You are on page 1of 16

Pamahalaang

Lokal
Pamahalaang Lokal
Pinanatili ang mga dating pamayanang
barangay bilang pinakamaliit na bahagi bg
pamahalaang lokal. Ang mga dating barangay
ay pinagsama-sama upang mabuo ang bayan
o pueblo. Ang magkakalapit na pueblo ay
pinagsama-sama upang mabuo ang lalawigan o
alcaldia. Ang mga sentro ng komersiyo o
negosyo tulad ng Maynila, Cebu at iba pang
lungsod ay naging ay ayuntamiento.
Ang Ayuntamiento
Ang ayuntamiento o lungsod ay
pinamumunuan ng mga Espanyol. Kabilang dito
ang alcalde, anim hanggang labindalawang
regidores(konsehal), isang escribano(kalihim)
at isang alguacil mayor (pinuno ng pulisya).
Sila ang nangangasiwa sa pamamahala sa
lungsod, nagpapanatili ng kaayusan at
katahimikan at nagpapatupad ng mga kautusan
mula sa gobernador-heneral.
Corregimiento
Sa mga bahagi ng kapuluan na hindi pa nasakop
at patuloy na lumalaban ang mga katutubo,
itinalaga ang corregidor na militar. Siya ang
nangasiwa sa pagpapasuko sa mga katutubong
mamamayan na ayaw mapasailalim sa Espanya.
Sa isang tala ng mga prayle na nakuha ni Fr.
Horacio de la Costa, isang paring historyador,
inilarawan ang paraan ng pagpapasuko sa mga
katutubong ayaw magpasakop.
“Pupuntahan ang isang pinuno at mga tauhan sa isang
lugar na nais sakupin. Sasabihin nila ang mga tao na
kung gusto nilang maging kaibigan ang mga Espanyol,
kailangang magbayad sila ng tributo kaagad. Kapag
pumayag ang mga tao, itatakda ang halaga ng tributo
at kokolektahin agad ito. Kapag umalma ang mga tao
o kaya ay tumakas, sasalakayin nila ang lugar.
Papatayin ang mga lumalaban at ang mga mahuling
buhay ay ikukulong. Pagnanakawan at susunugin ang
mga bahay kagaya ng ginawa sa Betis at Lubao sa
Pampanga at sa Cainta. Dahil dito, marami ang
namamatay at ang iba ay ipinagbibili bilang alipin”
Pueblo
Ang pueblo o bayan ay pinamumunuan ng
isang gobernadorcillo. Sila ang dating datu,
rajah at iba pang maharlika na binigyan ng
karapatang mamahala sa mga pueblo. Ang
gobernadorcillo ay pinili ng gobernador-
heneral mula sa tatlong katutubong
mamamayan na ibinoto ng kalalakihan sa
pueblo. Ito ay paraan upang mas madaling
mapasunod ang mga mamamayan sa dati nang
iginagalang na datu.
Tumira ang gobernadorcillo at ang kanyang
pamilya sa poblacion o sentro ng pueblo.
Pinaamahalaan niya ang mga pagawiang-
bayan sa kanyang pueblo. Siya ang nangalap
ng mga lalaking magtatrabaho sa mga
pagawaing-bayan o mga polista. Ang polo y
servicio ay pagsisilbi ng bawat lalaking
mamamayan sa mga pagawaing-bayan nang
walang kaukulang suweldo maliban sa ilang
gatang na bigas para sa pagkain.
Ang gobernadorcillo rin ang nag-aasikaso sa casa
tribunal o munisipyo at tumatanggap sa mga
pinunong panlalawigan at pambansa kapag sila ay
bumibisita sa pueblo. Sa ganitong mga
pagkakataon, sarili niyang pera ang ginagamit.
Kaya kung minsan, ang kanyang suweldo na bahagi
ng buwis na nakolekta ay kulang pa.
Ang gobernador ay walang karapatang gumawa
ng sariling desisyon para sa kanyang komunidad.
Ang tanging gawain niya ay sumunod at ipatupad
ang mga utos ng alcalde mayor.
Gawain ng gobernadorcillo ang mangolekta
ng tributo o buwis mula sa mga bawat
barangay na dapat kolektahan ng buwis. Ang
maliit na bahagi ng buwis ay napupunta sa
kanya. Samantala, ang mas malaking bahagi ng
nakolektang buwis ay ibinibigay sa alcalde
mayor ng lalawigan.
Barangay
Ang bawat barangay ay pinamumunuan ng cabeza de
barangay. Siya ay isang pinunong katutubo katulad ng
