You are on page 1of 24

BICOL COLLEGE, INC.

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Cor. J. P. Rizal & R.F. Tabuena Sts.
Daraga, Albay, Philippines 4501
(First Semester S.Y. 2020-2021)

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Modyul 2.1- Teksto:
Kahulugan at Katangian
Baitang 11

Mr. Carlo N. Malate


Subject Teacher

Dr. Maricar T. Magcalen


SHS Coordinator
Filipino – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kwarter 1 – Modyul 2.1: Teksto: Kahulugan at Katangian

Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:

Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang


ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.

Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang


bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:

Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.


Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa
ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!
Teksto:
Kahulugan at
Katangian
Panimula:
Ang lahat ng mga nababasa natin ay maituturing na
teksto. Iba-iba ang uri nito. Siguro’y sabik ka nang malaman
kung bakit?

Halina’t alamin natin ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang


ginamit ng iba’t ibang uri teksto.
O, ano handa ka na ba?

Sa modyul na ito, inaasahan na


natutukoy mo ang kahulugan at katangian
ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t
ibang uri ng tekstong binasa.

Layunin
Para sa lubusan mong pag-unawa sa
modyul na ito, naririto ang mga bagong salita na dapat mong
kilalanin para sa araling ito.

Basahin natin.

Talasalitaan

Piksyon (fiction). Ang pangyayaring inilalahad ay nanggaling lamang sa kathang-isip


ng manunulat.

Di-piksyon (non- fiction). Ang pangyayaring inilalahad ng manunulat ay hinango sa


totoong pangyayari sa daigdig.

Pananaw o Punto de-vista (point of view). Ito ay ang ginagamit ng may-akda sa


paningin o pananaw sa kaniyang pagsasalaysay.

Obhetibo. Ang ginagawang pagpapahayag ng manunulat ay batay sa katotohanan


o paglalatag ng mga ebidensya.

Subhetibo. Ang pagpapahayag ng isang manunulat ay nakabatay sa kanyang


imahinasyon o kaya ay opinyon lamang.

Ethos. Tumutukoy ito sa karakter, imahen, o reputasyon ng tagapagsalita/manunulat.


Ang elementong ito ang nagpapasya kung kapani-paniwala o dapat bang pagkatiwalaan
ng tagapakinig ang tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat.

Logos. Tumutukoy ito sa opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng


tagapagsalita/manunulat. Panghihikayat ito gamit ang lohikal na kaalaman.
Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung may katuturan ba ang
sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig o mambabasa na ito ay
totoo.

Pathos. Tumutukoy naman ito sa emosyon ng tagapakinig/mambabasa. Elemento


ito ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng tagapakinig o
mambabasa.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating
aralin, subukin mo nga?

Panimulang Gawain

Panuto: Basahin ang bawat pahayag, isulat ang T, kung tama ang ipinapahayag at
M kung mali ang ipinapahayag.
______1. Ang tekstong naratibo ay nagsasalaysay ng mga mahahalagang
pangyayari.

______2. Layunin ng tekstong persweysib na hikayatin at papaniwalain ang mga


mambabasa.

______3. Nagbibigay ang tekstong prosidyural ng magkakasunod-sunod na


pamamaraan upang maisagawa ng matagumpay ang isang bagay.

______ 4. Nakabubuo ng malinaw na imahen sa isipan ng mambabasa ang tekstong


deskriptibo.

______5. Naglalahad ng pangangatwiran tungkol sa napiling panig ang tekstong


impormatib.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 22 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
Natutukoy mo ba agad ang kahulugan at katangian
ng tekstong nababasa mo?

Halika! Ang inihanda kong mga karagdagang


kaalaman at gawain ay magbibigay-linaw sa iyo upang
lubos mo itong maunawaan.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Naririto ang kahulugan at katangian ng iba’t ibang uri ng teksto:

TEKSTONG NARATIBO

Ang Tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na


maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling
lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon). Ang pagsulat nito ay maaring batay
sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din namang ito ay nanggaling mula sa
sarili niyang karanasan.

