You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV– A CALABARZON
District of Binan City
Cluster II District
MALABAN ELEMENTARY SCHOOL

LINGGO 6 – Unang Araw


WORK PERIOD 2
Banghay Aralin sa Kindergarten

I. CONTENT FOCUS:

I have a body and I can do many things with my body.

II. PAKSANG ARALIN:

a. PAKSA: “I have a body. My body has different parts”


(Self-Potrait-Symmetry)
b. SANGGUNIAN: NKCG (National Kindergarten Curriculum Guide)
Pahina 79-82,86-87
c. KAGAMITAN: larawan ng buong katawan ng bata, larawan ng guro,
½ crosswise bond paper, lapis at pangkulay
Worksheets (Symmetry)
ICT-television; laptop (Powerpoint and video presentation)

d. INTEGRASYON: Values: Pagpapahalaga sa iba’t ibang parte ng katawan.


Science: Pagkilala sa iba’t-ibang parte ng katawan.
Numeracy: Pagbibilang ng iba’t ibang parte ng katawan.
Literacy: Pagkuha ng detalye ng kuwento.

III. PAMAMARAAN:

WORK PERIOD II (40 minuto)

 Layunin:
 Recognize symmetry (own body, basics shapes) (MKSC-00-11)
 Naisasagawa ang mga sumusunod na kasanayan: pagbakat, pagkopya
ng larawan, hugis at titik (KPKFM-00-1.4)

A. Panimulang Gawain

1. Balik- Aral
Shadow Match:
Itambal ang larawan sa kanyang anino.

2. Pagganyak:
 Ituro sa mga bata ang isang awitin tungkol sa “Iba’t ibang bahagi ng
katawan”

“Ako ay may ____, Salamat sa May Kapal”

Ako ay may *ulo na aking ginagalaw,


Aking ginagalaw, aking ginagalaw.
Ako ay may *ulo na aking ginagalaw,
Salamat sa May Kapal.

*ulo, balikat, bewang, tuhod, paa, katawan.

Tanong: Ano-anong parte ng katawan ang nabanggit sa kanta?


(Ipatuturo ng guro ang bawat parteng mababanggit ng mga bata.)
Kanino tayo dapat magpasalamat dahil sa mga parteng ito?
Sa inyong palagay, bakit dapat natin Siyang pasalamatan?
Mahalaga bang naigagalaw natin ang mga parte ng ating katawan?
Kung hindi mo naigagalaw ang katawan mo magiging masaya ka ba?
Bakit?

(Papasok ang integrasyon sa Values Education)

3. Paglalahad:
 Mga Pamantayan sa Pakikinig ng Kuwento.
Guro: “Ano-ano ang dapat tandaan sa pakikinig ng kuwento?
Una, isarado ang bibig.
Pangalawa, buksan ang tenga
Pangatlo, palawakin ang isip.

 Kasanayan sa parte ng aklat.


Guro: “Ano-ano naman ang parte ng aklat na napag-aralan na natin?
-Balat ng aklat, mga pahina at mga pangwakas na gawain.

(Papasok ang integrasyon sa Literacy)

 Pagpapalawak ng Talasalitaan.
1. Pantay (sa pamamagitan ng larawan)
2. Pananamit (pagsasakilos)
3. Magkapares – Ang iyong sapatos ay magkapares. Silang
dalawa ay magkapareho. (Context Clues)
4. Magkakaayon – Magkakaayon ang mga kahon, sila ay pantay-
pantay at maayos. (Context Clues at larawan)

 Pangganyak na tanong.
Guro: “Naranasan niyo na bang pumasok sa paaralan na hindi magkapareho
ang medyas?
“Naranasan niyo na rin bang magkamali ng butones at maging hindi
pantay ang polo/unipormeng suot?

 Ipapakita ng guro ang pabalat ng aklat at pag-uusapan kung ano kaya


ang maaaring nilalaman ng kwento.
Si Metri at si Metring
Ito si Metri, isang batang maayos sa pananamit. Ugali niyang
siguraduhing magkakaayon ang lahat ang suot sa kanyang katawan.
Pantay ang hawi ng buhok, Pantay din ang pagbutones ng polo.
Pantay ang medyas sa kaliwa at kanan. Pantay ang lahat ng bagay sa
kaniya.

