You are on page 1of 14

Filipino 6

Pangalan: ________________________________ Baitang/Seksiyon: _______________


Petsa: ____________________________________ Iskor: ____________________________

GAWAING PAGKATUTO
Pagbibigay ng Sarili at Maaaring maging Solusyon sa Isang
Suliraning Naobserbahan sa Paligid

Panimula
Mayroon ka bang suliranin? Marahil ang isasagot mo, “Ako mayroon”!
Sabi kasi nila, halos lahat ng tao mayroong problema o suliranin sa buhay,
depende na lamang ito sa gaan o bigat ng suliraning pinagdaraanan.
Ang suliranin ay anumang problema o isyu na kinakailangan ng
kalutasan at masulosyonan. Ang solusyon naman ay ang kasagutan sa isang
suliranin o problema.
Ang Pilipinas ay humaharap sa malaking suliranin kasama ang iba’t
ibang bansa sa buong mundo. Ang pagkakaroon ng sakit na tinatawag na
COVID-19, na kung saan ito ang puno’t dulo ng nangyayaring gulo at lubos na
kahirapan sa buhay ng bawat Pilipino. Ang Kagawaran ng Kalusugan ay
nagbigay ng mga patakaran upang masulosyunan at maiwasan ang panganib
na dulot ng nakakatakot na sakit tulad ng social distancing, paggamit ng
mask, paghuhugas ng kamay, paggamit ng hand-sanitizer o alcohol, at iba
pang pamamaraan upang hindi mahawaan ng nakatatakot na sakit na
kinakaharap ngayon ng buong mundo.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


a. Nagbibigay ng sariling solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa
paligid (F6PS-lg-9)
b. Nakakagawa ng mga angkop na solusyon sa suliranin na kinaharap
upang makaiwas sa sakit;
c. Napapanatili ang kalinisan sa kapaligiran at sariling pangangatawan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 1


Gawain 1

Panuto
A. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Sagutin kung ito ay
nagpapahayag ng suliranin o solusyon. Lagyan ng ( ) kung suliranin at
( ) kung solusyon.

________1. Sa tuwing umuulan, ang bayan namin ay laging nababaha.


________2. Seryosong pinatutupad ang batas sa aming pamayanan.
________3. Pumili ng mga taong tapat sa pamumuno upang hindi magsisi sa
dulo.
________4. Talamak ang korupsyon sa kanilang samahan.

________5. Nagkakaroon ng kakulangan sa tubig lalo na kung tag-araw.

________6. Pagkakaroon ng limitadong oras sa gadyet sa tuwing naglalaro.


________7. Hinihiwalay ang mga basura o pagsesegregate.
________8. Marami pa rin ang nababalitaang gumagamit ng ipanagbabawal na
gamot.
________9. Sobrang paggamit ng mga gadyet ay nakasisira ng kalusugan.
________10. Kailangan ang magtipid ng tubig.

B. Paano mo mabibigyan ng angkop na kasagutan ang sitwasyon? Maaaring


panoorin ang link https://www.youtube.com/watch?v=gsiHIZBk7N4 upang
lubos na maunawaan ang maikling pelikula tungkol sa napapanahong isyung
panlipunan. Sagutin ito sa iyong sagutang papel.

 Sa murang edad ay nagmahal ang kanyang ina at iniwan ng kanyang


minamahal nang malamang siya ay nagdadalang tao na. Namatay ang
kanyang ina nang siya’y ipinanganak. Lumaki ang bata sa hirap na wala
sa piling ng kanyang mga magulang. Sa kanyang murang edad, natuto
siyang maghanap buhay upang matugunan ang kanyang
pangangailangan.

1. Anong suliranin ang nabanggit? Maituturing ba itong


suliranin na nangangailangan ng agarang solusyon?
Bakit?

2. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong upang


Matugunan ang ganitong uri ng suliraning panlipunan?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 2


Gawain 2
Basahing mabuti ang sanaysay. Alamin ang suliranin at solusyon tungkol dito.
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

