You are on page 1of 2

ACTIVITY SHEET IN EPP IV

QUARTER 3 WEEK 3

NAME: _________________________________________________DATE: ______________

GRADE/SECTION: SCORE: _____________

TEACHER: _____________________________________________

TOPIC: Pagsasaayos ng Sariling Kasuotan

MELC: . Naiaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa


kamay. ( hal. Pagkakabit ng butones )
EPP4He-Cb-3
Kagamitan ng Mag-aaral: Pahina 232-234

Pagsasaayos ng Sirang Kasuotan

May damit ka ba na may butones ? May pagkakataon na natatanggal


ang mga panara ng ating damit. Ang butones ay isang uri ng panara n gating
damit. May iba’t-ibang uri ng butones. May butones na may dalawang butas
( two-hole button ). May butones na may isang nakaalsa sa likod ( shank
button). Mayroon ding butones na may apat na butas ( four hole button ). Ang
kutsetes ( hook and eye ) ay isang uri din ng panara sa ating damit. Sa araling
ito, ay matututunan mong ayusin ang tanggal na butones sa iyong damit.

Two-hole button shank button four hole button hook and eye ( kutsetes)

Paraan ng Pagkakabit ng Butones

1. Ihanda ang mga kagamitan sa pananahi, tulad ng karayom, sinulid,


telang puti, gunting, at iba pang kagamitan sa pananahi.
2. Lagyan ng marka sa tela kung saan ilalagay ang butones.
3. Kumuha ng sinulid na kakulay ng iyong tela. Sukatin ang sinulid
hanggang siko at gupitin ito.
4. Ilagay ang sinulid sa butas ng karayom. Pag nakalagay na ibuhol ang dulo
ng sinulid. Dapat doble ang sinulid. Ilagay ang butones sa telang may
marka.
5. Itusok ang karayom sa minarkahan sa ilalim ng tela at ipasok sa butas ng
butones. Gawin ito ng paulit-ulit hanggang limang beses.
6. Ibuhol sa likuran at gupitin ang sinulid.
Gawain 1:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin ang hindi uri ng panara ng damit ?


A. perdible B. kutsetes C. butones
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi uri ng butones ?
A. shank button B. zipper C. two-hole button
3. Ano ang unang hakbang sa pagkakabit ng butones ?
A. Lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng butones.
B. Gupitin ang sinulid
C. Ihanda ang mga kagamitan sa pananahi.
4. Kapag kulay asul ang iyong butones na ikakabit sa damit, dapat ang kulay ng
sinulid na gagamitin mo ay _________.
A. pula B. asul C. itim
5. Ano ang dapat mong gawin kung naalis ang butones ng iyong damit ?
A. Itapon ito B. ikabit muli sa damit C. gawing basahan

Gawain 2:
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay
wasto at MALI kung hindi wasto.

_______________1. Gumamit ng pandikit kapag naalis ang butones ng damit.


_______________2. Gumamit ng sinulid na kasingkulay ng butones.
_______________3. Iasa sa nanay ang pagkakabit ng butones sa iyong damit kahit
alam mo na itong gawin.
_______________4. Kagatin ang sinulid kung nais mo itong putulin.
_______________5. May dalawang uri ng butones na napag-aralan mo ngayon.

Gawain 3:
Panuto. Isaayos ang mga hakbang sa wastong pagkakabit ng butones. Lagyan
ito ng bilang 1-5.
______________ Lagyan ng marka sa tela kung saan ilalagay ang butones.
______________ Itusok ang karayom sa minarkahan sa ilalim ng tela .
___________ ___Ipasok sa butas ng butones.
______________ Ihanda ang mga kagamitan sa pananahi.
______________ Ibuhol sa likuran at gupitin ang sinulid.

PERFORMANCE TASK ( 20 points )


Panuto: Gumupit ng tatlong pirasong tela na puti na may sukat na 4 ½ inches.
Gamit ang mga kagamitan sa pananahi sa kamay, kabitan ng ibat-ibang uri ng
butones and tela. Sundin ang mga hakbang sa Paraan ng Pagkakabit ng Butones na
nasa Worksheet. Ipasa ito sa inyong guro. Ivideo ang sarili habang isinasagawa ang
pananahi at isend ito sa inyong guro sa EPP.

RUBRICS sa Pagkakabit ng Butones


Mga Pamantayan Laang 2 3 4 5
Puntos
Nagpapakita ng tamang hakbang sa pagkakabit ng 5
butones
Nagagamit ang mga kagamitan sa pananahi ng 5
wasto at may pag-iingat
Naipapakita ang tamang pamamaraan ng 5
paggamit ng mga kagamitan sa pananahi
Naiaayos ang sira ng kasuotan sa pamamagitan 5
ng pagkakabit ng butones.

You might also like