You are on page 1of 7

5

Gawaing Pagkatuto
EPP
Q3-WEEK 4
‘‘Paggamit ng
makina at kamay
sa pagbuo ng mga
kagamitang
pambahay’’

ROMY B. GEBILAGUIN
MYLEN B. MUŃOZ
Manunulat

1
Division of Masbate
District of Pio V. Corpus
CABANGRAYAN ELEMENTARY SCHOOL
Cabangrayan

Gawaing Pagkatuto Bilang _____


EPP 5

Pangalan: _________________________ Petsa: ________________________


Asignatura-Antas: _________________

I. Panimulang Konsepto
Ang paggamit ng makina sa pananahi ay isang kapaki-pakinabang na
gawaing maari mong matutuhan. Hindi lamang ito makakatulong upang
makapanahi ng sariling damit at gamit. Makatutulong din itong
makapagdagdag ng pagkakakitaan ng mag-anak.

Tunay na mahalagang matutuhan ng isang mag-aaral kung gaano


kahalaga ang pananahi.Nagdudulot ito ng kabutihan sa buhay, katipiran sa
gastusin ng pamilya sa pananamit at nakakaragdag sa kinikita ng mag-
anak. Naipagmamalaki ng isang marunong manahi na siya ang nagtatahi ng
sariling damit. Panghabambuhay na kaalaman ang maibabahagi niya sa
kaniyang mga kapamilya.

Mga Pangunahing Kagamitan sa Pananahi

Medida Sewing gauge Pin cushion Ruler Sewing box

2
Tailor’s square Curve stick Karayom mga aspile Sinulid

a. Sewing box-ito ay lalagyan ng mga kagamitan sa pananahi.


b. Sewing gauge. Ito ay ruler na humigit-kumulang sa 15cm ang haba.
c. Ruler. Ito ay yari sa plastic at ginagamit para sa pagsukat ng mga
tuwid na linya.
d. Meter stick. Ginagamit ito na panukat o pangmarka ng mahahaba at
tuwid na guhit sa tela.
e. Tailor’s Square. Nagbibigay ito ng tamang sukat at marka ng mga
guhit sa mga tamang anggulo tulad ng ng mga guhit na ginagamit sa
pagtatabas.
f. Curve stick. Ginagamit ito para sa mabilis at tamang paraan ng
pagsukat sa mga baluktot na linya gaya ng mga tahi sa tagiliran, tupi
at iba pa.
g. Karayom. Mula 7 hanggang 10 ang sukat ng karayom.
h. Mga Aspile. Mayroong tatlong uri ng aspile na ginagamit sa panahi.
Ang bank pins ay ginagamit sa papel. Ang dressmaker pins ay
katamtaman ang laki at ginagamit sa mga karaniwang tela. Ang silk
pins naman ay mga balingkinitang aspile na may matulis na dulo at
ginagamit sa mga pinong tela.
i. Pin Cushion. Ito ay ginagamit na tusukan ng aspile at karayom upang
madali makuha kung kailangan.
j. Sinulid. Sa pagpili ng sinulid, isaalang-alang ang kulay, sukat, at
hibla.
k. Didal. Isinusuot ito sa hinlalato upang maligtas sa pagkatusok at
mapadali ang pagtulak ng karayom habang nananahi.
l. Medida. May 150cm ang haba nito, yari sa tela o plastic na hindi
nababanat at may bilang sa magkabilang bahagi.

3
Makakagawa ng damit sa kahit anong oras ang sinumang marunong
manahi. Makagagawa rin siya ng mga kagamitang pambahay gaya ng
punda, kurtina, mantel at marami pang iba.

Sa araling ito, tatalakayin ang mga kagamitan na kakailanganin sa


pananahi. Mahalagang bahagi ng araling ito ang pagpaplano at
pagsasagawa ng proyektong kapaki-pakinabang sa mag aaral.

II. Kasanayang pampagkatuto mula sa MELCs

Nakagagamit ng makina at kamay sa pagbuo ng mga kagamitang


pambahay. (EPP5HE-Of-17)

III. Mga Gawain

Gawain A

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang ginagamit na panukat o pangmarka ng mahahaba at tuwid


na guhit sa tela.
a. Medida b. meter stick c. curve stick d. sewing gauge
2. Ito ay ginagamit para sa mabilis at tamang paraan ng pagsukat sa
mga baluktot na linya gaya ng mga tahi sa tagiliran, tupi at iba pa.
b. Medida b. meter stick c. curve stick d. sewing gauge
3. Ito ay ginagamit na tusukan ng aspile at karayum upang madaling
makuha kung kailangan.
a.Medida b. meter stick c. curve stick d. pen cushion
4. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing kagamitan sa pananahi
maliban sa isa.
a.martilyo b. meter stick c. curve stick d. pen cushion
5. Bakit mahalagang matutunan ng isang mag-aaral tulad mo ang
pananahi gamit ang kamay.
a. Para magkaroon ka ng mapagkakakitaan at makatipid sa
pambayad sa mananahi.
b. Upang makaiwas sa gawaing bahay
4
c. Upang hindi mautusan ng mga magulang
d. Upang manalo sa contest

Gawain B

Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang.

__________1. Ginagamit ito para sa mabilis at tamang paraan ng pagsukat sa


mga baluktot na linya gaya ng mga tahi sa tagiliran, tupi at iba pa.

___________2. Nagbibigay ito ng tamang sukat at marka ng mga guhit sa


mga tamang anggulo tulad ng ng mga guhit na ginagamit sa pagtatabas.

___________3. Sewing box-ito ay lalagyan ng mga kagamitan sa pananahi.

___________4. Didal. Isinusuot ito sa hinlalato upang maligtas sa pagkatusok


at mapadali ang pagtulak ng karayom habang nananahi.

___________5. Yari sa plastik ang na ito at ginagamit para sa pagsukat sn


mga tuwid na linya.

Gawain C

Panuto: Gumawa ng isang potholder mula sa pira-pirasong tela gamit ang


tahing kamay at isulat ang pamamaraan ng paggawa nito.

(5 Puntos)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5
IV. Rubriks sa Pagpupuntos

Puntos Pamantayan
5 Maayos at maganda ang pagkagawa ng potholder.
Naisulat na may tamang pagkakasunod-sunod ang
mga pamamaraan ng paggawa nito.
4 Maayos ang pagkagawa ng potholder.
Naisulat na may tamang pagkakasunod-sunod ang
mga pamamaraan ng paggawa nito.
3 Nakagawa ng potholder. Naisulat ang mga
pamamaraan ngunit kulang.
2 Nakagawa ng potholder
1 Walang nagawang output

V. Susi sa Pagwawasto

Gawain A Gawain B

1. B 1. Curve stick

2. C 2. Tailor’s square

3. D 3. Sewing box

4. A 4. Didal

5. A 5. Ruler

Gawain C- Tingnan ang rubriks sa pagpupuntos

VI. Sanggunian

Batayang aklat sa EPP 5 pp. 140-144

MELC EPP5 HE-of-17

6
Inihanda nina:

ROMY B. GEBILAGUIN MYLEN B. MUNOZ


Manunulat Manunulat

Sinuri ni:

RENATO C. CIRIACO
Principal- I

You might also like