You are on page 1of 2

John Wyne A.

Caballes Grade 3 Faith

Pagtulong Sa Kapwa Ko

Ako ay mapalad na sa aking murang edad ay aking naranasan ang pagtulong


sa iba. Isa sa mga ito ay ang pagpledge at pamimigay ng “Hygiene Kit” sa mga
batang edad apat hanggang walong taon gulang. Ang “hygiene kit” ay naglalaman
ng sabon, towel, toothbrush, toothpaste, alcohol, pulbos at cologne. Sumama din
ako sa pamimibigay sa mga batang beneficiaries. Ito ay ginanap sa Brgy. Batia
Bocaue Bulacan noon ika-lima ng Agosto taong 2017. Hindi lamang kami nagbigay
ng hygiene kit bagkus kami din ay nagpakain sa mga bata nang mga
masusustansyang pagkain gaya ng sopas, tinapay at inumin. Para makatulong din
sa mga magulang ng mga bata kami ay bumili nang kanilang gawang mga
basahan.
Isang lingo bago ang aking kaarawan noong 2018, kami ay nagbigay ng
maagang pamasko sa mga lolo’t lola sa isang Home for the Elderly and
Abandoned sa Laguna. Maliban sa pagkain aming inihanda sa pananghalian kami
din ay naghanda ng laro gaya ng BINGO. Hinandugan ko din sila ng isang tula.
Kahit sa isang araw ay naipadama namin sa kanila ang pagmamahal ng isang anak
o apo.
Hindi lamang sa tao ako nagkaroon ng pagkakataon na makatulong maging
sa kalikasan ay naranasan ko na rin na makatulong. Ito ay sa pamamagitan ng
pagtatanim ng mga mangroves sa Calatagan, Batangas noong May 4, 2019.
Madaling araw kami bumiyahe galing Cavite papuntang Batangas para maaga at
low tide pa kaming makarating sa lokasyon kung saan kami magtatanim.
Natutunan ko sa mangrove tree planting ang kahalagahan nito lalo na kung may
bagyo. Kami din ay namigay ng mga school supplies para sa mga batang nag aaral
sa Day Care Center sa barangay kung saan kami nagtanim ng mga mangroves.
Bumili din kami ng aning mga gulay ng kanilang baranggay.
Ang lahat ng nabanggit ko ay aking naranasan sa tulong ng kompanya kung
saan nagtatrabaho ang akin ina. Subalit meron din akong pagkakataon na
nakatulong sa iba na walang kinalaman ang kompanyang pinagtatrabahuhan ng
aking ina. Minsan sa aming pagbili sa Mini Stop, may lumapit sa amin na
matandang lalaki na namamalimos. Ito ay aming binilhan ng pagkain at ibinigay sa
kanya. Minsan din sa loob ng jeep may umaakyat na mga bata para mamalimos
sila ay akin din binibigyan. Maging ang aking mga lumang laruan at damit ay aking
ibinabahagi sa mga nangangailangan. Madalas ang aking mga lumang laruan at
pinagliitang damit ay aking binibigay sa mga anak ng mga basurerong
nangongolekta ng basura sa amin subdibisyon.
Sadyang napakasarap sa pakiramdam na kahit sa maliit na paraan ay
makatulong at makabahagi ka ng kung anong meron ka sa iyong kapwa lalong lalo
na sa nangangailangan. Ang mga pasasalamat at ngiti sa mga taong iyong
natulungan ay kailanman ay di mapapantayan ng kahit anong materyal na bagay
sa mundo. Gawin nating makatulong sa iba kung may pagkakataon lalong lalo na
ngayon na halos naghihirap ang lahat dala nang pandemyang ating nararanasan.
May kasabihan nga tayo na “it is better to give than to receive”. Hindi lang
kasiyahan sa ibang tao ang naidulot ng pagtulong maging sa aking sarili ay
naramdaman ko ito.

You might also like