ANG KALABANG HINDI NAKIKITA


Ni: Minerva M. Decano

Ang Pilipinas ay humaharap sa malaking suliranin, kasama ang iba’t


ibang bansa sa buong mundo. Ang pagkakaroon ng pandemyang sakit. Ang
sakit na ito ay galing sa probinsya ng Wuhan sa bansang Tsina, karaniwang sa
mga hayop lamang natatagpuan. At napag-alamang, ang mga kaso doon ay
isang uri pala ng hindi kilalang coronavirus. Ang coronavirus ay pamilya ng
mga virus na nagdudulot ng sakit, mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang
sa mas malulubhang impeksiyon tulad ng MERS-COV. Ang novel coronavirus
(2019-nCOV) ay isang uri ng coronavirus na hindi pa natatagpuan sa tao noon.
Ayon sa World Health Organization (WHO), inerekomenda nitong palitan ang
opisyal na pangalan nito sa “2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory
Disease” o 2019-nCOV ARD noong ika-30 ng Enero,2020. At noong ika-12 ng
Pebrero ng taong kasalukuyan ay pinahayag ng WHO, na ang kasalukuyang
sakit na “2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease” ay opisyal ng
pinangalanan at tinawag na “Coronavirus Disease ‘19” o COVID-19. (source:
https://www.doh.gov.ph). Naisasalin ito ng mga taong mayroong ganitong
sakit sa isa o higit pang katao na mahihina ang resistensya sa pamamagitan
ng face to face interaction o malapitang ugnayan sa isa’t isa. Ang Kagawaran
ng Kalusugan ay pinag-iingat ang lahat ng tao dahil wala itong pinipili, bata,
matanda, babae, lalaki, mayaman man o mahirap. Ilan sa mga sintomas ng
sakit na ito ay: hirap sa paghinga, pagtatae, mataas na lagnat na may
panginginig, may ubo at sipon.
Naunang isinailalim ng gobyerno ang National Capital Region (NCR) sa
“Community Quarantine” matapos makapagtala ng mga kaso ng COVID-19 at
kasunod nito ang “Enhanced Community Quarantine” o (ECQ) sa buong Luzon
dahil sa pagdami ng mga nahawaang indibidwal. Mistulang sayaw na “stop
dance” ang sakit na ito, sapagkat pinahinto niya o nilimitahan ang bawat
galaw o pangyayari sa buhay ng bawat mamamayan. Marami ang napatigil na
trabaho sa iba’t ibang sector na dahilan ng pagbaba ng ekonomiya ng bansa.
Kung kayat hindi lamang ito suliranin sa pangkalusugan sapagkat
naapektuhan nito ang ekonomiya at industriya ng bansa. Maraming buhay ang

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 3


hanggang ngayon ay labis na naapektuhan at lubos pang hirap ang
mararamdam sa hindi mabatid na panahon.
Hanggang ngayon ay wala pa din natutuklasan na gamot o bakuna
laban dito, ngunit ang Kagawaran ng Kalusugan ay paulit-ulit na pinapaalala
ang mga patakaran upang hindi mahawaan at makaiwas sa nakamamatay na
sakit. Ilan sa mga ito ay, pagkakaroon ng social distancing, paggamit ng face
mask, pag-iwas sa paglabas kung hindi kinakailangan, ugaliin ang madalas na
paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon, paggamit ng hand sanitizer o
alcohol, pagkain ng mga masusustansiya at pag-eehersisyo araw-araw, at iba
pang mga pamamaraan upang lumakas ang pangangatawan at resistensya ng
hindi mahawaan ng nakakatakot na sakit na ating kinakaharap, sapagkat
mahirap makipaglaban sa kalabang hindi kailanman makikita.

Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang sanaysay. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Tungkol saan ang paksa ng binasang sanaysay?


2. Ano ang suliranin sa sanaysay?
3. Saan at paano nagkaroon ng COVID-19?
4. Ano ang mga solusyon upang makaiwas sa suliraning
binanggit?
5. Bakit kinakailangan mahigpit na sundin ang mga
pamamaraan na binigay ng Kagawaran ng Kalusugan?
Ang mga ito ba’y sinusunod mo at ng iba pang miyembro ng
iyong pamilya? Bakit?
6. Bakit mahalaga na mabigyan nang agarang solusyon ang isang suliraning
naobserbahan?

Sa panahon ngayon, halos laman ng balita kung paano


mapangangalagaan ng mamamayan ang kanilang kalusugan.
Gumagamit din ng plakard na nakasulat ang mga paalala o ordinansa
ng bawat barangay upang maiwasan ang pagkahawa sa nasabing sakit
na COVID-19. Sa ibaba ay mga sitwasyon kung saan susuriin ang
pagbibigay ng mga angkop na solusyon tungkol sa suliraning ito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 4


A. Lagyan ng tsek (√) ang loob ng kahon kung nagpapakita ng angkop na
solusyon sa suliranin na dulot ng sakit na COVID-19 at ekis (X) kung hindi.

1. Naghugas nang mabilisan si Lito bago at pagkatapos niyang kumain.


2. Nagsusuot ng face mask si Maria kahit siya ay nasa loob ng kanilang
bahay.
3. Pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), ang mga tao
ay agad na namasyal sa Mall at ibang pook pasyalan.
4. Si Kiko ay umiinom ng Bitamina C upang palakasin ang resistensya at
makaiwas sa sakit.
5. Kumakain ng masusustansiyang pagkain.

B. Buuin ang ugnayang suliranin at solusyon. Isulat sa sagutang papel ang


posibleng suliranin at inaasahang solusyon ng mga nakasaad na pangyayari.

