You are on page 1of 31

DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang
dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula
sa pamamagitan ng panonood.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag
na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang
tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at
batay sa isang iskrip.
Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.
Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas matatagpuan naman dito ang kakalasan at angkalutasan.
SANGKAP NG DULA
Tagpuan panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa
dula
Tauhan ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang
mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa
dula
Sulyap sa suliranin bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa
simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring
magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
Saglit na kasiglahan saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan
Tunggalian ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban
sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit
sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula

Kasukdulan climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa


sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o
kayay sa pinakakasukdulan ang tunggalian
Kakalasan ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa
mga tunggalian
Kalutasan sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin
at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin
at tunggalian sa panig ng mga manonood
ELEMENTO NG DULA
Iskrip o nakasulat na dula ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang
iskrip
Gumaganap o aktor ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga
tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng ibat
ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
Tanghalan anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang
dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
Tagadirehe o direktor ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang
nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
Manonood hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung
hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin
ng dulay maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o
makanood

EKSENA AT TAGPO
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang
ang tagpo namay ang pagpapalit o ang ibat ibang tagpuan na pinangyarihan ng
mga pangyayari sa dula.
MGA DULA
Sa Pula sa Puti
ni Francisco "Soc" Rodrigo

Kulas: Ahem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.


Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at
himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito
kundi ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig
ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang
mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong
mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas
ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba
alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip
ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na
puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol
Hinahabol ako ng pilakng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang
ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong
isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinagaralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang
pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong
isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam

tayo ng pakang na manok.


Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako
magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa
susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang
pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag
mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno,
diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
KumustaeehSioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh
estenandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa
sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang pisoNagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali,
ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging
sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si
Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: AHindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy,

Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?


Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo
namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming
matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing
pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni
Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin.
Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming
magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May
isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay
pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:
(May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y
matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang
aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang
iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi
ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang
rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang
pagkukumare namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay
mahalaga ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila.

Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).


Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya
kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala
akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang
Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng
Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo,
hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at
uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castorat lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain
mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at
pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang
buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin.
Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban,
ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang
lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at
patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming
natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida
ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring
makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay
suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas,
ako'u hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng
manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking

manok ngunit nananalo ako sa pustahan!


Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong itopumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko
ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan,
ay hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag
iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!
(Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang
makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang
manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan
Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan
ilaban ang manok na iyanat pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?

Castor: Oo, pandarayangunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal
na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa
iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: Oehano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: EsteCastorehhintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay
Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang
makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: OoEsteCastor
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Ehmalapit na segurong dumating si Celingalam mo'y ayaw kong Makita
ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:
(Tatawa)
Ooaalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo.
Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at
hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang
lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Ehdalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!

Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.


(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na
muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan)
ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking
ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyoSioning, alam mo namang ang
bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw
at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, ehindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako.
Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw
sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang
talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng

bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien,
tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag
silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na
ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban,
magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman
mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng
supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'yNgayong manalo si Kulas, lalo siyang
maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako
magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit
na si Castor.

Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung
piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisiat ipinatuka ang
dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung
piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit
natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y nataloay
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong
kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: Ehindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y
sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
Aat ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para

kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo


awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako
pala'y parang ulol na
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban,
saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban
din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at
pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang
diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: Agusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At
anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni
Ate Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit
apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo
kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang
tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay
tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita
sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.

Ito Pala Ang Inyo


ni Frederico b. Sebastian
Part 1
Clary: sabik na sabik na akong makarating sa bahay bert.
Bert: totoo ba yan?
Clary: oo naman. Ang hangin sa lalawigan ay tunay na nakakaakit.
Bert: masaya ako dahil nasisiyahan ka mahal ko.
Clary: Nais ko na talagang makarating Bert sa ating paraiso!!!(papasok na sa
maralitang bahay)
Clary: Ito pala ang sinasabi mong bahay Bert.
Bert: Oo mahal ko.
*tumitingin tingin pagkatapos umupo sa bangko ito ay bumagsak
Clary: Aray ko pohhh!!!!
Bert:Nasaktan ka ba mahal?
Clary:Nasaktan!?hello??!bumagsak kaya ako dahil sa upuan na yan!Hindi mo man
lang sinabi na bulok na pala yan.(galit na galit)
Bert: (aamuhin si Clary) Wag ka nang magalit.(I mamasahe ang binti ng babae)
Matagal na kasi ako hindi nakakauwi dito mahal.
*ngingiti na si Clary at babangon
Clary: ito pala ang sinasabi mong paraiso. Kita mo pala ang mga bituin kahit araw
na araw.
Bert: oo nga. At ang sofa namin ay matigas lamang.
*tatawa ang dalawa
Clary: Bert.wala ka na bang damit maliban pa diyan?

