You are on page 1of 9

Banghay-Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao

Unang Markahan

Yunit I Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng Pamilya

Ikatlong Linggo

Aralin 3 Pagkamatiisin, Kaya kong Gawin!

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng katatagan ng loob, mapanuring pag-iisip,
pagkamatiyaga, pagkamapagtiis, pagkabukas-isip,
pagkamahinahon at pagmamahal sa katotohanan na magpapalaya
sa anumang alalahanin sa buhay ng tao bilang kasapi ng pamilya.
pahina 55 ng 153
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa nang may mapanuring pag-iisip ang tamang
pamamaraan/ pamantayan sa pagtuklas ng katoohanan
mga pahina 55 ng 153
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
2. Nakapagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng anumang
hakbangin: EsP4PKP-Ic-d-24
2.2. Pagkamatiisin
II. NILALAMAN
Aralin 3 Pagkamatiisin, Kaya Kong Gawin!
Batayang Kasanayan: Pagkamapagtiis (Patience)
TG mga pahina 11-13
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro: mga pahina 11-13
2. Mga pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral: mga pahina 20-27
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo:
video clip, KWL chart, graphic organizer, tsart ng tanong, tsart ng
suliranin, larawan ng puso, larawan ng isang lobo o balloon, maliit
na kahon na may mga sitwasyon o suliranin sa loob
III. PAMAMARAAN

UNANG ARAW
ALAMIN NATIN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/ o pagsisimula ng bagong aralin


Ipanood ang video clip tungkol sa mga batang pumapasok sa
kabila ng kahirapan.

https://www.youtube.com/watch?v=L1SNG9GSBPc&spfreload=10

KNOW WANT TO KNOW LEARNED

Ano ang pagkakaunawa Ano ang nais ninyong Ano ang natutuhan ninyo
ninyo sa pagkamatiisin? malaman hinggil sa atiing pagkatapos ng aralin?
aralin?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ipabasa ang sumusunod:
“Kung ikaw ay malalagay sa isang sitwasyon na kinakailangan kang
magtiis, makakaya mo kaya?”
May kasabihang, “kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.”
Ano kaya ang ibig sabihin ng kasabihang ito?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Alamin Natin)


Gawain A
Ipabasa sa mga bata ang kwento na matatagpuan sa LM
mga pahina 20-21
“Ako ay isang mag-aaral sa ikaapat na baitang sa Paaralang
Maunlad sa lalawigan ng Aurora. Pangarap ko ang makapagtapos sa aking pag-aaral
kaya titiisin ko ang mga paghihirap na dapat kong harapin. Hindi ko iniisip kung may
mga bagay na dapat kong gawin kahit na mangahulugan ito ng ibayong paghihirap.”
“Ang aming lalawigan ay palaging dinadalaw ng malalakas na bagyo. Paborito
kaming pasyalan ng mga ulan at hangin. Tinitiis namin ang paglakad sa mapuputik na
daan lalo na kung tag-ulan at ang paglangoy sa baha kung tumataas ang tubig sa ilog
kahit ito ay delikado at hindi dapat gawin o tularan.”
“ Ang aming tahanan ay nasa kabila ng isang tulay. Isang araw, sa hindi
inaasahang pangyayari, ang tulay ay nasira ng bagyo. Hindi kaagad naisagawa ang
pagsasaayos ng tulay na ito sapagkat marami pang higit na kailanagng unahin lalo na
ang naapektuhan ng bagyo.
“Dahil dito, araw-araw akong naglalakad paikot sa kabilang baryo makarating
lamang sa paaralan. Hindi ako lumiliban sa klase kahit basa na ang aking sapatos sa
pagtahak sa daang may baha o putik. Ang palagi kong iniisip ay ang pangarap kong
makapagtapos ng pag-aaral.”
“Isang araw, napansin ng aking guro na tila ba pagod na pagod ako at pawisan
nang dumating sa paaralan. Nalaman niya na nasira ang tulay na malapit sa amin.
Kaagad na gumawa ng sulat ang aking guro upang maipakiusap sa kinauukulan ang
agarang pagkukumpuni ng tulay.”
“Hindi naglipat-buwan, nagawa na ang nasirang tulay at muli itong nagamit ng
mga naninirahan sa aming lugar.Laking pasasalamat ng lahat ng aking kapitbahay sa
naisagawang pag-ayos ng tulay.”

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Blg.1


Gawain B
Ipasagot ang mga tanong sa LM pahina 21.
1. Papaano ipinakita ni Willy na siya ay isang batang mapagtiis?
2. Ano ang natuklasan ng guro ni Willy?
3. Ano ang naging daan upang maiapagawa ang tulay sa lugar nina Willy?
4. Kung ikaw si Willy, magagawa mo bang tiisin ang katulad ng mga naranasan
niya? Patunayan.
5. Maglahad ng mga karanasan na magpapakita ng pagtitiis sa iyong buhay bilang
mag-aaral.

