You are on page 1of 5

Learning Area EPP-HOME ECONOMICS Grade Level 5

W2 Quarter Date

I. LESSON TITLE Pangangalaga ng Sariling Kasuotan(Paglalaba at Pamamalantsa)


II. MOST ESSENTIAL LEARNING 1.2 naisasagawa ang wastong paraan ng paglalaba
COMPETENCIES (MELCs) 1.2.1 napaghihiwalay ang puti at di-kulay
1.7 naisasagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa
EPP5HE-0c-7

III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa mga “gawaing
pantahanan” at tungkulin at pangangalaga sa sarili.

Sanggunian: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Batayang Aklat sa


Baitang 5
MELC EPP/TLE p.405, PIVOT 4A BOW p. 275)

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction Day 1 Sa araling ito ay tatalakayin ang wastong paraan ng paglalaba ng
Panimula mga kasuotan. Mahalagang matutunan ito upang mapangalagaan ang
ating mga kasuotan at upang maging responsable sa pagtulong sa mga
gawaing bahay. Nasa paglalaba rin ang ikinatatagal sa gamit ng damit.
Kaya mahalaga na matutunan at masunod natin ang wastong paglalaba.
kagaya ng ginawa ni Lisa. Bukod sa paglalaba kailangan din na matutunan
ninyo ang wastong paraan ng pamamalantsa. Ang pagsusuot ng gusot na
damit ay hindi maganda at hindi kaaya-aya dahil nagmumukha itong
marumi at luma. Upang maging sapat ang iyong kaalaman sa wastong
paraan ng pamamalantsa isagawa ang susunod na gawain.

Makatutulong ang aralin na ito upang mapanatili na maayos ang


iyong pananamit. Ang pagsunod sa tamang pamamaraan at kagamitan sa
pamamalantsa ay nakatutulong sa pagsasagawa sa isang mahusay at
maayos na pagpaplantsa ng damit. Ang pagsusuot ng gusot na damit ay
hindi maganda at hindi kaaya-aya dahil nagmumukha itong marumi at
luma.

Wastong Hakbang sa Pamamalantsa


1. Ihanda ang lahat ng kailangan. Plantsa, plantasahan o kabayo na
may makapal at malambot na sapin, pangwisik, mga sabitan o
hanger at malinis na basahan na pambasa.
2. Ihanda ang paplantsahin. Bukod-bukod rin ito- blusa at polo,
pantalon, palda, mga panloob, panyo. Hindi na ito kailangang
wisikan o basaing sabay-sabay kung may pandilig ang plantsa.
Kung wala naman, mainam na gamitin ang sprayer o pangwisik.
3. Subukin ang init ng plantsa sa isang basahan, hindi sa plantsahan at
lalong hindi sa damit. Ang iba ay gumagamit ng dahon ng saging
para dumulas ang plantsa.
4. Maingat na plantsahin ang mga bahagi ng damit ayon sa
pagkakasunod-sunod. Maaring maiba ito ayon sa yari ng damit at
sa pangangailangan.
4.1 Blusa o polo – unahin plantsahin ang kuwelyo, isunod ang
manggas, bahagi ng balikat sa likuran at unahan ng blusa o
polo, harapan at ang ibang bahagi.
4.2 Palda- unahing plantsahin ang bulsa, bahagi ng baywang o
sinturera, at zipper. Unatin ang buong palda at plantsahin ang
mga pleats.
4.3 Short/Pantalon- Unahing plantsahin ang mga bulsa at isunod
ang
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
bahagi ng tahi sa zipper, isunod ang bahagi ng baywang at
sinturera patungo sa balakang at hita ng pantalon.Iwasan ang
dobleng piston.
4.4 May kasuotang sa kabaligtaran pinaplantsa tulad ng mga may
burda, may disenyo na maaring manikit. Ginagawa rin ito sa
mga lace. Nakababawas sa pangungupas ang ganitong
paraan.
5. Isampay nang maayos sa mga sabitan ang mga pinalantsa. Ang
mga iba pang kasuotan at kagamitan ay maayos na tiklupin at
itago nang ayon sa pangkat.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: (a) maisagawa ang wastong


paraan ng paglalaba; at (b) maisagawa ang wastong paraan ng
pamamalantsa.

Link: https://images.app.goo.gl/2ND54KU6bKLbMhAJ7
https://images.app.goo.gl/hCsKuRGv8t2z7Kxq6
https://images.app.goo.gl/x4xN5esDxJKv3tYq7

B. Development Day 2 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang maikling Kwento na may pamagat
Pagpapaunlad na “Ang Batang Kahanga-hanga” at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
“Ang Batang Kahanga-hanga”

Araw ng Sabado maagang gumising si Lisa upang tumulong sa


kanyang nanay na maglalaba. Tulad ng kanyang nakagawian at natutunan
mula sa kanyang Nanay, inihanda na niya ang lahat ng kagamitan na
gagamitin nila sa paglalaba. Inihiwalay na niya ang mga puting damit sa
dikulay. Isa-isa niyang sinuri ang mga damit kung ito ba ay may sira, maging
ang bulsa ay tiningnan muna niya kung may laman. Pagkatapos ay binasa
na niya isa-isa ang mga damit. Sinimulan na nila ng kanyang nanay ang
paglalaba. Unang sinabon ang puting damit at binigyang pansin ang
kuwelyo, kilikili, bulsa at mga laylayan. Ikinula nila ang putting damit habang
nilalabhan ang mga di gaanong maruming damit. At kanilang nang
binanlawan ang mga ito at saka isinampay. Tunay ngang si Liza ay batang
kahanga-hanga dahil sa edad na sampung taon ay kaya na niyang
maglaba. Ito ay dahil sa natutunan niya sa kanilang aralin sa EPP Home
Economics sa baitang 5. Nang matapos ang paglalaba ay nagpahinga na
sila ng kanyang nanay.