Bert:Ano naman ang masama sa suot ko, mahal kong Claring?


Clary: (nagalit) Baket noong dumadalaw ka pa sa amin ang ayos ng iyong suot? And
by the way havent I told you call me Clary.
Bert: ayaw mo bang Claro na lang?(tatawa)
Clary: its not Claro its Claryyyyy!(lalayo kay bert at tatalikuran ito)
Bert: (yayakapin patalikod si Clary) sige Clary. Bakit nga pala tayo naguusap ng
ganito,kakasal pa lamang natin ah?
Clary: Oo nga.
Bert: Sige na, magbihis ka na muna.
Clary: saan ako magbibihis?
Bert: Aba saan pa e di dito. Wala naman taong makakakita sayo kundiako
lang(titingin sa manonood tapos tataas-taas ang kilay)
Clary: Dito?!(titingin sa nanonood)
Bert: Alam mo mahal ko, dito sa probinsya lalo na sa katulad kong mahirap wala ka
ng makikita pang room kundi ito lang.
Clary: mamayang gabi na lang ako magbibihis.(magdadabog)
Bert: Ikaw ang bahala. Pero ang gabi sa amin ay tunay na gabi?
Clary: Huh?
Bert: walang electrisidad dito, mahal ko.
Clary: OMG! Di na talaga ako makakapag bihis!!! Sa Maynila na nga lang ako
magbibihis.
Bert: (tatawa)
Clary: (iirap) At saka asan pala ang ating bed?
Bert: wala tayng katre mahal ko.

Clary: Ano?! San Tayo matutulog?


Bert: sa sahig mahal ko.
Clary: Sa ganda kong ito matutulog ako sa sahig?
Bert: masanay ka nasapagkat mahirap lang ak.
Clary: tama na! wala na akong magagawa!!!samahan mo na lang ako sa banyo at
maliligo muna ako.
Part 2
Alberto: Wag ka na maligo Clary. Malamig ang panahon at hindi ka pa masyado
sanay ditto.
Clary: Bakit pati paliligo ko ay iyong pinapakialaman?At bakit ako magsasanay
maligo, hindi ba ako naliligo?
Alberto: Hindi sa hindi ka naliligo. Iba kase ang banyo mo sa maynila sa banyo
namin. Hindi ka nga makapagpalit dahil sa hiya ang pagliligo pa kaya sa batalan.
Clary: Sige na..Mr. Alibi
Bert: (sa sarili) ang hirap pala magkaasawq lalo na ang tulad ni Clary na laki sa
Maynila at mayaman. At ano kaya ang mangyayari kung malaman niya na ako ay
may mga anak.
*bumalik na galling sa batalan si Clary
Clary: Bert! Hindi ako pwedeng maligo doon.wala man lang harang yung
Bert: batalan, mahal
Clary: at bert wala pa akong nakikitang gripo. Saan kayo kumukuha dito ng tubig?
Bert: kumukuha kami ng tubig sa poso mga kalahiting kilometro lang naman mula
rito. Kung maliligo ka, sabihin mo na para ako ay maguumpisa ng maglakad.
Clary: Wag na, bert! sa maynila na lang ako maliligo.
Bert: Sa maynila ka na rin maliligo at doon ka rin magbibihis?
Clary: oo.at asan dito yung.

