You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I

I. MGA LAYUNIN:

 Natutukoy ang mga salitang magkasalungat.


 Nasasabi kung ang pares ng salita ay magkabaliktad ang kahulugan.
 Napahahalagahan ang mga salitang magkasalungat sa paglalarawan ng
bagay, tao, lugar.

II. PAKSANG ARALIN:

a. Paksa : Mga Salitang Magkasalungat


b. Sanggunian : Kasanayan sa Filipino I
c. Kagamitan : Power Point Presentation,Video Presentation
d. Pagpapahalaga : Pagiging masunurin

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING BATA

A.PANIMULANG GAWAIN
1.Panalangin

2.Pagbati
Magandang umaga mga bata!
 Magandang hapon po
3.Balik-aral

Mga bata, bago tayo dumako sa ating bagong


aralin, sino sa inyo ang nakakatanda ng ating
huling pinag-aralan?
 Ang huli po nating pinag-aralan at
tungkol sa mga salitang
magkasingkahulugan po.
Magaling!
Sino ang makapagbibigay ng halimbawa ng
salitang magkasingkahulugan?

 Ibat-ibang kasagutan ng mga bata.


(Magpapakita ang guro ng plaskard at tutukuyin
o sasabihin ng mga bata ang tsek (/) kung ang
salita ay magkasingkahulugan
at ekis (X) naman kung hindi.)

________1.upuan-silya
________2.Tirahan-Tahanan

________3.3.Tahimik-Maingay

________4.Bata-Musmos

________5.Malamig-Maginaw

B. PANLINANG NA GAWAIN

1. Pagganyak
(Magbabasa ang Guro ng isang maikling
kwento.)

Si Langgam at Elepante

Si langgam at si Elepante ay matalik na


magkaibigan.

Si Langgam ay at si Elepante ay

Si Langgam ay laging masaya


samantalang si Elepante ay laging malungkot.

Si Langgam ay mababa ngunit si Elepante


ay mataas.
2. Paglalahad

(Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang larawan)

Mga Salitang Magkasalungat

Mabagal- Mabilis

Mataba- Payat Masaya- Malungkot

Maganda- Pangit Matanda- Bata


3. Pagtatalakayan

Mga bata ano ang nakikita nyo sa


larawan?
 Pagong po
Tama!

Nakakita na ba kayo ng pagong mga


bata?  Opo

Paano ba maglakad ang pagong?


 Ang pagong po ay mabagal maglakad.

Tama! Ang pagong ay mabagal maglakad.

Ano naman ang nasa ikalawang


larawan?  Kuneho po
Tama!

Paano kaya tumakbo ang kuneho mga


bata?
 Ang kuneho po ay mabilis tumakbo.
Magaling!

Ang salitang Mabagal at Mabilis ba ay


magkatulad ang ibig sabihin?  Hindi po

Mahusay!
Ang salitang mabagal at mabilis ay
hindi pareho ng ibig sabihin at ito ay tinatawag
nating salitang magkasalungat.

Tingnan naman ninyo ang kasunod na


larawan?Ano kaya ang katangian ng batang  Ang bata po ay mataba.
nasa larawan?

Tama! Ang batang nasa larawan ay mataba.


6. Pagsasanay

A. Pasalitang Gawain

( Magpapakita ang guro ng mga larawan at tutukuyin o sasabihin ninyo kung anong kasalungat
ang isinasaad ng larawan.)

1.

Mabagal - __________

2.

Mataba - _________

3.

Maganda - _________

4.

Masaya - _________

5.

Matanda - _________

B. Gawaing Pisara
Panuto : Piliin at isulat sa whiteboard ang titik ng tamang sagot.

Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

_________1. Marumi a. Masaya

_________2. Malamig b. Araw

_________3. Gabi c. Malinis

_________4. Makapal d. Mainit

_________5. Malungkot e. Manipis

7.Paglalapat
(Magbibigay ang guro ng dalawang gawain para sa mga babae at para sa mga lalaki.)

Gawain I (Para sa mga babae)

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang larawan ay nagpapakita ng


magkasalungat at malungkot na mukha naman kung hindi.

Gawain 2 (Para sa mga lalaki)

Panuto: Iguhit ang puso kung magkasalungat ang salita at kung hindi.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Lagyan ng (/) tsek kung magkasalungat ang salita at (x) kung hindi.

___1. mataba - payat

___2. matangkad - mababa


___3. gising - tulog

___4. unat - kulot

___5. masaya - malungkot

V. TAKDANG ARALIN

Gumupit ng larawan na magkasalungat ang ibig sabihin at idikit sa patlang

NAME: _______________________________ PUNTOS:


___________
TEACHER SANDRA PALOMA P. DESEO
Panuto: Lagyan ng (/) tsek kung magkasalungat ang salita at (x) kung hindi.

/ 1. mataba - payat

/ 2. matangkad - mababa

/ 3. gising - tulog

/ 4. . unat – kulot

/ 5. masaya - malungkot
BANGHAY
ARALIN SA
FILIPINO I
Inihanda ni:

SANDRA PALOMA P. DESEO


Guro sa Unang Baitang

You might also like