You are on page 1of 13

Masusing Banghay Aralin

sa

Science III
Prepared by:

KRISTINE I. MONTEMAYOR

Checked by: Student Teacher

ANNABELLE A. RABINO
Reviewed by:
Resource Teacher
GINA FE SP. TESORO

Master Teacher III

Approved by:

MARICEL D. DANTIC PhD

Principal II
Masusing Banghay Aralin sa Science
Grade III
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala ang mga bagay na may buhay at walang buhay
b. Naihahambing kung paano sila naiiba sa bawat isa batay sa kanilang mga
katangian
c. Nabibigyan ng halaga ang mga bagay na may buhay at walang buhay sa mga
tao

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Paglalarawan ng mga Bagay na may Buhay at Walang Buhay
b. Sangguinian: MELC: S3LT-Ile-f-9 Science 3 pahina 24 to 28
Daily Lesson Log Science 3 Week 5
c. Kagamitan: PowerPoint Presentation, Big Book, Pictures, Puzzle, Video

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Engage
Balik Aral
Sa ating nakaraang aralin ay
tinalakay natin ang mga
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
hayop, tama?

Ngayon, suriin natin kung meron


nga ba kayong natutunan sa ating
nakaraang aralin.

Sino ang makapag bibigay sa akin Manok, titser


ng hayop may dalawang paa? Kalapati, titser

Mga hayop na may apat na paa Kabayo, titser


Aso, titser

Mga hayop na may sungay? Kalabaw, titser


Kambing, titser

Ano ang pagkakatulad ng aso at


kalabaw? Pareho silang may apat na paa, titser

Ano naman ang hindi pagkakatulad Ang manok ay may dalawang paa, ang aso
ng manok at aso? ay may apat na paa

Magaling!
B. Explore
Bago tayo magsimula sa ating
bagong aralin, gusto niyo ba
munang mamasyal? Opo, titser

Okay! Ipagpalagay nalang natin na


tayo ang mga taong namamasyal na
nasa video. Gusto ko habang tayo ay
namamasyal ay tignan at pagmasdan
ng mabuti ang paligid dahil mamaya
pagkatapos nating mamasyal ay may
mga katanungan ako. Naintindihan
ba? Opo, titser

Nagustuhan niyo ba ang ating


pamamasyal? Opo, titser

Pinagmasdan at tinignan niyo ba ng


mabuti ang paligid? Opo, titser

Kung ganon ay handa na kayong


sagutin ang aking mga katanungan.

Ano ano ang mga nakita ninyo mula Aso


sa ating pamamasyal? Ibon
Tao
Gusali
Bisikleta
Pagkain

Magaling! At ang mga bagay na ito


ay mayroong pagkakatulad at hindi
pagkakatulad sa isa’t isa.

Tignan ang dalawang hanay na ito

Aso Gusali
Ibon Bisikleta
Tao Pagkain

Anong napapansin ninyo sa unang Ang mga bagay na nasa unang hanay ay
hanay? mga bagay may buhay, titser

Mahusay!
At sa pangalawang hanay naman? Mga bagay na walang buhay, titser

Magaling!

Paglalahad
Ngayon, bakit kaya natin pinag
uusapan ang mga bagay na may
buhay at walang buhay?

Yun ay dahil ang ating paksang


aralin ngayong araw ay,
“Paghahambing ng mga Bagay na
May Buhay sa mga Bagay na
Walang Buhay”

Ano na ulit ang ating paksang aralin “Paghahambing ng mga Bagay na May
ngayong araw? Buhay sa mga Bagay na Walang Buhay”

Handa na ba kayong matuto? Opo, titser

C. Explain
Pagtatalakay
Ngayong nagkaroon na kayo ng
ideya tungkol sa mga bagay na may
buhay at walang buhay, alamin
naman natin ang mga katangian nila.

Unahin natin ang mga katangian ng


mga may buhay? Sinong Ang mga bagay na may buhay ay
makapagbibigay ng mga katangian humihinga
nila? Ang mga bagay na may buhay ay lumalaki

Magaling!

Anong napapansin ninyo sa Ang paglaki ng lalake, titser


larawan?

Tama! Dahil ang unang katangian


ng mga bagay na may buhay ay,

1. May kakayahang lumaki at


magbago ang timbang.

Tignan muli ang larawan, ito ay


nagpapakita ng paglaki ng lalaki
mula sa pagiging sanggol hanggang
siya ay nagbinata. At syempre,
kasabay ng kaniyang paglaki ay ang
pagbabago rin ng kaniyang timbang.

Maliban sa tao, ano pa sa tingin


ninyo ang may kakayahang lumaki
at magbago ang timbang? Mga hayop, titser

Gaya ng? Manok, titser. Mula sa pagiging sisiw


hanggang sa lumaki ito at maging ganap na
manok.

