You are on page 1of 4

Asignatura: Filipino 8

Paksa: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa


Tagal: Isang Linggo

TET Practice: Pal Dan Gum (at least 3 steps - 5 minutes)


Sagutin ang gawain na matatagpuan sa “Tuklasin natin!” (kasama ito sa ipapasa)
Basahin at unawain ang nilalaman ng “Alamin Natin!”
Basahing mabuti ang bawat panuto at sagutin ang mga sumusunod na gawain sa “Pag-isipan Natin!”
at “Pagyamanin Natin!”

Mga Layunin:
Pagkatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay:
1. naiisa-isa ang mga teknik sa pagpapalawak ng paksa;
2. nasusuri ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa; at
3. nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: - paghahawig o pagtutulad -
pagbibigay ng depinisyon – pagsusuri.

TUKLASIN NATIN!
Panuto: Basahin nang mabuti ang talata at sagutan ang mga tanong na nasa ibaba sa sagutang papel.

Ikaw, may pangarap ka ba? Pangarap mo bang yumaman, maging sikat na artista, magaling na
negosyante, makapagtayo ng sariling eskwelahan, propesyunal sa napiling kasanayan o kaya’y maging
bayani ng bayan? Maging sino ka man, bata man o matanda, may pera o wala may pangarap at ito’y iyong
karapatan na TUPARIN, ABUTIN, MAKAMTAN AT MAKUHA. Ito ang mga salitang gusto kong
ITATAK, IDIKIT, ISAMA AT AT ITANIM sa inyong kaisipan at kalooban kapag naiiisip ninyo ang inyong
pangarap. “Libre” ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay mayroon nito, samakatuwid lahat ay maaring
umunlad.
Ako, noong bata pa ako pangarap kong matutong magbisikleta. Kaya araw-araw akong nakadungaw
sa bintana ng aming bahay at nag-aabang ng namimisikleta. Pinag-aralan ko kung paano sila nakakabalanse
at sinubukan kong gamitin ang luma naming bisikleta na mataas ng bahagya sa akin. Takot, pagod at hirap
ang dinanas ko pero nasa kalagitnaan na ako kaya hindi na ako maaaring sumuko. Paisa-isang metro ay
nakakatibay na ako hanggang sa natuto na ako. Ayos! Nakakatawa ba? Marahil. Ito ay isang anekdota na
aking iingatan na hanggang ngayon ay nagpapalakas ng aking loob.
Ang pangarap ay parang mga binhi na itinatanim sa matatabang lupa. Pinag-uukulan ng panahon,
lakas at alaga nang sa gayon ay lumaking matatag na kahit gaano kalakas ang bagyo di matutumba at
sandigan ng lahat. Ganoon talaga. Walang taong nagtanim na umasa na kinabukasan ay puno na. Wala rin
namang nagtanim ng ubas ng lumaki’t bumunga ay mangga. Ano nga ang iyong tinanim, mabuti o masama?
Makakatulong ba o makakasira? Simulan natin sa mabuting adhikain at sundan natin ng gawa. Huwag tayong
tumigil hangga’t di natin natutupad ang ating pangarap. Lahat ng nangangarap ay may kapasidad na tuparin
ang kanilang pangarap. IKAW, AKO, SIYA, TAYO! ay mga tao ibig sabihin may pangarap at ‘pag may
pangarap may potensyal na makamtam ito. Simulan na natin, hindi bukas, makalawa, o sa bagong taon kung
hindi NGAYON! Tara na!

Sanggunian: Pinoy Collection. (2020). Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Pangarap.


https://www.google.com/search?
Mga Gabay na Tanong:

1. Saan inihalintulad ang “pangarap” sa talatang binasa? Bakit?


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_.

2. Ayon sa talata, paano mo makakamit ang iyong pangarap?


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_.

3. Ano ang salitang “pangarap” para sa iyo?


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_.
ALAMIN NATIN!
TEKNIK SA PAGPAPALAWAK NG PAKSA
Ang isang talata ay isang serye ng mga pangungusap na nakaayos at magkakaugnay, at lahat ay may kaugnayan
sa isang paksa. Ang talata ay nagpapakita sa isang mambabasa kung saan nagsisimula at nagtatapos ang mga subdibisyon
ng isang sanaysay, at sa gayon ay matulungan ang mambabasa na makita ang samahan ng sanaysay at maunawaan ang
mga pangunahing punto nito. Ang bawat talata ay may istraktura. Ito ay hindi isang random na koleksyon ng mga
pangungusap. Ang mga bahagi na bumubuo sa teksto ay may kaugnayan sa bawat isa. Layunin ng isang talata ang
makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na magkakaugnay.
Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan,
maayos ang pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan.
May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposisyon.
1. Panimula - ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang paksa na na nais talakayin ng
manunulat at kung ano ang kanyang ipinaliliwanag, isinasalaysay, inilalarawan o binibigyang-katwiran.
2. Gitnang Tala o Talatang Ganap - Ito naman ang nasa gitnang bahagi ng isang komposisyon. Ito ay may
tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya upang ganap
na matalakay ang paksang nais bigyang linaw ng manunulat.
3. Wakas o Talatang Pabuod - ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang
mahahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang talata. Minsan ginagamit ito upang bigyang-linaw ang kabuoan ng
komposisyon.