SULIRANIN SOLUSYON

1. Ang maruming kapaligiran ay nagdudulot __________________________


ng iba’t ibang sakit. __________________________

2. ________________________________________
_________________________________________

3. Ang sakit tulad ng COVID-19 ay ____________________________


nakakahawa kaya mabilis itong kumalat. _____________________________

4. ______________________________________
______________________________________

5. Hindi sumusuporta ang ilang mamamayan ______________________________


sa patakaran na binibigay ng Kagawaran ______________________________
ng Kalusugan ______________________________
.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 5


Gawain 3
A. Piliin ang sa palagay mo ay pinakamahusay at angkop na solusyon sa
suliraning nakalahad sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Inabutan ka ng malakas na ulan habang pauwi sa inyong bahay galing sa


eskuwelahan. Hindi maiwasan na mabasa ang iyong paa ng tubig sa
kalsada. Ano ang gagawin mo?
A. Punasan ng tuyong damit ang paa.
B. Sabunin at hugasan ng malinis na tubig ang paa.
C. Ispreyan ng pabango ang paa.
D. Lagyan agad ng gamot ang paa.

2. Nakita mo na may maliliit na daga na tuma-takbo sa loob ng inyong bahay.


Anong solusyon ang maaari mong gawin upang hindi na ito makapagkalat
ng sakit.
A. Bugawin hanggang umalis.
B. Mag-alaga ng pusa upang manghuli ng daga.
C. Maglinis ng bahay upang walang pamahayan ito at gumamit ng
mouse trap upang mahuli ito.
D. Tawagin itong mabait upang ‘di manira ng gamit

3. Nalaman mo na laganap ang Dengue sa inyong lugar. Bukod sa paglilinis ng


paligid, alin pa ang maaari mong gawin upang di makagat ng lamok.
A. Maglagay ng insect repellant lotion at mag-suot ng mahabang damit
upang di makagat ng lamok.
B. Manatili na lamang sa loob ng kulambo.
C. Gumamit ng malakas na elektrikpan upang hindi makadapo ang
lamok.
D. Lumipat ng tirahan kung saan hindi laganap ang Dengue.

4. Malakas ang naging ulan nang nakaraang gabi, dati-rati ay mabilis naming
humupa ang tubig sa inyong lugar, ngunit ngayon ay tanghali na ay di pa
humuhupa. Ano ang maaari mong gawin?
A. Hayan mong kusa itong humupa.
B. Sabihin mo sa kapitan na ayusin ang problema
C. Yayain ang kaibigan na maglaro sa tubig.
D. Alamin ang pinagmulan ng problema, mag-isip ng solusyon at

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 6


magpatulong sa mga taong may kakayanan upang maisagawa ang
solusyong naisip.
5. Matamang pinag-iisipan ng mga taga Cauayan, Isabela ang kanilang
maaaring maging solusyon sa kanilang suliranin.
A. Tama, mas maraming nag-iisip, mas Malaki ang pagkakataong
makabuo ng tamang solusyon.
B. Hayaan mo sila, hindi mo naman problema yon.
C. Mali, baka mas lalong gumulo kapag nakisali pa.
D. Magsawalang –kibo nalang.

B. SLOGAN/ POSTER: Gumawa ng slogan o poster tungkol sa problema o


suliranin na kinakaharap ng inyong pamayanan. Gawin ito sa isang buong
long bond paper. Tingnan ang rubrik sa ibaba para sa pagmamarka.

Rubriks para sa SLOGAN/POSTER


Pamantayan (5) Lubhang (4) Kasiya- (3) Nalilinang
kasiya-siya siya
1.Angkop sa
suliranin
2.Ang mensahe ay
malinaw na
naipakita
3.Maganda at
malinis ang
pagkakabuo
KABUUAN

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 7


Gawain 4
A. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Sa iyong pananaw, bigyang solusyon
ang bawat suliranin. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. Basahin
ang rubriks para sa pagmamarka sa ibaba.

1. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari na dulot ng COVI-19, ang


pagbubukas ng klase ay sa Agosto na gaganapin at may posibilidad nang
pagkakaroon ng “home study” hangga’t walang gamot para dito. Anong
pamamaraan ang maari mong gawin tungkol dito?

2. Lumiban ka sa iyong klase isang araw, kinabukasan nalaman mong meron


kayong takdang aralin at sinabi ng guro na kailangan mayroon maipapasa
para dito. Ano ang iyong gagawin?

3. Nagtratrabaho sa ibang bansa ang iyong ina at bilang ikaw ang panganay
isa ka sa pinagbilinan niya sa iyong bunsong kapatid. Isang araw nagkasakit
ang iyong kapatid at kayo lang ang tanging naiwan sa inyong tahanan. Ano
ang gagawin mo?