Ano-anong mga akda ang nabibilang sa piksyon? Ano-ano naman ang sa


di-piksyon?

Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong nagkukuwento na nabibilang sa akdang


piksyon ay nobela, maikling kwento, at tulang nagsasalaysay. Ang halimbawa naman ng
hindi piksyon ay talambuhay, balita at maikling sanaysay. Lahat ng halimbawang
nabanggit ay nagtataglay ng pagsasalaysay gamit ang wikang puno ng imahinasyon,
nagpapahayag ng emosyon sa mga mambabasa, at nagpapakita ng iba’t ibang imahen,
metapora at mga simbolo upang maging malikhain ang katha.

4
MGA KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO

Katulad ng iba pang uri ng teksto, ang naratibong teksto upang maging
epektibo ay may mga katangiang dapat taglayin.

Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng tekstong naratibo?

A. May iba’t ibang pananaw o Punto de-vista sa tekstong naratibo

Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa


mga pangyayari. Ito ang ginagamit ng manunulat sa paningin o pananaw sa
pagsasalaysay.

1. Unang Panauhan – sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang


nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig
kaya gumagamit ng panghalip na “AKO”.
2. Ikalawang Panauhan – dito mistulang kinakausap ng manunulat ang
tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit ng mga panghalip
na “KA” o “IKAW”.
3. Ikatlong Panauhan – ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay
isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa mga tauhan kaya ang
panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay “SIYA”.

Tatlong uri ng Ikatlong Pananaw:

1) Maladiyos na Panauhan – nababatid na niya ang galaw at iniisip ng lahat ng


mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya
ang iniisip ,damdamin at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
2) Limitadong Panauhan --- nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa
mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
3) Tagapag-obserbang Panauhan – hindi niya napapasok o nababatid ang
nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.

5
Kombinasyong Pananaw o Paningin – dito ay hindi lang iisa ang tagapag-
salaysay kaya’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.
Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay
sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang
naipakikilala sa bawat kabanata.

Ano pa ang katangiang dapat taglayin ng tekstong naratibo?

B. May paraan ng pagpapahayag ng diyalogo, saloobin, o damdamin sa


tekstong naratibo

May dalawang paraan kung paano inilahad o ipinapahayag ng mga tauhan


ang kanilang diyalogo.

1) Direkta o tuwirang pagpapahayag. Ang tauhan ay direkta o tuwirang


nagsasaad o nagsasabi ng kaniyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay
ginagamitan ng panipi (“ “). Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay
nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan.
Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw
sa kaniya ang eksaktong mensahe o sinasabi ng tauhan.

Paano ginagamit ang direkta o tuwirang pagpapahayag sa


pagsasalaysay sa tekstong naratibo?

Narito ang halimbawa:


“Donato, kakakin na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y
abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napapansing nakalapit na pala ang
ina sa kaniyang kinalalagyan. “Abay’y kayganda naman nireng ginagawa mo,
Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha?”
- Mula sa “ang Kariton ni Donato”

2) Di- direkta o di- tuwirang pagpapahayag. Ang tagapagsalaysay ang


naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan. Hindi na ito
ginagamitan ng panipi.

6
Paano naman ginagamit sa pagsasalaysay sa tekstong
naratibo ang di direktang o di tuwirang pagpapahayag?

Naririto naman ang halimbawa nito:


Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang ito’y
abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ina sa
kaniyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at
tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak niya.

TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ang Tekstong Deskriptibo ay nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa
katangian ng isang tao, lugar, bagay, o pangyayari. Naglalayon itong bumuo ng malinaw
na larawan sa isip ng mga mambabasa upang mapalutang ang pagkakakilanlan nito.
Ang tekstong ito ay laging sumasagot sa tanong na “Ano“. Ang deskripsyon ay maaring:
batay sa pandama - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig; batay sa
nararamdaman - bugso ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan; at batay
sa obserbasyon - obserbasyon ng mga nagyayari.

