You are on page 1of 6

Philippine Normal University

The National Center for Teacher Education


Mindanao
Multicultural Education Hub
The Center of Excellence in CARAGA Region
Prosperidad, Agusan del Sur

Detalyadong Banghay-Aralin sa Pagpapahalaga sa Pang-araw-


araw na Pamumuhay 2
(Deductive Method)

Ipinasa ni:

Jhasen Boscano
Practice Teacher

Ipinasa kay:

MS. SHERYL F. AMAÑO


Supervising Instructor

Oktubre 12, 2023


Detalyadong Banghay-Aralin
Arete 2

I. Layunin (Objectives)
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. malalaman ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng kalinisan sa kanilang kalusugan
at kapaligiran.
b. magkaroon ng kamalayan sa importansiya ng kalinisan sa ating paligid.
c. makapagbahagi ng kanilang karanasan sa paglilinis ng paligid.
Pagpapahalaga: pagiging malinis

II. Paksang Aralin (Subject Matter)


Paksa: Pinanatili Kong Malinis at Maayos ang Aking Lugar
Mga Sanggunian: Arete: Pagpapahalaga sa Pang-araw-araw na Pamumuhay, pahina 25-
27 (Ignacio et al., 2020)
Mga Kagamitan: Libro, Larawan, Worksheet
Estratehiya: Deductive Method

III. Pamaraan (Procedure)

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain (Preparatory Activity)


1. Balik-aral (Routine)
Magandang araw, mga bata! Magandang araw, Titser!

Kumusta ang araw ninyo? Masaya po!


Mabuti po!

Mabuti naman!

Lahat ba ay nandito sa klase? Opo, Titser!

Oh! Masaya akong nandito ang lahat sa ating


klase.

Ngayon, sino sa inyo ang nakakaalala sa


leksyon kahapon?
Titser, ang leksyon kahapon ay tungkol
sa pagtulong sa aming mga sarili.

Tama! Sino ang makakapagpalawak ng Titser, matutulungan natin ang ating


ideya? mga sarili sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng ating mga talento at
wag ito ikahiya.

Magaling, mga bata! Talagang tanda n’yo pa


ang nakaraang aralin.

2. Pagganyak (Motivation)
Sa puntong ito ay magkakaroon tayo ng
isang gawain. May larawan akong ipapakita
sa inyo.
Opo, titser!

Mabuti! Ano ba ang ginagawa ng mga tao sa


larawan?

Naglilinis po, titser!

B. Paglinang na Gawain (Developmental


Activities)
1. Paglalahad ng Presentasyon
(Presentation)
Mula sa larawan na inyong tinukoy, may
ideya ba kayo kung ano ang pag-aaralan
natin ngayong umaga? Kalinisan po, titser!

Oo, tama!

Ngayong araw, tatalakayin natin ang


pagpapanatili ng kalinisan sa inyong paligid.

a. Pagbibigay Pamantayan (Setting of


Standards)
Bago tayo magsimula sa ating gawain at
leksyon, alamin muna natin kung ano ang
dapat gawin ng isang mabuting
estudyante. Anu-ano nga ba ang mga ito?

Makinig nang mabuti, Titser.


Mahusay, mga bata! Ang lahat ng inyong
sinabi ay tama, maasahan ko ba iyan sa Hindi makipag-usap sa katabi, Titser.
inyo?
Makilahok sa gawain, Titser.

2. Presentasyon ng mga Alituntunin/


Konsepto/ Pangkalahatang mga Ideya Opo!
(Presentation of Rules/ Concepts/ General
Ideas)
Ang pagpapanatili ng kalinisan sa ating
paligid ay hindi lamang nakaka benepisyo sa
ating paligid kundi ito din ay benepisyo sa
ating sarili upang mapanatili nating malusog
ang ating katawan. Kung makalat at marumi
ang ating paligid malaki ang tiyansa na tayo
ay magkasakit.

Ngayon mga bata, handa na ba kayo na


makinig sa ating talakayan?

3. Pagtatalakay ng mga Halimbawa Opo, Titser!


(Discussion of Examples)
Ang mga larawan ay ang mga pangunahing
ginagawa natin sa ating bahay. Pagwawalis,
pagpupunas ng mga bintana, paghuhugas ng
pinggan at pagliligpit ng higaan. Ito ay
simple lang na gawain pero mahirap kapag
ikaw ay isang tao na tamad at hindi marunng
maglinis.

Ngayon basahin ninyo ang teksto sa pahina


28 at magbigay kayo ng mga saloobin o
ideya tungkol sa nabasa.

Alam niyo ba na kapag tayo ay marunong


maglinis ng katawan at ng paligid ay (Maaaring iba-iba ang sagot)
nakakaramdam tayo ng kaligtasan sa ating
sarili. Tayo ay malayo sa mikrobyo na siyang
sanhi ng pagkakasakit.

Ngayon alam niyo ba kung maglinis ng sarili


at paligid?

Opo, titser!

C. Panapos na Gawain (concluding Activities)


1. Paglalahat (General Ideas)
Ano ang ating tinalakay ngayon araw na ito? Titser, ito ay tungkol kalinisan po.

Ano ang iba’t-ibang gawaing bahay na alam


ninyo? Pagwawalis, paghuhugas ng plato,
pagpupunas, pagligo po, titser!

Magaling!

2. Paglalapat (Application)
Panuto: Bubunot ako ng sampung pangalan
gamit ang spin the wheel. Kung sino man
ang mabubunot na pangalan ay siyang (Maaaring iba-iba ang sagot.)
magbabahagi ng kanilang mga karanasan sa
paglilinis ng paligid.
3. Pagpapahalaga (Valuing)

Bakit mahalaga ang pagpapanatili ng Upang malayo kami sa mga sakit,


kalinisan sa inyong paligid? teacher!

Magagawa niyo bang mapanatili ang


kalinisan sa inyong bahay at paligid ng Opo, titser!
inyong bahay?
Hindi magtapon ng basura kung saan-
Magagawa niyo bang maglinis ng hindi saan, titser!
sinasabihan ng inyong mga magulang?
Opo, titser!
Oo, mahusay!

IV. Pagtataya (Evaluation)


Panuto: Sagutan ang nasa pahina 27.

V. Takdang Aralin (Assignment)


Panuto: Isulat sa inyong kwaderno. Ipaliwanag nang hindi lalagpas sa tatlong (3)
pangungusap.ang kasabihang, “Ang kalinisan ay kasunod ng pagiging maka-diyos.”

You might also like