You are on page 1of 5

Asignatura: Filipino 8

Paksa: Paggamit ng Paghahambing


Tagal: Isang Linggo

TET Practice: Finger Holds (5 minuto)


Sagutin ang gawain na matatagpuan sa “Tuklasin natin!” (kasama ito sa ipapasa)
Basahin at unawain ang nilalaman ng “Alamin Natin!”
Basahing mabuti ang bawat panuto at sagutin ang mga sumusunod na gawain sa “Pag-isipan Natin!”
at “Pagyamanin Natin!”

Mga Layunin:
Pagkatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay:
1. nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan (eupimistikong pahayag);
2. nakikilala ang mga panlapi / susing salita sa hambingang magkatulad at di-magkatulad; at
3. naitatala ang kaibahan ng bawat karunungang-bayan gamit ang paghahambing.

TUKLASIN NATIN!

Gawain A:
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na panlapi/susing salita sa paghahambing upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa ¼ na bahagi ng papel.

Sing-, kapwa ga-, pareho/ng, kawangis

Gaya higit, lalo, mas di-gaano, di masyado

1. _________ nakaaaliw ang bugtong sa kaisipan.


2. _________ na malalim ang kahulugan ng sawikain kaysa salawikain.
3. Ang pag-aaral ng karunungang-bayan ay __________ saya ng paglalaro.
4. _________ mahirap na unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan.
5. Ang sawikain ay ____________ ng pag-ibig, nakatago ang tunay na kahulugan.

Gawain B:
Panuto: Kilalanin ang mga karunungang bayan sa ibaba. Isulat ang tamang letra na nagpapahiwatig ng tamang sagot ¼ na
bahagi ng papel.

_______1. Bigla na lamang lomobo ang katawan ni Nena dulot ng ilang A. Bugtong
buwang quarantine.
_______2. Madaling sabihin pero mahirap gawin. B. Salawikain
_______3. Mabenta ito tuwing pasko, kulay pula at kinakain ng tao.
C. Palaisipan
_______4. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
_______5. May limang krayola si Isko sa mesa nang biglang hawakan ni D. Sawikain
Ana ang isa, ilan ang natira?
E. kasabihan
ALAMIN NATIN!
PAGHAHAMBING
Sinasabing ang paghahambing ay bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Sang-ayon ka ba? Bakit Oo at bakit
Hindi? Sa paggising pa lang sa umaga ay namimili na tayo kung tatayo na ba sa higaan o matutulog pa ulit kahit gising na,
maliligo kaya o huwag na, mag-aalmusal pa ba o hindi na dahil baka mahuli sa klase? Magnonobyo na ba o susundin
muna si nanay o saka na lang, si Piolo na ba o si Coco Martin? Ang mga ito ay kadalasang maisasagawa kung mayroon
tayong paghahambingan.
Sa paglalahad na ito ay may isang mahalagang sangkap at ito ang hambingan ng pang-uri.
Ano ang paghahambing?
Ano ang pang-uri?
Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa
pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.
Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa katangian ng pangngalan. Halimbawa ng pang-uri ay
ang sumusunod: tangkad, ganda, talino, sipag, kapal, itim, mahabang buhok, lapad, at bigat.

Sa madaling salita, ihahambing natin ang katangian ng dalawang tao, bagay, pook at maging pangyayari.

May dalawang uri ng Paghahambing:


1. Pahambing na Magkatulad – patas ang katangian ng dalawang pinaghahambing. Sa magkatulad na katangian ay
ginagamit ang mga panlaping gaya ng magka-, sing-, sim-, sin-, magsing-, magsin-, ga-, at mga salita na pareho,
kapwa, kawangis, pares, pawang at tulad.
Halimbawa:
1. Magsingputi sina Odette at Eudora.
Panlapi pang-uri o katangian na pareho sina Odette at Eudora.

2. Ang mga labahin ni Inay ay gabundok na talaga.


Panlapi at ang katangian ng bundok na itinulad sa labahin ni Inay.

