You are on page 1of 17

5

Home Economics 5
Unang Markahan – Modyul 3:
Pagsasapamilihan, Pag-
iimbentaryo at Pagkukuwenta ng
Netong Tubo

1
Home Economics – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagsasapamilihan, Pag-iimbentaryo at Pagkukuwenta
ng Netong Tubo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ma. Elena L. Aquino
Editor: Carmelina DM. Tan
Tagasuri: Fe B. Bele
Tagaguhit: Ma. Elena L. Aquino
Filipina O. Tolentino
Tagalapat: Ma. Elena L. Aquino
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS in Charge of LRMS and
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, Chief-CID
Lucky S. Carpio, Division EPS in Charge of LRMS and
Division ADM Coordinator

2
Mga Layunin

 Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagbebenta ng natatanging paninda.

Unang Araw
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nasasabi ang mga paraan ng pagsasapamilihan
 Naisasagawa ang wastong pagsasapamilihan
 Nakikiisa sa pagsasagawa ng gawain nang may kasiyahan

1
Aralin

Pagsasapamilihan
Tatalakayin sa aralin na ito ang kahulugan at kahalagahan ng may kaalaman
sa pagsasapamilihan ng mga produkto o serbisyo.

Mga Gawain

Gawain 1: Basahin at unawain.

Mahalaga ang maingat at matalinong pamimili ng mga produkto o serbisyo.


Kailangang malaman ang bilihan ng pinakamataas na uri ng produkto o serbisyo sa
pinakamababang halaga. Maaaring magtanong sa mga may karanasan. Maaari ring
magsaliksik sa aklat, magasin at internet.

Iba’t ibang Paraan ng Pamimili ng mga Paninda:

1. Bayad-bili o Kaliwaan – Babayaran muna ang produkto o


serbisyo bago makuha ito.
2. Paangkat o Patinda – Ang magtitinda ay walang pera na
puhunan. Binabayaran ang nagtinda kapag naubos na ang mga
produkto o serbisyo.
3. Pakyawan – Ito ay pamimili ng maramihan.
4. Tuwiran o Direkta – Ang mamimili ay pumupunta diretso sa
pabrika kung marami ang kailangang bilhin.

3
Higit na makatitipid kung mamimili
nang maramihan tulad ng mga sumusunod:
asukal, bigas – sako
balot, itlog – tray
damit – dosena
gatas, sardinas – kahon
gulay, prutas – kilo
kutsinta, puto – bilao
lansones, mangga – kaing
mantika, tubig – galon

A. Panuto: Sa tulong ng iyong magulang, isulat sa graphic


organizer ang iba’t ibang paraan ng pagbebenta
ng natatanging paninda.
(Communication, Collaboration, Character)

1. __________
2. __________
3. __________

Mga Paraan ng Pamimili


ng Paninda

1. __________ 1. __________
2. __________ 2. __________
3. __________ 3. __________

1. __________
2. __________
3. __________
B. Panuto: Sa tulong ng iyong magulang, magsulat ng 3 halimbawa sa bawat
paraan ng pamimili ng paninda. Isulat ito sa may guhit sa bandang itaas.
(Communication, Collaboration, Character)

4
Mga Layunin

 Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagbebenta ng natatanging paninda.

Ikalawang Araw
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nasasabi ang kahalagahan ng pagtitinda
 Nakapagkukuwenta ng presyong pambenta
 Nakikiisa sa pagsasagawa ng gawain nang may kasiyahan

2
Aralin

Pagtitinda

Tatalakayin sa aralin na ito ang kahalagahan ng kaalaman sa pagtitinda


upang makasiguro na hindi malulugi ang itinayong negosyo.

Mga Gawain
Basahin at unawain.
Gawain 1:

Ang pag-unlad ng isang negosyo ay nakasalalay sa mahusay na entrepreneur o


negosyante. Lalong marami ang bibili kung ikaw ay malikhain, malinis, masipag,
matapat, matiyaga at mahusay makipag-usap sa iba’t ibang uri ng bumibili. Dapat na
matipid, masinop maunawain at maalalahanin, matulungin, maka-Diyos, may tiwala
sa sarili, maabilidad, maagap, masikap, malakas ang loob at higit sa lahat ay mahusay
magkuwenta. Kailangan ay marunong siyang maghalaga sa mga produkto o serbisyo
na ititinda. Ang maayos na pagkukuwenta ay mahalaga sa kaunlaran ng isang
negosyo. Dito malalaman kung kumita o nalugi sa ginawang pagne-negosyo.

