You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa EPP V

Isinanib sa Edukasyon sa Pagpapahalaga.


I. Layunin
1. Naisasagawa at naisasapuso ang pagpili ng tamang kasuotan

Wastong pagpili ng kasuotan

II. Paksa
Pagpili ng tamang kasuotan

Sanggunian:
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 ( TX ) pahina 113-114
Pagsasanay sa EPP 5 ( TX ) pahina 120

Kagamitan:
Mga larawan ng ibat ibang uri ng damit, Mahiwagang kahon na naglalaman ng totoong damit at
ibat ibang uri ng chart.

III. Pamamaraan sa pagtuturo


A. Pangunahing mga gaawain
1. Pagbati
2. Drill
Pagpapakita ng larawan ng kalinisan ng sarili.
3. Pagganyak
Pagpapakita ng isang kahon na naglalaman ng ibat ibang uri ng kasuotan
Ang ilang bata ay bubunot ng ibat ibang kasuotan.
B. Mga Panlinang na Gawain
1. Panimula
Sabihin ang paksang tatalakayin
Uulitin ng isang estudyante
2. Talakayan
Paglabas ng kahon na naglalaman ang ibat ibang uri ng damit
Pagkuha ng ibat ibang uri ng damit sa loob ng kahon.
Pagsasagawa at pagsasapuso ng pagpili ng tamang kasuotan.

C. Paglalahat
Ano ang ibat ibang uri ng kasuotan?
D. Paglalapat
Ang mga bata ay hahatiin sa tatlong grupo na may kanya kanyang lider ang bawat pangkat ay may
gagawing activity na kanilang ipapakita sa harap kapag ito ay natapos.
Group 1
Pagguhit ng ibat ibang uri ng kasuotan.

Group 2
Pagsulat ng mga halimbawa ng ibat ibang uri ng kasuotan.
Group 3
Pagpapangkat pangkat ng mga larawan ng ibat ibang uri ng damit

IV. Pagtataya
Isulat sa patlang kung ang mga sumusunod ay damit pamasok, pambahay, pansimba, pantanging
okasyon, panlaro o pantulog.
____________1. Karaniwang isinusuot bilang uniporme sa opisina o paaralan.
____________2. Simple, madaling labhan at preskong suotin.
____________3. Pormal at may manggas.
____________4. Maluwang na damit.
____________5. Damit na pajama.
____________6.Saya at barong tagalog
____________7. Damit na maginhawa sa katawan tulad ng T-shirts at shorts.
____________8. Damit na palda at polo.
____________9.Karaniwang yari sa cotton.
____________10. Magarang damit at sinusuot sa espesyal na okasyon.
V. Takdang – Aralin
Sumulat ng apat na simpleng ehersisyo para sa ating katawan.-

Prepared by;

JAY- JAY B. RONIEL


Teacher I

Noted:

EDWARD J. SAYSON
Principal I

You might also like