You are on page 1of 22

Pagkakaroon ng mga

Sentrong
Pampamayanan ng
mga Pilipino sa
Panahon ng Espanyol
• Layunin :

• Naipapaliwanag ang
pagkakaroon ng mga
sentrong pampamayanan
ng mga Pilipino sa
Panahon ng Espanyol
• Balitaan


Mangangalap ng
balita na may
kaugnayan sa aralin.
Kilalanin siya.
Kilalanin sila
Kilalanin sila
TANONG:

 Sino-sino ang mga nasa


larawan?
 Ano ang kanilang dahilan
o pakay sa pagsakop sa
bansa?
ANG PAMAHALAANG SENTRAL

Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas,


napasailalim ito sa Consejo de Indios. Ito ay
konsehong gumagawa ng mga patakaran o
batas para sa mga bansang nasakop ng
Espanya. Noong 1836, ang mga bagay na
nauukol sa pagiging Pilipinas ay hinawakan ng
Ministro de sa tulong ng Consejo de Felipinas
sa Madrid. Ang konseho ay kinakatawan sa
kolonya ng isang Viceroy.
Sa ating bansa, itinatag ng mga Espanya ang isang
pamahalaang sentralisado. Ang kapangyarihan ng
pamahalaan ito ay nagmumula sa pamahalaang
pambansa. Ito ay nagbubuklod sa hiwa-hiwalay na
mga barangay ng ating mga ninuno noon. Sakop ng
pambansang pamamahala ang buong kapuluan at
nasa ilalim nito ang pangangasiwa ng mga
pamahalang lokal. Ito ang sumasaklaw sa
pangangasiwa sa pagpapanatili ng kapayapaan,
kaayusan at katarungan sa mga gawaing pampubliko.
Gobernador-Heneral ang pinakamataas at
pinakamakapangyarihang opisyal ang hinirang ng hari.
ANG PAMAHALAANG LOKAL

Upang higit na mapanatili ang pamamahala


sa bansa. Ang pamahalaang pambansa ay
hinati sa maliliit na yunit. Ang bawat
yunit ay pinamumunuan ng mga lokal na
pinuno na nasa ilalim ng pamahalang
sentral. Ang sistemang ito ay ibinatay sa
sistemang encomienda. Ang encomienda
ay lupang ipinagkaloob ng hari ng
Espanya bilang gantimpala sa tauhang
Espanyol.
Encomendero ang tawag sa
namumuno rito. Tungkulin nilang
mangolekta ng buwis at mangalaga
sa kapakanan ng nasasakupan.
Dahil marami ang umabuso ito ay
pinalitan ng pamahalaang
panlalawigan. Dalawa ang uri ng
pamahalaang panlalawigan- ang
Alcadia at ang Corregimiento.
Alcalde Mayor ang namumuno sa Alcadia
at Corregidor ang namumuno sa
Corregimiento. Ang bawat lalawigan ay
binubuo ng ilang pueblo o bayan na
pinamumunuan ng isang
Gobernadorcillo na may edad na di
bababa sa 25 taong gulang. Tungkulin
nya ang mangolekta ng buwis,
magpatupad ng batas at magpanatili ng
kapayapaan.
Ang barangay naman ang pinakamaliit na yunit
ng pamahalaan noon. Pinamumunuan ito ng
Cabeza de Barangay na pangkaraniwang
pinamumunuan ng mga datu o raja noon.
Tungkulin nya ang maningil ng buwis at wala
siyang sweldo. May pribiliheyo siya na
mapabilang sa
principalia. Hindi siya nagbabayad ng buwis at
hindi rin napapasama sa polo y servicio. Nang
lumaon ginawang lungsod ang mga pueblo,
pinamamahalaan ito ng ayuntamiento na
pinamumunuan ng alcalde at mga konsehal.
Tanong:
1. Anong uri ng pamahalaan ang pamahalaang
sentralisado?
2. Sino ang pinakamataas na namumuno sa
pamahalaang sentralisado?
3. Ano ang mga tungkulin ng Gobernador-Heneral?
4. Ano ang pamahalaang lokal?
5. Bakit pinalitan ang mga encomendero?
6. Ano ang dalawang uri ng pamahalaang
panlalawigan?
7. Ilan taon dapat ang gobernadorcillo?
Pangkatang Gawain
PANGKAT 1- MAGKAPAREHO BA KAMI?
PANGKAT 2- KILALANIN MO KAMI!
Itala ang mga tungkulin ng bawat opisyal.
 Gobernador-Heneral ______________
 Alcadia Mayor ________________
 Corregidor ________________
 Cabeza de Barangay ________________
 Ayuntamiento ________________
Pagsusuri
 Ano ang kaugnayan ng
pamahalaang sentral sa
pamahalaang lokal?
 Bakit kaya pagkagobernadorcillo
lamang ang pinakamataas na
tungkulin maaaring hawakan ng
isang Pilipino?
Paghahalaw

Sa iyong palagay, higit


bang maganda ang
pamahalaang sentral
kaysa pamahalaang
lokal? Bakit?
• Takdang Aralin

• Magsaliksik tungkol sa
tradisyunal na papel ng
mga kababaihan sa
lipunan sa panahon
kolonyalismo ng Espanyol.

You might also like