5
Alam mo ba kung
magkano ipagbibili ang bawat Itinakda ng pamahalaan
produkto o serbisyo? na 20 porsyento (%) ng
puhunan ang ipapatong sa
Magkanong tubo ang halaga ng mga produkto o
ipapatong mo sa bawat isa? serbisyo.
Ang napakalaking tubo ay hindi
mabuti. Ito ay panlalamang sa Ito ang tubo ng may-ari
kapwa. Dapat ay sumunod sa ng negosyo. Ganito ang
itinakda ng batas na patubo. pagkukuwenta ng halaga ng
produkto o serbisyo.

Kunin ang 20 % nito.

Sa pagkukuwenta, ang 20 % ay isinusulat na .20

Halimbawa:

P 5.00 puhunan sa 1 pirasong itlog


x .20 porsiyento idadagdag sa puhunan
000
+ 1000
P 1.0000 tanggalin ang 2 zero

P 1.00 halagang dapat ipatong sa 1 pirasong itlog

P 5.00
+ P 1.00
P 6.00 presyong pambenta ng 1 pirasong itlog

A. Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa tulong ng iyong nanay o nakatatandang


kasama sa bahay. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
(Communication, Collaboration, Critical Thinking, Character)

1. Ilang bahagdan ang itinakda ng pamahalaan na idadagdag na tubo sa bawat


produkto o serbisyo na ibebenta ng isang entrepreneur?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

6
2. Bakit mahalagang mahusay magkuwenta ang isang negosyante?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isang online seller, papatungan mo ba ng malaking tubo ang iyong
produkto o serbisyo na ititinda? Bakit?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

B. Panuto: Kwentahin ang presyong pambenta o kung magkano


ipagbibili ang produkto. Isulat din ang tubo at kabuuan.
(Communication, Collaboration, Critical Thinking, Character)

Paninda Puhunan Pagbibili Tubo


1. alcohol 80.00
2. face mask 75.00
3. face shield 40.00
4. hand sanitizer 18.00
5. plastic gloves 50.00
Kabuuan P _____ P _____ P _____

Mga Layunin

 Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagbebenta ng natatanging paninda.

Ikatlong Araw
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nasasabi ang kahulugan ng pag-iimbentaryo
 Nakapag-iimbentaryo ng mga produkto o serbisyo
 Nakikiisa sa pagsasagawa ng gawain nang may kasiyahan

7
Aralin 3 Pag-iimbentaryo

Tatalakayin sa aralin na ito ang kahalagahan ng pag-iimbentaryo ng mga


produto o serbisyo ng isang negosyo.

Mga Gawain
Basahin at unawain.
Gawain 1:

Para maging matagumpay ang isang negosyo, kailangang gampanan nang maayos
ang mga gawain upang malaman kung tumubo o nalugi sa ginawang negosyo.

Ang pag-iimbentaryo ay paglilista ng mga pinamili, naipagbili at natirang paninda sa


araw-araw na operasyon ng negosyo. Isa ito sa pinakamahalagang bagay para sa mga
negosyante. Sa pamamagitan nito, nalalaman ang mga panindang kaunti na o madaling
maubos kaya dapat bilhin agad at mga panindang tumatagal sa estante na dapat ipagbili sa
mababang halaga upang maiwasan ang pagkalugi.

Halos lahat ng mga negosyo (maliban na lamang sa mga negosyong serbisyo) ay may
kailangang mga bagay para matuloy ang kanilang pangangalakal o operasyon ng
pagnenegosyo.

Maaaring halimbawa ng mga bagay na ito:

• Papel para sa mga gumagawa ng mga diyaryo


• Bakal para sa gumagawa ng mga gusali
• Kanin para sa mga kainan
• Gasolina para sa mga istasyon ng gasoline

8
Napakaimportanteng bagay ang pag-aalaga ng imbentaryo
dahil malaking problema ang pagkulang ng isang bagay.
Ang pag-aalaga ng imbentaryo ay tinatawaga na Inventory
Management o Pamamahala ng Imbentaryo, isang medyo
bagong pag-aaral na sumisikat ngayon dahil nakikita ng mga
negosyo ang importante nito sa kanila.
Malaking bahagi rin ng accounting ng isang negosyo ang
kanilang Inventory Management, halimbawa sa kanilang
pagpapahayag ng mga gastos pwede sila gumamit ng:

