You are on page 1of 2

Ang kabutihan ay higit pa sa nahahawakan ng ating mga kamay, natatanaw ng ating

mga paningin at natatamasa ng ating bawat sarili. Ang kabutihang tunay ay hindi
naghahangad ng tagapanood, tagapakinig at mga tagahanga. Ito’y patuloy sa paglaganap
na hindi umaasa ng papuri at mga parangal, higit sa lahat ay hindi kailanman naghahangad
ng kapalit sapagkat ang tunay na kabutihan ay makikita sa kalooban, puro at hindi
natutumbasan.

Matutukoy na mabuti ang isang tao kapag palagi itong nakikita sa mga telebisyon na
nagbibigay sa mga mahihirap, mayayaman na nagpapakain sa mga batang kalye na gutom,
nagpaplataporma ng iskolarship sa mga nais mag-aral ngunit walang pantustos ng pag-
aaral. Sa totoo lang, ito ay bare minimum lamang, natural gawin ng isang tao na may
inisyatiba at sa kabilang banda ay lubos na itong hinahangaan at nakakalungkot isipin na
bihira pa ang may inisyatiba na isagawa ito bilang normal na kilos-loob. Maaari mong
bansagan na mabuti iyong mga nagpapalitrato ng kanilang mga natulungan sa sosyal
medya. Ngunit malaki ang kaibahan ng may magandang kalooban na nasa likod ng
kamera—walang mga paningin na sumusubaybay ngunit masaya at kusang loob na
nagbibigay, mahirap ngunit buong puso na tumutulong sa kapwa mahirap, may
kapansanan ngunit nakapagpapasaya ng iba higit sa kanilang sarili.

Minsan sa buhay, may mga tao pa na nanghuhusga kapag hindi nila nakikita ang
iyong kawang-gawa at kahit gaano mo pa pinaghirapan ang isang bagay kapag hindi nila
nakikita ay sila pa ang may lakas ng loob na mapanakit at mapanghusga. Ano man ang
iyong mga sakripisyo, hindi nila ito kikilalanin maliban na lamang kapag nakita nila ito
mismo sa kanilang dalawang mata.
Maraming paghihirap o panganib ang naghihintay sa atin sa hinaharap,at iilan sa
atin ay siguradong nakaranas na rin nito, kaya kung tayo ay may nakita na
nangangailangan ng tulong,bigyan natin sila ng kahit kaunting pagkain o di kaya'y pera,lalo
na kung tayo naman ay mas may kakayahan kaysa sa kanila. "Kundi ayon sa
pagkakapantay-pantay: ang inyong kasaganaan ay naging abuloy sa panahong ito sa
kanilang kakulangan, upang ang kanilang kasaganaan naman ay maging abuloy sa inyong
kailangan; upang magkaroon ng pagkakapantaypantay." - (2 Corinto 8:14) Ngunit
kailangan din nating maging mapanuri kung tunay nga bang karapat-dapat ba ang ating
pagbibigyan ng tulong dahil ang ibang tao ay naging mapamantala na sa mga panahon
ito.Nakakagalak dahil may mga mabubuting tao pa na patuloy na tumutulong sa ating
kapwa Pilipino. At noong ika-8 ng Agosto, nagkaroon ng sunog sa Barangay Pacar, Orani
Bataan, na nagsanhi sa pagkawala ng bahay ng i-ilang pamilya,maraming biktima at ilang
namatay, at nangangailangan sila ng tulong, na agad namang naibigay sa pamamagitan ng
isang "Donation Drive" na pinamunuan ni Lei Erikka.

Dahil sa kanyang kabaitan, pinili namin si Lei Erikka, na tumulong sa mga biktima ng
sunog kahit na wala naman siya sa baranggay na iyon at wala naman siyang makukuhang
benepisyo rito,tinulungan pa rin niya ang mga nabiktima ng sunog na ito,sa pamamagitan
ng donation drive na sinimulan niya sa kanyang social media. Deserving siya dahil sa
"Donation Drive" na kanyang binuo ay napakaraming pamilya at indibidwal ang natulungan
namin,"namin" dahil nalaman ko na pati pala itong aking mga ka grupo ay nagbigay rin pala
ng kani-kanilang mga donasyon sa nasunugan.Natulungan sila dahil sa pagba-bayanihan
ng mga tao,nabigyan sila ng mga damit, pagkain, at mga relief goods na siguradong
kakailanganin nila para sila’y makakain at may damit na maisusuot matapos masunog ang
kanilang mga tahanan at kagamitan.
Nararapat na bigyan ng parangal si Lei Erikka dahil sa kanyang taos-pusong
pagtulong at sana ay marami pa siyang matulungan sa hinaharap, at mas marami pang tao
tulad ni ate Lei na tutulong sa ating mga kapwa Pilipino.

You might also like