You are on page 1of 2

Martes Ika-13 ng Setyembre, 2022

EPP V
V - Masinop 6:30-7:20
V - Masipag 7:20-8:10

I. NILALAMAN
Tatalakayin sa araling ito ang pamamaraan ng pagbebenta ng mga natatanging paninda na
ninanais pagkakitaan sa pag –eentrepreneur,Ito ay upang maunawaan ng mga mag-aaral
ang mga pamamaraan sa pagbebenta ng natatanging produkto upang ang negosyong
pinasok ay kumita at umunlad.

II. LAYUNIN
1. Naiisa-isa ang pamamaraan sa pagbebenta ng natatanging paninda.
2. Nakapagbebenta ng natatanging paninda
3. Napahahalagahan ang perang kinita.

III. PAKSANG ARALIN

Paksa: Ang Entrepreneur mga pamamaraan sa matagumpay na entrepreneur.

(Pagbebenta ng natatanging Paninda)

Sanggunian: K to 12 – EPP5IE-0b-5

Kagamitan: mga natatanging paninda

IV. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

Magpakita ng larawan o video clip na naglalarawan ng mga natatanging paninda

Hal. Puto, suman, bibingka,puto bumbong, at abnoy

Itanong: Anu-no ang mga paninda o pagkain na nakita sa larawan o video clip?

Saan mabibili ang mga panindang ito?Kailan ito kinakain?Ano ang tawag natin

sa mga panindang inilarawan?

B. PAGLALAHAD
Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo
Mag provide ang guro ng maliit na lamesa na lagayan ng maliliit n bilao
ng ilan sa natatanging paninda.( puto, bibingka, suman ,kalamay) sa
tabi nito ay ang bawat halaga ng mga paninda.Bigyan ng ilang minuto
ang bawat grupo na ikutin at pag aralan ang mga natatanging paninda.
Bumalik sa kanya kanyang pwesto at pag- usapan ang naobserbahan ng grupo.
Sagutin ang mga tanong gamit ang manila paper at pentel pen.Iulat sa klase
ng lider ng bawat grupo.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Pangkatang Gawain
 Ang bawat grupo ay mag hahanda ng isang skit/dula-dulaan na
magpapakita kung paano o anong pamamaraan ang gagamitin sa
pagbebenta ng natatanging paninda. Gamiting gabay ang mga
pamamaraan sa pagbebenta ng paninda.
D. PAGSASANIB
 Ano ang inyong natutunan sa dula-dulaang ipinakita?Marami bang bumili
sa inyong paninda?Anu-anong pamamaraan ang inyong ginamit upang
mhikayat ang mamimili na bumili sa inyong paninda?Ano sa palagay
ninyo ang mainam gawin sa halagang inyong kinita sa pagbebenta?
E. PAGLALAHAT
 Isa-isahin ang pamamaraan sa pagbebenta ng natatanging paninda.
(Umisip ng nakaaaliw na pamamaraan sa pag sagot sa klase)
 Sumulat ng maikling sanaysay na may pamagat na PAgbebenta NG
NATATANGING PANINDA.
V. PAGTATAYA:

Lagyan ng tsek ang thumbs up icon kung sumasang-ayon at thumbs down icon kung
hindi sa ipinahahayaag ng bawat sitwasyon.

VI. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN


 Magmasid sa inyong pamilihan. Kapanayamin ang isang entrepreneur kung
paano niya isinasagawa ang pagbebenta ng kanyang mga natatanging
paninda.

You might also like