gobernadorcillo. Pangunahing tungkulin niya ang
pangongolekta ng buwis mula sa mga mamamayan ng
barangay. Ang nakolekta ay ibinibigay sa
gobernadorcillo. Ang padron o listahan ng mga
mamamayan ang batayan ng gobernadorcillo kapag
ibinibigay ng cabeza de barangay ang nakolekta. Kapag
may taong hindi nakabayad, ang cabeza de barangay
kung minsan ang nagpupuno sa kakulangan. Siya rin ang
naging tagapagpatupad ng mga patakaran ng
pamahalaang kolonyal sa kanyang barangay.
Ang gobernadorcillo at ang cabeza de barangay
ang nagsisilbing tagapamagitan ng pamahalaang
Espanyol at ng mga katutubong mamamayan. Sila
ay itinuring na bahagi ng principalia o mga
katutubong mamamayan. Bago nasakop ang
kapuluan sila ang tinitingala sa lipunan. Sa ilalim
ng kolonyal, na pamahalaan mayroon nang mas
mataas na pinunong nag-aatas sa kanila. Kung
noon, sila ang gumagawa ng mga batas, sa
pamahalaang kolonyal ay naging tagasunod na
lamang sila ng mga batas na gawa ng
pamahalaang dayuhan.
Ang Pamahalaang Kolonyal at ang
Simbahang Katoliko
Ang pamahalaang kolonyal ng Espanya at ang
Simbahang Katoliko sa Pilipinas ay iisa o magkasanib.
Ang hari ng Espanya ay masugid na tagapaglaganap ng
relihiyong Kristiyanismo. Ito ang dahilan kung bakit
sinasabing ang Pilipinas ay nasakop sa kapangyarihan ng
espada at ng krus.
Ang Pinakamataas na opisyal ng simbahan ang
arsobispo. Noong una, isang obispo lamang, si Obispo
Domingo de Salazar, ang itinalagang pinakamataas na
pinuno ngunit nang lumaon ay ginawang arsobispado ng
Pilipinas.
Ang arsobispo ay itinalaga ng Hari ng Espanya. Galing
sa pamahalaan ang kanyang suweldo at ang perang
ginagamit sa mga gawain ng mga misyonero. Ayon sa
Real Patronato de Indias, ang suporta at proteksiyon
ng simbahan sa Pilipinas ay nasa kamay ng pamahalaang
kolonyal.
Ang arsobispo ay may kapangyarihang kapantay ng
gobernador-heneral. Magkatulong silang dalawa sa
pamamahala at pagpapalaganap ng relihiyon. Ang
arsobispo ay maaaring makialam sa mga gawaing
pampamahalaan at ang gobernador-heneral ay maaaring
makialam sa mga gawaing panrelihiyon.
Binuo rin ang mga obispado. Ang obispado ay pinamunuan
ng isang obispo na namahala sa pagpapalaganap ng
relihiyon sa kanyang lalawigan o distrito. Nasa ilalim ng
pamamahala ng mga obispo ang mga kura paroko sa mga
parokya na karaniwang mga pueblo.
Ang pamahalaang kolonyal ay naging sentralisado. Sa
ilalim ng pamahalaang ito nakontrol ng mga dayuhan ang
pamumuhay ng mga katutubo. Ito ay isang kaayusang
bago sa tingin ng mga katutubong mamamayan at noon
lamang nila naranasan. Hindi sila sanay sa ganitong
paraan ng pamamahala kung saan hindi nila nakikita o
nakakausap ang pinakamataas na pinuno at iba pang
opisyal. Dahil dito, nahirapan silang sumunod sa mga
patakaran.
Sa ilalim ng pamahalaang barangay, ang mga
patakaran ay madali nilang naunawaan dahil
kaugnay ito ng kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay. Sa ilalim ng pamahalaang kolonyal,
sila ay napiling sumunod sa mga patakaran na
hindi para sa kanilang ikabubuti kundi para sa
interes ng banyagang lahing mananakop.
Napilitan silang sumunod. Ang katumbas ng di
pagsunod ay ang kaparusahan mula sa lahing
sumakop.
Sagutin ang mga Katanungan:
Alin ang mas gusto mong uri ng
pamahalaan, ang anyo ng pamahalaang
kolonyal o ang anyo ng pamahalaang Pilipino
ngayon? Bakit?
Sa iyong palagay, madali ba ang maging
pinuno ng pamahalaan? Ano ang maging
gusto mo? Bakit?

You might also like