Sa tekstong ito, kahit hindi ka pintor ay makakabuo ka ng isang larawan gamit


ang mga salitang magmamarka sa damdamin at isipan ng mambabasa. Upang
mailarawan at mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa ang isang tauhan,
tagpuan, bagay, galaw o kilos, karaniwang gumagamit ang may-akda ng pang-uri at
pang-abay. Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy,
maririnig, malalasahan, mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na
nailalarawan kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imaheng ito.

Gumagamit din ang manunulat ng iba pang paglalarawan tulad ng


pangngalan, pandiwa at tayutay tulad ng pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao at
iba pa. Ang tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto,
partikular sa tekstong naratibo.

May dalawang paraan ng paglalarawan upang makamit ang layon ng


tekstong deskriptibo.

7
1. OBHETIBO O KARANIWAN. Pagbubuo ito ng malinaw na larawan sa isipan ng
mambabasa sa tulong ng pinagbatayang katotohanan. Walang kinalaman dito
ang sariling kuro-kuro at damdamin ng naglalarawan. Payak lamang ang
paggamit ng mga salita upang maibigay ang katangian ng nakita, narinig,
nalasahan, naamoy, at nararamdaman sa paglalarawan.
Halimbawa:
Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang pinatitingkad ng
mamula-mula niyang pisngi. Mahaba ang ang kanyang buhok na umaabot
hanggang sa baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan
naman ng kanyang taas.
2. SUBHETIBO O MASINING. Nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay
sa damdamin at pangmalas ng may-akda. Ang mga detalyeng inihahayag dito
ay nakukulayan ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansarili ng
naglalarawan. May layunin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o
mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang naranasan
nitong damdamin sa inilalarawan. Ginagamitan ito ng mga matatalinghaga o
idyomatikong pagpapahayag.
Halimbawa:
Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang
mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan.
Alon-alon ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit-inggit niyang
katawan at taas.

Basahin ang sumusunod na halimbawa ng deskripsyon.

Anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda sa paglalarawan?

Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa


nag-iinit na noo ni Danding.
(Mula sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes)

Tama!

Subhetibo ang ginamit na uri ng paglalarawan ng may-akda.

8
Anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda
Magaling! sa paglalarawan?
Obhetibo naman ang
Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang
ginamit na uri ng katawan at pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay
mukhang bata kaysa sadya niyang gulang. Ang kanyang
paglalarawan ng pagmumukha ay palaging anyong banal.
may-akda.
(Mula sa “Noli Me Ta ngere” ni Jose P. Rizal)

O, ano nakasusunod ka
ba? Mahusay kung ganoon.

Ipagpatuloy mo ang pagbasa at


sagutin ang mga tanong.

TEKSTONG IMPORMATIBO

Ang tekstong impormatibo ay isang babasahing di piksyon. Ito ay isang uri


ng pagpapahayag na ang layunin ay makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito
ng malinaw na paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang mga tanong na
ano, kailan, saan, sino at paano. Sa ibang terminolohiya, tinatawag din itong
“ekspositori”.

Ano-ano ang katangian ng isang tekstong impormatibo?

Tama!

Dahil layunin nitong maghatid ng tiyak na impormasyon, dapat ito ay madaling


unawain. Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, ang mga manunulat ay gumagamit
ng iba’t ibang pantulong upang magabayan ang mga mambabasa para mas mabilis
nilang maunawaan ang impormasyon. Ang ilan sa halimbawa ng mga pantulong ay
talaan ng nilalaman, index at glosaryo. Maari ding gumamit ang mga manunulat ng
mga larawan, ilustrasyon, kapsyon, grap at talahanayan.

9
Sa pagbuo ng tekstong impormatibo, mahalagang isaalang-alang ang
katumpakan ng nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na
kaalaman sa paksa, kung kaya’t dapat sila ay may mga sangguniang
pinagbabatayan. Dagdag pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay
kailangang mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makakabuti rin kung ang paksa
ay napapanahon sapagkat ito ay maaring makatulong upang maunawaan ng
mambabasa ang mga isyu sa lipunan.

Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatibo ay diksyunaryo,


encyclopedia, almanac, pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at
mga balita sa pahayagan.

TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang tekstong prosidyural ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang


mga hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay. Nagsasaad din ito ng
impormasyon o mga direksiyon upang ligtas, mabilis, matagumpay, at maayos na
pagsasagawa ng gawain.

Ano-ano ang kapakinabanagan ng isang tekstong prosidyural?

May tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga hakbang na dapat sundin upang


matagumpay na magawa ang anumang gawain.

Tumpak!

Magagamit ang tekstong prosidyural sa tatlong iba’t ibang pagkakataon. Una,


sa pagpapaliwanag kung paano gumagana o paano pagaganahin ang isang
kasangkapan batay sa ipinapakita sa manwal. Pangalawa, sa pagsasabi ng hakbang
kung paano gawin ang isang bagay o gawain tulad ng makikita sa mga resipi,
mekaniks ng laro, alituntunin sa kalsada at mga eksperimentong siyentipiko.
Panghuli, sa paglalarawan kung paano makakamit ang ninanais na kalagayan sa
buhay, tulad halimbawa ng kung paano magiging masaya, kung paano
magtatagumpay sa buhay at iba pa.

10
TEKSTONG PERSUWEYSIB

Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa


babasa ng teksto. Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo
isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang
siyang tama. Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin ang posisyong
pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.

Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang


ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang
isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-
akda.

Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas,


propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking.

Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng


panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay ang sumusunod:

1. Ethos - Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi


ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at
karanasan tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila
mahikayat na maniwala rito.
Halimbawa, ang isang taong nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang
isla sa Pilipinas gayong hindi pa siya nakakapunta rito ay maaaring maging kaduda-
duda. Gayunpaman, may iba pang paraan upang magkaroon ng krebilidad. Ang
estilo ng pagsulat ay mahalaga upang magkaroon ng krebilidad. Dapat na maisulat
nang malinaw at wasto ang teksto upang lumabas na hitik sa kaalaman at mahusay
ang sumusulat. Ang paraan ng pagsisipi ng sanggunian ay maaaring makatulong sa
pagpapatibay ng kredibilidad. Kailangang mapatunayan sa mga mambabasa na ang
mga datos at impormasyon ay wasto at napapanahon upang makumbinsi na ang
isinulat ay tama at mapagkakatiwalaan.
2. Pathos - Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang
mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling
madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng
mambabasa ay isang epektibong paran upang makumbinsi sila. Halimbawa, ang

11
pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng galit o awa ay isang mabisang
paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.
3. Logos – Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga
impormasyon at datos na kaniyang inilatag, ang kaniyang pananaw o punto ang
siyang dapat paniwalaan. Gayunpaman, isa sa mga madalas na pagkakamali ng
mga manunulat ang paggamit ng ad hominem fallacy, kung saan ang manunulat ay
sumasalungat sa personalidad ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan nito.

Kailangang tandaan na sa paggamit ng mga paraang ito dapat isaalang-alang


kung sino o anong uri ang mga taong may hawak na mataas na posisyon o mga
negosyante, makabubuting gumamit ng may kredebiilidad at mga wastong
impormasyon at datos upang sila ay makumbinsi, habang mayroon namang mga
mambabasa na nahihikayat kung gagamitan ng apela sa emosyon. Maari ding
gamitin ang lahat ng paraan o kung mayroon pang naiisip na ibang paraan na
magiging epektibo sa uri ng inaasahan mong mambabasa.

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Katulad ng tekstong persuweysib, layunin din ng tekstong argyumentatib ang


manghikayat o mangumbinsi ng mambababasa. Obhetibo ang tono ng tekstong ito
sapagkat nakabatay ito sa datos o impormasyong inilalalatag ng manunulat.
Ginagamit ng tekstong argyumentatib ang paraang logos. Upang makumbinsi ang
mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga argumento, katwiran, at ebidensyang
nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto.

