You are on page 1of 1

KomFil 111

Kayanin mo 3
Panuto: Ipagpalagay mo na ikaw ang KABATAANG BARANGAY CHAIRMAN ng inyong
lugar. Magpapatawag ka ng pulong hinggil sa isang proyektong naiisip mo para sa mga
nasasakupan mong kabataan. Gumawa ng isang Agenda ng iyong pulong.
Pangalan ng Proyekto: Barangay Pag-asa Health Clinic
Target na Partisipant: Mga kabataan ng Barangay Pag-asa
Projeksyon ng Badjet: PHP 500,000
Oras/ Araw/ Petsa: 8:00 ng umaga, Linggo, ika –15 ng Enero, 2023.
Lugar ng Pulong: Barangay Hall
Layunin ng Proyekto:
Ang layunin ng proyektong ito ay upang makatulong sa mga kabataan ng Barangay Pag-
asa na makakuha ng libreng gamot, check-up at iba pang serbisyong medikal na kinakailangan
nila. Layunin din nitong magbigay ng pangunahing lunas, pangagalagaan ang bawat isang
kabataan at iba pang nasasakupan ng barangay.
Kahalagahan ng Proyekto:
Makakatulong ito sa pag-unlad ng komunidad, naisasalang-alang ang kalusugan ng
bawat indibidwal sa komunidad. Sa pamamagitan ng proyektong ito, hindi na sila mahihirapan
na pumunta sa malalayong ospital upang magpagamot.
Kalakasan ng Proyekto:
Magbibigay ng agarang tulong sa mga may sakit at maaring magkaroon ng akses ang
bawat isang indibidwal sa barangay o pamayanan. Maisasakatuparan ang layunin na magkaroon
ng maayos at malusog na pangangatawan.
Kahinaan ng Proyekto:
Hindi magiging sapat ang pondo para magpagawa ng health clinic. Maaring hindi
maisakatuparan kapag hindi naging sapat ang pondo na ilalaan para sa proyektong ito.
Mga Inaasahang Magsisidalo: Mga Sangguniang Kabataang Konsehal at iba pang opesyales ng
Barangay Pag-asa.

You might also like