You are on page 1of 2

Panukalang Proyekto

Pamagat: Community Pantry sa Barangay Bulo Petsa: Ika 28 ng Abril 2021

Pagpapahayag ng Suliranin:
Ang Proyekto na Community Pantry ay malaking tulong sa mga
mamamayan ng Barangay Bulo sa kadahilanang madaming
naghihirap sa lugar na ito at base sa ibang tao rito ay sila pa ay
umaalis sa barangay bulo upang mangalap ng pagkain sa ibang
lugar.

Description sa Panukalang Proyekto:


Ang Community Pantry ay isang pwesto sa komunidad kung
saan mayroong mga libreng pagkain o kung ano pa mang anyo ng
donasyon ang nakalatag at mayroong pahintulot ang sino mang indibidiwal na kumuha o kaya naman ay
mamahagi ng karagdagang suplay sa pantry.Ang prinsipyong "Magbigay ng ayon sa kakayahan. Kumuha
batay sa pangangailangan," ay ang batayang konsepto ng pamamahagi at pangangalap ng nasabing
proyekto. Ang mga nagtayo ng kani-kanilang mga community pantry ay palaging naglalagay ng pananda
sa isang maliit na karatula kung saan nakasaad ang prinsipyo. Naglalagay rin sila ng tanda na "inspired
by Maginhawa Community Pantry" bilang pagbigay pagkilala sa nagsimula at nagtaguyod nito. Ang
Community Pantry ay masasabi ring isang programa sa isang komunidad upang maturuan ang mga tao
na tumulong sa mga mahihirap at naghihirap ngayong panahon ng pandemya.
Mga Tiyak na Layunin:
-Upang matulungan ang mas nangangailangan nating kabarangay/kababayan
-Maiwasan ang paglipat ng lugar para lamang mangalap ng pagkain
-Matututong magbigay ang mga taong may kakayahan

Proseso:
-Pili ng isang lugar sa barangay na paglalagyan ng community pantry
-Hihingi ng Donasyon sa Barangay at sa mga taong may kakayahan mag bigay (walang halong pilit sa
pag hingi ng donasyon)
-Mananawagan ang Barangay sa mga taong nangangailangan at gustong magbigay sa Community Pantry

Badgyet-20,000
John Andrei G. Marquez
STEM 12-Einstein
This study source was downloaded by 100000822266431 from CourseHero.com on 04-28-2022 07:28:26 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/91346512/Larang-Proyektodocx/
This study source was downloaded by 100000822266431 from CourseHero.com on 04-28-2022 07:28:26 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/91346512/Larang-Proyektodocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like