Ang pangangatwiran ay ang diskursong sadyang isinusulat para sa


napakahalagang layuning makapaghikayat o mapapaniwala ang mga mambabasa sa
saloobin ng sumulat ukol sa kanyang paniniwala at paninindigan. Sa kayariang ito,
mariing binibigyang pagtalakay ang paglalahad ng mga detalye at kaalamang nais
mabigyan ng positibong reaksyon ng babasa o mga tagahatol nito. Dito ihahanay ng
manunulat ang kanyang proposisyon at argumentong nagbibigay-suporta sa mga
kaalamang nais niyang sang-ayunan ng mga mambabasa. Sa mga nabanggit na
kayarian, pinakasensintibo ang diskursong ito sapagkat nangangailangan ito ng

12
mabigat na ebidensya o patunay na makatotohanan ang ipinahahayag ng manunulat
(Mabilin et al.).

Ano ang pagkakatulad ng Tama!


tekstong persweysib at Ang tekstong persweysib at tekstong
argyumentatib?
argyumentatib ay kapwa
nangungumbinsi o nanghihikayat.

Ano naman ang


pagkakaiba ng tekstong
persweysib at argyumentatib?

Tumpak!
Ang tekstong persweysib ay subhetibo,
nanghihikayat ito batay sa opinyon at at sa
pamamagitan ng pagpukaw ng emosyon ng
mambabasa at pagpokus sa kredibilidad ng may-
akda samantalang ang argyumentatib ay
obhetibo. Nanghihikayat ito batay sa datos at
merito ng mga ebidensya.
.

Sa tatlong paraan ng
panghihikayat - ethos, pathos at
logos, alin ang ginagamit ng
tekstong argyumentatib?

Magaling!
Ang logos ang ginagamit na pamamaraan
ng tekstong argyumentatib. Gumagamit ang
may-akda ng mga ebidensyang nagpapatibay sa
kanyang posisyon o punto upang makumbinsi
ang mambabasa.

13
Yehey! Nakakatukoy ka na ng kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng teksto.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Halika! May mga inihanda akong gawain para sa iyo


upang dagdagan pa ang iyong kaalaman.

Simulan mo na
ang iba’t ibang gawain.
Panuto: Tukuyin mo ang uri ng teksto ayon sa
kahulugan at katangian nito. Isulat ang sagot na titik sa
iyong sagutang papel.
Pagsasanay 1

a. Naratibo d. Prosidyural
b. Deskriptibo e. Persweysib
c. Impormatibo f. Argyumentatibo

______1.Ito ay uri ng teksto na nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian


ng isang tao, lugar, bagay, o pangyayari.

______2.Ito ay tekstong di-piksyon, layunin nito ang makapagbigay ng impormasyon.

______3.Ito ay tekstong manghikayat o mangumbinsi ng mambabasa sa obhetibong


tono o pamamaraan.

14
______ 4.Ang tekstong ito ay nagkukwento ng mga serye ng pangyayari na
maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon) o nanggaling
lamang sa kathang isip o (piksyon).

_______ 5. Ang tekstong ito ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang
o proseso sa paggawa ng isang bagay.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 22.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa


ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin ang kahulugan at
katangian ng ng mga salitang ginamit
sa teksto at nakasulat ng madiin sa
bawat bilang.

1. Ang sumusunod ay mga babasahing di piksyon: talambuhay, balita, artikulo sa


magasin. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian
ang maibibigay mo para sa di piksyon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

15
2. Ang sumusunod naman any mga babasahing piksiyon: maikling kwento, tula,
nobela. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian
ang maibibigay mo para sa mga babasahing piksiyon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ang salitang impormatibo, ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa


pinagmulan ng salita, anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong
impormatibo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. May iba’t ibang pananaw o punto de-vista ang tekstong naratibo, unang
panauhan, ikalawang panauhan, ikatlong panauhan. Batay sa mga nabanggit na
mga pananaw ano anong kahulugan ang maibibigay mo para sa unang
panauhan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. May dalawang paraan kung paano inilahad o ipinapahayag ng mga tauhan ang
kanilang diyalogo, ang direkta o tuwirang pagpapahayag, o di direkta o di tuwirang
pagpapahayag. Batay sa mga nabanggit na paraan, anong kahulugan ang
maibibigay mo sa di direkta o di tuwirang pagpapahayag?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

16
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga
gawain upang masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.

Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng Pagsasanay 3


tekstong persweysib. Suriin ang bahagi na
nagpapakita ng katangian ng tekstong
persweysib. Sagutan ang mga tanong
pagkatapos. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

“Tara na’t Tangkilikin ang Sariling Atin”


Minsan may mga produktong pinoy na nababalewala na…
…dahil sa pagsakop ng mga iba’t ibang dayuhan sa bayan natin, naapektuhan ang
antas ng ating pamumuhay…
Lumipas ang maraming taon, unti-unti na natin nakakalimutan ang
produktong pinoy…mas lalong tinatangkilik ang mga produktong gawa sa ibang
bansa.
Ano pa ba ang hinihintay mo?
Ang bumagsak nang tuluyan ang ekonomiya ng bansang Pilipinas o ang
tuluyang pagkawala ng kulturang pinoy?
Huwag sana natin kalimutan ang pakikipaglaban ng mga bayaning
nagtanggol sa ating bayan!!
Kaya kumilos na at tangkilikin ang sariling
produkto… …para sa bansang ating kinagisnan.

1. Sa unang pagkakataong nabasa mo ito, ano ang iyong naramdaman? Ipaliwanag


ang iyong sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano-anong dahilan ang iyong naisip at hindi ka nakumbinsi ng tekstong ito?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

17
3. Ano-anong dahilan ang naisip mo at nakumbinsi ka ng tekstong ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Sa ngayong laganap na ang mga tekstong persweysib na nagtataglay ng mga


walang katotohanang pangako at paninindigan. Sa iyong palagay, ano ang
nararapat mong gawin bilang isang mapanuring mambabasa o matalinong
mamamayan ng bansang Pilipinas?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Anong aral ang iyong natutuhan at mas nais ibahagi sa iba pagdating sa mga
ganitong uri ng teksto?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 22.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

18
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot
dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling
pagsubok na lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Nalaman mo na ang kahulugan at katangian ng bawat isa. Balikan ang iba’t
ibang uri ng teksto. Ibigay ang kahulugan at katangian nito sa tulong ng graphic
organizer sa ibaba.

Uri ng Teksto Katangian ng uri ng


Teksto

Tekstong Impormatibo

Tekstong Deskriptibo

Tekstong Naratibo

Tekstong Prosidyural

Tekstong Persweysib

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 22.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


2 hindi nagawa 3 pataas hindi nagawa

19
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Karagdagang Gawain Tara magtulungan tayo!

Panuto: Gamit ang iyong kuwaderno at panulat, ikaw ay naatasang sagutin ang
mga sumusunod na katanungan. Ngayong alam mo na ang kahulugan at kayangian
ng mga teksto, suriin mo naman ang kahalagahan ng bawaty isa. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.

1. Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng teksto? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, alin sa mga ito ang kakailanganin natin sa pang-araw-araw na
buhay? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. May uri bang sa pananaw mo ay hindi mo magagamit sa pang-araw-araw na
buhay? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Masasabi mo bang naging makabuluhan ang panahong ginamit mo sa pag-aaral
ng iba’t ibang uri ng teksto? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo!

20
MGA SANGGUNIAN:

Aklat:
Atanaccio,, Heidi c., Lingat, Yolanda S. at Morales, Rita D. 2016. Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. C & E Publishing,
Inc. Quezon City.

Bandril, Lolita T., Villanueva, Voltaire M., Bautista, Alma T., at Pamles, Diana F.
2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Vibal group, Inc. Quezon City.

Bernales, Rolando A., Cordero, Ma. Elma B., Soriano, Jose Sonny N., Abenilla,
Gerry G., Conti, Therezia O., at Gonzales, Anna Lissa M. 2016. Pagbasa at
Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Mutya Publishing House. Quezon City.

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace G. 2017. Pinagyamang Pluma Pagbasa
at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Phoenix Publishing
House. Quezon City.

Gonzalvo Romeo Jr. P.2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pannaliksik.Unlimited Books Library Services & Publishing Inc. Intramuros
Manila.

Elektroniko:

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/

You might also like