You are on page 1of 10

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY

National Center for Teacher Education


The Indigenous Peoples Education Hub
North Luzon Campus
Alicia, Isabela

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


IKALAWANG BAITANG

Ipinasa nina:

Angeline Agregado

Mark John Ajanil

Chrys Harl Lyne Antipuesto

Beverly Joy Gutierrez

Azenette Dumbrigue

Hanna Bea Mauricio

Annie Stephanie Rumbaoa

Hannah Yvonne Sabado

Ariane Seriosa

Ipinasa kay:
Propesor Femilyn Crooks
HEALTH
Unang Baitang

I. Layunin

Pagkatapos ng apatnapung (40) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang


maisasagawa ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang mga pagkakataon na kailangan nang hugasan ang mga kamay;

2. Nagagawa nang wasto ang paghuhugas ng mga kamay; at

3. Nasasabi ang kahalagahan ng paghuhugas ng mga kamay.

II. Nilalaman:

a. Paksa: Kahalagahan ng Wastong Paghuhugas ng Kamay

b. Sanggunian: Kahalagahan ng Wastong Paghuhugas ng Kamay, Modyul 2&3 pg


1-9.

III. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Instructional Materials, timba,tabo, palanggana,


sabon, tubig.

IV. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

Mga Arawang Gawain


1. Pagbati
(Babatiin ng masigasig at masigla ng
guro ang mga bata)
Magandang araw mga bata. Magandang araw din po, ma’am!

2. Panalangin
Bago tayo magsimulang magklase,
pasalamatan muna natin ang Panginoon. Opo Ma’am.
Lovely, maaari ka bang magdasal?
Panginoon, maraming salamat po sa buhay na
binigay niyo at sa panibagong araw upang
kami ay matuto. Bigyan mo po kami ng
kalakasan at pag uunawa sa klase ngayong
araw. Manguna ka po sa lahat ng aming
gagawin. Lahat ng pasasalamat at kagalakan
Maraming salamat Lovely sa iyong ay itinataas ko po sayo. Amen.
panalangin.

3. Pagsuri ng lumiban sa klase


May lumiban ba sa klase ngayong
araw na ito? Wala po, ma'am.
Mabuti naman, masaya akong marinig
na narito ang lahat para matuto.

4. Pagganyak
Ngayon naman ay mayroon tayong
aawitin na kanta at ito ay pinamagantang
"Ang Aking mga Kamay". Kakatahin natin ito
sa tono ng Incy Wincy Spider.
Ako muna ang kakanta at pagkatapos
ay sasabay na kayo. Maliwanag ba mga bata? Opo, ma'am!

Dalawang mga kamay


Itaas, iwagayway
Kapag ito ay marumi
Hugasan palagi
Sabunin, kuskusin,
Banlawan at punasan
Malinis kong mga kamay
Kay gandang
pagmasdan.

Ayan! Ngayon naman ay tumayo ang lahat at (Tatayo ang mga mag-aaral at aawitin ang
ating awitin ito. kanta kasama ang guro)

B. Panlinang na Gawain

1.Paglalahad

(Ipapakita ang unang larawan)


Ano kaya ang tawag sa nasa larawan?

Magaling!
 Mikrobyo/virus/ germs po, teacher.

Maganda ba ang dulot ng germs sa katawan?


 hindi po kase nagbibigay siya ng sakit.
(Ipapakita ang pangalawang larawan)

Ano naman ang napapansin niyo sa larawan


na ito?
 Palaruan/Playground po, teacher.
D’yan po kami naglalaro ng mga
kaibigan ko.
Ang mga mikrobyo ay nakukuha sa mga
palaruan kase maraming naglalaro doon. At
marami ding mga dumi kaya dun namamalagi
ang mga mikrobyo.

(Ipapakita ang pangatlong larawan)

Eh dito, anong mayroon sa larawan?