3. Ang bugtong at palaisipan ay kapwa nakakaaliw.


Pang-uri
Salita/susing salita sa hambingang magkatulad at nagpapahiwatig na
pareho lamang ang bugtomng at palaisipan na nakakaaliw.
2. Pahambing na Di-Magkatulad – ang dalawang pinaghahambing ay di magkatulad.

a. Palamang – nakahihigit sa katagian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamitan ng salitang higit,
lalo, mas, at di-hamak.
Halimbawa:
1. Di-hamak na gwapo at matalino ang nobyo ko sa nobyo niya.
Pang-uri/katangian na lamang o mas mataas
Salita/susing salita sa di magkatulad at palamang.
2. Makapal lalo ang ginamit na kumot sa ikalawang araw ng camping.
Salita/susing salita sa di magkatulad at nasa palamang.

Pang-uri/katangian na lamang o mas mataas.


3. Mas malalim ang kahulugan ng sawikain kumpara sa kasabihan.
Pang-uri/katangian na lamang o mas mataas.
Salita/susing salita sa di magkatulad at nasa palamang.
b. Pasahol – – kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamitan ito ng mga salita/ susing
salita na di gaano, di gasino, at di masyado.
Halimbawa:
1. Di masyadong palaaral si kapatid kumpara kay bunso.
Pang-uri / katangian na kulang sa isang inihambing
Salita/ susing salita sa di magkatulad
2. Di gaanong masarap magluto si ate kaysa kay inay.
Pang-uri / katangian na kulang sa isang inihambing
Salita/ susing salita sa di magkatulad

3. Di gasinong tamad si bunso ngayon kumpara kay kuya.


Pang-uri / katangian na kulang sa isang inihambing
Salita/ susing salita sa di magkatulad

Maaaring ilagay sa gitna o sa unahan ng iyong pangungusap ang mga susing salita/ panlapi sa paghahambing
depende sa gustong ayos ng pangungusap. Alalahanin na sa paghahambing ay dapat may katangian kang inihahambing.
Maaring dalawang tao o higit pa ang kasangkot sa paghahambing.

TYRON MARC S. COLIS


Inihanda ni: Subject Teacher Iniwasto ni: Checking Committee
Pangalan: ________________________________________ Baitang at Seksyon: _______________________

PAG-ISIPAN NATIN!
Gawain 1. Ako ba talaga iyan?
Panuto: Isulat sa patlang ang panlapi/ susing salita na ginamit sa pangungusap/pahayag sa ibaba at ipakilala kung
hambingang magkatulad o di magkatulad ba ang mga ito.

___________1. Di gaanong malaki at umiilaw ito, pero dito mo makikita ang mundo.
___________2. Masasabing kapwa napabayaan sa kusina ang mag-anak na iyan.
___________3. May limang kambing si Mang Kanor,uminom ng tubig ang isa at ang dalawa ay parehong lumundag. Ilan
ang natira?
___________4. Ang crush ay tulad ng math problem, kung hindi mo makuha, titigan mo na lang.
___________5. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay higit na di makakarating sa paroroonan

Gawain 2.
Panuto: Bumuo ng isang halimbawa sa alin man sa mga karunungang-bayan at palawakin ang paggamit ng
paghahambing. Isulat ang paghahambing na ginamit sa mga patlang na nasa ibaba.
Halimbawa:
Bugtong
1. Malambot ito na pareho ng isang unan, dumidikit sa ngipin kapag iyong tinikman.
Sagot: pareho - magkatulad

Sawikain
1. ___________________________________________________________________________________
Sagot:

Salawikain
2. ___________________________________________________________________________________
Sagot:

Kasabihan
3. ___________________________________________________________________________________
Sagot:

Palaisipan
4. ___________________________________________________________________________________
Sagot:
Bugtong
5. ___________________________________________________________________________________
Sagot:
PAGYAMANIN NATIN!
Pasok mga suki!
Panuto: Gumawa ng maikling iskrip ng patalastas. Maaring ito’y sa paraang kanta, rap song o kahit anong paraan ng
paglalahad na nanghihikayat. Palawakin ang paggamit ng limang (5) paghahambing. Isulat ang iyong sagot sa bakanteng
espasyo na nasa ibaba.

Halimbawa:
(Kanta ang paraan ng paglalahad)
Dito na kayo sa tindahan ko, mas malinis at walang mga ipis. Higit sa lahat ang tindera ko’y laging nagbibigay-
tawad. Di –hamak na masisiyahan kayo na animo’y nanalo sa lotto. Tiyak babalik ka pa na parang paru-paru.

Komento at Lagda ng Magulang

_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________

_____________________

You might also like