You are on page 1of 4

Isang Mala-Masusing Banghay Aralin sa EPP IV

(Industrial Arts)

I. LAYUNIN:

Sapagtatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahan na:

a. Matukoy ang pamamaraan ng pamamalantsa

b. Maibibigay ang pagkakasunod sunod ng paraan ng pamamalantsa

c. Naisasagawa nag tamang pamamaraan sa pamamalantsa

II. PAKSANG ARALIN: Pamamaraan sa Pamamalantsa ng mga damit

III. MGA KAGAMITAN: Powerpoint Presentaion, Mga litrato

MGA SANGGUNIAN: MELCS Pahina 402, EPP4IA-0a-1, Panimulang Panalangan sa


Klase - Hiraya (https://youtu.be/saymwePh4Cw?si=_iHLG_qYA45ZW6b6)

IV. MGA GAWAIN

A. Paghahanda

 Dasal/Pagdarasal
Para sa ating panalangin, hinihiling ko na ang lahat ay tumungo at
damhin ang pesensya ng panginoon.

Panginoon, salamat po sa panibagong araw na ito upang kame ay matuto.


Buksan nyo po ang aming isipan upang lubos na maintindihan ang aming
aralin. Bigyan nto rin po ang aming mga guro, mga magulang, at kamag-
aral ng lakas ng katawan at isipan, na mas higit namin kailangan sa araw-
araw sa panahong ito. Ang lahat po ng ito ay aming dinadalingan sa iyo,
aming Diyos Ama, Amen.

 Pagbati
Magandang Umaga sa inyong lahat, handa na ba kayo sa ating aralin
ngayon araw?

 Pagtatala ng mga dumalo sa klase

Bago ang lahat, atin munang alamin kung mayroon bang lumaban
sa klase natin ngayon hapon.

 Pamamahala ng Silid-aralan

Ngayon naman bago tayo mag umpisa, maaari bang ayusin muna
ang mga upuan at pulutin ang mga kalat na inyong mga nakikita at
ainyong mga bag at itapon mamaya pag tapos ng klase.

B. Pagganyak

Para sa ating bagong aralin, meron akong inihandang mga larawan.

Marunong ba kayo mamalantsa ng inyong mga damit?


Sino ang namamlantsa ng inyong mga uniporme?

C. Pagtuturo ng Aralin

Sa araling ito ay malalamn Ninyo ang wastong pamamaraan ng


pagmamalantsa
Mga pamamaraan ng pamamalantsa:
1. Ihanda ang lahat ng kailangan. Plantsa, plantasahan o kabayo na
may makapal at malambot na sapin, pangwisik, mga sabitan o
hanger at malinis na basahan na pambasa.

2. Ihanda ang paplantsahin. Bukod-bukod rin ito- blusa at polo,


pantalon, palda, mga panloob, panyo. Hindi na ito kailangang wisikan
o basaing sabay-sabay kung may pandilig ang plantsa. Kung wala
naman, mainam na gamitin ang sprayer o pangwisik.
3. Subukin ang init ng plantsa sa isang basahan, hindi sa plantsahan
at lalong hindi sa damit. Ang iba ay gumagamit ng dahon ng saging
para dumulas ang plantsa.
4. Maingat na plantsahin ang mga bahagi ng damit ayon sa
pagkakasunod-sunod. Maaring maiba ito ayon sa yari ng damit at sa
pangangailangan.
4.1 Blusa o polo – unahin plantsahin ang kuwelyo, isunod ang
manggas, bahagi ng balikat sa likuran at unahan ng blusa o polo,
harapan at ang ibang bahagi.
4.2 Palda- unahing plantsahin ang bulsa, bahagi ng baywang o
sinturera, at zipper. Unatin ang buong palda at plantsahin ang mga
pleats.
4.3 Short/Pantalon- Unahing plantsahin ang mga bulsa at isunod ang
bahagi ng tahi sa zipper, isunod ang bahagi ng baywang at sinturera
patungo sa balakang at hita ng pantalon.Iwasan ang dobleng piston.
4.4 May kasuotang sa kabaligtaran pinaplantsa tulad ng mga may
burda, may disenyo na maaring manikit. Ginagawa rin ito sa mga
lace. Nakababawas sa pangungupas ang ganitong paraan.
5. Isampay nang maayos sa mga sabitan ang mga pinalantsa. Ang
mga iba pang kasuotan at kagamitan ay maayos na tiklupin at itago
nang ayon sa pangkat.

D. Pangkatang Gawain

Ang klase ay mahahati sa dalawang grupo. Ang bawat grupo ay may naka-
atas na gawain na dapat matapos sa loob ng limang minuto.

Pangkat 1 – Iguhit ang kagamitan sa pamamalantsa.


Pangkat 2 – Ibigay ang limang pamamaraan sa pammalantsa
E. Pagbubuod

Mahuhusay mga bata! Ngayon naman dahil matagumpay ninyong natapos


ang pangkatang gawain, ibig sabihin lamang nito ay may natutunan kayo sa
ating tinalakay ngayong araw.

At dahil may natutunan kayo, Sino ang makakapagbigay ng buod ng tamang


pamamaraan sa paglalaba?

Inihanda nina:

BENEDICT MENDOZA
Pangalan ng mag-aaral

Ipinasa kay:

NIKOLO JIAN VELICARIA


Propesor

You might also like