You are on page 1of 3

Ang pagsulat ay ang paghahatid ng mensahe ng awtor sa mga mambabasa sa

tulong ng mga titik o simbolo at kaakibat nito ang pagiging epektibo sa paghahatid
ng mensahe. Ang pagiging epektibo sa paghahatid ng mensahe ay nakasalalay sa
paraan ng paglalahad, wikang ginamit, linaw ng mensahe, uri ng impormasyon at
iba pang salik.
Samantala, bakit nga ba kinakailangang malinang ang pagsulat sa mga mag-aaral?
Sapagkat sa mahabang panahon ng pag-aaral at pagsasanay ng isang mag-aaral,
mula elementarya hanggang hayskul, ay inaasahang maipamalas niya ang
pagkamalikhain sa pagbuo ng mga ideya na maibabahagi sa pagsulat. Layunin na
siya ay makabuo ng bago at kapakipakinabang na mga ideyang makatutulong sa
kanyang sarili, kanyang propesyon at maging sa kanyang komunidad.
Gayundin, dapat malinang ang kanyang prinsipiyo at pagpapahalaga habang siya
ay pagsulat. Ilan dito ang hindi pangongopya, paggalang sa ideya ng iba, pagiging
sensitibo, pagmamasid at pagkkaroon ng bukas na isipan.
Pilosopiya sa pagsulat.
1. Ang pagsulat ay isang proseso. Upang magawa ang mag-aaral ng sulatin,
karaniwan ay gumagawa siya ng isang sistema. Kasama sa sistemang ito ang
pag-iisip, pagtatanong, pagpla-plano, pagbabalangkas, pagrerebisa at iba
pang Gawain maaring makatulong sa kanya. Ang mga sistemang ito ay
maituturing na pinagdadaanan ng manunulat.
2. Ang pagsulat ay isang proseso at produkto. Matapos sumailalim sa isang
sistema o proseso, marapat lamang ma mayroon itong produkto. Hindi dapat
mahinto ang pagsulat sa pagbabalangkas o paggawa ng unang burador. Ang
mga nabanggit na proseso ay maaring maulit sa pagrerebisa hanggang sa
makabuo ng pinal na sulatin. Ang pinal na sulatin ay produktong nabuo buhat
sa masinop na proseso. Kung magkakaroon ng bago at kapakipakinabang na
ideya sa papel, maari mo itong maibahagi sa pamamagitang ng paglalathala
(sa internet man o dyornal) o sa pamamagitan ng pagbabasa ng papel sa
kumperensya. (Conference)
3. Ang pagsulat ay pagbuo ng desisyon. Dahil mahaba ang prosesong dinaranas
ng manunulat, may mga bagay na dapat niyang gawan ng desisyon.
Halimbawa, saklaw at limitasyon ng paksa batay sa kanyang kakayahan at
limitadong oras, mga kasamang manunulat at kanilang susulatin o takdang
Gawain, pag-iisip kung paano pa pagagandahin ang presentasyon ng
kanyang papel, at marami pang iba. Kung minsan ay kasama sa paggawa ng
desisyon ang mga dilema.
4. Ang pagsulat ay pagtuklas. Hindi ka nakukuntento sa limitadong kaalaman sa
paksang nais mong isulat kung kayat gumagawa ka ng ibat-iabng paraan
upang makalikom ng impormasyong bago at makabuluhan sa in=yo lalo na
sa iyong mga mambabasa. Sa ganitong paraan, ikaw ay nakatutuklas ng mga
bagong kaalaman at mga ideya, bagong kakilala, at panibagong karanasan.
5. Ang pagsulat ay pagtugon. Sumusulat tayo upang tugunan ang isang tanong
o sagutin ang umiiral na isyu, o kayay may nais tayong iparating sa madla.
Sa mga mag-aaral sa kolehiyo, ang layunin ng kanilang pagsulat ay

