You are on page 1of 6

Detalyadong Banghay-Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V

I. Layunin
Sa pag-tatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipapaliwanag ang kahulugan ng pamamalantsa;
b. naisasagawa ang wastong pamaraan ng pamamalantsa, at;
c. napapahalagahan ang kaalaman sa pamamalansta.

II. Paksang Aralin


Paksa: Naisasagawa ang wastong paraan ng pamamalantsa
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 2016-EPP5HE-Od-8
Kagamitan: Pananda, Neon, Tape, Laptop, Projector
Balyu: Pag-papahalaga

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1) Panalangin

Tumayo ang lahat para sa Opo Ma’am(sa ngalan ng ama,ng anak,


ating panalangin. at ng esperito santo, Amen…)
Anna, pamunuan moa ng
ating panalangin.

Salamat Anna!

2) Pag-bati

Magandang hapon mga bata! Magandang hapon rin po Ma’am!

Salamat! Maaari na kayong Salamat po Ma’am!


umupo.

3) Pag-tala ng Liban

(Tawagin ng Guro ang class


monitor)May lumiban ba sa Wala po Ma’am.
araw na ito?

4) Pamukaw-awit
“Paa, Tuhod, Balikat, Ulo”

Paa, tuhod, balikat,ulo


Paa, tuhod, balikat,ulo
Paa, tuhod, balikat,ulo
Pumadyak tayo at
magpalakpakan

5) Balik Aral
Mga bata, ano ang huling Ang huli nating tinalakay ay tungkol sa
nating tinalakay kahapon? Wastong paraan ng paglalaba.
Tama!

B. Panlinang ng Gawain

1) Pag-ganyak

(Mag-papakita ng mga
Larawan dapat ihanda bago
mamalantsa)

Mga bata, may ipapakita ako


sa inyo na mga larawan at
maari niyo bang tukoyin
kung ano ito.

a. Plantsa
Plantsa

b. Basket
Basket

c. Hanger
Hanger

d. Plantsahanan
Plantsahanan

Sa inyong palagay, para saan


ang mga larawan na inyong Para po sa pamamalantsa.
nakita?

Marunong ba kayong mama-


lantsa? Opo/hindi po Ma’am

Alam niyo ba ang wastong


pamaraan ng pamamalantsa Hindi po/Opo Ma’am
2) Paglalahad

Okay mga bata, para mas lalo


nating maunawaan kung
paano ang wastong pamaraan
ng pamamalantsa ng damit at
mga kagamitan na dapat
ihanda bago mamalantsa.

3) Pangkatang Gawain

Bago tayo mag-simula sa


ating talakayanan meron
muna tayong pangkatang
gawain. Papangkatin ko kayo
sa tatlong pangkat.

Magbilang kayo sa tatlo.


1,2,3…
Okay mga bata pumunta sa
inyong mga pangkat

Isaayos ang wastong


hakbang sa pamamalantsa ng
Palda. Lagyan ng bilang 1-5
ang puwang sa tabi ng titik.
Pag-katapos ng limang
minuto pumili ng isang mag-
aaral upang ipaliwag ang
kanilang gawain.

Pumunta sa inyong mga


pangkat. Opo Ma’am(Nag tayuan ang mga mag-
aaral)
May mga tanong ba mga
bata? Wala po!
Maliwanag ba mga bata?
Opo Ma’am!
___A. Ihanger nang maayos.
5 A.
___B. Unatin ang buong
palda at balikan sa bahagi ng 4 B.
zipper at bulsa upang lupian
nang wasto ang mga piliges
at plantsahin ang mga pleats.

___C. Baligtarin, plantsahing


muli ang bahagi ng baywang. 3 C.

___D. Unahing plantsahin


ang blusa, bahagi ng 2 D.
baywang o sinturera, at
zipper.

___E. Wisikan ng tubig kung


kinakailangan. 1 E.
C. Pag-tatalakayan

Bago ang lahat, ano ang ibig-


sabihin ng pamamalantsa ng
damit? Ang mga damit ay kailangan plansahin
upang maging maayos tingnan.
Magaling!

(Ipakita sa power point


presentation ang tatalakayin
tungkol sa naisasagawa ang
wastong paraan ng
pamamalantsa)

Ang mga damit ay kailangan


plansahin upang maging
maayos tingnan.

Mga dapat ihanda bago


mamalantsa

Hanger-Ito ang ginagawang


sabitan g mga bagong plantsa
na damit.

Plantsa-Ito ang gingamit


upang maging maayos
tingnan ang damit.

Plantsahan-Ito ang
sumusuporta sa plantsa,

Basket-Dito nakalagay ang


mga hindi pa napapalansta.

Wastong paraan ng
pamamalantsa

 Plantsahin muna ang


makapal na damit
bago ang manipis.

 Baligtarin ang damit


at plantsahin ang mga
bulsa, hugpungan o
seams, at ang mga
dobleng kapal ang
tela tulad ng kuwelyo
at laylayan.

 Ibalik muli sa
karagayan ang damit
at plantsahin ang
kuwelyo, manggas,
likod, at harapang
bahagi.

 Kung may pilege o


pleats ang palda,
ayusin muna ito at
padaanan ng
malinisna pasador
bago plantsahin, mula
laylayan patungong
bewang.

 Padaanan din ang


mga lukot na damit
ng malinis na
pasador.

 Wisikan ng tubig
upang ito ay kuminis
bago plantsahin.

 Isabit sa hanger ang


mga damit at
pantalon lalo na ang
mga damit panlabas
at uniporme.

Tandaan Natin!
 Upang makatipid sa
kuryente, kapag
namamalantsa,
baligtarin muna ang
lahat ng mga damit
bago plantsahin ang
mga ito.

 Sundin ang mga


hakbang sa
pamamalantsang
polo, blouse, palda,
pantalon at ibang
pang damit.

IV. Pag-tataya

Sa isang ¼ na papel isulat ang


sagot sa mga katanungan.

1. Dito nakalagay ang mga


hindi pa napaplantsa?
1. Basket
2. Ito ang sumusuporta sa
plantsa?
2. Plantsahan
3. Ito ang ginagawang sabitan
ng mga bagong plantsa na
3. Hanger
damit?

4. Ang mga damit ay kailang


plansahin upang maging
4. Pamamalantsa ng damit
maayos tingnan?

5. Ito ginagamit upang maging


maayos tingnan ang damit?
5. Plant
V. Takdang- Aralin

Sundin ang wastong paraan ng


pamamalantsa ng iyong sariling
damit. Gawain ito sa sabado o lingo at
mag-handan ng ulat tungkol dito sa
buong papel.

Inihanda ni:

Christine Faith Joy Y. Quimson

You might also like