Bert: Ano?
Clary: yung kasilyas.
Bert: wala kami. Karamihan sa amin ay wala pang toilet, lalo na ang mga mahihirap
na tulad ko. At hindi pa kase nakakarating ang sibilisasyon sa amin e.
Clary: ano?! Ano ang gingamit niyo?
Bert: nakikita mo ba yun?(tuturo sa kabilang direksyon)
Clary: yung kawayan?
Bert: oo, yun ang kasilyas naming.
Clarita: what?! Sukdulan na ang mga pagsubok mo sa akin bert! Dito mo ba ako
ititira?! Akala ko ba may sarili tayong paraiso at mamumuhay tayo ng parang si
Adan at si Eba!!!? Ano ang nangyari sa sinabi mo???
*magugulat na lang si Clary may pumasok na matanda
Bert: (gulat) Tiya Isyang!!!
Tiya Isyang: Berto!(nakakunot ang noo)
* ang mga bata ay pupunta kay bert
Mga bata: tatay!tatay! tatay! wala ka bang pasalubong sa amin?(with a cute face)
* gulat na gulat si clary(nakatingin lang sa nakikita niyang pangyayari)
Bert: tiya isyang siya ay si clary ang aking asawa , Clary ang aking tiya at aking
mga.
Clary: Anak! Walang hiya ka, hindi ka nagsabi sa akin ng buong katotohanan.
Uuwi na lang ako sa maynila. Doon may banyo, toilet, bed, rooms at higit sa lahat
walang mga makukulit na bata ang manggugulo sa akin.
*umalis si Clary at hinabol naman siya ni bert at nahawakan sa kamay
Bert: Hindi ka maaring umalis na wala ako.

(nag iiyakan ang mga anak)


Aling Isyang: Tumahimik kayo! Tinamaan kayo ng lintik.
Walang Sugat
ni Severino Reyes

Unang Bahagi
1 Tagpo
(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)

Koro: Ang karayom kung iduro


Ang daliri'y natitibo,
Kapag namali ng duro
Burda nama'y lumiliko
Julia: Anong dikit, anong inam
Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
Na kay Tenyong na pangalan.
Koro: Ang karayom kung itirik
Tumitimo hanggang dibdib
Julia: Piyesta niya'y kung sumipot
Panyong ito'y iaabot,
Kalakip ang puso't loob,
Ng kaniyang tunay na lingkod.
Si Tenyong ay mabibighani

Sa rikit ng pagkagawa
Mga kulay na sutla,
Asul, puti at pula.
Panyo't dito ka sa dibdib,
Sabihin sa aking ibig
Na ako'y nagpapahatid
Isang matunog na halik.
Koro: Ang karayom kung iduro
Ang daliri'y natitibo.
Hoy tingnan ninyo si Julia
Pati panyo'y sinisinta.
Kapag panyo ng ibig
Tinatapos ng pilit
Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan
Ang panyo pa'y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.
At ang magandang pag-ibig
Kapag namugad sa dibdib
Nalilimutan ang sakit
Tuwa ang gumigiit.
Mga irog natin naman
Sila'y pawang paghandugan
Mga panyong mainam
Iburda ang kanilang pangalan.
Julia: Piyesta niya'y kung sumipot
Panyong ito'y iaabot
Kalakip ang puso't loob
Ng kaniyang tunay na lingkod.
Koro: Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan
Ang panyo pa'y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.
Salitain
Julia: Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo'y mangagsayaw na.
(Papasok ang magsisikanta). (Lalabas si Tenyong).
II TAGPO
(Tenyong at Julia)
Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo
Julia: Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari,

nakakahiya.
Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang? ay
Julia: Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.
Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anaki'y
nilalik na
maputing garing. Ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko
lamang.
Julia: Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.
Tenyong: (Nagtatampo) Ay!
Julia: Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.
Tenyong: Masakit sa iyo!
Julia: (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong (sarili) Nalulunod pala ito sa isang
tabong
tubig!
Tenyong: Ay!
Julia: (Sarili) Anong lalim ng buntong hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang
bastidor).
(Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.
Tenyong: (Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo
ako; Hindi na
ako nagagalit
Julia: Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!
Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na
minarapat
mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.
Julia: Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan
Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio N. Narciso, at F. ay
Flores.
Julia: Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.
Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?
Julia: Sa Among! Iya'y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.
Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra'y A, N, at F?
Julia: Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle.
Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin ng
tungkol sa
mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.
Julia: Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at
magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita).
Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko
sinilaban, ay
sinungaling ako mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).
Musika No. 2
Julia: Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di


mapigilan.
Julia: Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo,
sampu ng
nagburdang si Juliang iniirog mo.
Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.
Julia: Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.
Tenyong: Pag-iibigan ta'y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap
mo sa akin
kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi-tuwi
Tenyong: Julia ko'y tuparin adhikain natin.
Julia: Tayo'y dumulog sa paa ng altar.
Tenyong: Asahan mo.
Sabay: Di mumunting tuwa dito'y dumadalaw, ano pa't wari di na mamamatay sa
piling mo oh!
(Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay
(Lalabas si Juana).
III TAGPO
(Tenyong, Julia, at Juana mamaya'y Lukas)
Salitain
Juana: Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si
Tenyong)
(Lalabas si Lukas)
Lukas: Mamang Tenyong, Mamang Tenyong!
Tenyong: Napaano ka, Lukas?
Lukas: Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.
Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?
Lukas: Opo

Tenyong: Saan kaya dinala?