nakasalalay sa uri ng sulatin na ipinapagawa sa kanila ng kanilang mga


propesor o batay sa hinihingi ng kurso.
6. Ang pagsulat ay sariling pagkatuto. Hindi mo matututunan ang pagsulat kung
hindi mo ito ginagawa. Hindi ka rin matututo sa pakikinig lamang. Ang
pagsulat ay kasanayang dapat linangin.
7. Ang pagsulat ay pakikihalubilo. Kung inaakala mong ang pagsulat ay isahang
Gawain, nagkakamali ka. Nagiisa ka man nang pisikal, ang iyong isipan at
Gawain ay nakakawing sa iyong kapaligiran, kultura at mga tao. Ang pagsulat
ay hindi kumpleto hanggat hindi mo naabot nang pisikal at intelektwal ang
iyong mga mambabasa.
8. Ang pagsulat ay humuhubog sa personalidad. Disiplina, pagkamasinop,
pamamahala, pagkamadiskarte, malikhain, malalim, matiyaga, organisado ay
ilan sa mga katangiang hinuhubog ng pagsusulat. Habng ikaw ay nawiwili sa
pagsusulat, hinuhbog ang mga nabanggit na katangian. Kung hindi mo
tataglayin ang mga nasabing katangian ay hindi ka makaktapos o kayang
may kulang sa iyong Gawain.
9. Ang pagsulat ay mapaghamon. Sinusubok ng pagsulat ang iyong kakayahan
hanggang sa pag-iisip ng nilalaman ng iyong papel, paghahanap ng
impormasyon, pagkakaroon ng sapat na pagkukunan at kung paano
tatangkilikin at ipapabot ng epektibo sa mga mambabasa ang iyong akda.
10.Ang pagsulat ay pinaglalaanan ng panahon. Hindi ka makasulat kung wala
kang panahon. Disiplina ang kailangan upang masimulan at makatapos ka ng
sulatin o pananaliksik. Kung minsan may mga bagay na dapat isakripisyo
upang makatapos at mahabol ang panahon ng pagsusumite o deadline. Para
sa mga kolehiyong estudyante, ang madaas na isinasakripisyo ay tulog at
ang pakikihalubilo sa iba.

Ang pagiging makabuluhan at may lalim ay dapat taglayin ng isang akademikong


sulatin na siyang ginagamit sa mas mataas na edukasyon ayong kay Newfields.
Inaasahang pagtungtong ng isang mag-aaral sa kolehiyo o unibersidad, taglay niya
o mabisang nagagamit ang mga kakayahang pangwika tulad ng pagsasalita,
pakikinig, pagbabasa at pagsusulat na nilinang at hinasa sa mahabang panahon ng
pag-aaral mula elementarya hanggang sekundarya.
Ano nga ba ang katangian ng akademikong sulatin? Ang akademikong sulatin ay
karaniwang ginagamitan ng mga akademikong sanaysay na iba ang katangian kung
ihahambing sa pangliteratura o personal na sulatin. Si Misser, isang ekperto sa
pagtuturo sa pagsusulat sa pangalawang wika ay nagbigay ng mga katangiang
taglay ng akademikong pagsulat.
1. Ang malinaw na paglalahad ng katotohanan at opinion sa mga sulatin. Ang
akademikong pagsulat ay nagpapakita ng malinaw na katangian ng
katotohanan at opniyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga kasangkapang

panretorika. Sa paglalahad ng katotohanan, maaring magsabi ng awtoridad o


eksperto sa paksa o temang tinatalakay upang maging matibay ang
paglalahad ng impormasyon. Sa paglalahad ng opinion, mainam na may
sapat o malawak na kaalaman sa paksa upang masabing katanggap tanggap
ang pangangatwiranng ibinibigay.
2. Ang pantay na paglalahad ng mga ideya. Ang manuulat ay dapat maglahad
ng impormasyon hango sa ibat-ibang pananaw at magtakda ng lawak o
saklaw sa mga pananaw na ito. Kung tinatalakay ang adbenhante, dapat
talakayin din ang mga disadbenhante. Hindi lamang dapat magmula sa isang
hanguan nag impormasyon. Mainam ang paggamit ng cross referencing o
pagtitiyak ng mga imporasyon gamit ang ibat ibang sanggunian.
3. Paggalang sa pananaw o ideya ng iba. Sa pagsulat ng akademikong sulatin,
hindi maiiwasan ang ibat-ibang pananaw na taliwas sa pananaw ng magaaral o manunulat. Sapaggamit niya ng mga taliwas

You might also like