You are on page 1of 22

Kaantasan ng

Wika at Teorya ng
Wika
(Grade 11- KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG FILIPINO)
Ano ang
kaantasan ng
wika?
Ano naman ang mga
Teorya ng Wika?
Learning Target/Target sa Pag-aaral
 Matutukoy ko ang mga
kahulugan at kabuluhan
ng mga konseptong
pangwika
Ang Antas ng wika
 Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa pang
mahalagang katangian ng wika. Tulad ng tao, ang wika ay
nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan
nito. Kung tutuusin, ang antas ng wikang madalas na
ginagamit isang tao ay isang mabisang palatandaan kung
anong uri ng tao siya at kung sa aling antas panlipunan
siya nabibilang.
Ang Antas ng wika
 Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao
ang mga antas ng wikang ito nang gayo’y
maibagay niya ito sa kanyang katayuan, sa
hinihingi ng panahon at pook at maging sa
okasyong dinadaluhan.
DALAWANG
KATEGORYA NG
ANTAS NG WIKA
 Mahahati ang antas ng wika sa
kategoryang Pormal at Di-
pormal. Sa bawat kategorya,
napapaloob ang mga antas ng
wika.
Pormal
 Maituturing na pormal ang isang wika kung ito ay
kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami sa
pamayanan bansa o isang lugar.Madalas itong
ginagamit sa mga paaralan at opisina. May dalawa
itong antas.
a.Ang opisyal na wikang pambansa at panturo–
ginagamit sa pamahaalaan at mga aklat pangwika sa
paaralan. Ito rin ang ginagamit na wikang panturo. Ito ang
wikang ginagamit sa buong bansa.

b. Ang wikang pampanitikan -- karaniwang


ginagamit sa akdang pampanitikan. Masining at
malikhain ang kahulugan ng mga salitang ito
Di- pormal
 Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang
araw-araw na madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga
kakilala at kaibigan.
1. Ang wikang panlalawigan ay mga salitang diyalektal;ginagamit ito
sa partikular na pook o lalawigan; may pagkakaiba-iba sa tono at
kahulugan sa ibang salita. Halimbawa; adlaw(araw),balay(bahay),
ambot(ewan)
2. Wikang balbal ang katumbas ng slang sa Ingles. Ito ang mga
nababago sa pag-usad ng panahon. Madalas marinig ang mga salitang ito
sa lansangan. Halimbawa: chicha(pagkain),epal(mapapel), utol(kapatid)
3. Ang wikang kolokyal ay mga salitang ginagamit sa pang araw-araw
na pakikipag -usap. Halimbawa: ewan, kelan musta
TEORYA NG
WIKA
TEORYA NG WIKA
• Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang
paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi
pa lubusang napapatunayan. Iba't ibang pagsipat o lente ang
pinanghahawakan ng iba't ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko
ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba.
May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng
koneksiyong sa isa't isa. Narito ang iba't ibang teorya ng wika sa
tulong ng talahanayan.
1. TORE NG
BABEL
Ito ay teoryang hango sa bibliya. Nagkaroon ng
Panahon na kung saan ang wika ay iisa lamang.
Naisipan ng mga tao na magtayo ng tore upang hindi
magkawatak-watak at higitan ang Panginoon . Nang
malaman ng Panginoon ay bumaba siya at sinira ito.
Nagkawatak-watak ang mga tao at nagkaroon ng iba’t
ibang wika.
2. TEORYANG BOW-WOW
Sinasabing natutong magsalita ang
mga tao panggagaya sa mga tunog na
likha ng kalikasan at mga tunog na
likha ng mga hayop.
3. TEORYANG POOH-POOH
Ipinapalagay na ang tao ang siyang
lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay
ng kahulugan . Natuto ang mga tao dahil
sa hindi sinsadyang napabulalas bunga ng
masidhing damdamin.
4. TEORYANG YO-HE-HO
Pinaniniwalaang ng mga nagmungkahi
ng teoryang ito na nag tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang
pwersang pisikal.
5. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM –DE-AY

Ang wika raw ay nagmula


sa tunog na likha ng ritwal.
6. TEORYANG DINGDONG
Ipinapalagay sa teoryang ito na ang lahat ng
bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na
siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga
tunog na nagpapakahulugan sa mga bagay tulad
ng kampana, relo, tren at iba pa.
7.TEORYANG TA-TA
Ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na
kanyang ginagawa sa bawat particular na
okasyon ay ginagaya ng dila at naging sanhi
ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at
kalauna’y nagsalita.
Indibidwal na Gawain
Pumili ng isa sa mga Teoryang tinalakay
natin na sa palagay mo ay kapani-
paniwala na basehan na maaaring
pinagmulan ng Wika pagkatapos ay
ipaliwanag ito.
Maraming Salamat sa
pakikinig!
--Teacher Vanessa

You might also like