Anong napapansin niyo sa mga katawan at  Batang naglalaro sa putikan, teacher.


damit nila?
 Madumi po, teacher
Tama, ang mikrobyo ay pwedeng makuha sa
paglalaro ng putik at buhangin kasi gustong-
gusto ng mga mikrobyo ang mga maruruming
bagay.

(Ipapakita ang pang-apat na larawan)

Ano kayang nangyari sa bata sa larawan?

Tama, dahil ang mga mikrobyo ay maaaring  Nakahiga po siya teacher kase may
makuha sa mga may sakit. Kaya Naman sakit siya.
sinasabihan tayo ni mama o ni papa na huwag
lalapit sa may sakit kase anong nangyayari
kapag lumapit sa may sakit?
 Mahahawaan po ng sakit, teacher.
Kaya naman para maiwasan ang sakit at
upang maging malinis mula sa mga mikrobyo,
ano kaya ang dapat nating gawin?
(Ipapakita ang hauling larawan)

Anong ginagawa ng bata sa larawan?


 Naghuhugas po, teacher.
Magaling! Ngayon, sino sainyo ang laging
naghuhugas ng kamay pagkatapos maglaro at
bago kumain? (Magtataas ng kamay)

Wow, nakakamangha naman. Kung gayon,


upang mas malaman ang kahalagahan at
paraan ng paghuhugas. Narito si Teacher (?)
para turuan kayo.

2. Pagtatalakay
Mayroon akong mga gamit rito sa
aking bag. Ang gusto kong gawin ninyo ay Opo, teacher.
bumunot kayo rito at sabihin ninyo kung ano
ang masasabi ninyo sa bagay na nabunot (Bumunot ng gamit)
ninyo. Naiintindihan ba?

Mabuti. Lyndel, maaari ka bang bumunot?


 Opo, teacher.

Ano ang masasabi mo sa nabunot mo?  Ito po ay matigas, mabango at kulay


puti. Ito po ay sabon at bumubula po
Mahusay! ito pag nababasa.

Sino pa ang gustong bumunot?


Ako po, teacher!

Sige, Edielyn. (Bumunot ng gamit)

Ano ang masasbai mo Edielyn sa iyong


nabunot?  Ito po ay malambot, ginagamit na
pamunas. Ito po ay bimpo.

Tama ba ang sagot ni Edielyn?


 Opo.
Magaling, Edielyn!

Ang mga bagay na iyong nakuha ay


ginagamit natin sa paghuhugas ng kamay. (Magtaas ng kamay at sumagot)
Tuwing kailan tayo naghuhugas ng kamay?
Bago kumain po, teacher.

Pagkatapos kumain.

Kapag madumi ang kamay.

Pagkatapos maghawak ng lupa.

Tama. Kailangan nating maghugas para


matanggal ang mga duming nakakapit sa
ating mga kamay.

Sa paghuhugas ng ating kamay ay mayroon


tayong sinusundan na proseso.

(Ipakita ang kamay sa proseso habang


isinasagawa)

Una, mahalagang basain muna


natin ang ating mga kamay.
Pangalawa, gumagamit tayo ng
sabon.
Pangatlo, kuskusin ang mga
kamay ng palad sa palad.
Pang-apat, ipatong ang kanang palad sa likod
ng kaliwang kamay at ilagay ang mga daliri
sa pagitan ng isa’t isa,
pagkatapos ay gawin rin sa kabilang
kamay.
Pang-lima, idikit ang kamay
sa palad at ilagay ang mga daliri sa
pagitan ng isa’t isa.
Pang-anim, idikit ang likod ng mga daliri sa
palad ng kabilang kamay at
pagkawingin ang mga daliri. Pangpito,
kuskusin ng paikot ang
kaliwang hinlalaki gamit ang
kanang kamay, tapos gawin rin sa
kabilang
kamay.
Pang-walo,
kuskusin ng paikot ang kaliwang
palad, gamit ang mga daliri ng
kanang kamay tapos gawin rin sa
kabilang
kamay.

Inyo bang nasundan ang aking ginawang Opo, Teacher!


proseso ng paghuhugas?

