You are on page 1of 4

PAARALANG EPIFANIO DELOS SANTOS

1725 Singalong Malate, Manila

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5


5 - Integrity 12:50 - 1:40 p.m.
March 5, 2023

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap


(Content Standard) (Performance Standard)
Wastong Hakbang sa Pamamalantsa ng Pagkatuto ng wastong paraan sa
Polo o Blusa pamamalantsa ng Polo o Blusa

I. Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natatalakay ang mga wastong kagamitan at wastong paraan
sa pamamalantsa ng kasuotan.
b. Naisasagawa ang wastong paggamit ng mga kagamitan at pamamalantsa na
kasuotan.
c. Nakadarama ng kasiyahan sa natapos na pamamalantsa ng sariling kasuotan.
II. Paksang-Aralin:
a. Paksa: Wastong Hakbang sa Pamamalantsa
b. Mga kagamitan: laptop at visual aids.
c. Mga Sanggunian:
Modyul 3: W3 EPP5HE-Od-8
d. Pagpapahalaga:

 Napapahalagahan ang Wastong Hakbang at kagamitan sa


Pamamalantsa.

III. Mga Proseso ng pagkatuto:


A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
Checking of Attendance: Pag-uulat ng bawat lider ng pangkat kung sino
at ilan ang liban sa klase.
3. Unang Pagsubok:
Panuto: Tukuyin at Sabihin kung anong natatanging parte/lawaran ng
kasauotan.

1. 2. 3.

4. 5.
4. Balik- Aral:
Ang guro ay magtatanong tungkol sa natapos na group activity na Pag-
aalis ng Mantsa na tinta sa retaso gamit ang 70% percent solution ng
alcohol.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
 Jumbled with a twist
Panuto: Ayusin ang mga letra sa jumbled word upang mabuo ang
tamang salita na maghahayag sa ating aralin. Bawat pangkat ay mag
papaunahan sa pagtayo, at sinomang mauna, siyang pangkat ang
sasagot ng mga salitang ipapakita ng guro.

1. PTANSLA
Tamang Sagot: “Plantsa”
2. KBAYOA
Tamang Sagot: “Kabayo”
3. HNGARE
Tamang Sagot: “HANGER”
4. PGNA WKISI
Tamang Sagot: “PANG WISIK”

2. Suliranin
 Paano ang wastong Hakbang sa Pamamalantsa ng Polo o Blusa
3. Paghawan ng Balakid
Karayagan – Sanggunian ng harap o likuran na bahagi ng Damit
Ohales – Maliit na butas, lalo na sa tela o damit na sinasadya para maging
eyelet.
Butones – Maliit na pangkabit sa dalawang tinahi na tela.

4. Karanasan ng Pagkatuto
Panuto: Isaayos ang mga hakbang ng pamamalantsa ng blusa o polo ayon
sa wastong pagkakasunod-sunod.Lagyan ng bilang 1-5 ang puwang sa
patlang.
___________a. Plantsahin ang mga manggas.
___________ b.Isunod ang likod ng balikat,kaliwa at kanang bahagi.
__________ c.Plantsahin paikot ang katawan ng blusa o polo.
___________d. Wisikan ang buong bahagi ng kasuotan..
___________e. Plantsahin ang kuwelyo ng blusa o polo.

5. Paglalahat
Mahalagang may kaalaman at matutunan ang tamang kagamitan at
wastong hakbang sa pamamalantsa ng ating kasuotan upang maiwasan
ang anumang aksidente ng pagkapaso at mas mapabilis proseso ng
pamamalantsa.
IV. Paglalapat
Panuto: Ihanda ng iyong dala kasuotang polo o blusa isagawa ang wastong hakbang
sa pamamalantsa. Sundin ang mga pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa
pagagawa upang makaiwas sa anumang aksidente o sakuna.

V. Takdang Aralin
* Panuto: Isulat ang iyong pagninilay tungkol sa wastong pamamalantsa ng
kasuotan. Maaari kang sumagot ayon sa iyong naiisip at nararamdaman sa
malikhaing pamamaraan.

1. Anu-ano ang mga inihandang gawain bago mamalantsa?


2. Bakit mahalagang matutunan ang wastong pamamalantsa ng sariling damit?

* Pag-aralan ang ating nakaraang mga aralin at maghanda sa ating pagsusulit.


* Ihanda ang mga kagamitan na kakailanganin sa pananahi.

Inihanda ni:

Bb. Aizel Mae S. Reyes


Student Teacher sa Home Economics V

Pinagtibay ni:

Bb.Chiqui H. Samblasinio
Guro sa Home Economics V

You might also like