Lukas: Sa Bulakan daw po dadalhin.
Tenyong: Tiya, ako po'y paparoon muna't susundan si Tatang.
Juana: Hintay ka sandali at kami'y sasama. Julia, magtapis ka (Magsisipasok sina
Juana,
Julia, at Lukas).
Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng
dibdib, ay
tinutunungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot
mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang
lumilipas.
(Telong Maikli)
Kalye

IV TAGPO
(Musika)
Koro at Lukas
Lukas: Tayo na't ating dalawin mga tagarito sa atin.
Koro: Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.
Isang Babae: Naubos na ang lalaki.
Lahat ng Babae: Lahat na'y hinuhuli mga babae kami.
Lukas: Marami pang lalaki.
Lahat ng lalaki:Huwag malumbay kami nasasa bahay at nakahandang tunay, laan
sa lahat ng
bagay
Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae'y
pabayaan, di namin
kayo kailangan.
Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.
Isang Lalaki: Kaka ko'y gayundin naman.
Isang Babae: Asawa'y paroroonan.
Isang Babae: Anak ko'y nang matingnan.
Lahat. Tayo na't sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila'y dalhin masarap
na
pagkain.
Mga Babae: Tayo na, tayo na.
Lahat: Sumakay na sa tren.
Mga Lalaki: Doon sa estasyon.
Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat)
(Itataas ang telong maikli)
V TAGPO
(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa
mga rehas).
SALITAIN
Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito
Marcelo: Mason po yata, among

Relihiyoso 1.0:Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka't kung siya
sumulat maraming K,
cabayo K.
Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!
Relihiyoso 1.0:Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo
may K, na lahat
ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Relihiyoso 2.0:Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay


daragdagan ng
rasyon.
Marcelo: Hindi sila makakain eh!
Relihiyoso 1.0:Hindi man, ang rasyon na sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang
pagkain, hindi, ano
sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na
sinasabi
ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.
Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang
magsidaing;
isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!
Relihiyoso 2.0:Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro awaawa? Ilan kaban
an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!
Marcelo: Dati po'y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon
po'y lima ng
kaban, at makalima po isang araw.
Relihiyoso 2.0:Samakatuwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay huston 526
(binibilang sa
daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).
Marcelo: Salamat po, among!
Relihiyoso 1.0:Kahapon ilan ang namatay?
Marcelo: Wala po sana, datapwa't nang mag-uumaga po ay pito lamang.
Relihiyoso 1.0:Bakit ganoon? (gulat)
Marcelo: Dahil po, si Kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga.
Relihiyoso 1.0:Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at
ibig daw makita
si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan
Inggo.
Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi
sa
kapapalo, at ang dalawang braso po'y litaw na ang mga buto, nagitgit sa
pagkakagapos.
Relihiyoso 1.0:May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?
Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.
Relihiyoso 1.0:Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo
ay araw-araw
papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting
tulugan, ha?
Marcelo: Opo, among.
(Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?
Relihiyoso 2,3,4:Si, si, hemos traido.
Relihiyoso 1.0:Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo: Hindi po makalakad, eh!


Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.
Relihiyoso 2.0: Tonto.
Tadeo: Bakit ka mumurahin?
Juana: Kumusta po naman kayo, among?
P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang
sa hirap,
noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami'y alipin
ng mga prayle, ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala
naman
kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon
napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang
pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.
Juana: Totoo po ba ang sabi mo.
P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka,
tantuin niyong
kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.
Juana: Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?
P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.
Miguel: Ay! Aling Julia aymama malapit na po
Julia: Alin po ang malapit na?
Miguel: Angangang
Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Tadeo: Miguel, tayo na't nagkayari na kami ng kaniyang ina.
Miguel: Aysalamat (tuwang-tuwa.)
Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?
Tadeo: Ano ba ang sinabi mo?
Miguel: Sinabi ko pong ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!
Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na "ay"? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta
mo?
Miguel: Sinabi ko pong malapit na
Tadeo: Malapit na ang alin?
Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po
nasagutan
Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na't baka ka pa mahalata
Relihiyoso 1.0: Kapitan Putin, mana dalaw, parito kayo.
(Magsisilabas ang mga dalaw).
VI TAGPO
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).
Salitain
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito, at
sinabi ko
sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipagbilin ko na bibigyan

na
ng mabuting tulugan
Putin: Salamat po, among.
Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador at sasabihin naming
pawalan,
lahat ang mga bilanggo,kaawa-awa naman sila.
Putin: Opo, among, mano na nga po Salamat po, among.
(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).
Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador a Manila,
cogemeros el tren
la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a
los
ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.
Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.
Los 3: Si, si a fusilar, a fusilar.
(Papasok ang mga pare).
VII TAGPO

