You are on page 1of 6

University of Southeastern Philippines

College of Education

BANGHAY ARALIN

Ipinasa ni:

Maria Theresa Veronica E. Toroba


(Bachelor of Elementary Education – 2nd Year)

(EEd 221A – Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan)


IKALAWANG SEMESTRE

03/23/2023

Ipinasa kay:
MS. EVA Q. EBORDE
BANGHAY ARALIN

I. Layunin

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at


kasanayan sa mga “gawaing pantahanan” at tungkulin at pangangalaga sa sarili.

Tiyak na Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Malaman ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paglalaba gamit
ang kamay.
• Maisagawa ang wastong paraan ng paglalaba ng kasuotan.
• Mapahalagahan ang wastong paglalaba ng kasuotan.

II. Paksang Aralin


Paksa: Wastong Paraan ng Paglalaba (EPP5HE-0c-7)
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Mga Larawan, Sagutang Papel.
Sanggunian:
Kagawaran ng Edukasyon. (2016, June 27). EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN (EPP) and TECHNOLOGY AND LIVELIHOOD
EDUCATION (TLE). DepEd. https://www.deped.gov.ph/wp-
content/uploads/2019/01/EPP-CG.pdf

Kagawaran ng Edukasyon. (2022). Pangangalaga ng Sariling Kasuotan. In


PIVOT 4A Learner's Material EPP (Home Economics) G5 (2nd ed., pp. 6-12).

Orlandez, F. (2020, September 15). EPP 5/TLE 5 HE Week 2 MELC WASTONG


PARAAN NG PAGLALABA [Video]. YouTube. https://youtu.be/0l7F72yOTJ8

Teacher Leng (2021, May 18). WASTONG PARAAN NG PAGLALABA || EPP ||


Teacher Leng [Video]. YouTube. https://youtu.be/uliIM6nlUl0

Val Live (2021, November 9). GRADE 5 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO:


WASTONG PARAAN NG PAGLALABA [Video]. YouTube.
https://youtu.be/jg2fFmJM6Po

III. Pamamaraan
1. Paunang A. Panalangin
Gawain B. Pagbati
C. Paglilista ng mga lumiban sa klase
D. Pampasigla (“Bring Me!”)
E. Pagbabalik-aral
Nakaraang aralin: Naiisa-isa ang mga paraan upang
mapanatiling malinis ang kasuotan.
1. Magpapakita ng tatlong larawan na may kalakip na hindi
kumpletong salita.
Pa_t_t_p_ Pa_am_l_n_sa

Pa_t__ah_
2. Kukumpletuhin ng mga mag-aaral ang mga salitang
ipinapahiwatig ng larawan.
F. Pagwawasto ng takdang-aralin
G. Pagganyak (“Ano Ako?”)
1. Magpapakita ng tatlong larawan na may koneksyon sa
itatalakay na paksa.

2. Huhulaan ng mga mag-aaral ang salitang ipinapahiwatig


ng mga larawan: “PAGLALABA”
2. Panlinang A. Aktibiti (“Guhit Mo, Huhulaan Ko!”)
na Gawain 1. Hahatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral.
2. Pipili ng isang representante ang bawat pangkat.
3. Ang mga representante ay bubunot ng isang papel na
may kalakip na salitang konektado sa paksang
tatalakayin ng guro.
Damit Sabon Tubig
4. Iguguhit ng mga representante ang kanilang nabunot na
salita sa pisara.
5. Ang mga natitirang miyembro ng pangkat ay huhulan
ang salitang nabunot ng representante.
6. May isang hint lamang ang bawat pangkat.
7. Oorasan ng guro ang mga mag-aaral at mananalo ang
pangkat na may pinakamabilis na oras sa paghuhula.
8. Bibigyan ng premyo ang nanalong pangkat.
B. Pagsusuri (Analisis)
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. May koneksyon ba ang mga salitang hinulaan ninyo sa
ating paksa tungkol sa paglalaba?
2. Ano ba ang papel ng damit sa paglalaba?
3. Para saan ang sabon at tubig sa paglalaba?
C. Paglalahad ng Aralin (Abstraksyon)
Paglalaba
• Inaalis ang kumakapit na dumi, pawis, at alikabok na
nakadikit sa kasuotan.

Pagkakasunod-sunod ng mga Hakbang sa Paglalaba Gamit


ang Kamay
1. Ihanda ang lahat ng kagamitan sa paglalaba.
2. Ihiwalay ang mga puting damit sa mga de kolor.
3. Suriin isa-isa ang mga damit.
4. Basain isa-isa ang mga damit.
5. Sabunin ng una ang mga puti at bigyang pansin ang
kuwelyo, kilikili, bulsa at mga laylayan.
6. Banlawang mabuti ang mga damit.
7. Idagdag ang fabric conditioner kung nais lamang
gumamit nito.
8. Patuyuin ang damit sa dryer o isampay gamit ang sipit o
hanger sa nasisikatan ng araw ang mga puting damit.
Ang de-kolor na damit ay isasampay sa di-gaanong
nasisikatan ng araw.