Gumamit ng graphic organizer (cluster map) upang maipaliwanag ang bagong aralin.
Tanungin ang mga bata kung ano ang halimbawa ng pagtitiis.

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Blg.2

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


ginawang pagtitiis ni Willy upang makapag-aral? Ipalagay ang sagot sa graphic
organizer na tulad nito:

Mga Pagtiis ni
Willy
G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay
Pagkuwentohin ang ilang bata tungkol sa kanilang karanasan hinggil sa pagiging
mapagtiis

H. Paglalahat ng Aralin
Anong pag-uugali o pagpapahalaga ang natutuhan ninyo ngayon?

I.Pagtataya ng Aralin
Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay halimbawa ng pagtitis at ekis (X) kung hindi.
__1. Pagpasok sa paaralan kahit walang bagong uniform.
__2. Pag-aaral ng leksyon kahit ilaw na hindi de kuryente ang gamit.
__3. Pagliban sa klase dahil walang baon.
__4. Madalas na pagliban dahil malayo ang bahay sa paaralan.
__5. Paghahanap-buhay kapag walang pasok upang may panggastos sa pag-aaral.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

IKALAWANG ARAW
ISAGAWA NATIN

A.Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Sabihin ang sumusunod na sitwasyon:
Nagkasakit ang tatay mo nang halos isang buwan dahilan upang hindi siya
makapagtrabaho. Nagipit tuloy sa panggastos ang iyong nanay, dahil dito binawasan ng
iyong nanay ang inyong baon. Sa halip na limang piso, ginawa na lamang niya itong
dalawang piso. Tatanggapin mo ba ito o hindi? Bakit?

B.Paghahabi sa layunin ng aralin


Ilahad ang layunin ng aralin.
Sabihin sa mga bata na sa araw na ito sila ay mag-aaral kung paano gumawa ng
tamang desisyon.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Blg.1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Blg.2


Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Ipagawa ang Gawain 2 (Isagawa Natin) LM pahina 23
Narito ang sitwasyon na maaring bigyan ng tamang desisyon:
Umalis ang iyong nanay upang mamalengke. Ibinilin niya sa iyo na huwag aalis ng bahay at
kailangang magsaing ka ng pantanghalian ngunit pinuntahan ka ng iyong mga kaklase upang
gumawa ng proyekto na kailangang isulit kinabukasan. Ano ang gagawin mo sa pangyayaring
ito?
1. Bumuo ng limang pangkat.
2. Basahin at suriing mabuti ang sitwasyon na ibibigay ng guro. Bigyna ito ng mabuting
desisiyon bago gumawa ng anumang hakbang.
3. Ilarawan ang inyong kasagutan sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang uri ng tsart.
4. Susukatin ang inyong ginawa gamit ang rubrics.
Pamantayan 3 2 1
Pagsusuri Natutukoy ng mga Natutukoy ng mga Natutukoy ng mga
mag-aaral ang mag-aaral ang mag-aaral ang isa
sumusunod: dalawa sa sa sumusunod:
suliranin, tunguhin, sumusunod: suliranij, tunguhin,
at maaaring gawin sulairanin, at maaaring gawin
upang tunguhin, at upang
makapagdesisyon maaaring gawin makapagdesisiyon
nang tama upang nang tama
makapagdesisiyon
nang tama
Desisyon Nakapagbibigay Nakapagbibigay ng Nakapagbibigay ng
ng tamang tamang desisyon tamang desisyon
desisyon at at dahilan kung
makabuluhang bakit ito ang
dahilan kung bakit kanilang
ito ang kanilang napagpasyahan
napagpasyahan
Ipinakitang Malinaw na Naipakita ang Hindi naipakita ang
Pagpapahalaga naipakita ang pagpapahalagang pagpapahalagang
pagpapahalagang ginamit ng pangkat ginamit ng pangkat
ginamit ng
pangkat

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Papunuan ang talahanayan sa bawat pangkat.

Suliranin Nalimutan ng nanay mo na bigyan ka


ng baon sa eskwela. Malapit ka na sa
inyong paaralan nang maala-ala mo.
Tunguhin
Maaring gawin
Desisyon
Dahilan o pagpapahalaga

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ibahagi ng piling mag-aaral ang kuwento tungkol sa kanilang karanasan sa paggawa ng
tamang desisyon. Nagkaroon ba ng pagtitiis sa kanilang ginawa?

H. Paglalahat ng Aralin
Anong pagpapahalaga ang kaakibat kapag gagawa ka nang tamang desisyon?

I.Pagtataya ng Aralin
Ipasagot sa mga mag-aaral ang kanilang desisyon hinggil sa sitwasyon na nasa ibaba:
Mahirap lang kayo. Gusto mong makatapos ng pag-aaral. Anong desisyon ang
gagawin mo?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Ipatala sa mga bata kung ano ang pangunahin niyang suliranin bilang mag-aaral.
Pagbigayin din ng tamang desisyon hinggil dito.