• First In First Out (FIFO) o Unang Pasok, Unang Labas - Ang


pinakaunang pinasok na mga bagay sa imbentaryo ang unang
"ginagamit" sa mga operasyon at ito ang sinusulat nila sa tax
statements.
• Last In First Out (LIFO) o Huling Pasok Huling Labas - Ang
pinakahuling pinasok sa imbentaryo ang unang "ginagamit".
Maraming puwedeng maipon na pera ang isang negosyo
dahil lamang sa tamang pag-aaral ng kanilang imbentaryo.
Marami rin puwedeng makita / malaman tungkol sa isang
negosyo mula lamang sa kanilang imbentaryo. Mas mabilis
makaubos ng imbentaryo ang mga mas liquid na negosyo kagaya
ng mga nasa industriya ng pagkain at gasolina.

Narito ang isang huwarang imbentaryo na iyong mapag-aaralan.


Halaga
ng Puhunan Kabuuang Dami
Paninda Dami Puhunan Kabuuang Paninda Dami ng ng Halaga ng Tinubo ng
ng isa Puhunan bawat Naipagbili Naipagbili Naipagbili Natira
isa
25
Bigas 30.00 750.00 36.00 15 450.00 540.00 90.00 10
kilo
Instant
30 10.00 300.00 12.00 20 200.00 240.00 40.00 10
Noodles
Sardinas 30 15.00 450.00 18.00 25 375.00 450.00 75.00 5
Gatas 30 10.00 300.00 12.00 20 200.00 240.00 40.00 10
Kape 30 10.00 300.00 12.00 15 150.00 180.00 30.00 15

Kabuuan P 2,100.00 P 1,375.00 P 1,650.00 P275.00

May pagkakataon na mahirap ang baryang 5 at 10 sentimos, maaaring itaas


(round up) o ibaba sa pinakamalapit na halaga.

9
Sa pamamagitan ng pag-iimbentaryo, maraming mahahalagang bagay ang
malalaman ng may-ari na makatutulong sa pag-unlad ng kaniyang negosyo.

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa tulong ng iyong nanay o nakatatandang


kasama sa bahay. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
(Communication, Collaboration, Critical Thinking, Character)

1. Ano ang imbentaryo?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bakit kailangan mag-imbentaryo ng isang negosyante?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Halimbawa, ikaw ay isang online seller. Nagtitinda ka ng mga sumusunod: alcohol,


disposable gloves, disposable at washable face masks, face shield at hand sanitizers.
Gumawa ng sarili mong imbentaryo. Ilagay ito sa isang buong papel (intermediate
pad). Gawing huwaran ang nasa itaas na format.

Mga Layunin

 Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagbebenta ng natatanging paninda.

Ika-apat na Araw
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nasasabi ang paraan ng pagkukuwenta ng netong tubo
 Nakapagkukuwenta ng netong tubo
 Nakikiisa sa pagsasagawa ng gawain nang may kasiyahan

4
Aralin

Pagkukuwenta ng Netong
Tubo

10
Tatalakayin sa aralin na ito ang paraan ng pagkukuwenta ng netong tubo
upang malaman kung ipagpapatuloy pa ang pagnenegosyo o hindi na.

Mga Gawain
Basahin at unawain.
Gawain 1:

Gusto mo bang magkaroon ng sariling negosyo sa hinaharap? Ano sa palagay


mo ang mga kasanayang kailangan mo upang umunlad ang iyong negosyo? Paano
mo malalaman kung ang iyong negosyo ay umuunlad o hindi? Upang maging maunlad
ang negosyo, kailangang paunlarin mo ang iyong kaalaman at kasanayan sa paglutas
ng mga suliranin sa matematika kaugnay sa negosyo.

Ang mga tao ay nagnenegosyo sapagkat sila ay may ibebenta. Sa paraan ng


pagtitinda, ang may-ari ay kumikita. Ang pagkakaroon ng kita ay mahalagang bahagi
ng pagnenegosyo. Kung ang negosyo ay hindi kumikita, ito ay malulugi.

Ang pagnenegosyo ay hindi madali. Ang isang negosyante na kulang sa


kakayahan upang patakbuhin ang negosyo ay maaaring humarap sa problema. Daan-
daang negosyo ang nagsasara dahil sa pagkalugi. Para maiwasan ang pagkalugi,
dapat mong matutunan ang pagkukuwenta ng netong tubo.

