I.
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang limang mag aaral ay inaasahang;
A. Makilala ang limang pandama
B. Matukoy ang gamit ng limang pandama
II. Paksang Aralin
A. Limang Pandama (Five Senses)
B. Kagamitam: Larawan ng limang pandama, powerpoint presentation, papel, lapis, crayola.
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtetsek ng liban at hindi liban, pagsasaayos
ng loob ng silid-aralan.
d. Panlinang na Gawain.
1. Dril
Pagtambalin ang mga bahagi ng katawan sa
larawan.
2. Pagganyak
(Pagbuo ng puzzle ng larawan ng mga
pandama)
Magpapakita ng larawan ng pandama. Ano
ang nakikita niyo sa unang larawan? Ang nasa larawan po ay isang bibig.
Mahusay! saan natin ginagamit ang bibig?
Ginagamit po natin ang bibig sa pagkain.
Magaling! E itong ating pangalawang
larawan?
Ang nasa larawan po ay isang ilong teacher.
Tama, saan natin ginagamit ang ating mga
ilong? Ang ilong ay ating ginagamit upang makaamoy.
Magaling! Ang ating aralin sa araw na ito ay
may kaugnay sa mga larawang aking pinakita. Opo!
handa na bang makinig ang lahat?
B. Paglalahad
Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang
limang pandama. paki-ulit nga. Limang pandama.
Ilibot ang mata sa loob ng ating silid-aralan. Ano
ano ang inyong mga nakikita?
Upuan!
Pisara!
Magagaling! Alam niyo ba kung ano ang ginamit Electricfan!
niyong bahagi ng katawan upang makakita?
Tama! Ang ating ginamit ay ang ating mga mata Mata!
upang tayo ay makakita.
Magpapakita ng larawan ng mata.
Ito ay ang ating mga mata. Tinutulungan tayo ng
ating mga mata upang tayo ay makakita, dahil sa
ating mga mata ay nakakakita tayo ng mga hugis,
iba’t ibang kulay at magagandang tanawin. pero
upang maalagaan ang ating mga mata ay may
mga bagay tayo na dapat tandaan.
una sa panonood ng tv ay bawal ang masyadong
matagal at masyadong malapit dito dahil lalabo
ang ating mata kapag lagi natin itong ginagawa.
ganun din sa paggamit ng mga gadyets o
telepono at syempre kailangan nating kumain ng
masusustasyang pagkain upang mapanatiling
malinaw ang ating mga mata.
Naiintindihan niyo ba ang gamit ng ating mga
mata?
Magaling! Sunod naman ay kilala niyo ba itong si
mario?
Si maria ay may kakayahang malaman ang niluto
ng kanyang nanay na ulam kahit ito ay may takip. Opo!
paano kaya iyon nagagawa ni maria?
Ito ay nagagawa ni maria sa pamamagitan ng
kanyang ilong dahil sa ating ilong tayo ay Hindi po.
nakakaamoy. nakakaamoy tayo ng mabango
katulad ng mga bulaklak, sabon, pabango at mga
paborito nating pagkain. sa tulong ng ating ilong, Paano po teacher?
nakakaamoy din tayo ng mga mababaho tulad ng
basurahan, mga nabubulok na pagkain at uson ng
sasakyan kaya dapat niyong tandaan na kapag
ikaw ay nakakaamoy ng mababaho ay dapat
mong takpan ang iyong ilong maaari kang
gumamit ng panyo upang matakpan ito at upang
maprotektahan sa mababahong amoy. Iyang ang
ating ilong, ginagamit natin ito upang tayo ay
makaamoy.
Saan ulit ginagamit ang ating ilong?
Magagaling! ipikit niyo naman ngayon ang inyong
mga mata at pakinggan ang inyong paligid. Ano
ano ang inyong naririnig?
Anong bahagi naman kaya ng katawan ang ating
ginagamit upang makarinig?
Tama! ang ating tenga. sa ating tenga nakakarinig
tayo nga iba’t ibang tunog sa paligid. nakakarinig
tayo ng mahinang tunog katulad ng paghuni ng
ibon, tunog ng orasan, at mga bulong, yan ang Pang amoy!
mga halimabawa ng mahihinang tunog. sa tulong
din ng ating tenga nakakarinig din tayo ng Teacher naririnig ko po kayong nag sasalita.
malakas na tunog tulad ng tunog ng kidlat.
sino dito ang takot sa tunog ng kidlat?
Tenga po.