Kahalagahan ng Wastong Paglalaba


• Nagbibigay anyo sa kasuotan.
• Nagpapahaba sa pakinabang ng kasuotan.
• Nagiging malinis tingnan ang isang tao kapag siya ay
may malinis na kasuotan.
D. Aplikasyon (Paggawa ng Slogan)
1. Hahatiin sa pitong pangkat ang mga mag-aaral.
2. Gagawa ng slogan ang bawat pangkat sa loob ng limang
minute. Ang paksa ng slogan ay tungkol sa koneksyon
ng wastong paraan ng paglalaba at kalinisan.
3. Ang paggawa ng slogan ay batay sa pamantayan o
krayterya.
Krayterya 10 5 1
Napakahusay Katamtaman Nangangailanga
n ng Gabay
Nilalaman Mabisang Di gaanong Walang
naipakita ang naipakita ang mensaheng
mensahe. mensahe. ipinakita.
Kaangkupan May malaking May kaunting Walang
sa Paksa kaugnayan sa kaugnayan kaugnayan sa
paksa. sa paksa. paksa.

IV. Pagtataya (Ebalwasyon)


A. Ayusin ang mga hakbang sa paglalaba ayon sa pagkakasunod-sunod.
Isulat ang bilang 1-8 sa patlang. (8 puntos)
_______ Suriin isa-isa ang mga damit.
_______ Banlawang mabuti ang mga damit.
_______ Ihanda ang lahat ng kagamitan sa paglalaba.
_______ Patuyuin ang damit sa dryer o isampay gamit ang sipit o hanger sa
nasisikatan ng araw ang mga puting damit. Ang de-kolor na damit ay
isasampay sa di-gaanong nasisikatan ng araw.
_______ Basain isa-isa ang mga damit.
_______ Ihiwalay ang mga puting damit sa mga de kolor.
_______ Idagdag ang fabric conditioner kung nais lamang gumamit nito.
_______ Sabunin ng una ang mga puti at bigyang pansin ang kuwelyo, kilikili,
bulsa at mga laylayan.

B. Basahin at unawain ang mga pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang


salitang TAMA kung sang-ayon ka sa pangungusap, at isulat ang MALI
kung hindi ka sang-ayon. Isulat ang sagot sa patlang.
_______ 1. Ang paglalaba ay ginagawa lamang upang mapuri ka ng mga tao
dahil sa iyong kalinisan.
_______ 2. Hindi magtatagal ang ating mga kasuotan kapag palagi natin itong
nilalabhan
_______ 3. Nagiging maayos ang ating mga kasuotan kapag nilalabhan natin
ang mga ito.
_______ 4. Hindi nagpapahaba ng pakinabang ang paglalaba ng kasuotan
_______ 5. Inaalis ng paglalaba ang mga dumi sa ating kasuotan.
_______ 6. Mahalagang matutunan ang wastong paglalaba ng kasuotan.
_______ 7. Nagiging malinis ang ating kasuotan kapag nilalabhan nito ang
mga ito.

Mga Kasagutan
Pagtataya A Pagtataya B
3 1. MALI
6 2. MALI
1 3. TAMA
8 4. MALI
5. TAMA
4 6. TAMA
2 7. TAMA
7
5

V. Takdang-Aralin
Basahin at unawain ang tanong. Gumawa ng isang talatang sanaysay na
sumsagot sa katanungan. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. Basahin ang
krayterya sa pagsasagot. (5 puntos bawat bilang)
1. Ano-anong kabutihan ang naidudulot ng wastong paglalaba ng kasuotan?
2. Ano-anong kabutihan ang naidudulot ng wastong paglalaba ng kasuotan?

Krayterya 5 3 1
Napakahusay Katamtaman Nangangailangan
ng Gabay
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ngunit Hindi kumpleto at
komprehensibo hindi gaanong hindi
ang mga salita at komprehensibo komprehensibo
ideya. ang mga salita at ang mga salita at
ideya. ideya.
Organisasyon Maayos ang Katamtaman ang Hindi maayos ang
pagkakasunod- pagkakasunod- pagkakasunod-
sunod ng mga sunod ng mga sunod ng mga
salita at ideya. salita at ideya. salita at ideya.

Inihanda ni:

Maria Theresa Veronica E. Toroba


Pangalan & Lagda

Napatunayan ni:

MS. EVA Q. EBORDE

You might also like