You are on page 1of 4

3.

ANG PAG - IBIG ni Emilio Jacinto


Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag - ibig.
Ang katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang may kapal at ang kapwa tao ay
siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag - ibig, siya lamang ang makapagpapabukal sa loob ng
tunay at wagas na pag - ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag - ibig
ang siyang tunay na may udyok kundi ang kapalaluan at ang kasakiman
Kung ang pag - ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal at kara- karakang mapapawi sa balat ng
lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahaon ng kahoy
na
niluoy
ng
init
at
tinangay
ng
hanging
mabilis..
Ang tunay na pag - ibig ay walang iba kundi yong makakaakay sa tao sa mga dkilang gawa sukdulang
ikawala
ng
buhay
sampu
ng
kaginhawaan.
Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag aayo ring pag - ibig kung minsan, at kung
magkagayon na ay libu - libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng ga - patak na
pagkakawanggawa na nagiging tabing pa man din ng kalupitan at ng masakim na pag - iimbot sa aba ng
mga
bulag
na
isip
na
nararahuyo
sa
ganitong
pag
ibig.
Ang pag - ibig, wala na kundi ang pag - ibig na tanging binabalungan ng matatamis na alaala sa nagdaan
at nang pag - asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag
- ibig ang siyang nagiging dahilan lamangkung kaya natin minamahal pa ang buhay.
Kung ang magulang ay walang pag - ibig sa anak, sino ang magbabatang mag - iiwi sa mga sanggol?At
mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila?Kung ang anak naman kaya ay walang pag ibig sa magulang, sino ang magiging alalay sa katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang matamis kaysa
buhay na parang matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang
malingapang
magaakay
at
makaaaliw
sa
kanyang
kahinaan.
Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo'y mahikaya't na
sila'y bahaginan ng kaunting kaluwagan; ng ating pagtatanggol sa naaapi hanggang sa isapanganib at
damayan natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin
ang pinagbubuhatan kundi ang pag - ibig?
Ang tunay na pag - ibig ay walang ibubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan;
kalinpama't sapin - sapin ang dusang pinapasan ng mga bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng
karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag - ibig ang naghahari kundi ang
taksil na pita sa yama't bulaang karangalan.
Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at matinding pag - ibig!
Sa pag - ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng di maihahapay
na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid.
Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag - ibig at binubulag ng hamak ng pagsasarili.
Ang masasama'y walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalgayan. Gumagawa ng dan tungo sa pag
aalitan, kaguluhan, pagtataniman at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang
hangarin nila ay mapagbuklod - buklod ang mga mamamayan upang kung mahina at dukha dahil sa pag iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan.
Oh! sino ang makapagsasalaysay ng mga himalang gawa ng pag - ibig?
Ang pagkakaisa na siya niyang kauna - unahang bunga ay siyang lkas at kabuhayan, at kung nagkakaisa
na't nag iibigan ang lalong malaking hirap ay magaang pasanin, at ang muling ligaya'y matimyas na
malalasap. Kung bakit nangyayari ang ganito, ay di matataos ng mga pusong hindi nakadarama ng tunay
na
pag
ibig.
At upang mapagkilalang magaling na ang pag - ibig ay siyang naging susi at mutya ng kapayapaan at
ligaya, ikaw na bumabasa nito, mapagnanakaw mo kya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang
iyong ina't mga kapatid? Hindi, sapagkat sila'y iniibig at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at
sampung
buhay
kung
sila'y
nakikitang
inaapi
ng
iba.
Gayundin naman, kung ang lahat ay mag - iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid,
mawawala ang lahat ng mga pag - aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di - mabatang kapaitan.