Pormula sa Pagkuha ng Kabuuang Tubo:


Pinagbilhan – Puhunan = Kabuuang Tubo
Halimbawa:
P 1,650.00 halaga ng pinagbilhan
- P 1,375.00 puhunan
P 275.00 kabuuang tubo

Pormula sa Pagkuha ng Netong Kita / Tubo:


Kabuuang Kita / Tubo – Gastos = Netong Tubo
Halimbawa:
P 275.00 kabuuang tubo
- P 43.00 pamasahe, pambalot
P 232.00 netong kita / tubo

11
Narito ang isang huwarang pagkukuwenta ng netong
tubo na iyong mapag-aaralan.
Pangalan ng Produkto: YEMA BALLS
Ulat ng Kinita
Gastos (Sangkap o Materyales)
12 pcs Eggs (P7 each) 84.00
2 lata Condensed milk (P50 each) 100.00
1/4 cup Butter (1 whole / P60) 15.00
1/8 k Sugar (1 kilo / P60) 7.50
Gas 10.00
2 pcs Cellophane (P5 each) 10.00
Gastos: (Kabuuan) P 226.50

Netong Kita / Tubo: (20% ng Gastos) 45.30


Benta: (Gastos + Neto) 271.80
Presyo kada piraso: (Benta ÷ Ilan ang nagawa) P 2.265.00
120 pcs or P 3.00 each

Maaaring magpatulong sa magulang o nakatatandang kapatid para sa


pamamaraan ng pagkukuwenta sa benta o gastusin gamit ang calculator upang
mapabilis ang pagkukuwenta. Para mas mabilis, maaaring gumamit ng electronic
spreadsheet sa inyong computer.

A. Panuto: Sa tulong ng iyong magulang, lagyan ng sagot ang bawat patlang.


tion, Collaboration, Critical Thinking, Character)
Pangalan ng Produkto: GRAHAM BALLS
Ulat ng Kinita
Gastos (Sangkap o Materyales)
2 packs crushed Graham crackers (P71 each) 142.00
1 lata Condensed milk 38.50
1 pack Marshmallow 33.00
1 sachet Nips 19.25
1 pack Assorted Sprinkles 35.00
36 pcs Cupcake liners 55.00
3 pcs Microwavable container 24.00
2 pcs Plastic gloves 5.00
Gastos: (Kabuuan) P__________

Netong Kita / Tubo: (20% ng Gastos) P__________


Benta: (Gastos + Neto) P__________
Presyo kada piraso: (Benta ÷ Ilan ang nagawa) P__________
36 pcs

12
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa tulong ng iyong
nanay o nakatatandang kasama sa bahay.
Isulat sa patlang ang iyong sagot.
(Communication, Collaboration, Critical Thinking, Character)

1. Ano ang netong tubo?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano ang pagkukuwenta ng netong tubo?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bakit mahalagang matutunan ang pagkukuwenta sa negosyo?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Mga Layunin

 Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagbebenta ng natatanging paninda.

Ikalimang Araw
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nakasasagot nang wasto sa pagsusulit
 Nakagagawa nang malinis at tahimik
 Nakikiisa sa pagsasagawa ng gawain nang may kasiyahan at katapatan

5
Aralin

Lagumang Pagsusulit

13
Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Tukuyin at isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Magtitinda ng sapatos si Jennifer. Nais niyang kumita kahit nag-aaral pa siya.
Pumupunta siya sa Marikina dahil doon ang pagawaan ng mga sapatos.
Anong paraan ng pamimili ng paninda ang ginawa niya?
A. Bayad-bili o Kaliwaan C. Pakyawan
B. Paangkat o Patinda D. Tuwiran o Direkta

_____2. Maysakit ang nanay ni Melicent. Pumunta siya sa botika para bumili
ng gamot.
A. Bayad-bili o Kaliwaan C. Pakyawan
B. Paangkat o Patinda D. Tuwiran o Direkta

_____3. Malapit ng ikasal ang kapatid ni Editha. Saan sila dapat pumunta para
makabili ng maganda ngunit murang damit na gagamitin sa kasal?
A. Divisoria C. SM
B. Robinsons D. Trinoma

