You are on page 1of 3

KAPATID NA EDUARDO V.

MANALO
Tagapamahalang Pangkalahatan
IGLESIA NI CRISTO
#1 Central Avenue, Diliman, Quezon City

Mahal na Ka Eduardo,

Ako po si G. Romeo N. Songco Jr., ng Barangay 70 Sona 6, Distrito 1, Tondo,


Maynila, ay nabigyan ng pagkakataon na maglingkod bilang Punong Barangay noong
2010- 2013. Sa darating pong halalan sa Mayo 14, 2018 ay nais ko po muling tumakbo
para sa posisyon ng Punong Barangay. Ako po ay sumulat upang mapagkumbaba at
malugod na hilingin na mapabilang sa susuportahan ng kaisahan ng Banal Na Iglesia ni
Cristo.

Sa akin pong panunungkulan simula 2010- 2013 bilang Punong Barangay, maari
ko pong masabi na ako ay naging isang makabuluhan at epektibong lider, at
nakapagbigay ng maayos at karapat-dapat na serbisyo para sa aking mga
nasasakupan. Narito po ang ilan sa aking nasimulan na programa, at kung ako ay
magtatagumpay sa darating na halalan, ay sisikapin na ituloy at pagyamanin para
makatulong sa aking bawat na nasasakupan:

1. Pagtibayin ang komunikasyon sa ating National at Local Government upang


mapadali ang “channeling” at maging “primary intermediary” ng mga tulong at
benepisyo kagaya ng 4 P’s o Conditional Cash Transfer Program. Ang 4 P’s o
Conditional Cash Transfer program ay patuloy na pinagtitibay ng National Government
upang makatulong sa pangunahing Pamilyang Pilipino. Nais ko pong ipagpatuloy ang
aking nakaraang proyekto na bigyan ng headquarters ang mga coordinators, at maging
boses ng naturang programa upang madali silang maabot ng mga aking ka- barangay,
at kalapit na barangay, para sa kanilang mga katanungan/ suhestyon, etc.

2. Pamamahagi ng school supplies sa mga kabataan. Sa pamamagitan po ng


pagbibigay ng notebook, Crayola, lapis, at iba pang kagamitan pang-eskwela ay
nakatulong po ang Barangay na makabawas sa gastusin ng bawat pamilya. Isa rin po
ito sa paraan upang mapagyaman ang paniniwala ng bawat isa sa importansya ng
“formal education” at pagbibigay suporta sa “Day Care Program” ng DSWD;
3. Pagtitibay ng seguridad at kaayusan sa Barangay sa pamamagitan ng pag
“adopt” ng makabagong teknolohiya kagaya ng “CCTV o 24/ 7 Barangay Monitoring
Camera” at paglalagay ng street lights. Isa po sa binigyang pansin ng Barangay ay ang
paghahandog ng mas mahigpit na seguridad sa ating mga nasasakupan. Sa akin pong
panunungkulan ay nakapag lagay ng CCTV’s at “street lights” sa bawat kalye upang
mas mapaigting ang pagbabantay sa komunidad.
4. Pagpapanatili ng Kalinisan sa kapaligiran sa papamagitan ng “Declogging” at
“Barangay Clean- Up Drive”. Isa sa naging layunin sa aking panunungkulan ay
pananatili ng kalinisan sa kapaligiran at buong barangay. Nagsagawa po tayo ng
declogging para po masaayos ang mga kanal, at makaiwas sa maaring pagbaha.
Nagkaroon din po tayo ng “Barangay Clean- Up Program”, upang maipakita sa ating
mga nasasakupan ang kalagahaan ng pananatili ng kalinisan sa Barangay.

5. Pagbibigay ng oportunidad at kaalaman sa aking mga kabarangay sa


pamamagitan ng ng livelihood program. Tayo po ay nagkaroon ng Livelihood Program
kagaya ng “Process of Tocino- Making”, na ang layunin ay magbigay kaalaman sa ating
mga nasasakupan ng tamang proseso sa pag gawa ng tocino, at kaalam sa pagtatayo
ng maliit na negosyo upang makatulong sa pamumuhay ng bawat isa.

6. Paghimok sa ating mga kabataan sa pagiwas sa illegal na droga sa


pamamagitan ng sports. Binigyang pansin ko po ang kahalagahan ng sports bilang isa
sa paraan upang maiiwas ang kabataan sa noong lumalalang problema ng ating bansa
sa illegal na droga. Nagkaroon po tayo ng programa tungkol sa pangkalakasan, kagaya
ng basketball, chess, na may layunin na maging “sports and activity- inclined” ang
bawat kabataan upang makaiwas sa droga.

7. Scholarship Program. Sa pamamagitan ng “proper coordination”, ay nakapag


handog tayo ng Scholarship Program sa mga kabataan na nais ipagpatuloy ang
kanilang edukasyon ngunit walang sapat na kakahayang pinansyal. Pinagyaman ko po
ang layunin ng DepEd, dahilan upang ang mga matataas na government official at
NGO’s ay makapag handog ng Scholarship program sa aking mga kabarangay.

8. “Equal Employment Opportunities” Sa tulong ng Department of Labor and


Employment, ay nabigyan ang aking mga nasasakupan ng “Equal Employment
Opportunities”, na naging daan upang mapaglawak ang kanilang oportunidad at
kaalaman sa paghahahanap ng trabaho.

9. Pagsasaayos ng Barangay Hall. Binigyang halaga ko po na magkaroon ng


magandang tanggapan ang aking Barangay, upang magkaroon ng kaaya aya at
maayos na tanggapan na maaring puntahan ang bawat nasasakupan sa tuwing may
nais silang idulog sa Barangay.

10. Medical Mission. Nais ko po na magkaroon ng tamang benepisyong


pangkalusugan ang bawat mamamayan ng aking Barangay. Tayo po ay nagkaroon ng
mga medical mission na ang layunin ay magbigay ng kalidad na atensyong medical, at
pamamahagi ng mga libreng gamot, at libreng konsultasyon, upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mamamayan na nagkakaroon ng sakit at karamdaman.

Ang mga programa na nailahad ay ilan lamang sa aking nais na ipagpatuloy. Ako
po ay naniniwala na ang bawat isang nasasakupan ay may pantay na karapatan sa
lahat ng benepisyo at serbisyo na maaaring ibigay ng Barangay. Kung ako po ay
papalarin sa dadating na halalan, ay sisikapin ko na ibigay ang isang maayos at
epektibong pamumuno para sa bawat isang mamamayan ng barangay. Ibibigay ko po
ng buong katapatan ang isang “efficient and effective government service”, na may
layunin na pagyamanin ang pamumuhay ng bawat pamilya na nasasakupan ng
Barangay. Ako po at aking pamilya ay laging ninanais na makatulong sa kapwa, at hindi
po ako o kami gagawa ng mga bagay na labag sa doctrina at paniniwala ng Iglesia ni
Cristo, at buong pusong ibibigay ang suportang kinakailangan sa mga programa at
aktibidad na ilulunsad ng Banal Na Iglesia ni Cristo sa aming Barangay.

Muli po, ay mapagkumbabang hinihiling ko ang inyong positibong pagtugon at


mahalahang suporta sa darating na Barangay at SK Election sa Mayo 14, 2018.

Maraming Salamat po!

Mabuhay po ang Iglesia ni Cristo!

Lubos na Gumagalang,

Romeo N. Songco Jr.


Kandidato, Punong Barangay
Brgy. 70 Zone 6 District 1
Tondo, Manila 1012

You might also like