Kung gayon, sino sa inyo ang may gustong


sumubok na gawin itong muli? Ako po, Teacher!

Sige nga , Jireh. Ipakita mo ngang muli sa


iyong mga kamag-aral.

(Ipapakita ng mag-aaral)

Magaling.

Maaari niyo ba muling subukan Lyndel at


Lance.

(Ipapakita ng mga mag-aaral)

Magagaling!

3. Paglalahat

Ang huhusay at ang gagaling ninyo! Ngayon


batay sa ating tinalakay na gawain kanina
talaga namang napakahalaga na pangalagaan
at mayroong kaalaman kung paano
pangalagahan at kung paano ang wastong
paghuhugas ng kamay, dahil hindi lamang ito
patungkol sa upang tayo ay maging malinis
kundi para tayo ay makaiwas sa mga sakit.

Muli, anong aral ang inyong matutunan mula


sa ating aralin, tungkol sa wastong
paghuhugas Ng kamay? Pwede bang
magbigay ng isa?
Fauna? Upang makaiwas po tayo sa sakit

Ano pa bukod sa makaiwas tayo sa sakit?

Lyca? Upang tayo po ay maging malinis.

Sa tingin nyo ba mahalaga ang ang


paghuhugas Ng kamay? Opo

Bakit kaya? Dahil kapag hinuhugasan po natin ng wasto


Ang ating mga kamay ay makakaiwas tayo sa
sakit at upang tayo ay maging malinis.

Magaling at mahusay! Lahat ng nabanggit


nyo ay tama.

C. Pangwakas na Gawain

I. Paglalapat

At dahil mukhang naintindihan niyo ng


mabuti ang ating talakayan. Magkakaroon
tayo ng isang masayang gawain.
Sinong nakakaalam sa kantang
"Ang mga Ibon na Lumilipad"

(Itataas ang kanilang kamay)

Ayan, halos lahat kayo ay alam ang kantang


ito. Ngayon naman kami ay may inihanda
kaming kanta para sainyo na pinamagatang
“Ang mga bata na naghuhugas” sa tonong
Ang mga Ibon na Lumilipad. Ito muna ay
aming kakantahin gamit ang mga kagamitan
na aming dinala sa paghuhugas na aming
dinala. Pagkatapos ay sabay-sabay natin itong
kakantahin at gagawin.

Naintindihan ba ng lahat? Opo.


(gagawin ng guro)

Naintindihan ba ng lahat? Opo.


Kung ganoon maaari na ba nating Opo.
simulan? Maaari na tayong tumayo at sabayan
kami sa pag kanta.

"Ang mga bata kapag naghuhugas


ay lumilinis kanilang kamay

Ang mga bata na mababait


ay nag huhugas ng mga kamay

Kayat ugaliing maguhugas


ng kamay."

Nag-enjoy ba kayo sa paghuhugas ng kamay?


Malinis na ba ang ating mga kamay? Opo
Nasundan na ba ang wastong Opo
paraan? Opo
Magaling. At dahil nasundan niyo na, may
inihanda akong maikling pagsusulit
para sa inyo.

D. Pagtataya

Lagyan ng ✅ kung wastong paraan sa

paghuhugas ng kamay lagyan naman ng ❎


kung hindi.
_____ 1. Punasan ang mga kamay pagkatapos
mag hugas.
_____ 2. Hayaang laging madumi ang kamay
_____ 3. Banlawang mabuti ang mga kamay
sa paghuhugas nito.
_____ 4. Kuskusin ng sabon ang bawat daliri
ng kamay.
_____ 5. Huwag gumamit ng sabon sa
paghuhugas ng kamay.

E. Takdang Aralin
Isagawa ang natutunan niyo ngayong araw
patungkol sa tamang paghuhugas ng kamay sa
bahay. Ipakita sa mga magulang ang tamang
paghuhugas ng kamay at hayaan sila na
panoorin kung tama ba ang proseso na
ginagawa.

You might also like