You are on page 1of 13

URI NG

PANGNGALAN
TARGET SA
PAG-AARAL
⮚ Nagagamit ang
pangngalan sa
pagsasalaysay tungkol
sa mga tao, lugar at
bagay sa paligid.
PAG-ARALAN NATIN
Tunghayan natin ang mga pangyayari, ilang araw bago lumipat ng tirahan ang
pamilya Alfonso. Narito ang talaarawan ng panganay na anak.

Sabado:
Abala ang aming mga
magulang sa
pagtutupi ng aming
damit.
Linggo: Pagkatapos ng almusal, naglagay na
kami ng mga gamit naming sa kahon.
Lunes: Handa na kami sa pagbaba ng mga
kagamitan gaya ng telebisyon, bentilador, at
gas stove.
Martes: Nagpaalam na kami sa aming mga
kaibigan, kalaro, at kapitbahay sa Bataan.
Dama namin ang kalungkutan ng bawat isa.
Ano ang
Pangngalan?
Ang Pangngalan ay tawag
sa mga salitang
tumutukoy sa ngalan ng
tao, hayop, lugar, o bagay.
DALAWANG URI NG PANGNGALAN
1. Pangngalan Pantangi – ito ay mga
pangngalang tumutukoy sa mga tiyak o
tanging pangngalan ng tao, bagay, lugar,
hayop, gawain, at pangyayari. Nagsisimula
ito sa malaking titik.

Halimbawa: Cavite, Bataan, Teressa


 
Dalawang Uri ng Pangngalan

2. Pangngalan Pambalana – ito ay


pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao,
hayop, at pangyayari. Ang mga pangngalang ito
ay di- tiyak, walang tinutukoy na tiyak o tangi.
Maliit na titik ang simula ng mga salitang ito.

Halimbawa: lalawigan, aso, babae, alaga, kaibigan


DALAWANG URI NG PANGNGALANG PAMBALANA

*Kongkreto- tumutukoy sa mga pangngalang materyal o mga


bagay na nakikita at nadarama ng ating mga pandama.
Halimbawa: pagkain, alaga, kaibigan 
*Di-Kongreto- tumutukoy sa mga pangngalang di-materyal.
Ito'y nagsasaad ng mga bagay na matatagpuan lamang sa
diwa o kaisipan at di-tuwirang nadarama ng ating mga
pandama.

Halimbawa: kabayanihan, kagalingan, saya, paglilinis.


Tukuyin kung Pangngalang Pantangi o Pambalana at
Gamitin ang mga salita sa pangungusap.

___________1. bata ________6. masipag


___________2. Ana ________7. Lara
___________3. paaralan ________8. nanay
___________4. Cavite ________9. Joy’s Bakeshop
___________5. papel _______10. plato
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like