Mahusay!

Dumako naman tayo sa


pangalawang larawan,

Ano ang napapansin ninyo? Ang mga larawan ay nagpapakita ng


pamilya, titser

Mahusay! Ito ay nagpapakita ng


pamilya, dahil ang ikalawang
katangian ng mga bagay na may
buhay ay,

2. May kakayahang magparami

Bukod sa mga nasa larawan, ano


ano pa ang mga bagay na may
buhay na may kakayahang Isda, titser
magparami? Ibon, titser

Magaling!

Ang mga tao, at hayop ay may


kakayahang magparami sa
pamamagitan ng pangananak.

Paano naman ang puno? Paano sila Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga


nakakapagparami? buto nito, titser

Tama!

Ngayon naman ay tignan ang


ikatlong larawan,

Ano ang ipinapakita ng larawan? Paghinga, titser

Tama! At ano ang tawag sa hangin


na nilalanghap nating mga tao? Oxygen, titser

At naglalabas naman tayo ng? Carbon dioxide, titser

Magaling! Ngayon, bakit natin


pinag uusapan ang pag hinga? Dahil
ang ikatlong katangian ng mga
bagay na may buhay ay,

3. May kakayahang huminga

Bukod sa hangin, ano pa sa tingin


ninyo ang kailangan natin para
mabuhay? Pagkain, titser
Tama!

Ngayon bago tayo magpunta sa ika-


apat na larawan, maaari ba kayong Paglakad
magbigay ng mga kilos o galaw na Pagtakbo
nagagawa ng tao? Pagtalon
Magaling! Tignan ang larawan,

Anong nakikita ninyo? Naglalakad na aso at lalake, titser

Tama! Ito ay nagpapakita ng


paglalakad o pag galaw dahil ang
ika-apat na katangian ng mga bagay
na may buhay ay,

4. May kakayahang gumalaw

Ang mga tao at hayop ay sariling


nakakagalaw tulad ng paglakad,
pagtakbo, at pagtalon patungo sa
iba’t ibang direksyon.

Dumako naman tayo sa ika-limang


larawan,

Anong nakikita ninyo sa larawan? Iba’t ibang emosyon, titser

Tama! Ito ay nagpapakita ng iba’t


ibang emosyon. Bukod sa mga nasa
larawan, ano pa ang ibang emosyon Lungkot, titser
ang nararamdaman natin? Takot, titser

Magaling! Bukod sa tao, kanino


niyo pa nakikita ang mga emosyon Sa mga hayop, titser
na yan?

Mahusay! Dahil ang tao at hayop ay


mga may buhay at ang mga may
buhay ay may kakayahang
makaramdam ng emosyon gaya ng
saya, lungkot, gulat, at galit kaya
naman ang ika-limang katangian ng
mga bagay na may buhay ay,

5. Nakakaramdam ng iba’t ibang


emosyon

Ano na ulit ang limang katangian ng


mga bagay na may buhay?
1. May kakayahang lumaki at magbago
ang timbang.
2. May kakayahang magparami
3. May kakayahang huminga
4. May kakayahang gumalaw
5. Nakakaramdam ng iba’t ibang
emosyon
Okay! Ngayon naman ay tignan ang
larawan,

Ano ano ang mga nakikita ninyo sa Bahay


larawan? Eroplano
Upuan
Ilaw
Bisikleta
Bato
Sasakyan
Swing

Okay! Ang mga bagay ba na inyong


binanggit ay may buhay o mga
bagay na walang buhay? Walang buhay, titser

Tama! Ang mga ito ay mga bagay


na walang buhay dahil tatalakayin
naman natin ngayon ang mga
katangian ng mga bagay na walang
buhay.

Ang mga katangian ng mga bagay


na walang buhay ay kabaligtaran ng
mga katangian ng mga bagay na
may buhay. Tulad ng,

Paki basa,

Katangian ng mga Bagay na Walang Katangian ng mga Bagay na Walang


Buhay Buhay

1. Walang kakayahang lumaki at 1. Walang kakayahang lumaki at magbago


magbago ng timbang ng timbang

2. Walang kakayahang magparami 2. Walang kakayahang magparami

3. Walang kakayahang huminga 3. Walang kakayahang huminga

4. Walang kakayahang gumalaw 4. Walang kakayahang gumalaw

5. Walang nararamdamang 5. Walang nararamdamang emosyon


emosyon
Bukod sa mga nasa larawan, Sapatos
magbigay nga kayo ng iba pang Bola
halimbawa ng mga bagay na walang Blackboard
buhay. Bag

Ang lupa, may buhay ba ang lupa? Wala po, titser

Ang bato? Wala po, titser

Mahusay!