Busina ng mga sasakyan, pag sigaw ng mga tao at
tunog ng eroplano. yan ay halimbawa ng
malalakas na tunog. kapag ikaw ay nakakarinig ng
malalakas na tunog at sumasakit ang iyong tenga
ay kailangan mo itong takpan gamit ang iyong
mga kamay. Iyan ay ating tenga, ginagamit natin
ito upang tayo ay makarinig.
Saan nga ulit natin ginagamit ang ating mga
tenga?
Pagmasdan niyo naman ang dalawang larawan na
ito. Ang bulak at ang bato. kapag sila ay ating
hinawakan, ano kaya ang kanilang pinagkaiba.
Ako po teacher!
Tama! ang bulak ay malambat ang bato ay
matigas. anong bahagi ng katawan kaya ang
gagamitin upang malaman ang lambot at tigas ng
isang bagay?
Magaling! ito ay ang ating mga kamay. ginagamit
natin ang ating mga kamay upang tayo ay
makadama. halimbawa ay ang malambot at ang Sa pakikinig!
matigas.
Halimbawa ng mga malalambot na bagay bulak,
unan, stuff toy at tinapay. Mga halimbawa naman Malambot at Matigas po teacher.
ng mga matigas ay bato, kahoy, helmet at bakal.
sa tulong ng ating mga kamay ay nanadama din
natin ang mga bagay na makinis at magaspang.
ang mga halimbawa ng mga makikinis ay salamin,
plato, at tv. halimbawa naman ng mga bagay na
magaspang ay hallowblocks, basket at pinya. iyan Kamay po teacher!
ang ating mga kamay. tinutulungan tayo nito na
madama ang bagay sa ating paligid. ano nga ulit
ang tumutulong sa atin upang madama ang mga
bagay?
Mahusay! ang susunod naman ay ang ating dila.
ilabas mo nga ang iyong dila. sa tulong ng ating
dila ay nalalasahan natin natin ang iba’t ibang
pagkain. nakakalasa tayo ng matamis, katulad ng
kendi, tsokolate at cake. nakakalasa din tayo ng
mga bagay na maasim tulad ng kalamansi, pias at
suka. nakakalasa din tayo ng maalat katulad ng
french fries, toyo at asin. nakakalasa din tayo
mapait katulad ng ampalaya, mga gamot at kape.
alin sa mga ito ang paborito mong lasa?
Magaling! iyan ay ang ating dila. tinutulungan
tayo nito upang malasahan natin ang ating
kinakain. ano nga ulit ang tumutulong satin
upang malasahan ang ating mga kinakain?
Tama! Ngayon naman ay dadako na tayo sa ating
aktibidad ngayong araw. handa na ba kayo?
Kamay po teacher!
(Ibabahagi ang sagutang papel sa klase)
Sa ating pagsasanay ay kulayan ang pandama na Matamis!
iyong gagamitin upang masagot ang mga tanong.
mayroon kayong sampung minuto para sagutan
ang binigay na gawain ni teacher.
Magaling! mukhang natuto talaga kayo sa ating
aralin ngayong araw.
Ang ating dila po teacher!
C. Pagtalakay
1. Anong mga pandama ang ginamit
natin upang makakita?
2. Upang marinig natin ang mga tunog
sa ating paligid, anong bahagi ng
ating katawan ang gagamitin? Opo!
3. Ito ang tumutulong upang
malasahan natin ang ating mga
kinakain
4. Anong bahagi ng katawan ang
tumutulong upang malaman natin
na ang isang bagay ba ay matigas o
malambot?
5. Upag malaman ba natin ang isang
bulaklak ay mabango, anong
pandama ang ginagamit upang
makaamoy?
D. Paglalapat
(Present objects let the pupils pick 1 and
identify each and tell what sence organ
use.)
E. Pangkatang Gawain
Pangkat 1: Pagtambalin ang larawan sa
ngalan nito)
Pangkat 2: Bilugan ang wastong
pandama pra sa larawan)
Pangkat 3: Isulat ang wastong
pandamang gagamitin sa bawat bilang
(maglagay mg larawan o salita o
sitwayon)
F. Paglalahat
Anu-ano ang mga pandama ?
Ang mga Pandama ay ang mga sumudunod:
a. Mata_ ginagamit upamg tayo ay makakita
b. Tenga
c. Dila
d. Ilong
e. Kamay
IV. Pagtatasa
Lagyan ng tsek ang (/) ang bahagi ng katawan na ginagamit sa gawaing nakalarawan.
V. Takdang Aralin o Kasunduan
Kulayan ang ang pandama na iyong gagamitin para sa mga bagay na nasa larawan.