Sa pagsulat ng talata, mahalaga ring bigyang-pansin ang pagpapalawak ng paksa upang higit na maging mabisa at
maliwanag ang pagsusulat o paglalahad. May iba’t ibang paraan o Teknik ang ginagamit sa pagpapalawak ng paksa, ilan
sa mga ito ang sumusunod:
1. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon - may mga salitang hindi kaagad maintindihan kaya’t kailangang bigyang
depinisyon. Maraming kaisipan na malawak kung iisipin kaya’t kinakailangang higit na masaklaw ang pagpapaliwanag
dito. Ang mga malawak na kaisipang ito ay dapat binibigyang diin sa pagbibigay depinisyon (ang kaantasan, kaurian, at
kaibahan ng mga salitang ito) upang hindi magkamali sa paggamit nito.
2. Paghahawig at Pagtatambis - may mga bagay na magkapareho o nasa sa iisang kategorya. May mga bagay rin
namang magkaiba. Samakatuwid, ang mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang
mga tiyak na katangian, samantalang ang mga magkakaiba ay pinagtatambis naman upang maibukod ang isa sa isa.
3. Pagsusuri - ito ang nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuuan ng isang bagay kundi pati na rin ang
kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa. Dahil sa pagsusuri mas madaling maunawaan ang kalikasan ng isang bagay.
Halimbawa nito ang konsepto ng isang akdang pampanitikan. Dito dapat talakayin ang kaugnayan ng mga bahagi ng
akdang pampanitikan tulad ng tauhan, tagpuan, banghay, at layunin ang pagkakasulat nito.

Sanggunian: Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 8 (2017), Ailene Baisa-Julian et al. Dela Cruz, J. (2018).
Pagtatala at Pagpapalawak ng Paksa. https://prezi.com/n7aiangshhsa/pagtatala-at-pagpapalawak-ng-paksa/
https://brainly.ph/question/553898

TYRON MARC S. COLIS


Inihanda ni: Subject Teacher Iniwasto ni: Checking Committee

Pangalan: __________________________________________ Baitang at Seksyon: ____________________

PAG-ISIPAN NATIN!
Gawain 1. Pinoy Henyo
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang na nasa ibaba.
1. Ano ang layunin ng isang talata?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

2. Paano magiging mabisa ang pagsulat ng isang talata?


___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

3. Ano ang kahalagahan ng mga teknik sa pagpapalawak ng paksa sa pagsulat ng isang talata?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

Gawain 2. Share it! Win it!


Panuto: Marami ng isyu o pangyayari ang nangyari sa buong mundo sa mga nagdaang panahon. Isa na dito ang
pandemyang nangyayari sa kasalukuyan, ang COVID-19. Dahil dito marami ang naantala at nagbago sa ating lipunan.
Magsaliksik tungkol sa “New Normal” na nararanasan natin ngayon at ipakita kung gaano kalawak ang iyong kaalaman
tungkol dito batay sa teknik na makikita mo sa ibaba. Bigyang diin ang paksa sa pagsasanay na ito. Gumamit ng ibang
papel para sa gawain na ito.

Pagbibigay ng sariling depinisyon sa “New Normal na Edukasyon sa Pilipinas”

Pagtutulad o paghahawig nito Kaibahan nito sa


sa ating “nakasanayang “nakasanayang edukasyon”
edukasyon”
Pagsusuri sa iba pang katangian ng “New Normal na Edukasyon sa Pilipinas”.

PAGYAMANIN NATIN!
Panuto: Pumili ng isang paksang nais talakayin. Bumuo ng isang komposisyon (tatlo hanggang limang talata) tungkol
dito at gamitin ang mga teknik na natutunan sa araling ito. Isaisip din ang mga uri ng talata ayon sa kinalalagyan ng
komposisyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Rubrik sa pagsulat ng Talata
Mga Krayterya 2 3 4 5
Maraming kakulangan May ilang kakulangan Kumpleto ang Kumpleto at
Nilalaman sa nilalaman ng talata. sa nilalaman na talata. nilalaman ng talata. komprehinsibo ang
Wasto ang lahat ng nilalaman ng talata.
impormasyon. Wasto ang lahat ng
impormasyon
Hindi maayos ang May lohikal na Maayos ang Mahusay ang
Organisasyon organisasyon ng mga organisasyon ngunit organisasyon, pagkabuo pagkakasunod-sunod ng
ideya. hindi masyadong ng talata. mga ideya sa kabuuan
mabisa. ng talata.
Kailangang baguhin Mga kahinaan dahil Mahusay dahil kakaunti Napakahusay dahil
Paggamit ng wika at dahil halos lahat ng maraming mali sa lamang ang mali sa walang mali sa gramar,
mekaniks pangungusap ay may gramar,baybay at gamit gramar, baybay at gamit baybay at gamit ng
mali sa gramar,baybay ng bantas ng bantas bantas may mayamang
at gamit ng bantas bokabularyo
Mahirap basahin dahil May kahirapang Malinis ngunit hindi Malinis at maayos ang
Presentasyon sa hindi maayos at unawain ang lahat ay maayos ang pagkakasulat ng talata
malinis na pagkakasulat pagkakasulat at ng pagkakasulat at ang
pangungusap mga pangungusap

Komento at Lagda ng Magulang

_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

You might also like