Ang lahat ng katangian ng mga


bagay na may buhay o organismo sa
paligid ay hindi taglay ng mga
bagay na walang buhay. Subalit dito
nakasalalay ang pananatili ng buhay
ng mga organismo.

Isang magandang halimbawa nito ay


ang tubig, malaking tulong ito sa
mga bagay na may buhay katulad ng
tao, hayop, at halaman. At ilan
naman sa mga bato at lupa ay
naging bahay ng iba’t ibang uri ng
hayop.

Naintindihan ba, mga bata? Opo. titser

May katanungan? Wala po, titser

Kung ganon ay handa na kayo para


sa isang pagsasanay.

D. Elaborate
Ginabayang Pagsasanay
Kaya naman, ilabas ang inyong
happy at sad face emojis na nasa
lamesa ninyo

Panuto: Itaas ang happy face (😊)


kung ang pahayag ay nagpapapakita

😊
ng kawastuan at sad face (☹) naman
kung hindi.

1. Ang tao ay halimbawa ng bagay


na may buhay.

2. May kakayahang huminga ang
mga bagay na walang buhay.

3. Ang mga bagay na may buhay


ay may kakayahang gumalaw.

😊
4. Ang mga bato, gusali, hangin, at
tubig ay maaaring magparami.

5. Ang mga nabubuhay na bagay


ay maaaring lumaki, magparami,
at gumalaw.

Napakahusay!

Paglalahat

😊
May katanungan ba?

Kung wala ay ako ang magtatanong,

Ano na nga ulit ang ating paksang


tinalakay?

At ano ano ang mga halimbawa ng


mga bagay na may buhay?

Wala po, titser

Ano naman ang mga halimbawa ng


mga bagay na walang buhay?
Paglalarawan ng mga Bagay na may
Buhay at Walang Buhay

Tao
May kakayahan bang gumalaw mag Hayop
isa ang mga bagay na may buhay? Halaman
Puno
Nangangailangan ba ng pagkain ang Insekto
mga bagay na walang buhay?
Bahay
Napakahusay! Mukhang Sasakyan
naiintidihan niyo nga ang ating Upuan
paksang aralin ngayong araw. Lamesa
Telebisyon
Paglalapat
Ngayon naman ay igugrupo ko kayo
para sa isang pangkatang gawain. Meron po, titser

Ngunit bago yan, paki basa muna


ang panuto. Hindi po, titser

Panuto: Ang bawat grupo ay


mabibigyan ng mga napira-pirasong
larawan na dapat buuin (puzzle).
Pagkatapos mabuo ay tukuyin kung
ang larawan ay nagpapakita ng
bagay na may buhay o wala.

(Pagpapangkat)

(Pagsasagawa ng aktibidad)

Panuto: Ang bawat grupo ay mabibigyan


ng mga napira-pirasong larawan na dapat
buuin (puzzle). Pagkatapos mabuo ay
tukuyin kung ang larawan ay nagpapakita
ng bagay na may buhay o wala.

(Pagpapangkat)

(Pagsasagawa ng aktibidad)

Walang buhay, titser

May buhay, titser

May buhay, titser


Walang buhay, titser

May buhay, titser

Walang buhay titser

Walang buhay, titser

Napakahusay mga bata!

May buhay, titser

IV. Evaluation
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang salitang mayroong salungguhit sa pahayag ay
naglalarawan ng bagay na may buhay at ekis (x) naman kung ang salitang
nasalungguhitan ay bagay na walang buhay.

____ 1. Mabilis na pag gulong ng bola. ____6. Mabilis na takbo ng sasakyan.


____ 2. Malinis na upuan. ____7. Malusog na bata.
____ 3. Malalaki at matatabang aso. ____8. Preskong hangin.
____ 4. Napaka bangong bulaklak. ____9. Matibay na mesa at upuan.
____ 5. Mga itik at bibe. ____10. Malaking telebisyon.
V. Takdang Aralin
Panuto: Kopyahin ang tsart sa iyong kwaderno. Iguhit ang paborito mong halaman
o hayop sa unang kahon at ang iyong paboritong laruan sa loob ng ikalawang
kahon. Magbigay ng tig-tatlong katangian ng mga bagay na iyong iginuhit.

Ang guhit o larawan ng aking Ang guhit o larawan ng aking paboritong


paboritong halaman o hayop laruan

Mga Katangian ng May Buhay Mga Katangian ng Walang Buhay


1. _________________ 1. ______________
2. _________________ 2. ______________
3. _________________ 3. ______________

Inihanda ni,
Kristine I. Montemayor
Student-Teacher

You might also like