IKATLONG ARAW
ISAPUSO NATIN

A.Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Ikuwento ang tungol sa bayaning si Andres Bonifacio na matatagpuan sa LM, pahina 25
unang talata ng Isapuso Natin .
Itanong sa mga bata kung anong pagpapahalaga ang kaakibat sa paggawa ng tamang
desisyon.

B.Paghahabi sa layunin ng aralin


Ilahad ang layunin ng aralin.

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Blg.1

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Blg.2

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Ilahad ang Tandaan Natin, pahina 26 ng LM gamit ang Powerpoint Presentation
Tandaan
Ang pagiging matiisin ay isang katangian na dapat taglayin ng isang bata upang
siya ay magtagumpay. Sa pagiging mapagtiis, magagawa niya ang mga bagay na akala
niya ay hindi niya kayang gawin. Dahil siya ay nasanay sa mga simpleng bagay upang
makamit ang kanyang mithiin, magiging higit na madali para sa kaniya ang pag-abot sa
tagumpay.
Ikaw, bilang isang mabuting mamamayan ay malaki pa ang magagawa kung
pauunlarin at isasabuhay mo ang iyong pagiging matiisin. Dapat mong matutuhang
magtiis upang iyong makamit ang iyong mga nais. Tulad ng kasabihang binasa natin,
“Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.” Darating din ang araw na ang lahat
ng iyong pangarap ay iyong makakamit, matuto ka lamang munang magtiis.

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Bilang isang bata, ano ang kinakailangan mong gawin upang kahit papaano ay
masuklian ninyo ang mga magulang sa ginagawa nilang pagtitiis?
H. Paglalahat ng Aralin
Bumuo ng isang pahayag na may pagpapasalamat at pagtitiis.

I.Pagtataya ng Aralin
Pasulatin ang mga bata ng pahayag na nais nilang sabihin sa kanilang mga magulang o
kung sino man ang nais nilang pasalamatan dahil sa ginagawa nilang pagtitiis.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

IKAAPAT NA ARAW
ISABUHAY NATIN

A.Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Tanungin ang mga bata kung sino ang higit na may ginagawang pagtitiis para sa kanilang
kapakanan at ano ang dapat nilang isukli dito?

B.Paghahabi sa layunin ng aralin


Ipabasa ang layunin ng aralin.

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Blg.1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Blg.2

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng Aralin

Bumuo ng isang pangako na kaya mong gawin pagkatapos ng ating aralin bilang tanda na
magagawa mong magtiis.

I.Pagtataya ng Aralin

Pabunutin ang mga bata ng sitwasyon sa kahon. Pasagutan ito sa kanila hinggil sa
kung ano ang dapat nilang gawin.
Mga Sitwasyon sa kahon:
1. Ayaw ng guro mo na hindi kabit-kabit ang sulat mo. Hindi ka sanay sa ganong uri ng
pagsulat.
2. Panganay ka at laging ikaw ang may pinakamaraming gawa sa inyong bahay.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Gumawa ng tseklis ng lahat ng iyong mga pangako hinggil sa pagtitiis. Lagyan ito ng tsek araw-
araw kung nagagawa o hindi.
IKALIMANG ARAW
SUBUKIN NATIN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Kumustahin ang ginawang pangako ng mga bata. Itanong kung anong pagtitiis ang ginawa nila
upang matupad ang kanilang pangako

B.Paghahabi sa layunin ng aralin


Ilahad ang gawain sa araw na ito.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Blg.1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan Blg.2

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng Aralin
Ipagpatuloy ang pagsagsagot sa ginamit na KWL (Know-Want to Know-Learned) noong
unang araw.

I. Pagtataya ng Aralin
Pasagutan ang mga tanong sa Subukin Natin , LM, pahina 27, bilang 1-3.
Pasagutan din ang tseklis sa ibaba nito.

Subukin Natin
Sagutin sa iyong kuwaderno ang sumusunod na mga tanong:
Ano ang dapat mong gawin kung…
1. Mainit ang sikat ng araw, subalit oras nan g pagpila para sa seremonya sa
Watawat ng Pilipinas
2. Kaunti na lamang ang ulam na paghahatian ninyo ng iyong mga kapatid. Gusto
mo pang kumain
3. Nabasa ng ulan ang kama mo kaya kailangan kang maglatag at humiga sa sahig

Basahin ang tseklis sa ibaba. Lagyan ng tsek (√ ) ang hanay ng iyong sagot.

Pag-uugali Laging Paminsan- Hindi Ginagawa


Ginagawa minsan Lamang
Ginagawa
1. Nananatiling
nakatayo at
hinihintay ang
hudyat para
lumakad na
papunta sa silid-
aralan.
2. Nakapaghihintay na
maluto ang pagkain
kahit gutom na.
3. Pinagtitiisan kung
ano lamang
kagamitan ang
mayroon sa bahay.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

You might also like