Professional Documents
Culture Documents
Pamilya Natin
Mahalagang Kaisipan:
Pagkakabuklod ng Pamilya ay ang
matatag na pagkakaisa ng buong
pamilya na makikita at
mararamdaman sa kanilang
presensiya sa bawat mahalagang
okasyon sa buhay maging sa
kasayahan o kalungkutan man.
• Ano para sa iyo ang pamilya?
• Ano ang pinakamaganda mong
karanasan kasama ang iyong
pamilya?
• Bakit ito ang pinakamaganda at
makabuluhang karanasan mo kasama
sila?
• Isa sa maraming magagandang katangian at pagpapahalaga ng mga Pilipino
ay ang pagkakabuklod ng pamilya. Kitang-kita ito sa simbahan kapag
Linggo, sa pasyalan at sa mga mall. Lalo na kapag may mga okasyon, gaya
ng kaarawan, kasal o maging sa panahon ng kalungkutan tulad ng
pagkakasakit o pagkamatay ng kasapi ng pamilya. Sa mga nabanggit na
pagkakataon naipapamalas ng mga magkakapamilya ang kanilang
pagkakaisa, pagsuporta, at pagbibigay ng lakas ng loob sa isa’t isa.
• Bukod sa okasyon, ang talagang binabalik-balikan ng bawat kasapi ng
pamilya ay ang pagkakataong makita at masayang makasama ang bawat
isa. Dito kasi nakikita at nararamdaman ang pagmamahalan at
pagtutulungan ng pamilya.
• Ang mga pagkakataon upang magkaroon ng tinatawag na “reunion” ay
sadyang masayang araw sapagkat naipapadama ng isa’t isa ang pagkasabik
na makita ang bawat kasapi ng pamilya. Sa mga pamilya na may kamag-
anak na nasa ibang bansa, ang panahon ng bakasyon ay isa sa kanilang
pinananabikan. Siguradong ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang dalang
kwento at mga munting pasalubong.
• Pagkakabuklod ng Pamilya
Ito ay ang matatag na pagkakabigkis ng buong pamilya na
makikita at mararamdaman sa kanilang presensiya sa bawat
mahalagang okasyon sa buhay, masaya man o malungkot.
Sa pamilya nag-uumpisa ang pagpanday ng pinakapundasyon ng
sarili at kalauna’y isang matatag na lipunan. Dito hinuhubog
ang buong pagkatao na kung saan natututo siyang makinig,
sumunod, magmahal, makisalamuha at maging sensitibo sa
pangangailangan sa kapwa at manalig sa Diyos.
Ito ang pinakamahalagang institusyon sa lipunan dahil binubuo
nito ang lipunan. Dapat lang na ito ang pinakamahalagang
institusyon sa lipunan dahil binubuo nito ang lipunan. Dapat
lang na ito ang pinakamatatag, pinakamalakas at pinakamaayos
dahil dito nag-umpisa ang isang pmayanan.
Sabi ni Dr. Manuel Y, ang lipunan ay binubuo ng tao,
at ang tao ay hinuhubog ng lipunan. Ang malusog na
pamayanan ay nag-uumpisa sa malusog at masayang
pamilya.
Ganoon sa kapayapaan, sabi nga ni Sta. Teresa ng
Calcuttta, kung gusto mo ng kapayapaan, “Go home
and love your family.” Kaya nga kapag nagkakabuklod
ang pamilya ito ay katulad ng isang matibay na pader
na hindi magigiba dumaan man ang mga pagsubok sa
buhay.
Ayon sa Synod, 1980(kapulungan ng mga Obispo),
binigyang-diin ang apat na pangunahing gawain ng
pamilya.
Apat na Pangunahing Gawain ng Pamilya
1. Pagbuo ng Pamayanan ng Tao
(Forming a Community of Person)