4. Hinihiling ng pangulo ng bansa ang pagtitipid sa paggamit ng kuryente


upang mabawasan ang pag-angkat ng langis sa ibang bansa.

5. Isa kang matalino at mayamang mag-aaral. Nakatapos ka ng medisina sa


isang tanyag na unibersidad. Ngayon handa ka nang gamitin ang iyong pinag-
aralan. Ano ang iyong gagawin?

Pamantayan 3 4 5
1. Naibigay ang angkop na solusyon sa suliranin
2. Maliwanag na nailahad ang mga maaaring solusyon sa
suliranin
3. Gumamit ng mga angkop na salita sa pagpapaliwanag

5- Napakahusay 4- Mahusay 3- Mahusay-husay

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 8


B. Tingnan ang bawat larawan sa kaliwang bahagi. Ang bawat larawan ay
nagpapakita ng iba’t ibang suliranin na kinaharap ng bansa. Magsulat ng mga
pamamaraan kung paano masusulosyonan ang bawat suliranin.Gamitin ang
Rubriks sa Gawaing 4-A.

SULIRANIN SOLUSYON

________________________
________________________
1. ________________________
________________________
________________________

_________________________
2.
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________

_________________________
_________________________
3.
_________________________
_________________________
_________________________

_________________________
4.
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________

_________________________
5.
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
(source: google free images)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 9


C. Gamit ang grap. Basahin at unawain ang bawat tanong sa ibaba. Isulat sa
loob ng kahon ang suliranin at mga mungkahi mong solusyon upang mabuo
ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga suliranin sa itaas ang madalas mong masaksihan o maranasan


sa inyong lugar? Paano ito makaaapekto sa lugar na inyong pamayanan?

2. Bilang isang mag-aaral at kabataan ng inyong pamayanan, may magagawa


ka ba upang masolusyunan ito?

SULIRANIN

SOLUSYON SOLUSYON

1. 4.

2. 5.

3.

Rubriks
Pamantayan 8 6 4
1. Angkop ang solusyon sa
suliranin sa pamayanan
2. Ang mensahe ay mabisang
naipaliliwanag
3. Malinaw at madaling
maintindihan ang punto
KABUUAN

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 10


Gawain 5
Anong suliranin ang nais mong solusyunan upang makatulong ka sa inyong
pamayanan? Paano mo ito magagawa? Sumulat ng maikling talata tungkol
dito. Gamitin ang gabay na balangkas sa ibaba.

I. Paglalarawan sa Suliranin-
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________

II. Sanhi ng Suliranin-


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________

III. Epekto ng Suliranin-


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
____________________________________________________

IV. Mungkahing Solusyon sa Suliranin-


_______________________________________________________
____________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________

Rubriks
Pamantayan (5) Lubhang (4) Kasiya- (3)
kasiya-siya siya Nalilinan
g
1. Angkop ang solusyon sa
suliranin
2. Ang mensahe ay mabisang
naipakita
3. Malinaw at madaling
maintindihan ang punto
KABUUAN

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 11


PANGWAKAS

Binabati kita, naisagawa mo ng buong


husay ang mga layunin ng gawaing ito.
Mahalagang bigyang pansin ang kalusugan
Susi sa Pagwawasto
upang makaiwas sa anumang uri ng sakit o
karamdaman. Ang kalusugan ay itinuturing
din na yaman na dapat taglayin ng bawat isa.
Mainam na gawin ang mga angkop na gawain
upang mapanatiling malusog ang
pangangatawan.

Mga Sanggunian

 K to 12 Curriculum
 DOH https://www.doh.gov.ph
 Google (free images)
 Youtube https://www.youtube.com/watch?v=gsiHIZBk7N4
 DepEd Workplace
 Pintig ng lahing Pilipino

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 12


Susi sa Pagwawasto

Balikan Tuklasin Suriin


 Ang kasagutan ay Sagutin  Ang kasagutan ay
maaaring iba-iba maaaring iba-iba
 Ang kasagutan ay
maaaring iba-iba

Balikan Isagawa Karagdagang


Gawain
 Ang kasagutan ay  Ang kasagutan ay
maaaring iba-iba maaaring iba-iba. A. Ang kasagutan ay
Nakbatay ito sa maaaring iba-iba.
Rubriks Nakbatay ito sa
Tayahin Rubriks
 Ang kasagutan ay B. 1.
maaaring iba-iba. 2.
3. x
4.
5. x

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 13


Pagyamanin
Gawain 1

A:

1. x
2. ̸√
3. x
4. √
5. √
B. Ang kasagutan ay maaaring
iba-iba

Gawain 2:

1. b
2. c
3. a
4. d
5. a

Inihanda ni:

MINERVA M. DECANO
May Akda

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 14

You might also like