_____4. Ilang bahagdan ang itinakda ng pamahalaan na idadagdag na tubo sa bawat


produkto o serbisyo?
A. 10 % B. 20 % C. 30 % D. 40 %

_____5. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang negosyante para maging
maunlad ang kanyang negosyo?
A. maagap C. malakas ang loob
B. maalalahanin D. mahusay magkuwenta

_____6. Ang pagpapatong ng malaking tubo sa produkto o serbisyo ay hindi mabuti


sapagkat ito ay _____.
A. pagbibigay sa kapwa C. pamimigay sa kapwa
B. paghahandog sa kapwa D. panlalamang sa kapwa

14
_____7. Ito ay paglilista ng mga pinamili, naipagbili at natirang produkto sa operasyon
ng negosyo.
A. pagbebenta C. pagkukuwenta
B. pag-iimbentaryo D. pagmamarka

_____8. Alin sa mga sumusunod ang kailangan para malaman kung tumubo o nalugi
ang isang negosyo?
A. dami ng produktong nabili at natira
B. presyong pambenta ng bawat produkto
C. puhunan ng bawat produkto
D. Lahat ng nabanggit
_____9. Kailan dapat ilista ang mga pinamili, naipagbili at natirang produkto?
A. araw-araw C. lingo-linggo
B. buwan-buwan D. minsan lang

_____10. Upang mapabilis ang pagkukuwenta, nakatutulong gamitin ang _____.


A. ballpen C. lapis
B. calculator D. papel

_____11. Sa isang negosyo, mahalaga na matutunan ang pagkukuwenta ng _____.


A. benta at gastos C. gastos lamang
B. benta lamang D. wala sa nabanggit

_____12. Ano ang tawag sa kabuuang kita pagkatapos maalis ang gastos?
A. netong tubo C. puhunan
B. presyo D. tubo

Panuto: Sa tulong ng iyong magulang, lagyan ng sagot ang


bawat patlang.
(Communication, Collaboration, Critical Thinking, Character)
Halaga
ng Puhunan Kabuuang Dami
Paninda Dami Puhunan Kabuuang Paninda Dami ng ng Halaga ng Tinubo ng
ng isa Puhunan bawat Naipagbili Naipagbili Naipagbili Natira
isa
Sabon 25 57.00 1,425.00 71.25 10 (13) ___ (16) ___ (19) _ 15
Shampoo 36 6.00 216.00 7.20 16 (14) ___ (17) ___ (20) _ 20
Toothpaste 30 7.00 210.00 8.40 10 (15) ___ (18) ___ (21) _ 20

Kabuuan P ______ P ______ P ______ P ____

(22) (23) (24) (25)

15
Sanggunian

Bitmoji
https://tl.wikipedia.org/wiki/Imbentaryo
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/1425
magkano.com/market/sugar_cooking_oil_price.htm
https://www.lazada.com.ph/
https://alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/4.matematikang_pang
kalakal_ikalawang_bahagi.pdf
dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/36.ang_pag-
iimbentaryo_at_pagtutuos_ng_tubo_at_kita_5_.pdf
https://www.youtube.com/watch?v=69xWJjA5UkA
Alviar, Herminia E. et. al., Higit na Kaunlaran 5, Rex Bookstore
Bangko Sentral ng Pilipinas, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Teaching
Guide on Financial Literacy, Corporate Affairs Office

16
Susi ng Kasagutan

20. 19.20 10. B


19. 142.50 9. A
18. 84.00 8. D
17.115.20 7. B
16. 712.50 6. D
25. P175.70 15. 70.00 5. D
24. P 911.70 14. 96.00 4. B
23. P 736.00 13. 570.00 3. A
22. P 1,851.00 12. A 2. A
21. 14.00 11. A 1. D

Pagtataya

Halaga
ng Puhunan Kabuuang Dami
Paninda Dami Puhunan Kabuuang Paninda Dami ng ng Halaga ng Tinubo ng
ng isa Puhunan bawat Naipagbili Naipagbili Naipagbili Natira
isa
Sabon 25 57.00 1,425.00 71.25 10 570.00 712.50 142.50 15
Shampoo 36 6.00 216.00 7.20 16 96.00 115.20 19.20 20
Toothpaste 30 7.00 210.00 8.40 10 70.00 84.00 14.00 20

Kabuuan P ______ P ______ P ______ P ____

P 1851.00 P 736.00 P 911.70 P 175.70

17

You might also like