dapat
magpasalamat
kahit hindi
pinapansin, kami
ay masaya. Kani-
kanyang lugar na
tayo.
Sagutin Natin!

● Anu-ano ang mga salitang may salungguhit?

● Aling pangalan ng tao o mga tao ang pinalitan ng mga salitang


may salungguhit?

● Ano ang tawag sa mg ganitong salita?


PANGHALIP
PANAO
Ang salitang humahalili sa pangalan ng tao upang maiwasan
ang madalas na pag-uulit ng mga ito.

Halimbawa:
Si Edgar, Jose at Pedro ay nagtatapon ng basura sa ilog. Kaya
naman madalas silang nakakaranas ng pagbaha.
ANG TATLONG PANAUHAN NG PANGHALIP
PANAO
KAILANAN PANAUHAN

UNA IKALAWA IKATLO

(nagsasalita) (kinakausap) (pinag-uusapan)

Ako, ko, akin Ikaw, ka, mo, iyo Siya, niya , kanya
ISAHAN

Kita, kata
DALAWAHAN

Kami, tayo, natin, Kayo, inyo, ninyo Sila, nila, kanila


MARAMIHAN
atin, namin
PAGSASANAY
Panuto: Ikahon ang panghalip panao sa bawat
pangungusap sa ibaba.

1. Siya ay nalulungkot dahil hindi siya pinapansin sa klase.

2. Inaliw ng ina ang kanyang anak.


3. ‘Dapat pa nga, ikaw ay matuwa,’ ang sabi ng kasama.

4. Tayo ay sabay-sabay na magsaya.


5. Sumunod kayo sa ipinapayo ng mga guro.

You might also like