Ito naman si Metring, siya ay kabaliktaran ni Metri. Hindi


niya napapansin ang suot niya sa katawan. Madalas gulo-gulo ang
buhok. Nagkakamali din siya sa pagbubutones ng damit kaya hindi
nagpapantay ang polo niya. At kung anong medyas nalang ang
masuot kahit hindi ito magkapares. Hindi niya pinapansin kahit
hindi siya pantay sa paningin ng ibang tao.

Mga tanong:
1. Sino ang dalawang bata sa kwento?
2. Ano ang katangian ni Metri?
3. Paano naman si Metring?
4. Dapat bang maging maayos sa sarili ang isang batang gaya ninyo?
Bakit?
5. Sa inyong palagay, sino sa kanilang dalawa ang nais mong gayahin
at bakit?

(Papasok ang integrasyon sa araling Values Education)

4. Pagmomodelo:

Gamit ang sariling larawan ng guro bilang puzzle, bubuuin ng guro ang sariling
larawan habang tinatanong ang mga bata kung ang mga bahagi ng katawan na
ipinakikita ng guro ay symmetrical o magkapantay sa kaliwa at kanan.
Ipapakita din na hindi magkapantay kung hahatiin naman ang taas at baba na
bahagi.
Bahagi ng Katawan Kaliwa Kanan Symmetrical
1. Kilay
2. Mata
3. Butas ng Ilong
4. Pisngi
Taas Baba
5. Noo at baba

Ipapabilang ng guro ang mga bahaging mababangit kung tig iilan ang mga ito
upang masabi din ng mga bata na may tig-isang bahagi ang kaliwa at kanan.

(Papasok ang integrasyon sa Numeracy)


5. Talakayan:
Guro: Masdan natin ang bata sa larawan, Alin sa mga
parte ng katawan niya ang may kapares o may kapantay?
(Pumili ng isang batang gagawing modelo upang tukuyin ng
mga kaklase ang mga bahagi ngkatawan na may mga kapares.)

*Pupurihin ng guro ang mga batang nakakasagot gamit ang


mga salitang “Mahusay”, “Magaling”, “Very good!”
*Bibigyan din ng spaghetti clap ang batang nagging modelo”

Guro: Ang tawag sa isang bagay na hinahati sa gitna at


makakagawa ng dalawang magkapantay na bahagi ay
“pagkakaayon-ayon o symmetry”

Iuugnay ng guro ang mga bahagi ng katawan sa hugis bilang pagpapalawig sa aralin.

Guro: Anong hugis nahahawig ang ulo? (bilog)


Ang hugis bilog ba ay may symmetry?

Ang ilong ay hawig sa tatsulok.


Ang hugis tatsulok ba ay may symmetry?

Ang ating katawan naman ay hawig sa parihaba.


Ang parihaba ba ay may symmetry?

6. Mga Gawain:
GINABAYANG PAGSASANAY: (Pangkatang Gawain)

 *Mga Pamantayan sa Pakikinig ng Kuwento.


Guro: “Ano-ano ang dapat tandaan sa paggawa ng pangkatang gawain?
Ang grupong makakatapos ng gawain na maayos at tahimik ay
makakakuha ng star.
7. Paglalahat:

Guro: Mayroon akong papel ditto at hahatiin natin sa gitna.

Mga tanong:
Sa ilang bahagi ko ito nahati?
Pantay ba ang pagkakahati sa dalawang bahagi?
Ano ang tawag natin kapag nahahati sa pantay na bahagi ang isang bagay o
hugis?
Sa inyong palagay, dapat bang pantay ang mga parte ng ating katawan?
Magbigay ng pwedeng mangyari kapag hindi pantay ang mga bahagi ng
katawan natin.

8. Pagtatataya:
MALAYANG PAGSASANAY:
Self-Portrait:
Iguhit sa kalahati ng inyong papel ang: 1 mata, 1 kilay, kalahati ng ilong at kalahati ng bibig. Sa
kabila naman iguhit ang: 1 mata, 1 kilay, kalahati ng ilong at kalahati ng bibig, upang mabuo
ang iyong mukha,

Self-Portrait:
Iguhit sa kalahati ng inyong papel ang: 1 mata, 1 kilay, kalahati ng ilong at kalahati ng bibig. Sa
kabila naman iguhit ang: 1 mata, 1 kilay, kalahati ng ilong at kalahati ng bibig, upang mabuo
ang iyong mukha,

Prepared by:

GREANALYN DV. REYES


Teacher I
GLICEL K. SALVADOR
Master Teacher I

NENETTE M. LACUARIN
Principal I

You might also like