Kung ang pag - ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magagandang akala.
Ipalalagay na may tapat na nais at tatawagin na marurunong ang mabuting magparaan upang
magtamasasa dagta ng iba at ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng
kanyang
mga
kapatid.
Maling mga isip at ligaw na loob ang nanambitan sa mga hirap na tao na inaakalang walang katapusan!
Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag - ibig sa kapwa at ang
tinatawag
na
bayan
ng
hinagpis
ay
matutulad
sa
tunay
na
paraiso.
4. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
Andres Bonifacio
Itong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating tunay na mga kababayan
niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan,
at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang mga taga-Japon, sila'y
kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya't dahil
dito'y mayaman ang kaasalan ng lahat, bata't matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at
sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga Kastila at dumulog na
nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo'y aakayin sa lalong kagalingan at lalong
imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng
kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila'y ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa
pamamagitan ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao'y
inihalo't ininom nila kapwa tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian. Ito'y
siyang tinatawag na "Pacto de Sangre" ng haring Sikatuna at ni Legaspi na pinakakatawanan ng hari sa
Espana.
Buhat nang ito'y mangyari ay bumubilang na ngayon sa tatlong daang taon mahigit na ang lahi ni Legaspi
ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang
kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng tunay na mga kababayan na
aayaw pumayag na sa kanila'y pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at tagaHolandang
nagbalang
umagaw
sa
kanila
nitong
Katagalugan.
Ngayon sa lahat ng ito'y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang
ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging
dahil ng ating paggugugol! Wala kudi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga
pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo'y lalong gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag,
inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilt na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan;
iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating
Bayan; at kung tayo'y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang
tayo'y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal ng anak, aswa at matandang magulang. Ang bawat
isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang
nilalapatan ng sa hayop na kabangisan.
Ngayon wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan; ngayon lagi nang
gingambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan, buntong-hininga at
hinagpis ng makapal na ulila, bao't mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig
na Kastila; ngayon tayo'y nalulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak, sa
pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong
tinga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon lalo't lalo tayong
nabibiliran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan. Ano ang nararapat
nating gawin? Ang araw ng katuwiran na sumisikat sa Silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga
matang malaong nabulagan, ang landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag niya'y tanaw sa ting mga
mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal. Itinuturo ng katuwiran, na
wala tayong iba pang maaantay kundi lalo't lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran, lalo't lalong
kaalipustaan at lalo't lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa

pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katuwiran ang
tayo'y umasa sa ating at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo na katuwiran ang tayo'y
magkaisang-loob, magkaisang isip at akala at nang tayo'y magkaisa na maihanap ng lunas ang
naghaharing
kasamaan
sa
ating
Bayan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala
n tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon nang dapat
simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang ani na magwawasak sa masinsing tabing na
bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan ng
kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat isang hakbang natin y tumutuntong
tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa ati'y inuumang ng mga kaaway
Kaya, O mga kababayan, ating idila ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang
atin glakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayan tinubuan.
5. Ang Ningning at ang Liwanag
Emilio Jacinto
Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay kinakaiLangan ng mata, upang mapagwari
ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa
kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay madaya.
Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang
kaugaLian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihiLa ng kabayong matuLin. Tayo'y
nagpupugay at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang nakalulan. Datapwa'y marahiL naman ay isang
magnanakaw; marahiL sa iLaLim ng kanyang ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay
ay natatago ang isang pusong sukaban.
Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at isasaLoob: Saan
kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang
katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at kapagaLang tunay.
Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwiL sa Liwanag.
Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at
daLita.
Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at ng kasakiman ay
nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, LaLung-LaLo na nga ang mga hari at mga Pinuno na
pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga kampon, at waLang ibang nasa kundi ang
mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng
kapangyarihang ito.
Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating
mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning.
Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng puspos na gaLang ay ang maLiwanag at magandangasaL at matapat na Loob, ang kahit sino ay waLang mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at
ang mga isip at akaLang ano pa man ay hindi hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng katwiran.
Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmaLas ng mga

matang tumatanghaL ang kaniLang kapangitan; ngunit ang kagaLingan at ang pag-ibig na daLisay ay
hubad, mahinhin, at maLiwanag na napatatanaw sa paningin.
MapaLad ang araw ng Liwanag!
Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng haLimbawa at Lakas sa
pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
6. Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi
lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman,
kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na
edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot.
Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral
tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano
mabuhay ng maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala
nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag
na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang
na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga
mithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at
impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na
humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga
mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay
sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang
mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay
mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa
kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa
isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at
malaman ang mga layunin nito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang
karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang
maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pagasa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot
nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.

You might also like