(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)


Salitain
Putin: Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?
Tenyong: Inang, ang mga kamay pong namamatay ng kapwa ay hindi dapat
hagkan, huwag
pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus
pa
ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng
mga
ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamangmangan!
(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).
Putin: Inggo ko!
Tenyong: Tatang!
Julia: Kaawa-awa naman!
Tenyong: Mahabaging Langit!
Musika
Tenyong: Ang dalawang braso'y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga
tinalian,
lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang
lahat ng ito'y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa
demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugaliAh, kapag namatay ka, oh, ama
kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo
ng
prayle isa sa kikitil.

Salitain
Tenyong: Tatang, ikaw po'y ititihaya ko nang hindi mangalay
Inggo: Huwag na anak ko hindi na maari luray luray na ang katawan Tayo'y
maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang
mo!
Putin, ay Putin Juana-Julia kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa
kanila Ang kaluluwa ko'y inihain ko na ka'y Bathala.
Adyos mga kaputol ng dibdib! Adyos mga kababayan! Ako'y inyong patawarin
Naluoy na yata ang puso ng mga Kastila.
Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano't inyong ipinagkaloob ang ganitong
hirap? (Dito
lamang ang pasok ng kantang "Ang dalawang braso'y)
Musika No.2
Tenyong: Ang dalawang braso'y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga
tinalian,
lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang
lahat ng ito'y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa
demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama
kong
ibig, asahan mo po't igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng
prayle,
isa sa kikitil.
Julia: Taya ang loob ko at binabanta-banta mga taong iya'y tadtarin man yata lahat
ng niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang na madla.
(Mga Babae at Lalaki)
Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig magpahirap.
Tenyong: Oo't di matingnan puso ko'y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga
taong
hunghangang awa'y nilimot sa kalupitan
Lalaki't Babae: Wari mukha nang bangkay
Tenyong: Inang, masdan mo po at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan
mo't
naghihingalo Tatang, tatang
Putin: Inggo koInggo
Tenyong: Patay na!
(Mangagsisihagulgol ng iyak)
Telong Maikli
VIII TAGPO
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong
nangakagapos).
Salitain
Putin: Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong
katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay tagos hanggang likod! Ay,

Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso ko'y parang pinipitpit sa palihang bakal!
(Si Putin ay mapapahandusay).
Tenyong: Langit na mataas!
(Papasok lahat)
IX TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya'y si Julia).
Salitain
Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.
Isa: Ako'y mayroong iniingatan.
Isa pa: Ako ma'y mayroon din.
Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.
Isa: Nalalaman mo bang sila'y mangasisilulan?
Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na
sasabihin daw
nila sa Heneral na tayo'y pagbabarilin na.
Isa: Mga tampalasan.
Isa pa: Walang patawad!
(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).
Julia: Tenyong, Tenyong!
Tenyong: Julia!
Julia: Diyata't matitiis, na Ina'y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba
nalalaman mong
sa kaniya'y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso,
ay
walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?
Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa't sa sarili mong loob, di ba si Inang ay
kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa
bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko?
Julia: Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking
kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang
umalis!
Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga
kapatid, Julia,
tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng
nagpaubayang
anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib
ko'y
tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: "Mga
anak ko," anya, "ngayo'y kapanahunang ako'y ibangon na ninyo sa pagkalugami.
Oras na, Julia ko, ng paglaot sa matibay na tanikalang mahigit sa tatlong daang
taong
sinasangayad; hindi dapat tulutang mga iaanak natin ay magising pa sa
kalagimlagim na kaalipin.

Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin
ang
garantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya.) Ang
larawang ito'y aking isasabit sa tapat ng puso'y huwag iwawaglit at sa mga digma,
kung siya'y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog
ko'y
masaktan, pahatid ka agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo'y aking
huhugasan
ng masaganang luhang sa mata'y nunukal.
Tenyong: Sa Diyos nananalig.
Julia: Puso ko'y dinadalaw ng malaking hapis.
Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.
Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.
Tenyong: Ang ulap Julia ko'y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.
Julia: Tenyong na poon ko'y kahimanawari. Magliwayway uli't dilim ay mapawi.
Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako'y tutupad lang ng
aking panata sa
pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko'y aking
itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo
sa
mga sakuna, ikaw'y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!
Julia: Ako'y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang
di
ikamatay.
Tenyong: Juliang aking sinta!
Julia: Oh, Tenyong ng buhay!
Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).
Julia: (Biglang lilingon Te! Yumao na! (papasok)
X TAGPO
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay
maririnig ang sigawan sa
loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)
Sa loob.
Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo't oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko Perdon!
Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagaran at mapapatay ang mga prayle, isa
ang mabibitin na sasama sa
tren).
Telon
Wakas ng Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi

I TAGPO
(Bahay ni Julia)
Julia at Juana
Salitain
Juana: Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama,
sila'y
pagpapakitaan ng mainam.
Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!
Juana: Bakit ba ganyan ang sagot mo?
Julia: Wala po!
Juana: Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at
nakaririwasa, ano pa
ang hangarin mo?
Julia: Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang
hinahangad ko po ay
Juana: Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.
Julia: Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.
Juana: (Natatawa) Julia, ako'y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga - anong
pusupuso ang sinasabi mo? Totoo nga't noong unang dako, kapag may lalaking
mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at tinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito
sa
isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa
panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya'y
nagpapahingala'y na
Julia: Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!
Juana: Siyang tunay!
Julia: Ako po'y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako
makatatakwil
sa tapat na udyok ng aking puso.
Juana: Julia, tila wari may kinalulugdan ka nang iba.
Julia: Wala po!
Juana: Kung wala ay bakit sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang
kagalingan
mong sarili ang aking ninanais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa'y magaasawa
ka rin lamangay kung mapasa-moro, mapasa-Kristiyano na!
Julia: (Sarili) Moro yata si Tenyong!
II TAGPO
(Julia at Monica)
Salitain
Julia: Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa.

Monica: (Sa loob) Pooo!


Julia: Halika (Lalabas si Monica)
Pumaroon ka kay Kulas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka
Monica: Opo (Papasok)
III TAGPO 16
(Julia, mamaya'y Miguel, Tadeo, Pari, Teban, at Juana)
Musika
Dalit ni Julia
Oh, Tenyong niyaring dibdib,
Diyata' ako'y natiis
Na hindi mo na sinilip
Sa ganitong pagkahapis.
Ay! Magdumali ka't daluhan,
Tubusin sa kapanganiban,
Huwag mo akong bayaang
Mapasa ibang kandungan.
Halika, tenyong, halika,
At baka di na abutin
Si Julia'y humihinga pa
Papanaw, walang pagsala!
At kung patay na abutin
Itong iyong nalimutan
Ang bangkay ay dalhin na lamang
Sa malapit na libingan.
Huling samo, oh Tenyong,
Kung iyo nang maibaon
Sa malungkot na pantiyon,
Dalawin minsan man isang taon.
Salitain
P. Teban: (Pumalakpak) Mabuti ang dalit mo Juliadatapwa't napakalumbay
lamang
Julia: (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo'y nangagsirating
kahiyahiya po.
P. Teban: Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?
Julia: Nariyan po sa labas: tatawagin ko po (Papasok).
P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa
Marunong kang
pumili, Miguel.
Tadeo: Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po'y hindi maalam makiusap.
(Lalabas
si Juana).
Juana: Aba, narito pala ang among! Mano po, among!
P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?

Juana: Mabuti po, among.


Tadeo: (Kay Miguel) Lapitan mo.
Miguel: Baka po ako murahin ah! 17
May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak
ngunit dungo.
Payo ni Aling Juana:"Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di
sa puso" Tutol si
Julia kay Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni
Juana ang ukol sa
anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong
ni Lukas.
Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan
ni Lukas
ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang
pagkamatay ng inang si
Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong
ang sulat ngunit
nagkaroon ng labanan.
Ikatlong Bahagi
Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham.
Nagbilin
lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia
ay si Tenyong
naman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan
ng ina. Si Tadeo
na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia.
Kinabukasa'y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na
tumakas
upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong
kaya walang
nalalabi kay Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal.
Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel
ay
buong lakas nitong isigaw ang "Hindi po!". Ngunit tumutol ang dalaga dahil
mamamatay naman sa
sama ng loob ang kanyang ina.
Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan.
Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si
Tenyong.
Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata - na
sila ni
Julia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag
na rin sa huling

kahilingan ng mamamatay. Gayun din si Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si


Tenyong.
Napasigaw si Miguel ng "Walang Sugat". Gayundin ang isinigaw ng lahat.
Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat.

You might also like