Mga tanong:
1. Bakit maagang gumising si Lisa?
2. Ano-ano ang mga hakbang sa paglalaba na nabanggit sa kwento?
3. Bakit kailangang sundin ang mga hakbang na ito?
4. Paano siya naging isang batang kahanga-hanga?
5. Ano ang katangiang ipinakita ni Lisa sa kwento?
6. Ginagawa mo rin ba ang kagaya ng ginagawa ni Lisa?
7. Paano naipakita ang pangangalaga sa kasuotan? Ipaliwanag

C. Engagement Day 3 Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Mag-interview sa mga kasama sa bahay na


Pakikipagpalihan may kaalaman tungkol sa wastong pamamalantsa ng kasuotan upang
masagutan ang gawain. Isaayos ang wastong hakbang sa pamamalantsa
ng kasuotan. Lagyan nng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunud-sunod. Gawin
ito sa iyong sagutang papel

Blusa/polo
_______ Plantsahin ang manggas
_______ Isunod unatin ang likod ng balikat, katawan, at kanang bahagi.
_______ Plantsahin paikot ng katawan ng polo o blusa
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
_______ Wisikan ang buong bahagi, plantsahin ang kuwelyo at butones.
_______ Plantsahin ang harap na katawan at paikot sa damit

D. Assimilation Gawain sa pagkatuto Bilang 3


Paglalapat Isagawa ang wastong paglalaba at pamamalantsa ng kasuotan.
Gawing mong gabay ang mga tamang paraan ng paglalaba at
pamamalantsa ng kasuotan. Bigyan ng marka ang iyong sarili sa
pamamagitan ng score card sa ibaba. Gawin ang score card sa iyong
sagutang papel.

SCORE CARD PARA SA WASTONG PAGLALABA


KATANGIAN TAKDANG AKING
MARKA MARKA
1. Naihanda ang lahat ng kagamitan na 20
kakailanganin sa paglalaba?
2. Pinaghiwalay ang puti at de kolor na 10
damit.
3. Unang nilabhan ang puting damit 10
4. Naalis ang duming nakakapit sa damit. 20
5. Nabanlawang mabuti ang mga damit 20
6. Naisampay ng maayos ang mga damit 20
na nilabhan
Kabuuan 100

SCORE CARD PARA SA WASTONG PAMAMALANTSA


KATANGIAN TAKDANG AKING
MARKA MARKA
1. Naihanda ang lahat ng kagamitan na 20
kakailanganin sa pamamalantsa.
2. Binaligtad muna ang lahat ng damit na 20
papalantsahin bago nagsimula.
3. Unang pinalantsa ang kuwelyo. 20
4. Nasunod ang tamang paraan ng 20
pamamalantsa.
5. Natupi at naihanger ng maayos ang 20
mga damit na naplantsa
Kabuuan 100

V. ASSESSMENT Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Magsalaysay ayon sa iyong naging


(Learning Activity Sheets for karanasan sa paglalaba at pamamalantsa. Isulat ang iyong naging
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks
damdamin sa mga gawaing ito. Isulat ang iyong salaysay sa sagutang
3 and 6) papel.

PUNTOS Level Katangian ng Isinulat na Salaysay

5 Huwaran Nakapagsalaysay ng naging karanasan


at damdamin tungkol sa naging
karanasan sa paglalaba at
pamamalantsa ng buong husay.

4 Napakahusay Napakahusay ng pagsasalaysay sa


naging karanasan at damdamin tungkol
sa paglalaba at pamamalantsa.

3 Mahusay Mahusay na nakapagsalaysay ng naging


karanasan at damdamin tungkol sa
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
naging karanasan sa paglalaba at
pamamalantsa.

2 Katamtaman Nakapagsalaysay ng naging karanasan


at damdamin tungkol sa paglalaba at
pamamalantsa ngunit hindi gaanong
malinaw ang kanyang nais na iparating.

1 Nangangailangan Nangangailangan ng gabay dahil ang


ng gabay. isinulat na salaysay ay paulit ulit at hindi
malinaw ang nais iparating.

VI. REFLECTION Magsulat ka sa iyong sagutang papel ng iyong nararamdaman o realisasyon


gamit ang sumusunod na prompt

Nauunawaan ko na ___________________.
Nabatid ko na ________________________.
Kailangan ko pang matuto nang higit pa tungkol sa
__________________________.

Prepared by: MELISA O. SILLOS – Jose Rizal Memorial School Checked by: ERLITO B. ORLINGA
EPP-HE-G5-W2
Susi sa Pagwawasto

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5

Blusa/polo
2 Plantsahin ang manggas
3 Isunod unatin ang likod ng balikat, katawan, at kanang bahagi.
4 Plantsahin paikot ng katawan ng polo o blusa
1 Wisikan ang buong bahagi, plantsahin ang kuwelyo at butones.
5 Plantsahin ang harap na katawan at paikot sa damit

REFERENCES

Sanggunian: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Batayang Aklat sa


Baitang 5

Link: https://images.app.goo.gl/2ND54KU6bKLbMhAJ7
https://images.app.goo.gl/hCsKuRGv8t2z7Kxq6
https://images.app.goo.gl/x4xN5esDxJKv3tYq7

You might also like